Chapter 2


***


Sanay akong madali na lang makapagluto ng pagkain sa mundong pinanggalingan ko. Sa baba lang ng apartment unit na nirentahan ko ay may convenience store, pharmacy at isang eatery. Halos nandoon na lahat ng kailangan ko. May mga araw na kumakain ako ng instant noodles, nagrereheat ng mga instant na pagkain na nabibili ko sa convenience store o kakain sa eatery. Kulang na lang talaga sumakit ang gilid ko o ang kidney sa mga pinagkakain ko na mga processed foods kasi iyon lang ang madaling ma-access at maluto. Kaya ko namang magluto pero iyong hindi komplikado na pagkain. Halos wala na kasi akong oras na mag-asikaso dahil puro na lang ako trabaho.


There was even a time I was so exhausted that I felt like my soul was leaving my body. Grabe na 'yung fatigue ko to the point that I was rushed to the hospital. Buti covered ng company ko ang bills dahil sa workday iyon nangyari at kinabahan ang mga tao sa paligid ko. Napagalitan pa ako dahil hindi ako nagpapahinga nang maayos. Paano? Kung loaded ako lagi at iyong trabaho na hindi naman trabaho ko ay ibinibigay sa akin. Kapag nirerecall ko ang mga gunitang iyon sa buhay ko, nahahabag na lang ako sa sarili ko. Bakit ba hinahayaan ko na lang na tapakan ako?

Even my own family. Nagpapakuba ako sa hindi ko naman mga kadugo. Ang tanga ko lang? Now that I'm here in this unfamiliar world, gusto ko pa bang bumalik? Ano ang babalikan ko doon? Kung nawalan na ako ng dahilan na mabuhay sa mundong iyon? Buhay nga ako doon ngunit para naman akong patay sa loob-loob ko.

Demotivated. Exhausted. Depressed. Gusto kong umiyak pero hindi ako makaiyak. Nagsawa na rin ako. Namanhid na ang pakiramdam ko. Weird pero habang isinusulat ko ito, hindi gaano kabigat sa puso ang ihayag ang damdamin ko sa papel. Ang mga letra, tinta, at papel ang sandalan ko sa mga madidilim na gunita ng buhay ko.

Hahanapin ba ako nila na wala na ako sa mundong kinagisnan ko?

Itinigil ni Aeris ang pagsusulat niya sa bakante at lumang kuwardeno na nakita niya sa isang davenport desk. Marami pa siyang tutuklasin sa totoong Norah. Hindi nga niya alam kung paano siya magsimula dahil kahit mga liham nito, may nakakubli pa ring misteryo.

Tiningnan niya ang mukha ni Norah sa salamin. May desire siya noon na gusto niyang wakasan ang buhay niya bilang si Aeris. Gusto niya itong makausap. Marami siyang tanong. She was an outsider of this world. This body belongs to the soul of Norah. Where is the real Norah? Wala rin naman siyang babalikan dahil malamang patay na siya sa mundo kung saan siya nanggaling. Ang magandang alaala niya doon ay ang panahong buhay pa ang tatay niya na nag-adopt sa kanya.

Pagkatapos niyang magsulat, inilibot niya ang mga mata niya. She was surveying the interior of the house. Mula sa kinaroroonan niya ay may isang pinto na patungo sa kusina. Tumungo siya roon at namangha sa hitsura. Bukod sa napunta siya sa mundong iyon, nag-transport din siya sa isang makalumang era na walang Internet o high technology. May mga cupboard roon kung saan puro kitchen utensils at dining utensils. Katabi ng lababo na tiles ang design na namangha siya dahil may designs ang tiles, ay shelf na may mga mason jars. May mga herbs at spices sa mason jars maging pickled fruits at veggies. Mahahalatang mahilig magluto ang totoong Norah Murell.

Bumalik siya kung saan siya nanggaling. Sa kuwarto ni Norah. Nag-iisip pa siya kung ano ang gagawin niya. Kaunti lang ang knowledge niya sa pagluluto, ano ang gagawin niya roon sa kusina bukod sa papalpak siya sa mga paghahanda ng pagkain? Hindi gaya noong nasa dating mundo pa siya na maglalakad lang siya sa labas ay makakakain na siya sa isang restau or sa isang convenience store.

Nang lumabas naman siya sa isa pang pinto ay doon niya nadiskubre ang isang hardin na may mga gulay at mga bulaklak. Malamang doon kumukuha ng ingredients si Norah.

Binuksan niya ang aparador doon at nakita niya ang mga damit ni Norah. Halos walang pantalon roon at puro mga bestida. Sa maliit na cabinet, doon niya nadiskubre ang underwears ng mga ito pati ang kakaibang panty na makapal ang tela at may kung anong nilagay sa loob. Ito ang panty na para sa menstruation ng babae noon? Kakaiba. Sanay pa naman siya sa menstrual pads.

Tuluyan na siyang lumabas ng bahay at doon niya nakita ang magandang tanawin sa harap niya. Nature. Iyon ang nakakalimutan ng mga tao sa dati niyang mundo. Na connected sila sa nature pero mas na focus sila sa hustle and bustle culture. Lahat na lang ng tao ay nagmamadali. Lahat na lang ay may time limit. Lahat na lang ay nagfofocus sa productivity at success na nakakalimutan nang maging tao.

Naghanap ng bahay si Aeris. Marami siyang mga tanong at gusto na muna niya malaman kung nasaan siya.

Malalaki ang mga hakbang niya patungo sa pinakamalapit na bahay sa cottage. May sense of urgency ang mga bawat hakbang at may hinahanap ang mga mata niya.

She stopped on her tracks, searching for a person nearby. She was looking around when a man went outside of a barn holding a bucket. Nakasuot ito ng trousers at mukhang mas matanda sa kanya ng ilang taon sa totoong 'Aeris'. May stubbles ito sa mukha na hindi naman gaano kakapal at amber ang kulay ng mga mata.

Nakakunot ang noo nito gawa nang araw at agad naman siya nitong napansin. Inihanda na ni Aeris ang kanyang ngiti.

"Hello po, magandang araw," She was surprised she was speaking in a different language but she understood it perfectly. The middle-aged man stopped on his tracks. "Uhm hello po, puwede hong magtanong? Gusto ko ho sanang malaman kung nasaan ang lugar na ito."

May pagtataka sa mga mata nito nang tingnan siya at doon lang niya napagtanto kung ano ang tinanong niya.

"Vandenberg," sabi nito sa flat na tono at malalim na boses.

Ngumiti na lamang siya at bahala na, magtatanong pa siya dahil hindi niya alam kung saang lupalop ang Vandenberg. "Vandenberg? Saang bansa po tayo?"

"Bansa?" Mas lalong nangunot ang noo nito. "Ipagpaumanhin ngunit ibig mong sabihin, rehiyon?"

"Ha? Rehiyon?"

May pagtataka ang mga matang tiningnan siya nito.

"Oo, nasa rehiyon tayo ng Vandenberg. Isa sa mga rehiyon ng kaharian ng Solea, binibining Murell."

"Solea!" Nanlaki ang mga mata ni Aeris sa narinig. Bakit kaharian? Mga daang taon na noong nangingibabaw ang monarkiya sa panahon niya. At kung nasa taong 1763 siya, bakit wala siyang maalalang Solea na kaharian? Nilibot niya ang mga mata sa berdeng tanawin.

Di-kalayuan, may nakita siyang mga kambing na nanginginain ng mga damo at ilang metro ang layo. May isang ale ang nasa gilid ng kalsada kung saan may dumaraang makalumang version na truck na may dayami sa likurang bahagi.


Mukhang kilala siya ng lalaki dahil tinawag siya nito ng Binibining Murell.

Magtatanong pa sana siya sa lalaki ngunit wala na ito sa paningin niya at mukhang ipinagpatuloy na ang gawain nito ngayong araw. Dahil hindi siya sanay magsuot ng ganoong kahabang bestida ay nataranta pa siya kung paano pigilan ang pagbuka niyon nang dumaan ang malakas na hangin.

Bumalik na lamang siya sa cottage. Mukhang doon masasagot lahat ng mga katanungan niya. Bahagya siyang hiningal sa pag-akyat ng burol. Ganito talaga kapag nasa opisina siya lagi at wala man lang exercise araw-araw. Nanibago siya sa temperatura sa paligid sapagkat sa pinanggalingan niya, mainit na ang alas siete ng umaga. Dito, malamig.

Dahil sa climate change ay nagbabago na ang temperatura ng paligid at paminsan-minsan ay nagsusuot siya ng mask dahil sa pollution. Dito, presko ang hangin. Naisip nga niya na kung mananatili siya doon, paano kung bumalik ang kaluluwa ni Norah?

Ang una niyang ginawa pagbalik niya sa cottage ay naglinis roon. Nadiskubre din niya sa may hardin na may balon roon. Mano-mano ang pagkuha ng tubig roon. Sa lababo naman ay mukhang nanggaling sa ilalim ng lupa ang tubig. Malamig at tinikman niya ng konti, parang spring water.

Ang banyo naman na nasa kuwarto ni Norah ay may kalakihan. Separate ang toilet bowl at shower. May gripo rin doon at may sementadong bathtub pa. Walang shower pero may isa namang parang kabo roon na gawa sa kahoy pero nang subukan niya naman ay matibay naman ang pagkakagawa. Hindi lumulusot ang tubig. Naligo na muna siya roon at iba talaga ang experience niya roon kaysa sa bathing experience niya sa dating mundo. Malamig at magaan sa pakiramdam ang tubig.

Pinili ni Aeris ang isang simpleng bestida na light green ang kulay. Magaganda naman ang tabas ng bestida. May mga hats din roon at may mga tela pa na at doon siya nagka-ideya na baka tinatahi ni Norah ang mga damit nito. Ang problema na nga lang niya ay kung paano siya makakapagluto.

Bumalik siya sa may davenport desk at naghanap ng puwede maging reference roon.

"Since mahilig siya magluto, baka may mga recipes siya dito. Huwag naman sana na wala silang bigas rito." Mahilig pa naman siya kumain ng kanin kahit noon pa.

May nakita naman siya isang notebook roon na puro recipes. Madalas na nandoon ay mga recipes na puro prutas, veggies at meat ang ingredients. Nasorpresa din siya dahil may karne ng rabbit.

Nakapanood siya ng documentary na sa dati niyang mundo, kinakain talaga ang karne ng rabbit dahil mabilis rin sila dumami. Hindi lang naging normal kung saan siya nakatira. Habang binabasa ang notebook nito ay may nabasa siya roon tungkol sa paggawa ng ice cream. Paano? Kung wala namang ref. May kung ano pa siyang hinanap sa may kusina at may pinto nga sa may sahig at nang buksan niya ay namangha siya. May hagdanan pababa roon at nang makanaog na siya ay namangha siya sa mga naka-stocks roon na wine. It's a cellar. There's a wooden bucket with a metal inner canister there and a lidden metal container, made of copper and pewter and it probably used for ice cream. May portable ice chests roon kung saan naka-store ang mga veggies, fruits at kahit meat para malamig. May mga ice rin doon na dinurog pa at salted ice pa iyon. May mga alternatives din pala ng technology roon na meron sa modernong panahon kung saan siya nanggaling.

Malamig din ang cellar kaya may naka-stocks rin doon na crops. Naghanap siya ng mga butas na puwedeng paglunggaan ng mga peste pero wala siyang nakita. Safe ang cellar na iyon. Umakyat na siya ng hagdan palabas ng cellar.

Mukhang doon talaga siya matututo ng pagluluto. 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top