Chapter 2 - Start of the End
wait... nakatingin siya samin?
wait nga, baka may kailangan siya... pero kung may kailangan siya, sana sumigaw
siya samin at huminge,
magnanakaw? hindi rin dahil kung magnanakaw siya, sana kinuha niya na ang
mga laman ng mga bag namin... baka yung view ang gusto niya,
nagpapahinga? namamasyal? siguro nga, nakatingin lang kasi siya kaya ganun,
at parang napansin rin ng mga classmate ko ang taong iyun,
sinabi nila na delikado daw ang gamit namin pag walang nagbabantay lalo na may tao
na di namin kilala,
ang taong yun ang nag-iisa, di naman siguro siya nangangailangan ng pagkain dahil
kitang-kita sa suot niya, nakakagastos naman siya, nagpatuloy siya sa pagtingin saamin
mula sa malayo,
"guys, baka manakaw yung gamit natin, balikan niyo" sabi ni Christian,
"eh kayo?" sagot naman ni Mary,
"dito lang" sabi ni Steven,
"AY EWAN KO SAINYO!" galit na sabi ni Mary,
nakatingin talaga yung tao saamin, nag-iisa ito at balot ang katawan,...
may masama akong... no no no! wala nga!
pinag-uusapan na namin ang lalaki at di namin namalayang lahat na pala kami ay nakatingin
sa kanya, parang napansin niya eto,
umalis ang lalaki na parang tapos na siya sa kanyang ginagawa, pero... ano ba talaga ang
ginawa niya? baka nga may nanakaw na talaga sa mga gamit namin,
sa hindi malamang dahilan, nakakbahan ako, di alam kung bakit, di alam kung paano, kinakabahan
lang talaga ako na parang may mangyayari talaga,
"guys, puntahan niyo na kasi! baka nanakaw na yung mga gamit namin! este natin!" paki-usap ni Christian,
"kayo kaya yung pumunta! kayo yung lalaki eh!" sabi ni Myka,
"James! Allen! kayo na!" sabi naman ni Steven,
"ayoko" pa-straight na sabi ni James,
"guys, para namang wala siyang kinuha, nakatingin ako sakanya the moment na dumating siya,
naka-tingin lang talaga siya satin" sabi ko naman,
napanatag ang loob ng mga classmate ko, pero di ko parin alam kung anong rason na bakit ako
kinakabahan, siguro nga masyado na kaming matagal sa pag-babad sa dagat kaya ganun,
or... baka kasi... sa katahimikan ng lugar...
masaya kaming nagpatuloy sa aming paglalaro sa dagat, makulit na nang-aasar si Christian at si Steven
sa mga babae, ang iba naman, nasa bato na part ng dagat at umuupo at nag-uusap sa bagay-bagay,
si James naman nag-iisa sa gilid ng malaking bato ng dagat, kasami ko sina Christian at sina
Myka dito, naglalaro kami ng labayan ng seaweed... well... naiinis na talaga ang mga babae saamin,
pero patuloy paring nangbabato ng seaweed tong mga makulit na si Christian at si Steven sa kanila,
masaya kaming naliligo, nag-uusap sina Shena, Mary at Mark sa gilid, may malalim namang iniisip
si James sa isang gilid, nang-bubully ulit sina Christian at si Steven kay Myka at Riza,
-7:00 PM-
umahon na kami kanina at ngayon, nagluluto na kami ng aming ulam ngayon gabi, sa sinabi ko nga,
dito kami matutulog within 5 days, bakasyon kasi,
hanggang ngayon, di parin umawat sina Christian sa pang-aasar, kahit sa pagluluto, di ba sila gutom?
sa lahat ng ginawa nila buong araw? di pa?
chi-neck rin namin ang mga gamit namin sa bag, pati narin ang mga pagkain na baka may nanakaw talaga
yung lalaki kanina na tingin ng tingin saamin, at nung chi-neck namin, wala naman, walang nawawala sa pagkain,
wala ring nawalan ng CP or mamahalin sa bag,
mas lalo na akong na weirdo-han sa lalaki nung kanina, what if tinitignan nila kami na meron siyang plano?
baka may balak siya, kasi sa lahat ng bagay, siya lang mag-isa at nakatingin pa siya samin,
or... OA ko lang talaga? overthinking... tama na! walang mangyayari samin!,
naluto na ang ulam at nag-simula na kaming kumain,
"ang sarap!!" sabi ni Myka,
"eh ako ang nag-luto niyan! sarap noh?" sagot naman ni Christian,
"laki ng ulo, ikaw lang naman yung nagpay-pay sa apoy, tanga" sabi naman ni Riza,
napansin ko si James na malalim parin ang iniisip, kinausap ko siya,
"James, ok ka lang? kanina ka pa lalim ng iniisip mo hah" tanong ko,
"ok lang ako, oo, may iniisip nga ako pero... parang tinitignan ko pa kung anong mangyayari" sagot naman niya,
di naman weird si James, pero... iba lang talaga siya mag-isip, may kahulugan talaga ang sinasabi niya kaya
hinahayaan ko nalang,
"wah!! ang ganda ng hangin!"
"oo nga, ang lamig!! sarap matulog!!"
and all of a sudden... may usok na kaming naramdaman, di namin ito pinansin kasi baka nanggaling yun
sa apoy sa lugar kung saan niluto ang isda at baboy,
"ano tong usok na to?"
"eh sa uling yan nung niluto namin ang isda"
"oh ganun ba"
di yun pinansin ng mga kaibigan ko pero si James, may nalaman dito,
"bat... iba ang amoy?...WAIT! guys!! takpan niyong ilong niyo!"
pero huli na ang lahat, sinabi ni James na sleeping gas yung inamoy namin, alam niya dahil
nakakita na siya nang ganun, usok na kagaya ng usok ng apoy kaya mahirap husgahan na sleeping
gas pala yun,
unti-unti, nahilo si Myka, sunod si Mary at sunod-sunod na kaming nahilo at nahimatay,
ano bang... nangyayari?...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top