Perfect 14: Pinoy Style
Sa totoo lang, eto na ata 'yung pinaka nakakahiyang nangyari sa buhay ko. Alam mo 'yung nasa harap ka ng crush mo tapos bigla kang mauutot na lang? Anyway, wala naman sa harap 'yung crush ko. Kaso 'yung taong may gusto sayo, oo.
Major turn off.
"Ang sakit padin ng t'yan ko, Hunter!" iyak ko.
Halos buong araw ata ganito 'yung arte ko. Buong araw din kami magkasama ni Hunter, di niya ako nilulubayan o iniiwan. Lagi niya pa ako nilalayo kay Garreth, as in laging magkadikit parang magkakapalit na ata kami ng mukha.
"Lagyan na kasi natin ng langis." Sabi nito.
"Amoy matanda kaya 'yung langis!" reklamo ko.
"Kay 'Nay Marya 'yung langis, babae."
Natahimik ako.
Ano nga naman kung amoy matanda, eh, kung makakatulong naman 'yan sa'kin?
"Amin na," hinagis naman agad ito ni Hunter at tumama sa mukha ko. "Pwede naman iabot ng maayos 'di ba?"
Di ako nito sinagot, tumalikod lang si'ya sa'kin. Gabi na kasi kaya nasa lapag nanaman si'ya. Ewan ko kung matutulog si'ya ngayon, sobrang higpit ng pagbabantay niya sa'kin para lang di kami magkausap ni Garreth.
Pinahid ko 'yung langis sa katawan ko kahit hindi ko talaga trip 'yung amoy. Maya-maya lang medyo naramdaman ko na nagiging okay na pakiramdam ko. Nabawasan 'yung sakit ng t'yan ko.
Sinubukan kong silipin si Hunter pero nakatalikod ito. Tulog na kaya?
"Hunter?"
Walang sumasagot.
"Hunter? May tanong ako."
"Ano?" hindi padin ito humaharap sa'kin.
"Bakit nagbreak si Garreth at Josa?"
Okay, alam ko iniisip niyo. Chismosa ako? Curious lang kaya.
"Ewan." Maikling sagot nito.
"Hmp. Sinungaling."
Hindi ko inaasahan na babatuhin ako ng unan. Tinamaan ako sa mukha, kaya napaupo ako sa kama.
"Aray naman, ano ba!"
"Chismosa, h'wag kang didikit o kausapin si Garreth."
Nagcrossed arms ako. "Bakit kita susundin?"
"Babae!"
Nagulat ako ng may tumunog nanaman mula sa pwetan ko. Grrr!
"Ashley, ang baho, seryoso. Susuko na 'ko." reklamo nito at nagtakip ng ilong.
Bigla tuloy ako namula sa sinabi niya. Nakakahiya lang na isang lalaki pa makakaamoy ng utot ko. Okay, scratched that, madami pala sila nakaamoy kanina. Shiat!
"Mag CR kana." Suhesyon nito.
"Kabag lang 'to, 'no."
Nagtakip si Hunter ng unan sa mukha. Aba, ang loko! Nangiinsulto ba si'ya? Ang OA! Wala naman amoy 'yung nilabas ko. Okay, scratched that again. Siguro may amoy pero immune na dapat si'ya! Kanina pa ako umuutot ng palihim dito, eh.
"Hunter!" asar ko. "Hunter, gising, Hunter!"
"Ang ingay mo talaga, babae." Naiinis na sabi nito.
"May tatanong nga kasi ako."
"Hindi ko nga alam sagot sa tanong mo."
"Seryoso na kasi 'to," bumaba ako ng kama at umupo sa tabi niya.
Pilit kong inaalog 'yung braso niya para humarap lang si'ya sa'kin. Naiinis nitong tuluyan tinanngal 'yung una.
"Kaano ano mo si Gon sa Hunter X Hunter?"
Tiningnan niya ako ng masama. Hihihi.
Nagtakip nanaman ito ng unan.
"Huy, joke lang 'yun, masyado kasi tayong seryoso simula kanina. Eto na, totoo na 'to." Hinila ko 'yung unan sa mukha niya.
"Ano ba kasi 'yon, babae?"
Nagkagat labi muna ako tila nahihiya sa itatanong ko.
"Hmm.. Totoo ba 'yung sinabi mo kanina?"
"Alin don?"
"Kasi naman, 'yung kaninang umaga?" nakatitig lang ako sakanya.
I need assurance 'no, baka nabingi lang ako. Kailangan ko din ng sagot sa tanong ko. Duh!
"Wala akong maalala." Tumalikod nanaman ito.
"Sus, naman! Sabi mo hindi mo kaya mawala ako."
Naiinis ako sa kanya, bakit ba ang hirap umamin? Pero kanina ang daming arte. Pinagbilang muna sa Garreth hanggang lima, bago sabihin 'yung magic words!
"Bwisit ka!" padabog kong tayo. Lalabas na sana ako ng pinto ng magsalita ito.
"Saan ka pupunta?" kunot-noong tanong nito.
Hindi ko si'ya pinansin.
"Wala kana dun!"
"Hoy, babae!"
Binabagalan ko pa 'yung paglakad ko ng pinto. Humihiling ako na sana sagutin niya na ng totoo 'yung tanong ko.
"Oo na! Totoo 'yun!"
Nanlaki ang mata ko at dahan-dahan lumingon sa kanya. Pero nagtalukbong agad ito ng unan. Hindi bagay, si Hunter? Nahihiya? Parang tanga lang! Ang tanda na kaya namin para mahiya. Matured tayong lahat dito, as in, MATURED.
"Weh, totoo nga?' asar ko. "Sige, labas na ko." asar ko ng hindi padin nito tinatanggal 'yung unan sa mukha.
"Ashley!"
Ha! Effective. "Yes?"
"Samahan na kita."
Nautot nanaman ako.
"H'wag na ayoko maamoy mo pa 'yung ilalabas ko. Once is enough, twice is too much, but thrice? No thanks."
"Sasamahan na nga sabi kita, babae." Tumatayo na ito ng kama.
"H'wag na nga kasi. Hunter, hindi ako sasama sa kanya, okay? 'Di ba, umo-oo na nga sa pinag-usapan kanina? Matulog ka na dyan. Babalik ako, maglalabas lang ako ng sama ng loob, pwede ba!"
Lumabas ako agad ng pinto. Hindi na sumunod si Hunter, buti naman. Napagisip-isip na siguro na wala naman mangyayaring masama.
***
Ire, Ashley, Ire! Aaaah! Ire pa, aaaaah!
One two three, labas! Aaaaaah!
One, two, three... One, two, three, four!
Aaaaahh!
Napasandal ako sa pader, ng mahimasmasan na ang t'yan ko. finally, thank you Lord! Nailabas ko din ang lahat! Kaya paglabas ko ng CR ngiting-ngiti 'yung mukha ko.
Pero nawala ito ng makita ko si Garreth nakaupo, 'yung paa nito nakapatong sa lamesa. May pinaglalaruan ito sa kamay pero di ko maaninag.
Nag-umpisa na tuloy ako kabahan. Feeling ko kasi talaga hindi ako safe sa kanya. Parang may mangyayari laging masama sa'kin pag andyan si'ya.
Kunwari hindi ko si'ya napansin kaya dumeretso ako sa paglakad.
"Ashley Esqueza." Parang ninamnam nito 'yung pangalan ko sa bibig niya.
"Ano kailangan mo saken?" mataray na tanong ko.
"Gusto kita.."
"Feeling mo maniniwala ako sayo? Pagkatapos ko malaman ginawa mo?" I crossed my arms, at todo taas na ng kilay ko sa kanya.
Don't back out, Ashley! Go, Ashley! Nakikita ko na, may nagtatayo ng banner sa'kin at the back of my mind.
"Bawal ba magbago 'yung isip?" ngumisi si Garreth sa'kin ng nakakaloko.
Shiat, paano ka naman mako-convince sa sinasabi niya, kung pang-demonyo 'yung ngiti niya?
"Gusto mo nga ako patayin!" pagpapaalala ko sa kanya. "Hindi mo ba natatandaan? Mula umpisa pa lang, gusto mo na ako patayin!"
"Ang cute mo kasi pag natatakot ka."
May hawak talaga ito sa ilalim ng lamesa. Di ko lang makita.
"Pwes, hindi ka nakakatuwa!" sigaw ko.
"Gusto kita itali, tapos itapon sa ilog pagkatapos..."
"Bwisit!"
Tinalikuran ko si'ya at naglakad na palayo. Nakaka-inis talaga 'yan Garreth na 'yan. Pagkatapos niyang sabihin gusto niya ako, ayun pala, gusto niya lang ako itali at patayin tapos itatapon sa ilog ang mala-dyosang katawan ko?
Nasaan nga ba hustisya----
Napahinto ako ng biglang may lumipad na bagay at muntikan na ako mahagip. Nanlaki ang mata ko ng makita ko kung ano 'yon, kutsilyo! Nasa pader na ito malapit sa pintuan na dadaanan ko.
Napalunok ako. Hindi padin makagalaw sa kinatatayuan ko.
"Take a sit, Ashley Esqueza." Nanginginig akong nilingon si Garreth.
Naghila ito ng upuan mula sa tabi niya. Kahit lubag sa loob ko umupo ako doon na parang mabait na bata.
"Pag kinakausap kita matuto kang makinig." Sabi nito at nakangisi sa'kin.
Tahimik padin ako. Hindi ko na mahanap 'yung boses ko.
"B-bakit mo ako hinaharass?" nauutal na tanong ko.
"I just want you to come with me." Hinimas nito ang pisngi ko na agad ko naman iniwas. Para kasi akong nakukuryente.. Sa inis!
"H-hindi ako safe sa'yo, Garreth."
"Ayaw mo ba sa lalaki na may thrill?" tanong nito habang nakatingin padin ng deretso sa mukha ko.
God, nadidistract ako sa titig niya!
"Kung mamatay ako sa thrill, no thanks."
"I like that."
Kumunot ang noo ko."Like what?"
Napatalon kaming pareho ng marinig namin ang boses ni Andeng mula sa likod.
"Hoy, Garreth! Bakit mo hinaharass si Ashlita!" sigaw nito at hinila ako.
Nagcrossed arms naman si Garreth tila natutuwa lang sa reaksyon nito at hindi sumagot.
"Hindi naman harassment 'yan, Andeng. OA lang?" sagot ni Joseng.
"Ah, pinagtatanggol mo 'yan, gago na 'yan?"
Umupo si Joseng sa tabi ni Garreth at nagngisian silang dalawa. Teka, aso ata 'tong dalawa na 'to eh.
"Hindi naman sa ganon, nagsasabe lang din ako ng totoo."
Humarang si Andeng sa harap ko. "Sus, kung alam mo lang totoong nangyari dati. Nung magkasintahan palang si Hunter at Josa, alam kong kumakalantari na 'yan! Tapos nung nakipagbreak na si Josa kay Hunter tuwang-tuwa 'yan. Noong pinagsawaan niya na 'yung kapatid ko saka niya iniwan na parang walang nangyari!"
Parang wala naman reaksyon si Garreth. Si Joseng tumawa ng malakas. "Andeng, ayun nga punto ko. Si Hunter para kay Josa, kaya 'yan si Ashley para kay Garreth na lang 'yan."
Nag-apir nanaman 'yung dalawa.
"Anong para kay Garreth? Asa! Ano pustahan na lang tayo, o?"
"Sige ba, pagnanalo ako magpapakasal tayo!"
Naglapitan 'yung dalawa. Okay, parang wala ako sa harap nila kung magpustahan naman sila. Shiat lang 'di ba? Ano 'to kunwari hindi ko naririnig?
"Pag ako nanalo dito, h'wag na h'wag mo na ipapakita 'yan mukha mo sa'kin. Game?" sabi ni Andeng dito.
"Game!" sagot naman ni Joseng.
Nakangisi ng mas malapad si Garreth. Lumapit naman 'yung dalawa sa'kin, napaatras ako ng konti. Nakakatakot kaya 'yung itsura nila parang may binabalak na hindi maganda.
"Ashlita, may nanligaw na ba sayo?" tanong ni Andeng sa'kin.
"Hmm, m-meron, pero halos sa text lang?"
"Ibig namin sabihin 'yung normal. 'Yung nag-effort talaga?" tanong naman ni Joseng sa'kin.
Ilan Segundo din ako hindi nakasagot. Meron ba? Counted ba 'yung puppy love ko noong high school? 'Yung ako pumupunta sa classroom niya para lang malaman niya na pumasok ako that day para hintayin niya ako pag-uwian na?
Umiling ako. "W-wala pa. Pero pinilit ko maghanap ng lalaki para sa'kin, ayun 'yung time na nakipagdate ako kay Garreth, I thought he's my Mr. Perfect, but I was wrong."
"Kaya patunayan ng pare ko 'yan!" sabi ni Joseng sa'kin.
Binatukan naman ito ni Andeng. "She was wrong, hindi mo ba narinig? Kaya si Hunter talaga 'yan Mr. Perfect na 'yan."
Tinulak naman nito si Andeng. "H'wag ka nga magmarunog. Ashley, ganito, gusto mo ba malaman sino talaga Mr. Perfect mo?"
Napalunok ako. Sino bang hindi? Lahat naman tayo sa mundo gusto mahanap 'yung Mr. Perfect natin 'di ba? 'Yung 'the one' na magpapaikot ng mundo mo?
"O-oo naman basta hindi ako mapapahamak." Tumingin ako kay Garreth ng sinagot ko 'yun. Nag-iwas naman ito ng tingin.
Nag-apir naman 'yung dalawa sa harap ko.
"Bakit ano ba gagawin niyo?"
"Pangarap mo bang maging artista?" nakakalokong tanong sa'kin ni Andeng.
"Freelance model na ako, but, yes, sisikat ka na at gaganda ka pa. Sinong may ayaw sa ganyan?"
Nag-apir nanaman 'yung dalawa. Bakit panay apiran nila? Lumapit sa akin ng kaunti si Joseng.
"Ganito, isipin mo artista ka. Kami ni Andeng dalawang Manager mo. Si Garreth at Hunter ang ihahain namin sa'yo para mamili ka kung sino ang magiging leading man mo."
Sumingit naman si Andeng. "Tama, kailangan mo lang piliin 'yung totoo, at feeling mo mas mapapaganda ang buhay mo, 'yung safe ka, laging andyan para sa'yo, para protektahan ka----"
"Ang bias mo, Andeng!" suway ni Joseng at tumingin nanaman sa'kin. "Kailangan ka lang naman nilang ligawan."
May narinig ako ng yabag ng paa mula sa likod ko.
"Anong ligaw naririnig ko?" boses ni Hunter.
Kahit hindi na ako lumingon alama kong nakakunot 'yung noo niya.
Sumagot si Andeng. "Hunter, Manager mo ko! Aakyat kayo ng ligaw kay Ashlita, kung sino man piliin niya dun si'ya sasama. Mas maganda na 'to, para hindi na kayo mag-away ni Garreth. Para fair fight."
Nilingon ko muna si Hunter, pero nakatingin ito kay Garreth na parang ready na ready na sa kung anuman 'yung papasukan namin tatlo.
"Anong ligaw ba 'yan?" tanong ni Hunter habang nakatingin padin kay Garreth.
Pumalakpak si Andeng tila natuwa dahil sumang-ayon si Hunter. Pasayaw sayaw pa bago sumagot.
"Simple lang, pinoy style."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top