Perfect 13: #PrayForAshleyEsqueza

Alam mo, sa panahon ngayon naguguluhan ako sa mga lalaki. Kapag sinabihan ka ba nila na ‘Hindi nila kayang mawala ka’ katumbas din ba ito ng salitang mahal kita? Or another sweet words nila ito para ma-fall ka nanaman sa kanila? Pwede din naman dahil kailangan na kailangan lang niya ito sabihin para masunod ang gusto nila?

Naguguluhan ako. Buti na lang bago ako tuluyan mabaliw pumasok si ‘Nay Marya sa kwarto.

“Jusmiyo! Ibaba niyo nga ang baril niyo!”

Nagulat ako sa agad na pagsunod ng dalawa sa harap ko. Medyo nakahinga na din ako ng maluwag, at napahawak sa t’yan ko.

“Garreth! Bakit andito ka, dine?” narinig ko ‘yung boses ni ‘Tay Andoy.

“K-kilala niyo po si‘ya?” tanong ko.

Naramdaman ko ang pagpulupot ng kamay ni Hunter sa braso ko at hinila na ulit ako papalayo kay Garreth.

Wala naman ito magawa dahil napapaligiran na ito noong dalawang matanda. Parang bata naman ito napasabunot sa ulo.

“Bakit ba hindi ko naisip na bahay niyo pala ‘to?” sabi ni Garreth.

“Bastos ka talagang bata ka! Kumain ka na ba? Kailan ka dumating?” tanongni ‘Nay Marya.

Teka, naguguluhan ako. Pero bago pa ulit ako makapagtanong kinuha na ni Hunter ‘yung gamit namin at hinila ako papalabas ng pinto.

Itataas nanaman ni Garreth ‘yung baril sa amin, ganon din ang ginawa ni Hunter pero biglang sumigaw si ‘Nay Marya.

“Jusmiyo! Ibaba niyo nga iyan baril niyo!!”

Walang nakikinig.

“Ibaba niyo sabi! Walang aalis ng bahay ko hangga’t hindi ko sinasabi!”

“Anak naman kayo ng nanay niyo, ‘Nay, eh.” Sabi ni Garreth.

“Babae, halika na.” hinila nanaman ako nito.

“Tumigil kayo!” napahinto kami ng hawakan nanaman nung dalawang lalaki ang magkabilang braso ko.  “Ako masusunod ngayon! Hala, doon tayo sa sala lahat!”

**

Kung may masasabi man ako ng awkward moment sa buhay ko. Siguro isa na ito doon. Tulad ng sinabi ni ‘Nay Marya nasa sala nga kaming LAHAT.

Katabi ko si Hunter, nasa kabilang gilid ko si Andeng katabi ‘yung kambal. Nasa harap naman namin si ‘Nay Marya at Garreth. Nasa magkabilaang gilid naman si Josa at Joseng.

“Ano nanaman ang problema niyong dalawa? Noong maliliit pa kayo, nag-aaway na kayo pati ba naman ngayon!” sabi ni ‘Nay Marya.

“Gusto ko lang kunin ‘yung kailangan ko.” sagot ni Garreth at sumandal sa upuan parang wala lang sa kanya ang lahat.

“Wala kang kailangan dito, Garreth.” Inis na sagot ni Hunter.

“Nag-aaway nanaman ba kayo sa iisang babae?” singit ni Andeng. “Hala, kaloka! Paulit-ulit na lang kayo. Daig niyo pa unlimited text ko, ah.”

“Ano? ‘Di ba wala na kayo ni Josa, Garreth?” tanong naman ni ‘Tay Andoy.

“Matagal na, ‘tay.” Ngumisi pa ito at tumingin sa akin.

What. The. Heck?

Garreth and Josa?

Josa and Hunter?

‘Yung naproposed? Torn between him and the other guy?

Shiat! H’wag mong sabihin…

“Magkakakilala talaga kayong tatlo?!” gulat na gulat na tanong ko. Sumasama nanaman tuloy pakiramdam ko dito. Shit!

“Matagal na, simula pagkabata hanggang sa lumaki.” Sagot sa akin ni Garreth at nag dikwatro pa.

“Sino naman pinagtatalunan niyo ngayon?” usisa ni Joseng kahit alam na ‘yung sagot. “H’wag niyong sabihin si…”

“Ashley?” tapos naman ni Andeng. “Seryoso kayo? Wala na ba babae sa mundo at iisa nanaman ‘yung pinagtatalunan niyo?”

Tumayo si Hunter at hinawakan ang kamay ko. “Wala kaming dapat pagtalunan. Dahil gusto lang maghanap ng paglalaruan ‘yan gago na ‘yan.” Gigil na sagot nito.

Pilit niya ako hinihila, eh, ayoko nga tumayo masama pakiramdam ko. Ano ba Hunter? Nilalakihan ko si’ya ng mata. Bakit hindi niya ba magets na nakahawak na ‘ko sa t’yan ko?

“Wala akong pinaglalaruan dito.” Nakangisi padin na sagot ni Garreth. “Gusto ko lang kunin si Ashley.”

“Bakit?” napatingin kami kay Josa na medyo namumula na. “Bakit nanaman? Dahil nacha-challenge ka? Dahil magkasama sila ni Hunter? Nagawa mo na ‘yan lahat sa akin ‘di ba? Hindi ka pa ba nagsasawa?”

Napalunok ako.

“Magkaiba kayo ni Ashley, Josa.”

Mukhang hindi nagustuhan ni Josa ‘yung sagot ni Garreth sa kanya.

“Oo, magkaiba kami. Pero ikaw, Garreth, ‘yung ugali mo walang pinagkaiba kay Santanas!”

“It’s a pleasure, my ex-girlfriend.”

Binitiwan ako ni Hunter  at lumapit kay Garreth hinawakan niya ito sa kwelyo ng damit. Tinutok naman agad nito ‘yung baril sa ulo ni Hunter.

Oh, shit!

“Ibaba niyo nga ‘yan!” sabi nanaman ni ‘Nay Marya. “Nakita niyo may bata tayong kasama dito! Ibaba niyo ‘yan! Akin na mga baril niyo!”

Wala padin gumagalaw sa kanila. Kahit ako parang mauubusan na ng hininga sa sobrang kaba. Grabe naman kasi ang intense ng dalawang ‘to kapag magkasama.

“Garreth!” suway ulit nito. “Hunter!”

Binitawan ni Hunter ‘yung damit ni Garreth na pabalibag. Habang masama padin ang tingin nila sa isa’t  isa pagalit nito ina-unload ‘yung baril nila sabay binigay kay ‘Nay Marya.

“Walang mag-aaway! Walang aalis ng hindi ko sinasabi! Jusko, kayo ang papatay sa akin mga bata kayo!”

Tumayo si ‘Tay Andoy para alalayan si ‘Nay Marya. Lumambot naman ‘yung mukha nila Garreth at Hunter.

“Sundin niyo ‘yung sinasabi ko kung ayaw niyo akong mamatay ng maaga!”

Tumalikod na ito dala-dala ‘yung baril papasok ng kwarto. Naiwan tuloy kami dito. Kung mas awkward ang atmosphere kanina, lalo na ngayon. Paikot-ikot ‘yung tingin namin sa isa’t isa. Hindi ko din alam kung paano magpa-fucntion utak ko.

Ano una iisipin ko.

A. Yung sinabi ni Hunter?

B. Yung away nilang dalawa?

C. Yung magkakilala sila simula noong uhugin pa ata sila?

D. Yung t’yan ko na sobrang sakit na?

“Hindi mo dadalhin si Ashley, Garreth.” Deretsong sabi ni Hunter parang pino-protektahan nanaman ako mula kay Garreth.

“Okay, narinig ko naman ‘yung sinabi ni ‘Nay Marya. Marunong ako sumunod.” Ngisi nito.

“Ano ba kailangan mo kay Ate Ashley, Kuya Garreth?” tanong ni Ken-ken. “Hindi naman po kayo bagay eh.”

“Bagay sila Ken-ken,”sabi naman ni Den-den.

Hula ko para mapasakanya na si Hunter. Nako, ito talagang bata na ‘to!

“Bagay man kami o hindi. Gusto ko lang si’ya makilala ng buong-buo.”

“Tapos iiwan mo?” tanong ni Josa at tumayo.

I wonder, kung anong rason ni Garreth kaya niya iniwan si Josa. Nagloko ba ito? O nagsawa sa kanya? Bakit mas pinili niya si Garreth kay Hunter, eh, mas mukha naman matino si Hunter dito?

“Magkaiba nga kayo, Josa, h’wag kang assuming.” Pangbabasag ni Garreth dito.

Narinig ko na nagpipigil ng tawa si Joseng. Umirap naman si Josa at nagwalk-out.

“Ang gago mo din, Garreth. Hanggang ngayon nangbabastos ka padin ng babae?” tanong ni Hunter.

“Walang bastos sa nagsasabi ng totoo.” Ngisi ni Garreth.

“Pwes, hindi ko hahayaan na mabastos si Ashley sayo. Bawal kang lumapit sa kanya, Garreth, kung gusto mo magkaroon ng tahimik ng buhay dito.”

Hinila na ako ni Hunter patayo. Eh ayoko nga kasi tumayo, si’ya naman ngayon ‘yung nanlalaki ng mata sa’kin. Ano ba!

“Siraulo ka talaga, Garreth!”

Pilit padin ako hinihila nito hanggang sa napatayo ako. Habang nagtatatalak si Andeng sa gilid ko.

“Kahit malandi ‘yung kapatid ko, kapatid ko padin ‘yon, h’wag mong---“

Nahila na ako ni Hunter patayo.

Tumahimik ang lahat.

#PrayForAshleyEsqueza

“Ang baho naman!” rinig kong sigaw ni Den-den.

Dahan-dahan kami napatingin sa kanya. Mukhang alam na ni Hunter ‘yung pinapahiwatig ko sa kanya. Nakahawak padin kamay nito sa’kin.

“Ken-ken! Sabi ko naman sa’yo, h’wag kang uutot sa harap ng maraming tao ‘di ba?!” suway ni Andeng dito.

“Huh? Ate.. Hindi po ako ‘yung umutot..” naiiyak na sagot nito.

“Sabi ko sa’yo bawal magsinungaling ‘di ba?”

Nagkatinginan kami ni Hunter. Napakagat labi ako.

Hindi ko alam kung paano makakalis dito na hindi nila naamoy. Paano nga ba lumakad na hindi kakalat ‘yung hangin ng utot mo? Kailangan ko sila i-distract.

Hinagis ko kunwari ‘yung iphone ko napatingin naman silang lahat doon.

Mabilis akong bumitaw kay Hunter pero nakakadalawang hakbang palang ako bigla akong nadapa. Ramdam na ramdam ko ang pagtingin nila sa akin kahit nakatikod ako.

Napapikit ako, hindi ko na alam ang gagawin ko. Gusto ko lamunin ako ng lupa ngayon, o sana mahimatay na lang ako. Gusto ko na din iuntog ang mukha ko sa sahig, pero, baka kasi masira.

But! Nakakahiya talaga! Ano ba naman, kamalasan ang meron ako sa buhay? Wala naman isyu kung nadapa ako o umutot. Sana narealized ko ‘yung kanina, na okay lang umutot.

Pero ‘yung pangalawa kase na nangyari sa’kin. Nautot ako, ang masaklap.

Ang lakas ng tunog.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top