Chapter 4 - No Way Out

-D A Y 1-


-T U E S D A Y-



Naghanap kami ng labasan pero wala kaming nakita, hanggang natulog nalang kami at

baka may makita kami bukas dahil madilim ang paligid, masyadong walang makita kung mag-

hahanap,


ngayon, gumising na kami pero agad agad na sinabi ni James na wag kaming ma-ingay,

bakit? di ko masyadong naiintindihan ang sinasabi niya,


at ipinaliwanag niya ang sitwasyon, ipinakita niya samin ang tao na nasa malapit sa 1st house,

pero ang taong ito ay di lang ordinaryong tao lang... kasi... butas ang tiyan nito, ang isang

kamay nito ay metal at biyak na ulo,


kung titignan itong mabuti, kahit butas ang kanyang tiyan, di na ito dumurugo, wala ring laman ang

ulo beside sa mata niya, wala ring laman ang tiyan nito, tinanggalan ata ng mga lamang loob ang

taong ito pero ang pinagtatakahan namin...


nakakatayo pa ito... nakamulat ang mata at nakaka-galaw pa, supposedly patay na ang taong may ganyang

katawan, kaya naisip kong biktima rin ata siya sa taong nagdala samin dito,


"James, tulungan natin siya!" sabi ko,


"a-ano ba yan? zombie? ni-lalamok na yung buong katawan niya oh!" sabi ni Riza,


"sige, tara, puntahan natin siya" sabi naman ni James,


pinuntahan namin ang taong iyun, nais namin siyang tulungan dahil sa kanyang sitwasyon,

kaming lahat ay lumapit sa kanya, amoy na amoy namin ang bulok niyang katawan,


"oy! kuya! ok lang po ba kayo?" tanong ni Mary,


"kuya, ok lang kayo? malala po yung sugat niyo sa buong katawan" sabi ko naman,


"oi James, wala na siyang lamang loob, biyak ang ulo nito, buhay pa ba talaga yan?" tanong ni Mark,


"di ko nga rin alam Mark" sagot naman ni James,


pero kahit anong tanong namin sa lalaking iyon, di siya kumikibo, di siya sumulyap lang saamin,

nakatingin lang ito ng deretso, ano bang nangyayari? nakamulat at gumagalaw pa ang taong ito

pero bat di siya sumasagot?


"nakapag-tataka na... ang ganyang sitwasyong katawan at di na dapat naglalakad" sabi ni James,


at maya-mayat pa ay bumunganga ito na parang sumisigaw, gumalaw ito at... inaatake kami,


"anong bang nangyayari!!"


inatake kami ng taong iyon, di namin alam kung bakit pero parang seryoso ito,

natamaan ang iba samin ng suntok ni at sipa nito,


"manong! ano pong problema? tutulungan ka po namin" sabi ko,


"kuya! tumigil po kayo! nandito kami para tumulong!" sabi naman ni Riza,


pero ulit... di ito kumibo, nagpatuloy itong umatake ng umatake saamin, marami nang nasaktan

sa mga atake niya samin, hanggang bumigat ng bumigat ang mga atake nito,


"manong manong!! tama na po-"


"CHRISTIAN!!"


nahawakan nito si Christian, pagkatapos nito ay ipinilit na binaba si Christian sa lupa,


"ma-ma-manong!! wa-wag po!!"


"CHRISTIAN!!"


at... gamit ang isang metal na kamay nito, dinurog ng lalaki ang ulo ni Christian, tinulungan namin

siya, hinampas namin ito ng bato pero di ito tumigil,


nagdudurugo na ang ulo ng kasama namin pero... wala kaming magawa...


"ma-manong!! wa-wag na po!! tu-tulong!! TULONG!!!" sigaw ni Christian,


durog na durog na ang ulo ni Christian, dinurog pa ng lalaki ang mga mata ni Christian at punong puno na ng

dugo ang paligid, di kami nakagalaw sa takot, natatakot kaming kami ang masunod,


hanggang na-butas na ang ulo ni Christian, lumabas ang utak nito at sinusuntok-suntok ito ng lalaki,


"chri-chri-christian?? CHRISTIAN??!!" takot na sabi ni Myka,


"CHRISTIAN!" sigaw ni Steven,


"takbo...TAKBO!! TAKBO!!"


nagpatuloy itong humabol saamin habang kami ay tumatakbo, dahil sa taranta, di namin alam kung

anong gagawin...


"tangina!!! TANGINA!!! TAKBO!!!"


"tumakbo na kayo!!" sabi ni James habang kumuha ng kahoy,


"JAMES!! TARA NA!" alalang sabi ko,


pinuntahan ni James ang lalaki at inatake niya ang mga paa nito hanggang ang lalaki ay natumba,

tumakbo agad si James, binalikan ko siya habang unti-unting tumatayo ang lalaki,


maya-maya't pa ay nakarating na kami sa tinuluyan namin kagabi, ang 3rd house,

dahil sa nangyari, natakot ang lahat lalo na si Christian ay patay na,


nanginginig sa takot ang iba dahil nakita nila ang masaklap na pagpatay ng kasama namin, punong-puno

ng dugo ang nakita nila... nanginginig kaming lahat... maliban sa isa... si James,


pero kahit di siya nanginginig, malalaman kong natakot siya dahil kitang kita sa mga mata niya,

maya't maya pa ay tumingin si James saming lahat at sabay sabing...


"di niyo ba nakikilala ang taong iyun?" tanong ni James,


"hah? paano naman namin makikilala yun James? nababaliw kana ata!" sabi ni Steven,


"... oo nga, di namin kilala iyun, di nga natin alam kung saang lugar to!" sabi naman ni Mark,


"sigurado ako! YUN YUNG TAONG UNANG PINATAY NG TATAY MO ALLEN!!"


"hah?!"


"OO! sigurado ako dun! April 5, 2015, araw na nawala ang lalaking huling nakitang kausap ng tatay mo at

April 16, 2015, ang araw na nakita ang isang kamay, lamang loob at utak ng lalaking iyon!"



Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top