Chapter 11 - A Step To Bloodbath
-D A Y 6-
-S U N D A Y-
-8:30 A M-
6 days na since pumasok kami sa bilog na kulungan na ito, mahirap na makita palagi
ang bangkay ng mga kaibigan namin sa field, pinatay sila ng mga kontroladong mga lalaki,
kahit kami gusto naming itago ang bangkay nila pero... natatakot kaming umatake ang mga
lalaki samin,
di lang patay na patay lang... walang awa silang pinatay, binutasan ng tiyan, kiniskisan ang balat
sa mukha at binasag ang ulo, at ang masaklap ay... wala kaming nagawa sa kanila, takot kami at
nanginginig nung nangyari iyon...
kakagising lang namin, pero may problema na namang dumating... sinabi ni James na may sumulpot
nanamang bagong kinokontrol na patay...
"James, may bago ulit?" sabi ko,
"oo, at hulaan mo kung sino ito..."
hah? sino? tinignan ko ang field at tatlo na nga ang mga lalaki, tinignan kung mabuti ang bagong
sumulpot at... nagulat ako sa aking nakita,
"Allen, siya ang... kuya mo diba?" sabi ni James,
"ku-kuya Aren?!"
pati si kuya nadamay sa mga pangyayaring ito, gulat na gulat ako nung nakita ko siya, kalahati lang ang
mukha ni kuya, walang laman ang ulo, butas ang dibdib, walang puso... gusto kong umiyak pero, di ko magawa,
tumunganga lang akong natatanaw si kuya,
"pa-patay na si ku-kuya?!"
"di ko na talaga naiintindihan ang mga ito..." takang sabi ni James,
tumahimik ako... di ako makapaniwala sa mga nakikita ko, una si tatay ngayon naman si kuya, sino nga ba
talaga ang may kagagawan ng lahat ng to?!
"guys, ano bang nangyayari?" tanong ni Riza,
"ano yan?! ba-bago?" sabi naman ni Myka,
"diba... kuya yan ni Allen?" tanong ni Mark,
"tama..."
tumingin silang lahat saakin, di nagsalita at tumingin lang, ewan ko ba kung ano tong nararamdaman ko,
galit ba or lungkot? awa? ano bang ginawa ng kuya at tatay ko na pinatay sila nang walang awa,
"Allen, ok ka lang ba?" sabi ni Riza,
di ako sumagot... masyadong mabigat saakin ang mga nangyayari,
"Allen, kailangan mong tanggapin yan... kung hindi ay pati rin ikaw ay mamamatay dito, tayong lahat"
sabi ni James saakin,
tumingin ako sakanya at sabay sabi niyang makakalabas rin kami dito, gumaan ang pakiramdam ko sa
kanilang mga suporta pero di parin nawawala ang sitwasyong may ikatlong kontroladong patay na sa
lugar na to at yun ay ang kuya ko,
kitang-kita kong takot na takot na si Myka, nanginginig naman si Shena, halos kaming lahat di na mapakali
sa lahat ng ito,
maya't-maya pa ay sinabihan kami ni James na wag kaming matakot, masyadong maaga pa para sumuko at
hayaang laruan lang kami ng mastermind dito, masyadong maaga pa para mamatay, wala pa tayong sinusubukan
aayaw na agad, walang mangyayari kung yun lang naman ang mararamdaman namin, seryosong sabi ni James,
tumahimik naman kaming lahat, nawala ang nginig namin at takot, kailan man ay di ko talaga nakitang natakot at
kinabahan si James sa lahat ng nangyayari, malakas siyang tao, mas mature siya kaysa samin...
iniingitan ko siya...
tinanong ko siya ng deretso... kung natatakot ba siya sa mga sitwasyon, kung natatakot at nanginginig rin ba
siyang nakikitang pinapatay at binubutasan ng katawan ang kaibigan namin, sagot niyang-
"Allen, di mo lang alam kung gaano ako ka takot... di mo lang kasi natatanaw ang iniisip ko, kagaya niyo,
natatakot rin naman ako pero ayaw kong ipakita ito dahil... yun na ang katapusan ng isang pag-asa" sabi niya,
eto nanaman siya, di ko ulit naiintindihan ang mga sinasabi niya, alam ng lahat na di masyadong kumikibo si James
pero mas ma-utak siya kaysa samin...
maya't-maya pa ay nag-salita na si James,
"guys, ngayong gabi, sisirain natin ang wall behind ng 1st house, unti-untiin natin para di masyadong
delikado" sabi niya,
"ok ba kayo dun?" tanong niya samin,
tahimik kaming umo-o sakanya, tapos ay sinabi niyang-
"sorry kung sasabihin ko to... yung takot, wag nang sumama" sabi ni James,
nagulat kaming lahat sa sinabi niya, tumingin ang mga kasama ko sa kanya, seryosong mukhang
tinitignan nila si James, parang seryoso ang sinabi ni James saamin, pero... mas mahirap sa kanya lahat to,
sinabi niya yun kahit alam niyang siya mismo ang takot,
saglit ay-
"sasama kami ano ka ba naman! tulong tulong tayo dito!" sabi ni Mark,
"oo nga James, delikado man bahala na, at least nag try tayong gawin ang lahat mabuhay lang" sabi naman ni Riza,
"sasama kami, kung makalabas kayo, ang di sumama ang maiiwan, ayoko nun" sabi naman ni Myka,
"ayokong maiwan noh" sabi naman ni Shena,
buti namang sumigla na ang mukha ng mga kasama namin, saglit ay sinabi ni James na mag-ingat kami
at maging alerto kung ano mang mangyari,
tama siya, lalabas kami dito, 9 kaming napunta dito at ngayun ay 6 nalang, di namin papayagang
wala lang ang pagkapatay nina Christian,
-2: 35 A M-
dumating na ang oras na pupunta kami sa likod ng 1st house, sisirain namin ang wall
dun, dapat walang ingay at baka makapansin ang mastermind, delikado tong ginagawa namin, sa una
ay maraming natakot pero sumama ang lahat sa huli,
di na gumagalaw ang mga kontroladong lalaki, pumunta na kami sa likod ng 1st house, tama ngang di masyadong
matigas ang parte ng wall doon, parang may bagay talaga o lugar na nasa loob sa parte ng wall na yun,
habang ginagamit namin ang mga metal sa pagsira ng wall, di ko mapigilang tumingin kay kuya, nakahiga ito
at wala na talagang buhay, mabait at maalaga si kuya pero ngayon ay patay na at kalahati nalang ang mukha niya,
ewan ko ba kung ano talaga ang ginawa ni kuya at tatay na pinatay sila ng walang awa,
nagpatuloy kaming sinisira ang wall, tumingin ako kung anong ginagawa ni James, nakatingin nanaman siya
sa newspaper ng pagpatay sa tatay ko, nilapitan ko siya at tinanong-
"James, anong problema? wala talagang oras na di ka nagtataka noh?" pabirong sabi ko,
"kasi naman... di ko talaga maiwasang magtaka, sa pagpatay ng tatay mo..."
"last time, sinabi mo rin yan sakin, ano ba talaga ang kinatatakahan mo?" sabi ko naman,
"ewan ko ba Allen... parang... may mali eh" sabi niya,
hah? may mali?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top