Chapter 1

Is this heaven?


Habol ang hininga ni Aeris nang magising siya sa nakakasilaw na liwanag at kasunod niyon ang bumalatay na kirot sa kanyang baga. Her eyes squinted from the blinding light.

Ang unang mga salitang sumagi sa isip ni Aeris nang mabulag sandali sa liwanag. Susunduin ba siya at hahatulan sa maliit na sandali niyang paghinga sa mortal na mundo?

Subalit sa laking pagtataka ni Aeris ay ang unti-unting pagkawala ng liwanag. Ang kisame ang nakasalubong ng mga mata niya nang luminaw ang paningin niya. Biglang humapdi ang balikat niya nang bumangon siya sa kinahihigaan.

Kasama ba sa langit ang paghapdi at pagkirot ng mga kasu-kasuan niya? Na tila ba nahulog siya sa isang gusali? Nalunod siya, hindi nahulog sa isang gusali.

Umalerto nang kaunti ang mga senses niya at nilakbay ang mga alaala niya – ang pagkukuwenta niya ng mga bills, ang betrayal, ang katotohanang nadiskubre niya sa mga kamag-anak niya, ang outing, at ang pagkalunod niya sa karagatang binulabog ng masamang panahon.

Takang-taka siyang luminga-linga sa paligid.

Bakit nasa loob siya ng isang magulong bahay? May mga natuyong bulaklak sa gilid ng bintana, mga nakakalat na mga papel sa isang mesa, at may mga damit na nakasalabit lang kung saang sulok ng silid.

Paano siya napunta roon kung nalulunod siya?

Dumako ang mga mata ni Aeris sa sanhi kung bakit nasilaw siya ng liwanag ng araw – ang nakabukas na bintana kung saan makikita ang mga bulubunduking natatakpan ng ambon ang tuktok maging ang malayong kagubatan. Ang tanawing bumungad sa mga nanlalaki niyang mga mata nang tuluyan na siyang bumangon.

"Paano . . ." Nanlaki ang mga mata ni Aeris nang marinig niya ang sarili niyang mismo. Ganito ba ang boses niya? The voice is lighter than hers. Aeris didn't know what's going on. Is this some kind of apparition before she meet the judgment?

Kinurot niya ang sarili niya at napaigtad sa naramdamang sakit. Napasobra ang diin niya.

Masakit ang pagkakakurot at napansin niya ang pamumula ng balat niya. Mas lalo siyang nagulantang nang namalayang kulay krema ang kanyang balat.

Inalis niya ang bulaklaking kumot sa sarili at inilibot ang paningin sa paligid. Bakit buhay na buhay ang senses niya? Na parang hindi pa siya patay.

"Bakit ganito kagulo ang— boses ko ba talaga ito?" It's not her voice who was speaking but it's really her. May pagbabago rin ang skin tone niya.

Dominante ang earth colors sa mga gamit roon, isama na ang kulay ng kamang kinahihigaan niya. At napakagulo.

"Nasaan ako?" She ignored the 'goosebumps' feeling when she heard her voice and scanned the whole room again.

She was lying on a four poster bed and an old one at that. Sa silangang bahagi ng bintana ay doon nakapuwesto ang isang lamesang marami ang nakakalat na gamit at isang cabinet na nasa gilid lang ng bintana. Saka lang napansin ni Aeris na nasa gilid ng poster bed, sa uluhang bahagi, ang isang night table. Nandoon ang isang susi at isang napakaliit na bote na walang laman.

Naalarma lamang siya nang makita ang kalendaryo na nasa taong 1763. 1763! Sa buwan ng Agosto siete. She held the calendar and check the other months. Baka iniligay lang iyon doon o baka naghahalusinasyon lang talaga siya?

Hallucination? Di ba dapat nasa hospital siya? Kung sakaling may nagligtas sa kanya? Alam niya sa kaibuturan niya na namamatay na siya noong nalulunod at isipin pa lang iyon ay tila mapapanawan na siya ng ulirat.

The currents were too strong for her to swim as fast as she could.

Out of habit, hinanap ng mga mata niya ang orasan at hindi naman siya nabigong hanapin dahil nakita sa norteng bahagi ng silid.

Alas siete y medya na ng umaga.

Kinakabahang umalis si Aeris sa kama at nanginginig ang mga kamay na umikot sa silid. Hindi niya maintindihan. Anong nangyayari at taong 1763 ang nasa kalendaryo?

Umalis siya sa magulong silid at tinungo ang nakabukas na pinto kung saan bumungad sa kanya ang maayos na kusina kaibahan sa silid na pinanggalingan niya.

"Anong nangyayari? Bakit ako nandito? Di ba dapat patay na ako? Imposible? At anong klaseng lugar ito?" bulalas niya sa sarili.

Napatulala na lamang si Aeris nang masulyapan niya ang isang picture frame sa isang sulok at nang makalapit siya sa na pinatungan na pahabang mesa nito ay mas lalong siyang nagimbal. Nasa larawan ang isang babaeng nakasuot ng cream flowy dress at wide brimmed hat. Isang kasuotan na tiyak niyang uso noong tatlong daang taon na ang nakalipas.

The woman has fair skin and a peaceful expression on her face, yet her eyes were telling otherwise. She's beautiful, and she looks so feminine. Natigilan si Aeris nang makita niya ang repleksiyon niya sa nakasiradong bintana. Her face is the same as the woman in the picture.

Nagtaasan ang lahat ng mga balahibo sa kanyang katawan nang mapagtanto nga iba nga ang itsura niya sa totoo niyang itsura.

Napamura siya sa kilabot, pagkamangha at pagkalito. Nanginginig ang mga kamay niya at huminga siya nang malalim upang kalmahin ang sarili. But she couldn't gather her wits when she realized that she's not in her original body.

She gasped when she realized something, "Kung ako ang nasa katawan ng babae. Nasaan ang kaluluwa niya?"

May gumuhit na kirot sa kanyang ulo at napahawak siya roon. Kumakabog ang dibdib na tumayo siya at hinamig ulit ang sarili. Hinarap niya ulit ang repleksiyon ng katawan na hindi kanya sa bintana.

"Sino ka? Bakit ako ang nasa katawan mo? " Naipilig niya ang ulo at nanlaki ang mga mata. "Di kaya'y ikaw ang nasa katawan ko rin?"

Masisiraan na siya ng bait!

Tinulak ni Aeris ang glass window at doon lang niya humanga sa tanawin na natatanaw niya. Ang malayong bulubundukin ay may mga niyebe sa tuktok at hamog. Kumikinang sa ilalim ng araw ang mga damo maging ang mga puno sa kagubatan. A picturesque scene of nature and her eyes were blessed with that.

Napagtanto rin niya na mas malinaw ang mga mata niya kompara sa papalabo na niyang mga mata na babad lagi sa computer. She inhaled and exhaled, savoring the scenery in front of her. It was different from the scenery she had seen in the city, where everything was fast-paced.

Then she remembered that maybe her body didn't recover from drowning and what if no one rescued her? What happened to the real soul of this body? And where is she?

Upang masagot ang mga katanungan sa mga utak niya ay lumabas siya sa maliit na bahay at sinuot ang nakita niyang tsinelas roon. Namangha siya nang makita ang istruktura ng bahay sa labas.

It was a quaint cottage in the middle of nowhere. A secluded cottage made of wood. Moss green ang paint ng pintuan.

Aeris noticed the vines growing near the roof of the cottage and it has lilac-colored flowers which she didn't recognized. May attic window kung saan may mga yellow flowers sa paanan ng bintana. Kulay dark brown ang bubong na gawa yata sa asphalt shingles.

May extension ang cottage kung saan may front porch at may mga metal chairs at isang bilugang mesa na gawa sa kahoy. Sa extension ng cottage ay may labasan ng usok. Mukhang doon ang kusina.

Sa gilid pa ng extension sa kanlurang bahagi ng cottage ay may isa pang outdoor kitchen. Naalala niya ang pugon noong bumisita siya sa probinsiya ng kinalakhan niyang tatay.

The cottage was surrounded by a garden with riot of colors. The flowers are blooming and the plants are glistening under the sun. It was obvious that the owner of her body took care of her garden diligently.

Sa isa pang bahagi ng cottage ay nandoon ang clothesline at may mga iilang damit na nakasabit roon. The mountain air was refreshing and it was not that hot since she was surrounded with greenery. It's not just only greenery but also wildflowers.

The backdrop of the cottage are rolling hills and lush scenery. She was on a hill that almost like a mountain. From a distance, may nakikita siyang mga bahay at mukhang naroon ang town proper.

Was she dreaming? Ngunit masakit ang pagkakakurot niya sa sarili. Parang totoo ang lahat.

Nangungunot ang noo niya nang hindi na takpan ng mga ulap ang araw. She was like saluting to the lush scenery.

Is this some kind of a mission?

Nang uminit na masyado ay bumalik siya sa cottage at pinagmasdan ang loob. Nangingibabaw ang earth colors sa loob ng cottage at nasisinagan ng araw ang kulay dilaw na kurtina ng bintana na mas lalong nagdagdag sa homey atmosphere ng bahay.

Nasa earth pa naman siya di ba? Hindi lang halusinasyon? Wala ring malapit na bahay sa cottage. Sinundan ng mga mata niya ang daan pababa at namangha siya nang makita ang mga bahay sa baba. Hiwa-hiwalay ang mga ito at di-hamak na mas malaki pa sa cottage. Kaibahan sa mismatched houses at slums na madalas nakikita niya sa pinanggalingan niya.

Humangin nang malakas. Hawak-hawak niya ang laylayan ng kanyang suot na bestidang may mga kulay dilaw na bulaklak.

Maingat siyang lumakad pababa ng burol at tinungo ang bahay kung saan may front porch at barn. Baka may tao roon na makakapagsabi kung saan siya.

The entire atmosphere looks like she was in Europe two centuries away.

Hinala niya, baka nag-time travel siya.

Imposible. Lahat ng ito ay imposible.

Nanibago siya sa temperatura sa paligid sapagkat sa pinanggalingan niya, mainit na ang alas siete ng umaga. Dito, malamig.

Naghanap agad siya ng makikita niyang kung anong papeles roon. Kung ano ang pangalan ng totoong may-ari ng katawan kung saan namamahay ang kaluluwa niya ngayon. At the back of her mind, she knew that she was probably dead and it was unfair for the owner of this body to be extracted of its original body. Where is her soul?

Sumisirko sa isip niya ang mga teorya kung paano siya napadpad roon.

She found a davenport desk near the window that was facing the porch. Nangingibabaw iyon sa kadahilanang extinct na ang ganoong bagay sa pinanggalingan niya. Napanganga siya sa pagkamangha.

She rummaged through the drawers and discovered that the lower drawers were locked. She would have to find the keys for them, but there were some papers and notebooks in the top drawer.

Aeris sat on the wooden chair and read the handwritten words on the papers. Ang classic ng penmanship - ang sulat-kamay na madalas niyang nakikita sa vintage letters.

Mga lista ng food items ang naroon kasama na ang presyo niyon sa currency na bago sa kanya. May mga spices na pamilyar siya at mayroon namang hindi siya pamilyar. There were actually fruits, vegetables, and other stocks that were present in her world. She was just amazed that some fruits existed in this Kingdom despite the two seasons.

Base sa year-round ng listahan ng babae ay tropical ang kahariang Solea. She scanned the other notes and saw a small paper with a name on it.

Norah Murell.

May sumingit na kung anong larawan sa mga pahina ng isang lumang libro. Isang libro na napakaluma na at puro mga tula ang naroon. It was the young version of the face she was carrying now. She has a small round face when she was young and she was smiling with those bright eyes. Colored ang photo na may grain.

Sa likod may nakasulat na June 7, 1742. Siguro, nasa apat hanggang anim na taong gulang pa si Norah sa larawan. Wala bang birth certificate roon ni Norah? Kung nakarehistro ba ito? May ganoon bang sistema sa ganitong kaharian?

Samu't sari ng mga katanungan ang nasa isip ni Aeris at sumasakit na ang ulo niya sa pag-aanalisa.

May mga papeles rin doon kung saan may mga pangalan ng ibang lugar at mga kaharian na ngayon pa lang niya nalaman base sa train tickets.

Isa lang ang tumatak ngayon sa isip niya. She knew that she was Aeris in the body of a lady named Norah. She didn't know where Norah's soul was and only knew for a fact that it was her soul residing in Norah's body.

Hindi nag-exist ang mga lugar na nasa train tickets sa mundong pinanggalingan niya.

Base sa mga impormasyon na nakalap niya sa mga papeles. Mag-isang nakatira roon si Norah. Nang halungkatin niya ang ibang mga gamit, walang ibang mga larawan kahit man lang pagkakinlanlan ng pamilya nito. Ang tanging litrato lang ay ang batang Norah.

Nagtataka siya kung bakit magulo ang silid ni Norah at hindi ang iba pang bahagi ng cottage. Saka lang niya napagtanto ang mga nabasag na plorera at mga nagulong bote sa isang sulok ng kung saan may built-in na estante. Nakakalat roon ang mga herbs at spices na naghahalo ang amoy.

Trait na ni Aeris na kumilatis ng mga bagay-bagay lalo na kung bago sa kanya. Ugali na niyang kumalap ng mga impormasyon na nature na ng trabaho niya. Troubleshooter siya kaya asset siya ng team niya.

She sighed. Siya pa rin si Aeris. Ang kaluluwa lang. Sa mundong ito o kung afterlife man ay siya si Norah Murell.

Is there a way to go back to her world? Wala bang divine intervention ang magsasabi sa kanya kung paano makabalik sa mundo niya? She has no idea how to live in this world but will she really go back? Dahil kapag naalala niya ang buhay niya sa mundo niya ay halos hindi siya makahinga.

Nasasakal siya. She felt trapped. Would she really want to go back?

Paano?

Hindi mapakali si Aeris na hindi nasasagot ang mga tanong sa isip niya. Confidential ang mga letters ni Norah ngunit wala siyang ibang paraan para maintindihan ang nangyayari sa kanya ngayon kaya binasa niya ang unang liham na nakita niya.

Martha,

Ikinalulungkot kong ipaalam na hindi ako matutuloy. Nawa'y maintindihan n'yo ako kung bakit hindi ako makadalo. Alam mo ang dahilan, Martha.

Ang iyong kaibigan,
Norah


'Ano ang dahilan kung bakit hindi makadalo si Norah?' isip-isip ni Aeris. Bakit nasa katawan siya ng babaeng ito? Nasaan ang totoong Norah? Dalawa ba silang kaluluwa sa isang katawan?
Nasagot ang isa sa katanungan niya nang mabasa niya ang sumunod na liham roon.

Martha,

Ako'y nagpakalayo-layo upang hindi ko maalala ang mapait na alaala kapiling ang kinagisnan kong pamilya. Napakasakit ng ginawa nila sa akin at hindi ko alam kung kaya ko pang magpatawad sa kanila. Isa lamang akong aksidente. Isa lamang akong palamuti. Na basta na lamang nilang pinabayaan at hinayaan nang mawala siya. May mga oras na naiisip ko na sana ako na lang siya. Na sana kung anong mayroon siya ay mayroon rin ako pero hindi ako siya, Martha.

Huwag na huwag mong sabihin sa kanya kung nasaan ako. Ito na ang magiging huling liham ko sa iyo. Sunugin mo lahat ng mga liham ko upang hindi nila malaman kung saan ako naglalagi. Tila isa akong paru-paro na walang tirahan at ngayo'y nakapagdesisyon ako na hindi na talaga babalik. Isipin mo na lang na patay na ako. Na wala ng Norah Murell sa mundong ito.

Paalam,
Norah

Puno ng misteryo ang mga salitang nasa liham nito. Hindi niya alam kung ano talaga ang totoong sitwasyon ni Norah. Aalamin niya nang maigi sa mga gamit na itinira nito sa cottage nito na nasa isang burol.

May pagkakapareho silang dalawa ni Norah.

Mahilig din siyang magsulat.


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top