Chapter 6 - Secret Behind The Corpse

-D A Y 3-



-T H U R S D A Y-



-7:30 A M-



Sa mga pangyayari kahapon, buti nalang walang nasaktan pero unti-unting

lumalabo ang mga pangyayari, mga tanong na di kayang sagutan, mga problemang

sumusulpot isa-isa,


ang lugar parin ito ang tanong at kahit san ka lumingo o maghanap, di mo kayang

mahanap ang sagot, nawalan kami ng isang kaibigan dahil sa lugar na ito, sino nga

ba ang may kagagawan nito? yan ang isa sa mga tanong,


at eto pa ang dumagdag...


umaga na at parang tulog pa ang aking mga kaibigan pero nakita ko si James sa may

pintuan, may tinitignan ito at parang seryoso, kinausap ko siya-


"James... anong tinitignan mo?" tanong ko sa kanya,


"Allen... tignan mo" sagot naman niya,


sa una ay di ko naiintindihan ang sinabi niya pero lumingo ako at nakita ko ang ikalawang lalaki,

biyak ang ulo nito at may isang metal na paa, sa una ay isang lalaki lang ang sumulpot pero ngayon

ay naging dalawa sila,


"da-dalawa?!" gulat na sabi ko,


"oo... parang mahihirapan talaga tayo dito" sabi ni James,


at sa pagtingin ko sa mukha ng ikalawang lalaki, nagtaka ako at tinignan itong mabuti, parang

pamilyar ang mukha nito at parang nakita ko na ang mukha nito sa ibang lugar, sa TV man ba

o sa balita...


"hah?"


"napansin mo rin ba Allen?" tanong niya sakin,


nakatulala ako nang nalaman kong saan ko siya nakita,


"yan yung... ikalawang biktima diba?" sabi ko,


"oo Allen, eto yun-"


ipinakita ni James ang balita sa newspaper na kinuha niya nung 1st day, magkamukha nga

ang ikalawang biktima ng serial murderer sa ikalawang lalaking sumulpot sa field ngayon,


May 15, 2015, ikalawang lalaking nawawala at ang huling taong kausap niya ay si... tatay,

May 28, 2015, nakita sa basurahan ang isang paa at kalahati ng ulo ng biktima,


"tama nga... yan nga yung ikalawang biktima ng serial murderer, ng tatay mo Allen" sabi ni James,


"sige na... wala naman akong ebidensyang magpapatunay na di si tatay ang nagpatay pero

sana naman, wag mo nang sabihin ulit yun" sabi ko sakanya,


pagkalaunan ay nagising na ang kasama namin at nakita rin nila ang ikalawang lalaki sa field,

si James naman ay malalim ang iniisip, lumapit si Mark at si Shena kay James-


"James... alam kong nagtataka ka rin dito kaya tatanongin kita ulit, paano yan nakakatayo

at nakakagalaw ang mga yan na sa itsura nila ay patay sila?" tanong ni Mark,


"oo nga James, natatakot na talaga akong may mamatay ulit dahil sa pagatake ng mga

lalaking iyan satin" sabi naman ni Riza,


masyadong malabo pa ang mga pangyayari, kahit nga ako di kayang alamin ang mga pangyayari

at anong purpose nito, may galit ba ang may gawa nito samin? wala naman kaming ginawa hah,


sa posisyon ko ay di ko kayang sagutan ang mga tanong nila pero alam kong ginagawa ni James

na alamin ang lahat ng ito, naiintindihan kong nalilito rin siya,


"yeah... patay nga sila" sabi ni James,


nagtaka kaming lahat ng sinabi niya iyon, alam naming gumagalaw pa ang mga taong iyon pero

sa sinabi nga ni Mark, sa itsura na yun, kung patay nga sila, bat sila nakakagalaw? di naman

pwedeng sabihing zombie sila dahil legend lang yun,


"anong ibig mong sabihin James?" tanong ni Mary,


"patay sila, the word itself answers itself" sabi ni James,


tapos nun ay nag-isip ng malalim si James at pagkalaunan ay binigyan niya kami ng seryosong

mukha at tinanong kaming lahat-


"di ba kayo nagtataka? nung inatake tayo nung isang lalake, paano ba tayo nakatakas nun?" tanong niya,


sa pagkakasabi niya, naaalala ko nga yun, that time, namatay si Christian nun, hanggang ngayon nga

ay nandun pa ang bangkay ni Christian sa field, nagaamoy bulok na at nanglalangaw na, kinakain

ng mga ibon ang mga tira-tira na utak ng kasama namin,


at that time, si James ang nagligtas saamin, kumuha siya ng kahoy at pinatumba niya ang lalaking

humahabol saamin tapos nun ay tumakbo agad si James habang di pa nakakatayo ang lalaki,


"James, pinatumba mo yung lalaki diba?" sabi ni Myka,


"tapos?" tanong ulit ni James,


"tapos ay... di na ito humabol- oo nga noh" sabi ko,


parang naiintindihan ko na ang point ni James saamin,


"di ko naiintindihan..." sabi ni Shena,


"eto nga ang tanong sa pangyayaring yun... bat di humabol pagkatapos madapa? naaalala kong

si Christian nun ay malayong- malayo, tumakbo tayo at hanggang nahabol ng lalaking iyon si Christian

at pinatay" sabi ni James,


"pero... nung nadapa ito, di ako masyadong nakakalayo ng tumayo ito pero... di niya ako hinabol at isa pa

ang mga mata nito... di ito kumikirat o tumitingin, pero alam nito kung sino ang nasa likod" sabi ni James,


tama nga... kung sabihing buhay ito, di sana ito nakakakita sa likod pero at that time, alam kong di

ito tumitingin pero inaatake nito ang sinong nasa likod nito, nalalaman nito kung sino ang mga taong

nakapaligid nito,


"isa pang tanong, kung kaya nitong mag-isip, paano ito magkakaisip? wala nga yung utak, wala

ngang lamang loob eh" sabi ni James,


unti unti nang nakla-klaro ang lahat,


"pero di parin nasasagot ang tanong na... bat ito, nakakagalaw?" sabi naman ni Mark,


"simple lang... kontrolado sila" sabi ni James,


"HAH?!"

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top