Chapter 3 - Circular Graveyard
Di ko alam kung anong nangyari saamin, nahilo kami at nahimatay
kung sleeping gas nga yun, may tao talagang may gustong kidnapin kami,
pero... sino?
at nagkamalay na kami, kaming lahat ay nandito sa isang lugar na di namin
alam kung saan, ang nakikita lang namin ay isang mataas na...pader...
nakapaligid saamin,
titignan ko sana ang oras na cellphone ko pero di ko ito mahanap, sinabi ko
sa kanila na nawawala ang CP ko pero parang sakanila din di nila mahanap,
"anong lugar to?" takot na tanong ni Myka,
"oo nga, bat ba tayo napunta dito?" sabi naman ni Steven,
"may nagdala satin dito, sabi na nga ba eh" sinabi naman ni James,
tinanong ko si James kung alam niya, sinabi niya na yung lalaking nakatingin saamin
kanina, minamasdan ni James ang taong iyun, kahit nawala na, nakita ni James sa kakahuyan
ang lalaking iyun,
alam ni James na may pinaplano ang taong iyun pero di siya sigurado kung ano, hanggang
sa pagkain na namin, dun na nagsimulang kumilos ang lalaki at gumamit ng pangpatulog,
kung titignan ang lugar na to, ang pa-ikot na pader ay may 12 meters high, malaki-laki
rin ang lugar dito sa loob at may nakikita kaming tatlong maliit na bahay, ang una ay nasa gilid malapit
sa pader, ang isa naman nasa gitna, at ang isa ay nasa gilid namin,
walang tao ang paligid, isa lang ang tinatakahan namin, ang room na nasa taas ng wall,
nasa 10 meters siguro ng wall ito, square ang hugis nito, sabi ni James, ang lugar na ito ay di lang
simpleng lugar, ginawa talaga ang pader at room na yun in-purpose,
chi-neck namin ang bahay sa gilid namin, may pagkain ito, may higaan at mga mesa,
"wow, may pagkain dito" sabi ni Christian,
"sumaya ka pa? di mo ata alam ang sitwasyon natin" sabi naman ni Mark,
"ewan ko jan kay Christian, oi! kidnap to ano ba! wag kang sumaya jan" sabi naman ni Shena,
nagtaka si James sa mga bagay sa bahay,
"may pagkain?" sabi ni James,
"ayaw mo pa nun James? labo mo talaga" sagot naman ni Christian,
di ko alam kung anong ibig sabihin ni James sa sinabi niya pero sa kala-unan ay naintindihan ko kung
anong ibig niyang sabihin,
kasi bakit may pagkain? bakit may mga bahay sa lugar na to? at isa pa, ang mga pagkain hindi ito
parang luma na dahil matagal na ito dito, parang bago pa ito, binili ito mga araw pang nakakalipas,
"ano bang oras na? umalis na tayo dito, kumuha nalang tayo ng pagkain" sabi ni Steven,
"oy! ano kaba, di nga natin alam kung sino ang nagmamay-ari ng pagkain na yan" sabi naman ni Mary,
"kung aalis ka Steven, hanapin mo nga ang labasan? sabihan mo kami kung meron" sagot ni James,
oo nga naman, tinignan namin ang boung lugar at pader lang ang aming nakita, parang ang labasan lang ay
dun sa taas ng pader, pero sa taas ng pader, di namin yun kayang akyatin,
nagsimula na kami madama ang takot, may masamang hangin na dumaan sa amin at parang may
hatid itong masamang pangyayari...
"walang labasan ang lugar na to?" sabi ni Riza,
"oo, tinignan ko na ang sulok ng pader at walang nakitang kahit katiting na butas" wika ni James,
nagtaka kaming lahat at lumabas ng bahay, pinuntahan namin kahit saang sulok ng pader pero
walang nakitang labasan, pa-ikot lang ang pader, kung lalabas ka, dapat umakyat ka sa tuktok nito at tumalon
sa 12 meters na pader, mamamatay pag ginawa mo yun, kaya ang lugar na to walang labasan,
sa pagikot-ikot namin sa lugar, may nakita kaming mga newspaper, cut na ito, at...tungkol ito sa mga
murder cases, at hulaan niyo kung sino... murder cases ito ng tatay ko,
lalo kaming nagtaka, halos lahat ng newspaper tungkol dito,
"nakita ko lahat ng murder case ng tatay mo Allen, ito nga yun, mga taong pinatay ng tatay mo" si James,
"DI NGA KRMINAL ANG TATAY KO!" sigaw na sabi ko,
"sige, kasi wala pa namang proweba ang mga police, pero nawala ang tatay mo at siya ang huling
taong nakita sa mga taong napatay, maaring ang tatay mo nga o ibang tao" sabi ni James,
kahit nga ako pinagdududahan ko ang tatay ko pero...pero!...
"guys, paano ba tayo makaka-alis dito?" tanong ni Myka,
seryosong namumulot ng mga murder case newspaper ng tatay ko si James, sinabi kong bat mo
yun tinatago? tas ang sabi niya, pwede daw yung gamiting ebedesiya at maaaring clue yun
para maka-alis dito,
"guys natatakot na ako, umalis na tayo..." sabi naman ni Shena,
"sorry to say this but... parang di tayo makaka-alis sa lugar na to" sabi ni James,
"HAH?!"
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top