Perfect 1: Agent X
-Ashley-
Thank God, I mean thank God dahil walang masyadong tao dito Perfectly Polished nail salon and spa na pinuntahan ko. I know right? Bagay sakin yung name ng salon nila. I mean, perfectly? Oh gosh, pinaalalahanan ko yung sarili ko na hindi nga pala ako perfect.
Muntikan na 'ko mapamura dahil lagi ko na lang nakakalimutan. Napatakip tuloy ako ng bibig kasunod ng paglingon ni Hunter (my hottie-bodyguard) sa tabi ko.
"Ano nanaman?" Tanong nito.
"Nothing, alright? nothing" sagot ko, then back to business nanaman kami.
Anyway, back to this salon ako lang sana ang customer nila kung hindi lang dahil sa isang babaeng katabi ko na kanina pa may kausap sa phone, ang lakas ng boses niya actually. Si Hunter naman kanina pa naglalap top sa tabi ko para hindi mainip.
"Madam, dark blo, rid u black?" Tanong nung manicurista sa harap ko, tsk. Ganyan talaga accent niyan ni ate. Cool right?
"Blehh" Maarteng sagot ko. Since kakapaanood ko lang ulit nung Fault In Our Stars kanina, gusto pareho kami ni Hazel Grace ng kulay ng nail polish since pareho kaming may Grace sa pangalan. I know right?
"Anu pu?" Tanong ulit nito.
"Blehh? Di mo alam yung blehh? My gosh, ate ilan months na 'kong pabalik-balik dito. Blehh with the capital Bey."
Napakamot naman ito ng ulo "Madam. Anu nga yon?"
"Blue ho yung sinasabi niya." Salo ni Hunter na hindi man lang ngumingiti sumasakit na ata ang ulo sakin.
"Ah, blo lang pala, Madam, hehe" Tawa nito "Sorreh" Gaya nito sa accent ko.
Imbis na mainis natuwa pa 'ko sa sinasabi niya "I like you ha?" syempre Ashely Esqueza na kaya yung ginagaya niya. Aangal pa ba ko? Sumandal na lang ako sa upuan nila at pumikit na kailangan kong gawin bukas.
Gosh, it's been months since sa paghahanap ko ng Mr. Right ko wala padin ako makita. Hay, bakit ang sama sakin ng mundo? Ginawa ko naman ang dapat kong gawin pero wala padin?
"Hunter?"
"Mm." Maikling tugon nito.
Nilingon ko siya "Huy" Kalabit ko.
"Oh?" Supladong sagot nito at nakatingin padin sa lappy niya. Tsk, kainis naman 'to si Hunter ang gwapo sana kaso suplado talaga, kaya nagiging no choice siya na mastuck sakin eh. Walang nagtitiyaga sa ugali niya. Diba? Diba?
"May lakad ba 'ko bukas?" Nakangiting tanong ko.
"Ewan ko sayo."
"Bakit hindi mo alam?"
"Bakit hindi mo tanungin assistant mo?"
"Eh bakit hindi mo nga alam?"
Naiinis na siya lumingon sakin "Bakit ko aalamin, hindi ko naman trabaho yun? Trabaho ko lang bantayan ka." Medyo galit na yung boses nito kaya nag crossed arms na lang ako at sumandal ulit.
Tapos bigla kong napansin yung katabi kong malakas yung boses na pareho kami ng kulay ng nail polish pero isa palang yung nakukulayan sa kanya.
"Miss?" Sabi ko.
"Yes?" Medyo malakas na sagot nito habang nasa tenga padin yung phone.
"Hindi mo nakikita pareho tayo ng kulay ng nail polish?"
Tumingin ito sa paa niya at sa paa ko napakigit labi "I see, ano ngayon?"
Natawa ako ng mapakla. Ano daw? Ano ngayon? Gosh, hindi ba big deal sa kanya 'to? "Hindi kasi ako komportable na maglalakad sa labas na may kapareho na kulay ng nail polish." Maayos na sagot ko.
"Bakit ikaw lang ba may karapatan pumili ng kulay na 'to?" Mas lalong lumakas yung boses nito na napahinto si Hunter sa pagtatype sa gilid ko. Pati yung manicurista niya at ko nakatingin na samin.
Napataas namana ang kilay ko. "First come. First serve." Pagtatanggol ko sa sarili ko.
"Nung pumasok ako nakapili na 'ko ng kulay na ilalagay nila."
"No way, ako yung nauna. Saka hindi mo ba nakikita isa palang nakukulayan sayo tapos sakin tatlo na?" Tinaas ko pa yung paa ko para makita niya.
"Ashley" Saway sakin ni Hunter.
Hindi ko naman siya ininda at nilingon ulit yung babae.
"Burahin mo yan ayoko may kapareho."
Ibinaba na nito yung phone at masamang tumigin sakin "Hindi naman sayo 'tong salon para utusan ako?" Mataray na tugon nito.
"Gusto mo bilin ko muna 'tong salon para lang burahin mo yan? Gosh, Miss. I am Ashley Esqueza hindi mo ba alam kung gaano kayaman ang pamilya ko?"
"Ashely, tumigil ka na." Suway nanaman ni Hunter.
Namumula na yung babae sa harap ko at nilingon yung mga manicurista "Wala ba kayong gagawin dito?!"
Napakagat labi lang naman yung dalawa. "This is insane! Hindi na 'ko babalik sa inyo!" Tumayo na yung babae at kinuha yung phone niya at lumabas padabog na isa lang yung kulay ng kuko sa daliri.
Kinakabahan naman na humarap yung dalawa sakin "Don't worry. Babayaran ko na lang yung hindi niya nabigay araw-araw pa tapos triple."
Nakita niya ang pag ngiti ng mga 'to na palihim. Ganyan naman lagi pag may nakakaaway ako binabayaran ko na lang para tapos ang gulo.
"You're impossible." Komento ni Hunter at tumayo na palabas biglang nilabas yung phone.
Nag nguso naman yung manicurista ko, nawalan ng inspirasyon "Galet ba se puge?" Tanong nito.
"Hindi 'no. Ganyan talaga yan pag nag aaway kami lumalabas."
"Puge dudong 'nu?" Sabi naman nung isa "Me juwa na ba yon, Madam?"
"Meron and I call her boobie."
Nagtinginan yung dalawa pero di na nagtanong pa. Kinuha ko naman yung laptop ni Hunter na naiwan na nakabukas sa upuan niya nilagay ko sa lap ko. Napaka plain ng background wala man lang kadesign mga lalaki talaga.
Nagclick-click ako ng kung ano-ano. Nang may napindot ako ng parang print ng kamay yung logo. Biglang may lumabas na Welcome Message na kinagulat ko.
WELCOME TO OUR PAGE AGENT X
Ano daw Agent X?
WE'RE HERE TO GIVE YOU THE INFORMATION YOU NEED AND THINGS YOU WANT TO SEARCH
JUST TYPE YOUR QUESTION OR COMMENT BELOW THE BOX.
Nagising naman daw yung katawan lupa ko sa nabasa ko? Ano ba 'to? Natawa ako. Siguro isa 'to sa mga games ni Hunter sa laptop. Ah, kaya pala sobrang busy ng loko. Haha! Siguro love online 'to? Dito niya nakilala si Boobie. Hehe.
Nagtype naman ako sa box.
"Anything? I mean anything I want?"
Unti unti nanaman lumabas sa screen ko yung pagtatype nung sagot. Wow, ang astig nitong laro ni Hunter ah.
YES YOUR MISSION WILL ALWAYS BE OUR PRIORITY AGENT X
I giggled. Natutuwa kasi talaga ako.
"I want you to find me my Mr. Right"
PLEASE BE SPECIFIC AGENT X
Siguro parang simsimi 'to? Yung mga naturo lang yung alam niya. Haha! Bigla naman may idea na pumasok sa isip ko. Specific ba kamo.
"Wanted: Mr. Perfect"
Nagulat naman ako ng may mga lumabas na square na box ang daming pangalan na nag ra-run. Biglang huminto sa isa tapos may nag puff nanaman na new square ngayon may picture na. May larawan na lalaking lumabas nakaside view lang siya tapos may tattoo sa right shoulder niya na cross nakasobrero yung lalaki. Parang si Hunter lang hindi ngumingiti, pero ang pogi padin! Haha!
INFORMATION ABOUT MR. PERFECT
CODENAME: G-DRAGON
AGE: 25
STATUS: SINGLE
ADDED INFO: HE'S THE ONLY SON OF A MILLIONAIRE BUSINESS TYCOON ROMULO SALAZAR
Gusto ko sana mapamura pero hindi pwede! Laro lang ba 'to o totoo? Kung totoo, holy shit! Eto na ata yung hinihintay ko na pagkakataon na mameet si Mr. Perfect ko! I know right? I mean, look at that guy! Ang gwapo niya tapos mayaman pa. Isn't that amazus? Tapos anak pa ng isang business tycoon! Oh gosh!
EASY TARGET? PLEASE ANSWER IMMEDIATELY AGENT X
Ano ba 'to? Tinatanong niya ba 'ko kung kaya kong iseduce ang lalaking 'to?! Of course I can!
"Yes"
SHALL WE PROCEED TO THE MOST IMPORTANT INFORMTION AGENT X
"Yes! Yes! Yes!"
I typed sunod sunod na kinakabahan na din kasi ako baka mahuli ako ni Hunter baka magalit nanaman sakin ayaw pa man din nun pinapakelaman yung gamit niya.
"Before that will you please send the following infos. to this email address, [email protected]"
YES WE WILL AGENT X
Gising na gising na talaga ang diwa ko. Parang pakiramdam ko tuloy pasko ngayon, bakit ang aga naman Christmas gift nito! Mabilis uli ako nagtype dahil nararamdaman ko na yung pag dating ni Hunter.
"Can I date him?"
AS LONG AS IT IS PART OF YOUR PLAN AGENT X
"Of course!"
THEN YOU SHALL DATE HIM AGENT X
Napanganga ako habang todo todo na talaga yung ngiti this time. Pakiramdam ko panalong panalo ako sa lotto ngayon araw! Oh gosh!
"Kthanks, bye!"
SHALL WE DELETE THIS CONVERSATION AGENT X
"Yes, please"
I type as fast as I can at tumitingin tingin na sa labas nahihiwagahan na din yung nag mamanicure sakin. Nginitian ko lang siya tumango lang naman ito.
CONVERSATION DELETED GOODBYE AGENT X
At parang bula na nawala yung mga square na box bigla bigla bumalik sa pinaka homescreen ng laptop ni Hunter na parang walang nangyari. Ang astig naman ng dating site na yan, hindi na 'ko makapaghintay! Sana magreply agad sila sa email address ko! Oh gosh!
Kailangan ko nanaman mag paganda o magpasalon, grabe ang gwapo kaya nung makakadate ko hindi lang gwapo anak pa ng millionaire, thank you, Lord!
-Hunter-
Hindi ko na alam kung anong pasensya pa ang ialalaan ko para kay Ashley Esqueza. Dammit, hindi ko din alam kung paano ako tumagal ng isang taon sa babae na yan. Puro lang naman kapahamakan dinadala sa buhay, kaya ang daming kaaway dahil sa ugali niya.
Ako na lang ata nagtityaga sa kanya. Napahinga ako ng malalim kailangan kong magrelax kung hindi iiwan ko talaga yan babae na yan. Walang araw na hindi ako naaasar. Naubos na lahat ng pasensya ko, pasalamat siya kapatid siya ni Zach kung hindi iniwan ko na talaga yung trabaho ko sa kanya.
Kanina pa 'ko nakatayo dito inaantay na lang ang pag labas ni Ashley pag nagsama pa kami sa loob baka. Ugh, baka mahalikan ko lang yung bibig niya na sobrang ingay. Maya maya nag ring yung cellphone ko.
Nagulat ako ng makita ko yung pangalan ng boss ko.
"Sir?" Nagtatakang tanong ko.
Ilan buwan na din kasi simula nung tumawag siya may mission nanaman kaya kami?
"Hunter, may kapapasok lang na impormasyon samin na lalabas si Dragon sa lungga niya."
Napakunot siya ng noo, himala? Akala ko ba nagtatago yan si Dragon "Kailan, sir?"
"Sa biyernes ng gabi. Maghanda kayo pagkakataon na natin 'to para mahuli na siya sa akto sa kung anuman krimen ang gagawin niya. Pakiramdam ko makikipagsundo siya sa isang mayaman na pamilya para mas lumakas ang kapangyarihan nila."
Biyernes ng gabi? Siguro naman walang pupuntahan si Ashley nun. Ah, papauwiin ko na lang siya ng maaga. Ang dami pa ineexplika ng boss ko sa mga susunod na plano namin habang ako hindi ko alam kung paano sasabihin kay Ashley na mawawala sa biyernes.
"Sige ho, sir, pupunta na lang ako dyan bukas."
"Aasahan kita, Hunter."
Binaba ko na yung cellphone ko at nilagay sa bulsa pinuntahan ko na si Ashley. Pagkapasok ko sa loob kalalapag niya lang nung laptop ko na naiwan kong bukas. Naknang, f-uck! May nakita kaya siya?
"Pinakelaman mo ba yung laptop ko?" Mahinang tanong ko. Alam kasi nito pag mahina na yung pagkakasalita ko galit na 'ko.
Namumutla naman tumingin sakin si Ashley. I tilt my head, para pag aralan yung susunod na gagawin niya. Sa isang taon na pagiging bodyguard niya alam ko na kung kailan siya nagsisinungaling.
Pagnagsisinungaling ito kadalasan kinakagat niya muna yung labi niya bago sumagot sa tanong ko.
-Ashley-
Holy s-hit! Nahuli ata ako ni Hunter?! Anong isasagot ko? Baka nalaman niya na alam ko na sa dating site niya lang nakilala si Boobie! Nag-isip muna ako ng magandang sagot yung hindi niya mahahalata.
I bit my lip, "Hindi, ah, tiningnan ko lang yung oras, hehe"
Bumaba naman ang mata nito sa relo ko sa kamay sabay tingin nanaman sa mata ko nakakatakot kaya siya tumingin pag ganyan. Ayoko kaya maiwan dito sa mall na mag-isa mamaya balikan ako ng mga kaaway ko sino na lang haharang sa kanila?
I bit my lip again "Sira kaya, oh? Hindi na umaandar. Saka walan naman akong pinakealaman sa lappy mo, okie?" Ngumiti ako at umiling si Hunter.
Naniwala kaya siya?
Sana hindi niya na halata. Lagot ako sa kanya pag nalaman niya yung ginawa ko. Napahingan ng malalim si Hunter at isinara na ng tuluyan yung laptop. So, tahimik nanaman kami ayoko nga magsalita baka mahuli niya pa ko nagsisinungaling.
I keep biting my lower lip na lang.
Nung natapos na 'ko mapamanicure, as usual, binigay ko yung bayad as a promise na triple. Pati tip pa nilang dalawa sakin. Panay naman tingin nung dalawa kay Hunter nung paglabas namin. Nung palabas na kami nung mall nagulat ako ng makita ko si Boobie nakatingin samin may hawak-hawak na bag.
Nakashades din siya katulad ni Hunter, hindi naman maganda 'tong girlfriend niya, sus. Model daw? Eh mas maganda pa 'ko dyan, malaki lang boobs niyan eh. Kita mo pag nasalubong mo yan unang mapapansin mo sa kanya dibdib.
"Hi," Maarteng bati nito at hinalikan si Hunter sa pisngi.
Dumeretso lang si Hunter sa parking lot at kami naiwan ni Boobie dito sa entrance. Nag-aasaran kami ng tingin from head to toe. Gaya niya,sinabit ko din yung bag ko braso ko at inawang ang isang paa ko.
"Barbie, bakit ang bilis mo naman pumuti?" Pang-aasar nito "Diba kagagaling mo lang sa swimming?"
Oo, barbie tawag niyan sakin, fake and plastic daw ako. Bwisit yan babae na yan, kaya tawag ko sa kanya Boobie. Pinagsamang mukang boobs at boobita. Nagkunwari na lang ako na hindi apektado sa pinagsasabi niya. Gosh, masama ba umamin na nag guglutha ako? Di naman, ah? Pera ko naman yun.
Buti na lang bago ko masabunutan 'tong Boobie na 'to pumarada na sa harap namin si Hunter. Nag-unahan pa kami sa pagpasok sa passenger seat. Good thing, naka 3 inches heels lang ako! Kaya ako nauna. Haha, siya kasi naka five inches.
Pagkapasok namin nilabas ko agad yung Iphone5 ko, binuksan ko na ang lahat. GPS, bluetooth, pati wifi mareceive ko lang agad yung email mula sa Mr. Perfect ko. Habang inaantay yung email, napatingin ako kay Hunter.
Gwapo naman siya, di ko lang magets kung bakit 'tong Boobie na 'to pinatulan niya.
"What?" Tanong nito ng mapansin ang pagtingin ko sa kanya.
"Sarreh" Sabi ko ng mabilis.
"Ano?"
May narinig akong nag chuckle sa likod.
"Sanangyarikaninasarrehhhh" Sabi ko nanaman ng mabilis.
Umiling lang si Hunter, hindi pinansin yung paghingi ko ng tawag. Fine,hindi naman tinamaan yung pride ko wala naman nawala sakin! Kahit ngayon na lang ulit ako nanghingi ng sorry sa isang lalaki!
Bigla naman nagvibrate yung phoney ko, agad kong tiningnan and then gusto ko magmura ng malakas para sa isip ko na lang ginawa.
Holy shiaat! May isang notification.
Binuksan ko siya, it's from my g-mail. Sana hindi nila nahalata yung pagkashock ko sa nabasa ko. Bigla nanaman tuloy naexcite katawan lupa ko! My Mr. Perfect, he emailed me!
~~~~~~~~~~~~~~~~
Subject: Meeting
I'll see you, friday night.
7PM, SHARP.
-GD
~~~~~~~~~~~~~~
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top