Chapter 13 - Dead Yet Alive, Survive!
-4:30 A M-
"lumalakas yung baho sa taas..." sabi ni Mark,
"nasisikmura niyo ang ganito kabaho?" sabi naman ni Shena,
"malapit na tayo..."
sa kabila ng ganito kadilim, nangingibabaw ang baho ng paligid, nang malapit na kami sa taas
ay lumalakas ang baho ng bulok na patay, nagsimula na kaming nanginig sa lugar,
maya't-maya pa ay nakarating na kami, parang floor ito at paputa sa isang lugar, sinunduan namin
ito, wala parin itong kahit ano mang bagay, empty at madilim lahat,
"san kaya to papunta?" sabi ni Riza,
"sa direksyong ito... sigurado akong papunta ito sa square room" sabi naman ni James,
"ano kaya ang nandoon? sana nga may makita tayong labasan dun" sabi naman ni Myka,
nagpatuloy kaming tinatahak ang floor, hanggang may nakita na kami, may nakita kaming nakabitay
na mga patay na hayop sa mga gilid, nagulat kaming nakita iyon, iyon pala ang nababaho namin mula sa
baba nitong floor,
"ano ba yan?"
"guys... ti-tignan niyo nga ang mga hayop... may mali sa kanila" sabi naman ni Myka,
tinignan naming mabuti ang mga ito at... oo nga, may asong may kamay na pusa, may kabayong may ulo
sa kalabaw, may manok na may katawang ibon at lahat sila naka-bitay sa dingding, mabaho na ito at makikitang
tumitigas na ang mga dugo nito,
nagpatuloy kami at nakita ang mga iba't-ibang klaseng hayop na para atang binigyan ng ibang breed ng taong
pumatay sa kanila, may ahas na ang kalahati ng katawan nito ay paa ng kabayo, lahat ng mga parte ng mga
hayop na ito ay pinutol at ipinalitan ng ibang parte ng ibang hayop,
nakita namin ito lahat at parang nilalaruan o expirement lang ang mga ito, sino nga namang tao ang gumagawa
ng ganito? kahit ang babahong patay na hayop ginawang palamuti sa dingding?
hanggang sa paglalakad namin, nakita na namin ang dulo, tinignan muna namin ang loob nito bago kami pumasok
at may nakita ngang isang tao, akala namin ay kontrolado ito dahil ang kanang kamay nito ay metal pero para
atang buhay pa ito,
di naman namin nakita ang mukha nito dahil sa dilim ng paligid, sinabi ni James na nag-iisa lang siya, kakayanin natin
siya pag nagtutulungan tayo, pumasok kami sa pintuan at-
"sino ka? anong balak mong gawin saamin? ipakita mo ang mukha mo!" sigaw ni James,
"oh? nandito na pala ang mga bisita ko!!" sabi ng lalaki,
eh... pamilyar... ang boses,
"sige, ipapakita ko ang mukha ko, wala naman akong planong itago ito noh!"
at inilawan nga ng lalaki ang buong paligid at sa wakas ay nakita na namin ang mukha niya...
"ano? ok na ba to?"
at siya ay... ang tatay ko,
"tay?!" gulat na sabi ko,
"sabi ko na nga ba eh" sabi ni James,
nagulat kaming lahat, si tatay ang nakita namin, pero bat ganun? bat buhay pa siya? nakita namin sa
balita na patay na siya! anong nangyayari dito?! tinanong ko sakanyang bat buhay pa siya na nakita namin
sa balitang sunog na sunog ang buo niyang katawan pero... sinabi niyang-
"anak...anak naman! alam na ng kasama niyo ang sagot diyan! diba James Villahermosa? ang pamilyang
mystery solvers?" sabi ni tatay,
alam ni James?
"ngayon ko lang naman to napansin, alam kong di pa ka patay, dahil ang nasunog na katawan ang di sayo
kung hindi sa biktima mo, ang ikatlong biktima!"
"OH!! TAMA TAMA!!! AT?"
parang masaya ata si tatay, pinaplano niyang patayin kaming lahat tapos yan ang reaksyon niya sa lahat?!
seryoso ba siya? papatayin kaming lahat? PATI AKO?!
"uncle Allan, ang lahat ng biktima mo ay apat pero ang alam ng awtoridad ay tatlo lang ang pinatay mo, bakit?
dahil pinatay mo rin ang nawawalang si Aren, sarili mong anak, at para ma-peke ang pagkapatay mo, sinunog
mo ang ikatlong biktima mo at para malamang ikaw ang namatay, pinutol mo ang kanang kamay mo at napeke nga
ang pagkapatay mo" sabi ni James,
alam nga talaga ni James, di lang siguro siya sigurado sa lahat...
ngayon wala na akong karapatang sabihing di ang tatay ko ang kirminal dahil sa mismong mata ko, ayan na siya,
kahit ako nga di makagalaw dahil sa nakita ko...
"TAMA TAMA!!! expected naman talaga yan!!" sabi ni tatay,
"tay! bat mo ba ginagawa samin ito at ikaw nga ang naging Serial Murderer sa lugar AT! pinatay mo pa
si kuya! ano bang ginagawa mo?!"
"anak naman... ang bobo mo pa, LARO TO LARO!!! INVENTION TO INVENTION!!!"
hah? HAH?! LARO? LARO? INVENTION...? INVENTION?! TANGINA!!!
"anak, kung pinatay ko ang kuya mo na siya ang paborito ko KAYSA SAYO... ikaw pa kaya di ko
kayang patayin? HAHAHAHAHA!! PATAWA KANG BOBO KANG ANAK!!" sabi ni tatay,
hah?... kung kinaya niyang patayin ang paborito niyang anak, ako... pa kaya?... ako pa kaya? ako...pa...
kaya?... at dinamay pa niya ang ibang tao, sina Christian, sina Mary at Steven? dinamay pa niya?!
sira ba ang ulo ng tatay ko?! PUTANG DEMONYONG TATAY SIYA!!!
"uncle, ipakita mo na ang labasan dito, lalabas na kami, sumuko ka na rin sa police" sabi ni James,
"ano ba, kung lalabas kayo, lalabas kayo after ng STAGE na to!! well, let me introduce the last stage..."
"syempre Villahermosa, di naman ako makukulong pag wala akong pusas diba? at sino ang pupusas saakin?
kayo? HAHAHA! PATAWA, dapat ay... MATALO NIYO MUNA AKO!!!"
ano ba talagang binabalak ni tatay?
"Welcome my Wall Survivors! they come in 9 but down to 6 into the last stage! sino kaya sainyo... ang
makakalabas dito? o baka naman wala? baka mamamatay na kayo saakin? depende yan... SAINYO!!!"
takot na takot kami, si Shena humahawak na ng mahigpit kay Mark, nakatago naman sa likod si Myka
kay Riza, ano bang mangyayari? ano ba tong last stage? dapat namin siyang patayin diba? bago pa
niya mapatay kami... ano ba to! ano ba to!!! shiit, ang paa ko di gumagalaw...
"ok Wall Survivors, ako na ang magsisimula, behold!" sabi ni tatay ng may pinindot,
nagtaka kaming ano kaya ang mangyayari habang tawa ng tawa naman si tatay, maya't-maya pa ay may
nahulog na malaking cresent-shape blade sa ibabaw ni Mark, the moment na tinignan namin si Mark, naging
kalahati na ang katawan nito, nahulog ang mga intestine nito sa sahig,
si Shena na nakahawak sa kanya nagulat na ang hinahawakan niya ay ang kalahati nalang ni Mark, sumigaw siya
at tumakbo agad saakin, umiiyak nito, sinabi niyang ayaw pa daw niyang mamatay... ako naman di makagalaw
sa takot,
lumapit si James saakin at sinabing tumakbo kami sa baba in time na ihahagis na niya ang metal,
in 3...2...1!
"HAHAH- o-oh? lumalaban na kayo!!"
"TAKBO!!! TAKBO!!!"
tumakbo kami sa baba, dinaanan namin kanina, natamaan sa gilid ng tiyan si tatay, nagdudurugo ito pero
pilit hinahabol parin kami ni tatay, sigaw siya ng sigaw na mamamatay kaming lahat, sabi naman ni James na
tumakbo lang at wag lilingon pero... nahawakan ni tatay si Riza, pilit ni tatay na putulin ang kamay ni Riza,
sigaw ng sigaw si Riza na umalis nalang kami pero di na namin ito ginawa, tinulungan namin siya, hinagisan
ulit ni James ang mukha ni tatay at nakawala naman si Riza, natamaan si tatay sa mata at nagdurugo ito, patuloy
kaming bumaba,
"GANYAN NGA!!! GANYAN NGA!!!" sigaw ni tatay,
bumaba na kami sa hagdan, nakasunod parin si tatay saamin pero may hinahawakan itong itang malaking
pabilog na baril, di ata ito ordinaryong baril... sandali... nakita ko ang inbensyon niyang iyan, ito yung
baril na nakakabukal ng kahit anong liquid within a minute,
sinabihan ko ang mga kaibigan ko sa baril na tatay, dinalian naming bumaba sa hagdan pero binilisan ni tatay ang
takbo nito hanggang malapit na malapit na siya saamin, inilagan namin ang baril niya, di ito tumitira, once na hawakan mo ito,
may mangyayari talaga sayo,
hanggang... nakababa na kami pero dahil sa takot at nginig sa paa, nadapa ako... tinulungan ako ni James, tumulong rin
sila Myka, Shena at Riza pero...-
"HULI KA!!"
nahuli niya si Shena, ang baril na nakadikit kay Shena di natanggal, pinilit namin itong tanggalin pero hindi kaya hanggang
sumisigaw na si Shena sa sakit at sa init ng baril, maya't-maya pa ay lumaki ang katawan ni Shena, umiinit ito hanggang lumaki
ng lumaki at sinabi ni James na tumakbo na kami...
pumutok si Shena dahil sa mainit na mainit na ang dugo nito sa loob, pati mga lamang loob nito naluto na at pumutok at
napunta lahat ang mga lamang loob ni Shena sa buong paligid,
pinatuloy ni tatay ang paghahabol namin... ngayon ay nginig na nginig na talaga ang paa ko, di ko na ito maramdaman, di na
ako makatakbo ng maayos at... natumba, di na gumagalaw ang paa ko, nakita ako nina James pero naabutan na ako ng tatay ko,
"anak... anak... na bigo ka sa stage na to, wala ka talagang... KWENTA"
tinutok niya ang baril niya saakin... dito nga siguro ako mamamatay, hanggang dito nalang siguro ako, sana makaligtas
sina James dito at mabuhay... gu-gusto kong u-umiyak... takot akong mamatay... ayoko... gusto ko pang makita si nanay
at makasama ang kaibigan ko... sa mga pagkakataon talaga katulad nito naiisip mo na ang mga pamilya at kaibigan mo...
parang... huli na ang lahat para dun,
"AHHH!!! PATAY KANA-"
natigil si tatay, di ko alam ang nangyari dahil pumikit ako at... iniligtas pala ako ni James, ginamit niya ang pinatulin na metal
at itinusok ito sa ulo ni tatay, biniyak ni James ang ulo ni tatay para di na talaga ito makagalaw, natigil ako at pinatayo ni James,
nakatunganga kaming nakikitang patay na ang mastermind... si tatay,
umiyak si Riza at si Myka sa takot pero sinabihan ni James na tapos na ang lahat... tapos na ang lahat... sa huli ay di namin kinayang
nailigtas si Shena at Mark, nanginginig parin ako...
"Allen, ok na, tapos na ang lahat... lalabas na tayo dito" sabi ni James saakin,
"tara..."
at yun nga, nahanap namin ang labasan sa likod ng square room, may staircase dun patungo sa baba ng likod ng pabilog
na wall... Day 7 Monday, May 2016, araw na nakawala kami sa loob ng pabilog na kulungang iyon, nakawala kami
bilang isang mga Wall Survivors sa lugar na yun, sa huli ay ako, si James, si Myka at si Riza nalang ang natitira...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top