Chapter 12 - Seeking Answers
"may mali? ano?" takang tanong ko sa kanya,
"ewan ko ba Allen, di ko kasi maipaliwanag... hayaan mo na" sabi ni James,
sinabi niya ulit saking wag ko nalang yun pansinin, ano ba talaga ang mali sa pagkapatay ng
tatay ko? alam kong may napansin talaga si James eh pero para atang nahihirapan siyang
sabihin kung ano ito dahil di pa siya sigurado,
hinayaan ko nalang siya, pagkatapos ay nagpatuloy kaming sinisira ang wall, unti-unti itong gumuho at
nasisira na, parang kaunti nalang ay masisira na ito at makikita na namin ang loob nito,
sinabi namin ni James na sisirain namin ng buo ang wall na yan ngayon, may sapat kaming oras
para gawin lahat ito,
"di ko talaga maiwasang manginig, para talagang may mangyayari..." sabi ni Myka,
"ako nga rin eh..." sabi naman ni Shena,
"wag naman kayong matakot, itago niyo yan, pati na rin ako natatakot na sainyo eh!" sabi naman ni Mark,
"ano kaya ang loob ng wall na to?" tanong ni Riza,
"kung masisira natin to, malalaman natin" sabi ko naman,
-3:20 A M-
patuloy naming sinisira ang wall, maga-alas 4 na at di parin kami tapos pero malapit na itong mabutas,
habang sinisira namin ito, nagusap-usap kaming sa mga pwedeng mangyari saamin kung ano man
ang makita namin dito sa loob,
kung anong magagawa namin kung nalaman ng mastermind ang ginagawa namin, kung anong gagawin
namin pag nakaharap na namin ang mastermind,
habang sa gilid ay si James, nakatingin parin siya sa balitang pagpatay sa tatay ko, sinabi niyang wag ko
na daw itong pansinin pero siya lang pala tong bumababag at nagtataka tungkol dito, ano kaya talaga ang
kinatatakahan ni James? di naman kasi ako kasing talino gaya niya...
"ayan... may kaunting butas na, palalakihin nalang natin to" sabi ni Mark,
"yes! good job Mark!" sabi ni Myka,
"oh, may butas na!" sabi naman ni Riza,
"kasya ba tayo jan?" sabi ni Shena,
"kaya nga papalakihin, naman Shena" sabi ni Riza,
tuwang-tuwa kami dahil nagawan na namin ng butas ang wall pero-
"guys, naaamoy niyo ba?" sabi ni Mark,
oo nga, may naaamoy nga kami, parang bulok na katawan, kagaya ng amoy ng mga kontroladong lalaki
at ang bangkay nina Christian pero... mas mabaho pa ito,
may ideya si Myka-
"Mark, silipin natin ang loob" sabi ni Myka,
sinilip nila ang loob, pero masyadong madilim ito at wala silang nakita, ang amoy ay nang gagaling sa loob
ng wall, amoy patay talaga, di kayang sikmurain, tinuloy namin ang pagwasak ng wall,
pero nagsalita lang ng bigla si James,
"OO...NGA!" sabi niya,
tinanong namin siya kung ano ang problema, sinabi niya na alam niya na kung anong mali sa pagkapatay
ng tatay ko, talaga? may mali ba talaga ang pagkapatay ng tatay ko? tinanong niya samin kung ano at-
"isipin niyo nga... sunog ang buong katawan... pwera ang kamay... bakit?"
"hah? may tumulong siguro sa kanya?" sabi naman ni Mark,
"tignan niyo nga, kung may nagsunog nga sa tatay ni Allen, dapat nasunog rin ang kamay kasi nga
nasunog nga rin ang kaliwang kamay diba?" sabi ni James,
"di naman ito suicide dahil may taong pinasok ang bangkay ng tatay ni Allen sa plastic at itinapon ito, at
kung may tumulong sa kanya, bakit masyadong di naapektuhan ang right hand niya? ang apoy kakalat na
sa buong katawan mo pati sa kamay mo kung ganyan ka na kasunog pero... di naapektuhan ang kanang kamay niya"
sabi ni James,
oo nga naman, kung susunogin rin naman ang buong katawan mo, masasali talaga ang dalawang kamay mo
at kung naligtas ka man, may paso na makikita sa kamay kung maaari pero... di talaga naapektuhan ang kanang
kamay ni tatay sa pagsunog ng katawan niya...
lalo kaming nagtaka, maya't-maya pa ay sinabi ni James na wag muna namin iyong isipin at sirain muna namin
ang wall at para makalabas dito,
hanggang nabutasan na talaga ang wall, pumasok kami pero madilim dito, pagpasok namin ay wala rin kaming nakitang
labasan pwera sa isang bagay, may staircase papuntang taas, para atang papunta ito sa square room,
amoy na amoy rin namin ang mabahong amoy ng bulok na patay, baka nga ang staircase ay papuntang square room,
madilim talaga ang buong paligid, parang wala namang laman ang lugar na to, walang mga gamit at iba
pang bagay, ang staircase lang ang nakikita namin,
"guys, natatakot ako..." sabi ni Myka,
"ano ba tong lugar na to?" sabi ni Mark,
"wala namang laman ang lugar na to ah" sabi naman ni Riza,
"guys, anong gagawin natin?" tanong ni Shena,
"pupunta tayo sa staircase, baka papuntang square room yan at may makita tayo dun at mahanap
kung saan ang labasan sa lugar na to" sabi naman ni James,
at inakyat nga namin ang staircase, di parin nawawala ang baho, marami saamin ang nagtataka dito
lalo na si James, mas mabaho pa ito sa bulok na patay na katawan ng tao, ito yung amoy na patay na katawan
na di pa nalilibing sa matagal na panahon,
patuloy naming inakyat ang staircase, ano kaya ang naghihintay saamin sa taas?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top