Perfect 42

Ilan oras din ako naghintay. Pero wala eh, hindi talaga ako makatulog. Seriously? Sinong tao ang makakatulog kapag nasa ganitong sitwasyon na, right? Kaya kahit gising na gising ako nagkunwari akong tulog. Malay ko ba, baka may nagbabantay pala sa akin kahit sobrang dilim nitong kwarto.

Hihikab sana ako nang may biglang tumapal na kamay sa bibig ko. Napadilat ako agad. OHMYGOD! Kinagat ko yung kamay niya nang bigla si'yang magsalita.

"Aray! Babae, ako 'to."

H-hunter? Hinampas ko ang kamay niya. I know nasa panganib kami ngayon, pero hindi ko parin maiwasan maramdaman 'yung sakit sa parte ng heart ko. Shiat lang kasi kapag naaalala ko. I hate it.

"Alam ko!" pagkukunwari ko sa kanya. "Hindi mo na kailangan na tumahimik ako dahil alam na alam ko!" tinakpan niya ulit ang bibig ko.

"Sabing h'wag ka maingay, hindi tayo makakatakas." ulit nito, at hinila ang kumot na nakatalukbong sa katawan ko. "Sundan mo muna ako, saka ko sa'yo ieexplain ang lahat na nangyari."

"Wala akong pakialam, Hunter! Iwan mo na lang ako rito."

Tiningnan niya ako ng parang tanga. "Pumunta ako rito para sagipin ka tapos ganyan sasabihin mo sa'kin?"

"Sino ba nagsabi pumunta ka dito?" pagtataray ko sa kanya at nagtalukbong ulit ng kumot.

"Babae---" naiinis na sambit nito. "Sumunod ka muna sa'kin ngayon. Saka ka na maginarte kapag ligtas na tayo."

Bumangon ulit ako. Shiat! Ako pa ang nag-iinarte ngayon, huh?! "That's not my point here! Hindi ka man lang nagsorry sa'kin! Ngayon hihilahin mo 'ko dito na para bang wala kang iniwan. Wala kang pinaasa! That's fine with me, Hunter. I can have Garreth para pwede ka na makipagsaya kay----"

"Sorry." he said.

Natigilan naman ako dahil hinawakan niya ang kamay ko. "Sorry, babae... Hindi ko man kayang ipaliwanag ang lahat sa'yo ngayon, sorry talaga..."

"Okay. Madali ako kausap." tumayo na ako with matching pagtali pa ng buhok. "I'm ready, I know the way come and follow me."

Hinawakan na naman niya ang kamay ko. "Mas alam ko kung saan ang daan dito, babae."

"Sinabi sa'kin ni Garreth kung saan ang 'easiest' way."

"Mabilis ka maligaw, babae. Hindi ka naman magaling sa direction. Makakalimutin ka pa."

"Trust me on this one, Hunter. Come on."

"Babae---"

Tinaasan ko si'ya ng kilay. Bwisit talaga itong lalaki na ito, sino ba kasi susundin niya? E sinabi na nga sa akin ni Garreth 'yung way, right?! OHMYGOD. Oo nga pala! Si Garreth! Kailangan ko siyang isama! Kailangan ko muna si'ya puntahan.

"Si Garreth," sabi ko. "Kailangan ko puntahan si Garreth."

Kahit madilim nakita ko ang pagbago ng ekspresyon ng mukha ni Hunter. "Susunod daw si'ya. Kailangan daw muna natin makatakas."

"I can't leave him here."

"Babae, I can't leave you here."

Hindi ako bigla makagalaw sa sinabi niya. Ngayon? Para bang hindi niya ako pinaasa. Shiat na pag-ibig naman 'to. Nakakabaliw. Ang sarap magpaiwan. Pero naisip ko, kung maiwan ako rito kay Garreth paano na ang future ko? Paano rin 'yung mga tao na nag-aalala sa'kin. Paano na ang lovelife na pinapangarap ko?

"Okay. Basta ako masusunod. I know the way!" hinila ko na ang kamay niya at nagtiptoe kami pareho palabas ng pinto. Halos tulog na ang mga gangsters dito sa bahay. May mga alak pa sa tabi nila, mukhang nilagayan ito nila Garreth ng pampatulog.

Dahan-dahan kaming lumalakad, ako? Todo effort while Hunter, he's walking like a normal man. Ano ba 'to? Dapat parang ninja kami ngayon. Pinanlakihan ko pa si'ya ng mata para lang sundin niya ang galaw ko.

Napabuntong hininga na lang si Hunter sa gusto kong gawin. Noong papalapit na kami sa pinto, pinigilan ako ni Hunter. Hinila ako papunta sa likod niya. He carefully turned the doorknob. Bigla ako napahinto, dahil naramdaman ko ang pagkati sa bandang ilong ko.

Kinalabit ko si Hunter. Gusto ko maghatching! Tinuro ko pa ang ilong ko, but it's kinda too late dahil napapikit na ang mata ko at ready na ilabas ng bibig ko ang hatching na salita. Pero mabilis na inilagay ni Hunter ang kamay niya sa bibig ko.

"Shh.." bulong nito, at hinila na ako palabas ng pinto.

Binitawan niya din ako. "Akala mo itutuloy ko 'no, nakakaisama din naman 'yung sarili ko paminsan-minsan ---hatching!" nanlaki ang mata namin pareho.

Bigla na akong hinawakan ni Hunter at hinila ako papalayo. I don't know if may nagising sa kagagahan ng ilong ko. But I hope wala. We run. Hindi alam kung saan pupunta.

"Pahamak ka talaga, babae." narinig kong sabi nito habang tumatakbo kami.

Hindi ko naman alam kung saan kami pupunta ni Hunter. I mean, OHMYGOD! Hindi dito 'yung sinabi ni Garreth! Pinigilan ko si'ya, huminto naman si Hunter. Shiat, buti madilim padin dito. Hindi kami basta basta makikita kapag may nagising I mean, I know right maputi pala ako. Kaya aangat 'yung kulay ko sa dilim.

"Ang sabi sa akin ni Garreth, dumeretso lang tapos kapag nakita 'yung hagdan turn left. Then may makikita tayong sasakyan papunta sa bangka."

May pag aalinlangan sa mukha ni Hunter. "Sigurado ka ba dyan?"

"Pwede ba, Hunter! Puso ko nga pinaasa mo tapos ngayon, iinsultuhin mo pa ako. Why don't you just trust me. I'm an expert at this!"

"Palagi kang naliligaw, babae."

"Not right now!" reklamo ko.

"Lower down your voice. Baka may makarinig satin."

"Oo," I crossed my arms. "Kaya sumunod kana sa'kin para makatakas na tayo dito at bumalik na sa normal ang mga buhay buhay natin."

"Oo na, babae. Ikaw na masusunod. Palagi ka naman tama." naglakad na si Hunter sa unahan ko.

Napakunot ako ng noo. Kita mo 'tong lalaki na ito, tinuturo ko lang naman 'yung tamang daan sa kanya sasabihan pa ako ng ganyan. Shiat. Nakakasama talaga ng loob. Bagay na bagay pati sila ni Josa, edi magsama na sila kapag nakaligtas na kami!

Andito pa naman si Garreth, right? I like him... Well, sort of. Pero kapag hindi ako tumigil sa kalandian ng isip ko ngayon. Malamang sa alamang, tuluyan na akong hindi mageexist sa mundong ito.

"Halika kana, babaeng always right."

"Duh," sagot ko, at nakipagunahan na kay Hunter sa paglakad. "Trust me on this one, hindi na tayo mapapahamak."

* * *

Unti unti nang sumisikat ang araw. Pagod na rin ako sa kakalakad. Hindi ko alam kung saan kami nagkamali, gusto ko isipin kung saan way ang hindi namin nasunod. Napatingin kami pareho ni Hunter sa langit na nag-uumpisa na lumiwanag.

Kagat labi akong napatingin kay Hunter. "Mali ata 'yung binigay ni Garreth..." sabi ko na lang. Although, hindi ako sure. Alam kong tama 'yung sinabi ni Garreth, sa sarili ko ako hindi na sigurado. Kung napakinggan ko ba maigi 'yung sinabi niya.

Dapat pala pinadrawing ko muna bago si'ya lumabas ng kwarto kagabi.

"Sinasabi ko na nga ba." nagpipigil na galit na sabi ni Hunter. "Ashley naman, sana sinabi mo kanina pa. Hindi 'yung puro 'I know the way' ang sagot mo sa'kin kanina."

"I have the car key naman eh..." sabi ko na lang at kinuha sa bulsa ko. Iniabot ko kay Hunter para hindi na si'ya madismaya sa katangahan ko right now.

"Paano kung gising na sila ngayon?"

"Hindi ko naman sinasadya..." sagot ko. "I know the way naman talaga. Napagrumble ko lang ata 'yung sinabi ni Garreth"

"Saan tayo ngayon? Bumalik na lang tayo sa bahay? Magpahuli sa kanila?"

Napatingin ako sa ibang direksyon. "Sorry naman... Basta narinig ko kasi.." napakagat ulit ako ng labi. Bigla ko kasi naalala 'yung pinakauna sa sinabi ni Garreth. "Turn left at may boat dun. Oo ata... Sa gilid ng bahay."

Napakamot si Hunter ng ulo. "Pucha naman." naglakad na ito palayo sa'kin. Hinabol ko naman si'ya syempre, alam ko kasing kasalanan ko 'to. "Hindi tayo joke time ngayon, Ashley. Sanan naisip mo 'yan kanina. Buhay natin dalawa nakasalalay dito. Pagnahuli nila tayo. Katapusan na ng lahat."

"Hunter, sorry talaga..." Kita niyo 'yon? Kahit may kasalanan din si'ya sa'kin, nagsosorry ako sa kanya. Eh, oo na. I'm the idiot one, right at this moment.

"Wala akong dala na kahit ano para iligtas ka." huminto si Hunter at tiningnan ako. "Nakakagago isipin kung paano ka ililigtas ngayon, babae. Walang gumagana na plano sa utak ko dahil kinakbahan ako na baka 'yung plano na maisip ko biglang pumalpak."

"Hunter..."

"At hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyari sa'yo na masama. Hindi ko alam kung saan ako pupulutin."

"Hunter naman..." sabi ko na nanghihina. Lumapit ako sa kanya para hawakan ang kamay niya. "Makakatakas tayo dito. Gaya ng sinabi ko kay Garreth..." I honestly told him what I said to Garreth. Iknwento ko din 'yung plano ko at yung desisyon ko.

Natahimik kami pareho after ko sabihin 'yun sa kanya. Hunter was walking infront of me, silently. Nang bigla akong may nakitang ahas sa harapan ko. Awtomatikong nanigas ang katawan ko. I can't move an inch.

"Hunter..." pabulong na sabi ko sa kanya.

"Shh," sabi nito. Pero hindi ko parin inaalis ang tingin ko doon sa ahas.

"Hunter.." medyo naiiyak na sabi ko.

"Naririnig ko na 'yung boses nila. Yuko, babae."

"Hunter..." nanginginig 'yung boses ko.

"Ano bang problema mo babae---" natigilan din si'ya ng makita kung ano ang nasa harapan ko. "H'wag kang gagalaw." mabilis nitong sabi. "Relax yourself." dahan-dahan itong lumapit sa'kin pero 'yung ahas parang nagustuhan ako dahil pumapaikot si'ya sa binti ko.

Gusto ko na ata mahimatay.

"Ashley..." pang-aaalo nito.

Lalapit na sana si'ya sa akin nang maaninag ko ang sasakyan ng mga gangster sa bahay na 'yon. Hindi na kami nakagalaw pa. Una, dahil nakatingin na sila sa amin. Pangalawa, nakatutok na agad 'yung baril sa aki. Pangatlo, dahil may isa pang ahas na nasa harapan ko.

Naiihi na ata ako. Worst come to worst talaga ang moment na 'to, bakit ngayon pa? Bakit?! Bakit!

"Sabi ko na nga ba tatakas kayo." sigaw ng isang lalaki. "Sorry, walang daan para makatakas kayo kundi lumangoy sa ilog na 'yan na puro ahas at buwaya."

"Ashley Esqueza..." boses naman ni Garreth. Bumaba ito ng sasakyan, he looks like in pain dahil may baril din na nakatutok sa kanya.

"Garreth..." nangangatog na ang tuhod na sabi ko. Nakatingin si Garreth sa akin, at inilapit pa lalo nung lalaking katabi nito 'yung baril sa leeg nito.

"Gawin mo na!" sigaw nito.

Hindi ko mabasa 'yung mukha ni Garreth dahil seryoso ito. May iniabot sa kanya na baril 'yung kasama niya at dahan-dahan itinaas at itinutok sa direksyon ko.

"I'm sorry..." aniya at ipinutok ang baril.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top