Perfect 11: Bakit pa-fall?
Alam mo, hindi talaga ako makatulog simula nagtext sa akin si Garreth. Sino ba naman taong makakatulog kung may magtext sa’yo na gusto ko niya kdinappin ‘diba? Hindi ko masabe kase kay Hunter. Natatakot ako baka magalit si’ya sa akin, na simula una palang may communication kami ni Garreth.
Bakit nga ba hindi ko sinabi sa kanya noong una palang? Bakit?! Pero hindi naman niya siguro kami mahahanap ‘diba? Hindi ko naman talaga sinabi kung nasaan kami.
Yeah, right, Ashley! Wag kang kabahan dahil sigurado akong di ka makikita ng Garreth na ‘yan.
“Oh, iha, wala ka pa din bang gana?” puna sa akin ni ‘Nay Marya.
Andito na kasi kami sa mesa kumakain ng hapunan. Sobrang lakas padin ng ulan sa labas. Nakakatakot na nga para liliparin ‘yun bubong.
“Ah, pasensya na. Medyo masama pa po kasi talaga pakiramdam ko.”
Natigil silang lahat sa pagkain. Oo nga pala, andito sila lahat sa bahay. Sila Andeng, Joseng, at ‘yung batang kambal. As in. Lahat.
“Kailangan ka na ba namin dalhin sa hospital?” nag-aalalang tanong ni Hunter sa akin. Napaangat naman ng tingin si Josa.
“Gusto mo ba hilutin kita?” sabi nito sa akin.
Yuck lang! Duh? Anong hilot gagawin niya sa akin? Saka effective ba ‘yon?
“No thanks,” sabe ko. “Medyo okay na pala pakiramdam ko.”
“Ashley-----“ suway ni Hunter sa pagsagot k okay Josa. The hell, he cares?!
“Alak lang kulang dyan! Inom tayo mamaya. Tamang tama ganda ng panahon, malamig.” Suhesyon naman ni Joseng.
Hinamapas naman ito ni Andeng. “Hoy! Ikaw! Magtigil ka nga dyan! Nakita mo may sakit ‘yung tao. Maka B.I ka ha!”
“Nagjojoke lang naman!”
“Hindi nakakatuwa ‘yung biro mo!”
“Hala, magsitigil kayo sa pag-away sa harap ng pagkain.” Suway ni ‘Nay Marya, at sinubuan si den-den sa tabi nito.
Infairness, tahimik lang si den-den nakatingin lang si’ya sa amin ni Hunter.
Biglang nagsalita naman si Ken-ken, “Pwede ba ako matulog sa kwarto niyo Ate Ashley?” nakangiting tanong nito.
Hindi ko alam sasagot ko. Like duh, isang bata tatabi sa akin? Ang sikip na kaya ng kama ko.
“Please..” nagpuppy-eyes pa ito. “Please, hindi ako mangdadagan, promise!”
Tumawa ang lahat.
“Ala eh, apo, baka lalo magkasakit sa’yo si Ate mo.”
“Sa lapag ka na lang, Ken-ken, kung gusto mo tabi tayo.”
“Sige, kuya! Gusto ko ‘yan!”
“Ako din Kuya Hunter!” sabi naman ni Den-den. “Tabi din tayo! Please, please, please… Hindi na ako wiwiwi sa kama. Please….”
Bigla naman kami sabay-sabay nagtawanan. Medyo nakalimutan ko na din ‘yung iniisip ko kanina. Thank God, medyo na release ‘yung stress saka pago-overthink ng utak ko.
**
Nagising ka na ba sa kalagitnaan ng gabi? Ako, oo. Tulad ngayon, pagkatingin ko sa iphone ko 2:00 am pa lang ata bigla ako nagising sa di malaman dahilan. Bumangon na lang ako sa kama dahil nagsisimula nanaman mag-isip ng utak ko sa sinabi sa akin ni Garreth kanina.
Shiat lang, kinakabahan kasi talaga ako. Sinilip ko ‘yung kambal sa lapag natulog. Ang kyotie nila, nakadantay ‘yung paa ni Den-den kay Ken-ken habang nakaawang mga labi nito.
Nakakamiss tuloy si Zeus at Zoey, ‘yung dalawang pamangkin ko. Kamusta na kaya sila? Sinubukan kong tawagan si Zach para kamustahin sila, malakas din ata ang ulan sa kanila.
Sinagot naman nito agad. Himala, gising pa si’ya ng ganitong oras?
“Ashley,” gising na gising padin boses nito.
“Hello, brother! Himala bakit gising ka pa?”
“Ah, she wants the fucking mashed potato again.”
Natawa ako, “Iris?” naglilihi nga pala ulit si Iris sa ikatlong anak nila ni Zach. “Gabi na ha? Gising padin si’ya?”
“Yeah, she told me, she wanted to sleep. But the baby won’t let her. Do you know where I can buy those? Wala na atang bukas na restaurant ngayon. They’re all closed because of the typhoon.”
Tumawa ako. Ah, my brother Zach, being a father. He’s the best. Gusto ko sana si’ya asarin kaso minsan lang kami mag-usap baka bigla ako babaan. “You better cook some, brother. Bumili ka na lang ng ingredients sa supermarket.”
“Ashley, anong oras na wala ng bukas. Ah! That fucking mashed potato. Kabibili ko lang niyan, naubos lang agad. Dahil gusto din ng kambal.”
“Ha ha ha. Welcome to the real world of being a Dad, Zach.”
“Fuck, I know. Alam mo ba kung paano gumawa nun?”
Patawa ba ‘tong kapatid ko? Ako pa talaga tinanong. “You can google it, Zach. Nakalimutan mo na ba na hindi ako nagluluto?”
“Ah, shit. Oo nga pala, alright, goodbye, Ashley. They’re all good. Take good care of yourself, because you’re an idiot sometimes.”
Bago pa ako makabawi sa kapatid ko ibinaba na nito ‘yung phone. Shiat, talaga ‘yan si Zach! Mangangamusta lang ako mangaalipusta pa! Hinawi ko ‘yung kumot mula sa katawan ko.
Pupuntahan ko na lang si Hunter, sasabihin ko na ‘yung totoo. Siguro naman gising pa ‘yon. Sabi niya kase kanina hindi daw si’ya matutulog at magbabantay muna magdamag in case of emergency.
Dahan-dahan ako lumakad para di magising ‘yung kambal. Binuksan ko ‘yung pinto. Nagtaka ako ng wala si Hunter sa sala. Dumeretso ako ng kusina ng bigla ko marinig na may nag-uusap.
“Ang bilis magbago ng panahon, ano? Parang dati lang, ako ‘yung laging inaalagaan mo, lagi kang nasa tabi ko kapag kailangan kita. Hindi kita narinig kahit isang beses na tumanggi sa akin…” boses ni Josa ‘yung naririnig ko. “Kanina lang..” ramdam ko na may lungkot sa boses nito.
Teka, is she referring to me?
Nagtago ako sa gilid ng dingding mas lalong dinikit ‘yung tenga ko medyo malapit sa kanila.
“Josa, iba na ang lahat ngayon. Hindi na tayo tulad ng dating. Everything’s changed.”
“May gusto ka ba sa kanya?” nagulat ako sa tanong ni Josa. “Kase Hunter, nararamdaman ko na meron. Kahit alam kong sasabihin mong hindi. Pero bakit ako nagseselos kapag nakikita kong nag-aalala ka sakanya..”
Sumilip ako ng kaunti. Nakatayo sa harap ni Hunter si Josa at nakayuko habang si Hunter nakaupo lang at may iniinom na kape.
“Two years kaming magkasama, Josa.”
“Pero diba sinabi mo madami ka din naging girlfriend sa dalawang taon na ‘yon?”
“Yes, I was trying to distract myself from her.”
“She’s not your type, Hunter..”
Shiat, lang Josa! Bakit mo ako sinisiraan sa kanya? Nako, kung hindi lang ako makapagpigil ngayon ngungudngod ko mukha niya sa kape ni Hunter!
“Alam ko..”
“Hindi si’ya mahinhin..” hinawakan ni Josa ang pisngi ni Hunter, napatingin si Hunter kay Josa.
Fuck. May sumasakit sa loob ng katawan ko na malapit sa kaliwang dibdib ko. Ribs ko ba ‘yon? O ‘yung collar bone ko?
Shiat, he’s looking at her. Like he loves her. It’s the way Zach looked at Iris, pag nagkakatinginan sila. Bakit may sumasakit talaga sa akin. Mas masakit pa ito sa sakit ng ulo ko kanina.
“Hindi din si’ya simple.. Hunter..”
“Alam ko din..” sagot nanaman nito at dahan-dahan hinawak ang kamay sa bewang ni Josa.
“Hindi din si’ya ‘yung babaeng mukhang magseseryoso sa buhay. Gusto niya lang ay puro luho, Hunter..”
Alam ko! gusto ko isigaw. Atleast ako totoo akong tao. Si’ya? Nasa loob ang kulo! Oo, alam ko madalas ako magsabi ng hindi magandang opinyon sa kapwa ko. Pero hindi ko sinasadya ‘yung mga ‘yon, pabiro lang ‘yon. Hindi ko sinasabi sa ibang tao ‘yon. Sinasarili ko lang.
Pero bakit ang sakit ng katotohan? Pero mas masakit ‘yung nakikita ko na tumayo si Hunter upang pantayan si Josa.
“At hindi si’ya ako, Hunter..”
Hindi na si’ya sinagot ni Hunter bigla na lang nito hinalikan si Josa. Pumikit ako ng mariin. Ang bilis ng tibok ng puso ko, hindi dahil sa kaba o anuman. Kundi dahil sa galit at inis na nararamdaman ko ngayon.
Bakit niya hinalikan si Josa? Mahal niya padin ba ito? Eh ano ‘yung kawalanghiyaan na pinakita niya sa akin nung mga nakaraan araw? Trip lang ganun? So, dahil kailangan lang?
Bakit niya pa ako tinext na walang iba? Ano ‘yon nawrong send si’ya sa akin na dapat kay Josa talaga? Bakit theme song ba nila ‘yung Walang Iba? Shiat naman, eh!
Bakit ba kasi pa-fall ang mga lalaki. Kung ibibigay sa’yo ay false hope lang!
Napahawak ako sa puso ko ng pakiramdam ko naririnig ko sa background ‘yung kinakanta ni Andeng sa karaoke..
I was afraid this time would come
I wasn't prepared to face this kind of hurtin' from within
I have learned to live my life beside you
Napaubo ako dito sa dingding. Habang hawak-hawak padin ‘yung puso kong unti-unting nawawasak. Pafall kase si’ya, ang tanga ko naman kung ganon. Sabi nga ni Zach I’m an idiot sometimes. Now, I get it. Pagdating sa mga ganitong bagay tanga ako.
Konting lambing lang ng lalake bumibigay ako.
Mga babae talaga minsan parang makahiya, sundutin mo lang titiklop na.
Pero buti na lang hindi ko binigay ang lahat! Hidni ko binigay ang katawan ko’t kaluluwa pati nadin ang aking… Narinig ko nanaman ‘yung kasunod ng kanta.
Maybe I'll just dream of you tonight
And if into my dream you'll come and touch me once again
I'll just keep on dreaming till my heartaches end
Humina ito, kaya sinilip ko sila Hunter na katatapos lang maghalikan. Nagkatinginan sila. Nagkangitiian. Nagkahawakan at nagkaaminan.
SHIAT! AYOKO NA MAKITA ‘TO!
Pero ewan ko ba naman sa sarili ko. May pagka-chismosa kase ako, kaya gusto ko makinig. Sa susunod na sasabihin nila, baka pag-usapan ulit nila ako. Kung oo man, sasabunutan ko talaga ‘yan si Josa!
Para na akong si Taylor Swift sa kantang black space dito na todo emote. Paano ba naman. Hindi daw ako mahinhin? Malamang! Ako ‘yung tipong babae na wala sa loob ‘yung kulo. Bumubulwak ‘yung ugali ko sa labas na anyo ko ‘no!
Hindi daw ako simple? Malamang! I live this way! Fashionista kase ako! Hindi ako katulad niya na mukhang manang sa suot niya!
Hindi daw ako si’ya? Bitch naman, please! I’m much much better than her!
“I need to protect her, Josa.”
Napahinto ako, at dahan-dahan nanlaki ang mga mata ko.
“I need to protect her before anyone else, before you..”
“Hunter naman..”
“Alam ko naman naiintindihan mo ‘yung sinasabi ko.”
“Oo naman, Hunter.” Parang pilit ‘yung tawa ni Josa.
Dapat lang sa’yo ‘yan, bitch! Bodyguard ko padin si Hunter kahit anong gawin niya! At the end of the day, he will always choose to stay beside me.
“Naaalala mo pa ba ‘yung araw na nagproposed ka sa akin?”
My heart skipped a beat.
He what? Proposed to her?
“And you said no.” sagot ni Hunter dito.
“Oo, I said no. Dahil naguguluhan pa ako.”
“Torn between me and him?”
Hindi sumagot si Josa.
“Pero ngayon sigurado na ako. I want you again, Hunter. Ikaw lang ‘yung gusto ko makasama habang buhay. Alam kong nagkamali ako sa desisyon ko dati. Please, pagbigyan mo ulit ako..”
“Josa, mali ito. Si Ashley, I cared for her.”
“Alam ko naman. Hindi kita pinipigilan na mag-aalala sa kanya o alagaan si’ya pero Hunter, kung sakali maisip mo na bumalik sa akin. Kapag tapos na ang misyon mo sa kanya, h’wag mong kalimutan na naghihintay ako. Isipin mo na sumagot na ako ng oo ulit, na ‘yung sa’yo na lang hinihintay ko.”
Sinilip ko nanaman sila. Hinawakan ni Hunter ‘yung mukha ni Josa, this time ayoko na makita ‘yung susunod na gagawin nila. It fucking hurt!
Tumayo na ako, bigla ako nagulat ng makita ko si Ken-Ken sa harapan ko may hawak na cellphone. Tumutugtog padin ‘yung ‘til my heartaches end dito.
“Ate, bakit ka umiiyak?” nag-aalang tanong nito.
Hinila ko na lang si’ya pabalik ng kwarto. Pagkasara ko ng pinto, lumuhod ako at niyakap si’ya. “Kase gising ka pa.” sabe ko.
“Ate.. Wag kana umiyak. Matutulog na ako, promise.”
Mas lalo ako umiyak.
Umiyak ng umiyak.
Hanggang sa pagtulog ko.
Pag-iyak padin ang nasa panaginip ko.
**
Pagkagising ko kinabukasan ramdam ko ang pamamaga sa mga mata ko. Buti na lang tulog pa ‘yung kambal dahil sobrang aga pa. Konti lang ‘yung tinulog ko. Pagkalabas ko ng sala, nakita ko si Hunter.
Ngumiti si’ya sa akin na punong puno ng energy.
“Goodmorning, babae.”
Hindi ko si’ya sinagot, ni hindi tiningnan ‘yung reaksyon niya. Dumeretso lang ako sa CR, since katabi lang ng kusina ‘yung CR, nakita ko si Josa nagluluto ng umagahan.
“Magandang umaga.” Bati nito.
“Walang maganda sa umaga, Josa.” Sabi ko sabay pilantik ng towel na hawak ko, at pumasok na sa CR.
Wala na din naman ulan. Gusto ko maglakad mamaya sa labas. Panay padin ang pagpa-flashback ng mga nangyari kagabi sa akin. Yung mga sinabi niya, ‘yung reason ng break up nila.
Patawa. So, ngayon inaantay na lang nila na matapos ‘yung misyon ni Hunter sa akin? Para Masaya na sila? Shiat lang. Nagbuhos na ako ng tubig kahit hindi ako sanay sa malamig.
30 minutes din ata ako nasa CR paglabas ko nahuli ko pa sila naghaharutan. Napairap na lang ako dahil hindi nila ako napansin.
“Ano ba,Hunter, ako na maghuhugas niyan.”
“Tulungan na kita.”
“Ako na sabi eh.” Patawa-tawa pa si Josa.
Tuluyan na ako lumabas ng CR medyo katapat ko na sila ng mapahinto ako. Napatingin naman sila sa akin.
“Babae, andyan ka pala.”
I didn’t answer. Nakatingin lang ako sa entrance ng kusina.
Nakasandal si’ya sa gilid.
He’s wearing black t-shirt and black ripped jeans. Basang basa pa ‘yung buhok nito hula ko dahil sa magdamag na pag-ulan.
Napalunok ako ng pasadahan niya ang katawan ko mula sa paa hanggang sa dibdib ko na natatakpan ng towel na nakasuot sa akin.
He smirked.
Sa pagtitig niya palang, hinuhubaran na ako ng mga mata niya. He does looks the same from the last time I saw him.
“Ano bang tinitingnan mo dyan-----“
Nahulog ni Josa ‘yung plato.
Pakiramdam ko nahulog ko din ‘yung towel sa katawan ko.
“Hello, ladies.”
Nanigas ang katawan ko ng marinig ko ang boses niya.
“Garreth.”
Sabay namin bigkas.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top