Perfect 32: May The Best Man Win

Alam mo, hindi talaga ako mahilig magbeach. Ayoko kasi 'yung nagkakasunburn ako tapos mangingitim pa . Sayang naman pagte-take ko ng glutha noh. Pero syempre, dahil maykailangan akong patunayan kay Josa magsiswimming ako.

Pagkababa ko ng sasakyan feel na feel ko ang paghawak sa Hermes na bag ko at isinuot ang oversize ko na subrero. Hindi pa ako nakuntento kinuha ko pa sa bag ko ang pa-heart shape ko na salamin.

Para tuloy akong model na pinipicturan ngayon dahil nililipad pa ang maxi dress ko.

"Babae, ano bang ginagawa mo? Baka gusto mo kaming tulungan magbuhat." Reklamo sa'kin ni Hunter, nagtatanggal na kasi sila ng gamit sa sasakyan.

"Ang bigat na kaya ng bag ko, duh?"

"Wala talagang maasahan sa'yo." Medyo naiinis na sagot nito.

"Ako na lang tutulong, Hunter." Singit ni Josa. "Alin ba dapat papabuhat mo kay Ashley?"

Inirapan ko si'ya. Push mo 'yan, Josa. Push mo 'yan pagpapanggap mo para mamaya ipupush kita sa dagat at makasama mo na ang pamilya mong dikya. Nilapitan ako ni 'Nay Marya. "Buti nanalo tayo sa patimpalak na iyon, ano? Ngayon na lang ulit kami nakapunta ni Andoy sa ganitong kagandang lugar."

Lumambot agad ang puso ko. "Hayaan niyo next time 'Nay, dadalin ko kayo sa boracay." Sabi ko sa kanya.

"Nako, anak, sosyalin ata ang lugar na iyon."

"Hindi 'Nay noh, pagdumating ako. Tayo na ang sosyal doon."

"Ikaw talagang bata ka ang hilig mo magbiro." Tinapik niya ako sa balikat at sinabayan sa paglalakad si 'Tay Andoy. Sumunod na ako sa kanila habang tinitingnan ang mga nasa harap ko si Hunter, na ang daming buhay. Pati si Joseng at Josa. Si Andeng din ganoon, pero bag lang din nito halos ang dala niya. Katabi nito ang kambal.

Parang may kulang? Biglang may umakbay sa'kin. Syempre, sino pa ba? Edi 'yung kulang.

"Kung sasama ka sa'kin mas maganda 'yung paradise ko dito. Promise, Ashley Esqueza. Mas mageenjoy ka dun." Sabi ni Garreth sa'kin.

"Bakit mo ba kasi ako pinipilit na sumama sa paradise mo?"

"Para ako ang piliin mo. You told me you'll give me a fair fight pero iba ang nararamdaman ko."

I bit my lip. Napakaunfair ko talaga kay Garreth, pero kasi si'ya naman ang dahilan kung bakit nangyari ang lahat ng ito 'di ba? He's supposed to kidnap me pero ganito ang nangyari. I wonder kung may iba pa siyang plano.

"While we're here, you're still having that fair fight." Sabi ko at sumunod na kela Hunter because I can't lie to him anymore. Days na lang naman ang inaantay ko then I'll tell them my answer.

*****

I was sun bathing with Andeng at Joseng, pero syempre punong puno ng sunblock ang katawan ko pati mukha. Hindi ko pa nga tinatanggal 'yung seethrough ko eh. Nasa gilid ko si Garreth mukha siyang tulog. Nang biglang dumating si Hunter at Josa.

Bakit ba magkasama na naman ang dalawang 'to? Buti na lang nakasalamin ako at hindi halata na tinitingnan ko sila. Steady lang ng ulo, Ashley. Steady lang. Pero 'yung mata ko todo tingin sa kanila.

Nakanigiti si Josa kay Hunter at tinanggal 'yung suot ni seethrough. Ow, okay. Nakaswimsuit na si'ya ngayon. She has nice body, pero hindi sexy. Alright? Hindi sexy.

"Ehem." Sabi ko, napatingin naman 'yung dalawa sa gilid ko. "I think I'll go for a swim. Sayang naman 'yung pinunta natin dito." Sabi ko at tumayo.

Dahan dahan ko hinubad 'yung seethrough ko, at proud na proud ako pinakita kung gaano kasexy at kinis ang katawan ko. Nakita ko napahinto si Hunter sa ginawa ko. Nabitawan niya 'yung lotion.

"Hunter? Palagay naman dito sa likod ko." utos ni Josa dito.

Lumapit ako sa kanila. Napalunok si Hunter sa ginawa ko. "Pahawak naman Hunter." I said at tinanggal ang salaminko para tingnan si Josa. "Do you swim?"

"Yes," sagot ni Josa.

"I'm not talking to you. Hunter?"

"Babae, not here."

Ngumiti ako. My gosh, sinasaniban ata ako ng kaibigan ko na si Ericka ngayon. Sasabat pa sana akong marinig ko ang boses ni Andeng sa likod ko.

"Hep, hep! Nagliligawan pa tayo dito ngayon 'di ba? Laro tayo. Game? Kung sino manalo makakadate ni Ashlita mamaya, oh." Nilingon ko si'ya agad naman ginising ni Joseng si Garreth.

Napaupo ito at napasabunot sa ulo. "Anong pakulo na naman 'yan, Andeng?" reklamo nito.

"Manghuli tayo ng isda! Kung sino makahuli ng pinakamalaki date with Ashley mamaya!"

"Unfair naman 'yan, Andeng. Alam mo naman na hindi magaling alaga ko dyan."

"Wala eh. Idea ko 'to. Tara na. May the best man win!" lumapit si'ya kay Hunter at hinila ito palayo., pero inabot muna sa'kin ni Hunter 'yung see through ko.

Papunta ata kasi sila sa part kung saan may isda.

Napasimangot naman si Garreth. "Fucker, someone's not playing fair. Kung pwede lang gumamit ng baril. Babarilin ko 'yan mga isda."

"Okay lang 'yan, pare. Bibilinan kita ng magaganda galawan sa paghuli ng isda. Sisid lang tayo, pre. Sabay dakmal." Payo ni Joseng dito.

Pinanood ko 'yung dalawa na magkwentuhan nagsimula na din sila maglakad. Lumingon ako sa likod ko. Andito padin pala si Josa. Tulala lang ito habang namumula ang mukha.

Tinaasan ko si'ya ng kilay. "Sama ka?"

"Bakit ako sasama? Parang sinabi mo na magbigti na lang ako."

"Buti nagets mo." Sinuot ko na ulit 'yung seethrough. "Anyway, nice swimsuit. Kaso hindi bagay sa'yo ang pink. Saka next time 'wag ka magsi-swimsuit kapag kasama ako. Masasayang kasi effort mo."

********

Ilan oras na din kami nakaistambay dito pero wala pa din mahuli 'yung dalawa. Buti na lang may part dito na wala masyadong araw.

"Fuck! Bakit ba ayaw niyo lumapit sa'kin?!" natatawa ako sa sunod sunod na mura ni Garreth habang nasa parte na sila ni Hunter sa panghuhuli ng isda.

Si Hunter, relax na relax lang at hinihintay ang tsansa nito na sibatin ang isda.

"Bullshit! You fish!" sunod sunod ang pagtusok ni Garreth tila nauubos na talaga ang pasensya.

"Pre, mas lalong lalayo sa'yo 'yan. Dahan dahanin mo lang!" sigaw ni Joseng sa tabi ko.

"Go papa Hunter!" singit naman ni Andeng. "Concentrate lang mananalo tayo!"

"Pre, concentrate lang daw para manalo!" gaya ni Joseng dito.

"H'wag ka nga gaya gaya ng advice, Joseng!" reklamo ni Andeng.

"Sa tingin mo naman papakinggan ako ng alaga ko? Hot headed kaya 'yan. Alam ko naman kung sino mananalo dito. Babawi kami sa susunod."

Napatingin ulit ako sa dalawa. Minsan naiisip ko din kung sigurado na ba talaga ako sa pipiliin ko. Katulad nga ng kinatatakutan ni Hunter, paano kung magkamali ako? Paano kung pagsisihan ko sa huli ang pipiliin ko?

Pero hindi. I know who's I'm going to choose. Ayon din nararamdaman ng puso ko. I feel so safe with him. Pero paano ulit pag biglang nagbago? Paano pag nagkaroon ng plot twist? Teka, hindi ko alam! Ayoko muna isipin.

"May pating!"

Biglang nanlaki ang mata ng dalawa at mabilis na tumakbo papunta samin. Tiningnan ko wala naman kung ano sa dagat. Pag lingon ko kay Andeng natatawa ito sa naging reaksyon ni Garreth, si Hunter naman namumutla pero nagulat ako sa isda na nasa sibat nito.

It's really big. Pwede na ipangkain mamaya.

"Okay na ba 'to?" tanong nito sa akin.

Hindi ako nakasagot. Ano naman ang alam ko sa isda? Saka palakihan naman ito, 'di ba?

"Garreth?" tanong ko naman dito. "Patingin ng sa'yo." Hinagis nito ang maliit na isda na nakuha niiya.

"That's all I've got. Go date her tonight. Make sure na babalik pa kayo para sa date namin." Tumalikod na si Garreth na naiinis na naman. Bago pa lumayo ito narinig ko naman ang sigaw niya.

"If there's a shark under that sea. I'll shoot him." nakasunod agad si Joseng dito. Infairness to Garreth today. He seems good support kahit inis na, hindi na nakipagtalo.

Biglang tumawa si Andeng ng malakas. "Ano 'to dilis?!" sabi nito sa isda na nahuli ni Garreth. "Galing ko talaga mag isip na ideya, noh, Hunter?" nag-apir 'yung dalawa.

"Paano ba 'yan, Ashlita?"

"Sure..." sabi ko. Bigla ako naawkwardan sa ambience namin. First time ata namin ni Hunter na magdadate na opisyal.

Tiningnan ako ng seryoso ni Hunter. "Sunduin kita sa kwarto mo mamayang gabi. Magbihis ka ng matino. H'wag ka mag gown, babae. Sinasabi ko sa'yo."

"Okay fine, whatever!" sagot ko na lang.

Pero ang totoo? Nabuhayan na naman ang taga tayo ng banner ko. May mga petals sila na sinasaboy sa buhok ko. Edi sila na. Sila na ang excited. Ang haharot talaga nila katulad ng amo.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top