Perfect 20: Galleon Ship
Sa totoo lang, ngayon gabi medyo nag-iba na ang pakiramdam ko hindi katulad kahapon na puro galit talaga ang nararamdaman ko. Buti na lang niyaya ako nila Andeng na mamasyal dito sa perya. Ngayon, meron akong hawak na cotton candy habang palakad-lakad kami dito.
"Tingnan mo 'to, oh. Dance contest! Sali tayo!" narinig kong sigaw ni Andeng.
Nginunguya-nguya ko naman 'yung cotton candy habang binabasa 'yung nakasulat sa poster.
"Halloween Dance Showdown."
*Containing atleast 6 and above members.
*Wear your best Halloween costumes.
*Prizes*
2nd runner up: 3,000 PESOS
1st runner up: 5,000 PESOS.
Champion: 7,000 PESOS and trip to an exclusive island to be announce during the contest.
"Salit tayo dito, Joseng! Sama natin sila!" yaya ni Andeng dito.
"Pwede! Ang taas ng premyo, oh! Nagpapalakas nanaman si Mayor, para iboto si'ya sa eleksyon."
"Nagpapalakas agad? Hindi ba pwede gusto niya lang magenjoy 'yung mga tao sa lugar niya?!"
Kumamot naman ng ulo si Joseng. "Ewan ko sa'yo, Andeng. Lagi ka nakakontra sa'kin."
Pinapanood ko lang sila mag-away. Ayoko makisali, saka hindi naman kasi ako marunong sumayaw. I mean, sige, alam kong sexy ako pero hindi talaga biniyayaan sa pagsayaw. Siguro nga nung nagbigay si Lord ng mga talent tulog ako.
Hay, bakit ba kasi nung ganda na 'yung pinasaboy niya doon naman gising na gising ako, at sure na surea ako nasa front row pa ako. Nakikipagtulakan pa siguro.
"Basta sasali tayo dyan! Period!" sigaw nanaman ni Andeng at lumapit na sa'kin sabay hila sa braso ko. "Alam mo ba pupunta din dito si Hunter?"
Medyo nag-init tuloy 'yung dugo ko. Ayoko nga si'ya makita ngayon. Pagkatapos nung mga ginawa niya sa'kin ng mga nakaraan araw!
"I don't care, eh, eh, eh, eh."
"Ashlita naman!"
Narinig ko na humalakhak si Joseng. "Ho ho ho! Sabi ko sa'yo, Andeng, lamang ang Team Garreth ngayon! Si Garreth talaga pipiliin niyan, diba, Ashley?"
Nagkibit balikat ako. "I don't know, eh, eh, eh, eh."
Tumalikod na ako sa kanila kasi nagtatalo nanaman 'yung dalawa. Paikot-ikot ako dito sa perya, actually, ang ganda nga dito may iba't ibang laro. Ngayon lang ako nakapunta sa ganito.
Napahinto nanaman ako ng marinig ko boses ni Andeng. "Sige ba! Sige ba! Ashlita!" habol nito sa'kin. "Kapag niyaya ka ni Garreth magrides pasakayin mo si'ya sa lumilipad na barko na 'yan, takot sa heights 'yon! Ewan ko lang kung mapapasakay mo si'ya. Tingnan talaga natin kung seryoso si'ya sa'yo."
Sumingit naman si Joseng. "Nako, 'yan si Hunter? Takot sa multo 'yan! Papasukin mo ng horror house! Mauuna pa tumakbo 'yan sa'yo. Maiiwan ka sa loob ng mag-isa."
Hindi ako makasagot sa kanilang dalawa. Shiat naman, oh. Paano ba naman parehong takot ako sa heights saka sa horror house na 'yan. Bakit ko susundin 'yung sinasabi nila?
"Ayan na pa sila eh!" sigaw nanaman ni Andeng. "Garreth! Garreth! Halika, dito!"
Nanlaki ang mata ko. Hindi ko na kasi alam kung saan ako titingin. Ayoko nga kasi sundin 'yung gusto nila!
"Oh, bakit? Problema?" naamoy ko agad 'yung pabango niya. Panay naman ngatngat ko dito sa kinakain ko, kahit stick na lang.
"Sabi ni Ashlita, sakay daw kayo sa lumilipad na barko na 'yon, oh!"
"Fuck, no way!" nilingon ko si Garreth at nakita 'yung katawan niya na naglalakad na palayo.
"Pag hindi ka daw sumakay babastedin ka na niya, si Hunter na daw panalo! Ano lakad ka pa, boy? Ha ha ha!"
Napahinto naman si Garreth at lumingon samin. Ang sama nga ng tingin niya kay Andeng at lumipat sa'kin. Magkasalubong na magkasalubong 'yung kilay nito.
"Totoo ba 'yan, Ashley Esqueza?" parang may threat sa boses nito.
Sasagot sana si Joseng. "Hindi--"
"Tumahimik ka nga! Dito natin makikita sino seryoso sa hindi. Sino magte-take ng risk! Yown, English 'yon, ah! Ha ha."
"Ashley Esqueza." nakakunot padin ang noo nito, habang nakatingin sa'kin. Napatungo na lang tuloy ako ng di oras.
"Who the fuck said I'm afraid of heights? Bring it on! Come on!"
***
Sobrang dami na ng paghinga ang ginawa ko. Pero hindi padin maalis sa sarili ko ang kaba ko. Lord naman, eto nanaman po ang buhay ko. Mamamatay na ba ako dito?
Paano ba naman dito pa talaga kami pinaupo ni Garreth sa pinakadulo na nagsi-swing na ship. Tapos sila Andeng at Joseng nasa kabilang dulo din namin. Nakita ko si Hunter na dumating seryoso nakatingin samin papunta sa kamay ko na nakahawak na mahigpit kay Garreth.
Nadikwatro pa ito parang hindi naman kinakabahan sa tabi ko.
"Paano kapag nahulog tayo dito?" natatatakot na tanong ko.
"The fuck, Ashley Esqueza! Hindi tayo mahuhulog basta kumapit ka lang!"
Napakapit naman ako sa bakal na nakaharang sa katawan namin. Ito na ata 'yung pinakaseat belt namin lahat.
Lord naman!
Napatingin din si Garreth doon sa bakal, bigla si'yang namutla.
"Fuck!" sigaw nito sa lalaki na magko-control noong makina. "Is this safe?!"
Nagthumbs up naman 'yung lalaki. "Pag ako namatay dito isusunod ko 'yung lahi mo!" pagbabanta nito dito.
Tumawa lang naman 'yung lalaki akala nagjojoke si Garreth. Ako naman hindi na mapakali, naiimagine ko na kasi 'yung mga pwedeng mangyari. Oo na! Praning na kung praning! Pero hindi ko talaga mapigilan mag-isip ng ganito!
"Paano pagnatanggal 'yung turnilyo?"
"Ashley Esqueza just stop thinking impossible things!"
"Pero paano nga? How?! Baka bigla na lang lumipad 'yung katawan ko? O kahit itong malaking ship na 'to! Tapos magugulo 'yung buhok ko, dahan-dahan babagsakan 'yunng makinis kong katawan sa mabato-bato na area. Tapos hindi ko namalayan pasunod na pala 'tong ship na 'to! Dadagan na niya ako--"
"Just shut up, already, alright? Wala ngang mangyayari!"
Narining ko ang pagtatawanan ng mga katabi namin. Feeling ko kasi end of the world na talaga ngayon sa buhay ko.
Sumigaw ako. "Pagnamatay ako dito pakisabi hindi ako namatay na panget! Pakisabi maganda padin! Paki sabi sa parents ko na ayusin ang make-up ko sa burol ko! Lagyan nila ng eyelinger 'yung mata ko na pa check mark para classy padin tingnan--"
"Ashely Esquza!" napasigaw si Garreth ng unti-unti nang umaandar 'yung ship!
Nayakap naman ako agad sa kanya. "Garreth! Garreth!"
"Fuck this life!" sigaw nito.
Tumataas ng tumataas 'yung ship. Hindi ko alam kung saan hahawak pero ang bango kasi ni Garreth, parang mas takot na takot pa si'ya sakin. Yung mukha niya mas maputla pa ata sa mukha ko.
Sobrang higpit nadin ng hawak niya sa kamay ko. Ang sakit na kaya, parang madudurog!
"Inhale the good shit. Exhale the bad shit..." narinig kong sinasabi ni Garreth nakapikit na ngayon ang mga mata nito panay naman ang lunok.
Mas lalo nang tumaas 'yung sway nitong ship. Oh, Lord! Nanlaki ang mata ko parang hinihila na unti-unti ang bituka ko kapag bumaba na ito.
"Kapag nabuhay ba tayo dito sasagutin mo na ako?" narinig kong bulong ni Garreth.
Tiningnan ko si'ya. Hindi ko alam ang isasagot ko.
"I need your answer, Ashley Esqueza. I'm losing hope that I think I might give up."
"Bakit dito mo pa sinasbi 'yan?! Aaaaaaah!!!" napatili na lang ako ng bumilis na 'yung pagsway nitong barko. Jusko! Parang ihahagis ako palayo.
"Aaaaaaaaahhh!!" mas tumaas ng tumaas pa lalo ito. Hindi ko alam kung saan ako magcoconcentrate sa kamay ni Garreth na nakapulupot sa katawan ko o sa tili niya na mas malakas pa sakin?
"Fuck this life! Uggggghhh!!"
"Aaaaaaahhh!" feeling ko mapapaos ako kapag bumaba na kami dito.
Ayoko na. Hindi na ako uulit. Naalala ko pa man din 'yung sinabi ko sa mga kaibigan ko na si Ericka at Dom, na gusto ko ng thrill. Ayoko na pala! Ang thrill ang papataya sa buhay ko! Ang thrill ang magpapasira ng buhay ko!
Umiikot na 'yung bituka ko at parang 'yung kaluluwa ko naiwan na sa taas kahit paulit-ulit na nagsway itong sinasakyan namin.
"Yung turnilyo matatanggal!" sigaw ko. "Aaaaaaah!"
"Fuck! Ashley Esqueza! F'uck!" mas mahigpit pa 'yung kapit sa'kin ni Garreth. "H'wag kang bibitiw! Lilipad tayo kapag bumitiw ka! Kumapit ka sa'kin!"
"Is this the end of our world?!"
"Hell no!"
Pareho na kami nabibingi ni Garreth sa tili namin. Parang ang tagal matapos nitong sinasakyan namin. Feeling ko 30 minutes na kami nakasakay dito. Pinagpapawisan na din ako pati si Garreth, hinihingal na din. Ang bilis ng tibok ng puso niya.
"I'm going to die! I'm going to die!"
"No!" sigaw ni Garreth. "You won't! This is just a f'ucking ridiculous ride-- Aggghhhh!" napasigaw nanaman kami pareho.
"Stop it, please! Ayoko na!" sigaw ko habang nakapikit. "I can't do this anymore!"
Napalingon ako sa mga nagtatawanan na katabi namin saka 'yung nasa harap namin. Kapag nasa taas 'yung side namin tinataas din nila 'yung kamay nila. Bakit sila naeenjoy 'yung ganito? Kami hindi!
"F'ucking ship! You think I'm scared?!" rinig kong sabi ni Garreth. "I just gotta learn how to enjoy this storm!"
Nagulat ako na pareho na din kami tumataas na kamay kapag 'yung side na namin ang nasa tuktok. Kahit natatakot natutunan ko na din i-enjoy ang swaying ship na 'to! Parang sa totoong buhay lang, kapag pinroblema mo ang problema mas lalo ka lang mamomroblema.
"Garreth!" napatigil ako sa pagtili.
"What?!"
"Nasusuka ako!"
"Don't!" sigaw agad nito. "Stop this f'ucking ship!"
Sakto naman na tumaas 'yung ship at saktong sakto din na lumabas 'yung suka ko.
"Garreth-- ughhhhaaaggggghhhhh..."
Parang nag-slow mo ang lahat.
Mabagal na napatingin ang mga tao sa direksyon ko at dahan-dahan nanlaki ang mata nila ng makita ang suka ko na mabagal na lumalabas sa bibig ko.
"Nooooooo..."
At si Garreth mabagal din si'ya napailing sa nakita at pilit umilag pero huli na lahat. Napunta na ito sa jacket niya. Ang galing talaga ng timing. Biglang bumilis na ang nasa paligid ko habang 'yung ship dumahan-dahan na ulit.
"Yuck! Kadiri! May suka ako!" reklamo nung katabi ko.
"Yung buhoko ko! Naman, ate! Bakit ka sumasakay sa ganito!" sabi nung nasa unahan ko.
"Ashlita!" sigaw ni Andeng. "Anong nangyari?!"
"Ha ha ha." Rinig ko naman ang tawa ni Joseng.
Nasilip ko na din si Hunter mukhang nagpipigil ito ng tawa sa nagawa ko, at ang huli ko naman nilingon ay si Garreth.
Nakanganga ang bibig niya habang tinitingnan ang bahid ng suka ko sa jacket niya. Mas lalo naman nakakunot ang noo nito. Pati 'yung buhok nito ang gulo-gulo na. Habang pilit pinapagpag 'yung jacket niya.
Napalayo ako ng konti.
"F'uck!" napatingin ito sa'kin.
The way he was looking at me. I think he had decided to murder me. Hindi man ngayon oras, pero sa tingin ko. Tonight.
Aba. Ginoong. Maria.
Please, pray for me.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top