Chapter 9 - Dig The Hidden

"hah?!" gulat na sabi ko,


"hoy, narinig ko kayo, patay na ang tatay ni Allen?!" gulat namang sabi ni Mark,


"di nga kayo nagkakamali, nandito sa newspaper ang balita"


nagulat akong narinig kong patay na ang tatay ko, totoo ba? paano? bakit?

anong nangyari? at nangyari pa talaga yun lahat ng nandito ako sa loob ng lugar na to,

kahit man lang gusto kong makita ang bangkay ni tatay,


tumingin kaming lahat sa newspaper na hinahawakan ni James, totoo nga ang narinig ko,

at masaklap pa ang pagpatay ng tatay ko,


sunog ang buong katawan ni tatay pwera lang ang right hand nito, nalaman agad ng police na

si tatay yun dahil sa handprints at sakaling nakita rin ito ni nanay at sinabing kay tatay nga ang

kamay na yun,


kitang kita sa newspaper ang buong katawan ni tatay, halos di na makikilala dahil halos lahat

ng katawan abo na, ang natitirang kamay lang ni tatay lang ang di masyadong naapektuhan pwera sa

balikat nito, malapit na sanang masunog ang kanang kamay ni tatay pero para atang may tumulong

na sa kanya,


"abo lahat..."


"kamay lang ang binigyang awa..." sabi ni Riza,


"[natagpuan ito sa loob ng plastic na palutang-lutang sa ilog]"


"[sa wakas!... natagpuang patay na ang Serial Murderer!]? tinggin ba talaga nilang serial murderer

ang tatay ko?! ang nag patay sa tatay kong ang tunay na serial murderer!!" galit na sabi ko,


"huminahon ka Allen... ano kaya ang gustong gawin natin ng mastermind? klarong may plano siya

dahil ipinakita niya ito saatin" sabi ni James,


sumaya pa ang mga tao sa pagkapatay ng tatay ko... wala namang prowebang si tatay talaga ang nag-patay

eh! tanginang mga tao to! natagpuan lang na patay na... kainis!!


"Allen! huminahon ka! klarong-klaro ang galit sa mukha mo" sigaw sakin ni James,


"sorry... di ko lang mapigilan..."


nagtaka na kaming lahat, anong plano ng mastermind? ano ang gusto niyang ipahiwatig? laru-laro ba

ulit to?


sa pagkalaunan ay nakita kong malalim nanaman ang iniisip ni James, alam kong may palagi siyang

naiisip na nakakatulong saamin pero di niya ito sinasabi saamin kaya tinatanong ko siya tungkol dito,

ayaw niya kasing manghusga agad...


nilapitan ko si James at tinanong ko siya-


"James, may naiisip ka?" tanong ko,


"Allen, sorry" sabi niya,


nagtaka ako sa sinabi niya, sinabi kong bakit siya nag-sorry at-


"kasi Allen... malaki talaga kasi ang chance na ang tatay mo ang nagdala satin dito, sorry kung

hinusgahan ko agad ang tatay mo pero... sa mga newspaper, mga lalaking umatake saatin, planadong plano"


"Allen, lahat kasi ng mga iyun nag-connect sa mastermind at... ang tatay mo yun pero... sa newspaper na to,

patay na ang tatay mo... kaya nagkamali ako, sorry" sabi ni James,


kahit pala si James, hinusgahan niyang ang tatay ko nga ang nagdala saamin dito, pero di parin ako makapaniwala

na si tatay ang nagdala saamin dito, anak niya ako...at ang ama di kayang patayin ang anak...


{Serial Murderer}... pero kung siya nga talaga at patay na ngayon, kung may pagkakataon siyang patayin ako,

gagawin kaya ni tatay?...


"di naman kita masisisi James, ok lang..." pababang sabi ko sakanya,


"so di nga talaga ang tatay ni Allen ang nagdala satin dito... malaking problema to, di natin alam kung saan ang

labasan, wala pa tayong clue kung anong itsura ng mastermind dito... lalong mamamatay talaga tayo dito..." sabi ni Mark,


tumahimik kaming lahat, ang iba ay natatakot na baka di na kami makalabas dito, baka ito na ang libingan namin kagaya

ng nangyari nina Christian, Steven at Mary,


nanginginig na sa takot ang mga kaibigan ko, ako naman gusto kong umiyak sa pagkapatay ng aking tatay,

lahat kami nawalan na ng pag-asang mabuhay sa lugar na to,


pero...-


"lalabas tayo dito" sabi ni James,


"James, paano?! ikaw na ngang nagsabing naglalaro lang tayo sa kamay ng mastermind diba?" sabi ni Mark,


"at James ikaw na ring nagsabing walang labasan ang lugar na to, bilog na kulungan to at pwedeng

libingan na rin natin!" sabi naman ni Riza,


"James, paano? takot na takot na kami dito..." sabi naman ni Shena,


ano kaya ang naiisip ni James, kitang kita ko sa kanyang mukha na determinado siya...


"makinig kayo,kompleto na ang mga inpormasyon ko tungkol sa lugar na to" sabi ni James,


di ko naman naiintindihan si James, marunong talaga siyang magpa-lito ng utak,


"eto, may daan papunta sa square room, naalala niyong nag usap tayo tungkol sa labasan? ang tanong

ay kung saan yung mga lalaking umatake saatin at yung pagkain dinala dito sa field at... paano tayo

dinala ng mastermind dito sa pabilog na lugar na to..." sabi ni James,


"meron?!"


talagang maaasahan talaga namin si James sa mga bagay kagaya nito, buti naman na may napansin

siyang nakakatulong saamin,


"may napansin ako nung gabing wala pa ang ikalawang lalaki, 2:20 yun ng gabi at kita kong gumagalaw pa

ang unang lalaki, tapos ay dumating agad yung ikalawang lalaki, sumulpot ito sa likod ng 1st house" sabi ni James,


likod ng 1st house? diba ang likod nun ay yung wall na? di ko masyadong naiintindihan pero ako nga lang

naman ang nagsabing tago ang labasan kaya mahirap itong mahanap, nahanap naman nito n James,


"likod?" tanong namin,


"oo, siguro ay ang wall na ang likod ng 1st house pero gusto kong makita ng mabuti yun" sabi ni James,


nabuhayan kami ng loob pagkatapos ng sinabi ni James, sa lahat pala ng bagay, kumukuha pala ng

inpormasyon si James tungkol sa lugar na to at kung paano gumagana lahat ng nandito,


"makinig kayo rito... pagkatapos nun ay di na gumagalaw ang mga kontroladong lalaki"


"hah? anong ibig mong sabihin?" tanong ni Myka,


"diba sabi ko, kontrolado sila? so ang taong nagkokontrol sa kanila tulog na around 2-2:30 ng madaling araw"


naiintindihan ko na, syempre naman, kailangan rin nga ng tulog ang tao kahit gaano pa ito kasama,


"at gumalaw ulit yung mga lalaki around 5:30 ng umaga" sabi ni James,


sinabi ni James na ang safe time namin ay 2:40- 5:00, dun sa mga oras na yun, pwede kaming makalabas

at inspeksyonin ang buong paligid, di rin ito delikado dahil ang mga lalaking kontrolado di gumagana,


sinabi na ni James ang plano niya, ngayong gabi daw titignan niya ang likod ng 1st house kung

saan tulog ang mastermind at wala pang nagko-kontrol sa mga lalaki, sinabi rin niyang pupunta siya mag-isa

pero kailangan niya ng tulong namin na bantayan siya kung sakaling may mangyari,


binalaan niya rin kaming wag masyadong mag-ingay at baka maka-pansin ang mastermind sa plano, pumayag

kami sa plano niya at dahil dun, gumaan ang loob naming lahat, pero sa lahat ng gaan ng loob namin, di parin

nawala ang takang-taka na mukha ni James,


tinanong kong anong problema at sagot niyang-


"Allen, sorry ulit pero may pakiramdam ulit ako kung sino talaga ang may gawa nito" sabi ni James,


sorry? anong ibig niyang sabihin?


"patay na ang tatay mo Allen...pero may isa pang taong nawawala kagaya ng tatay mo"


"anong ibig mong sabihin?" takang sabi ko,


ano- sandali... di kaya!-


"parang napansin mo rin Allen, ang isa pang nawawala ay-"


"ang kuya ko... si Aren"

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top