Chapter 10 - Risk Of Survival
-3:20 A M-
ayon nga sa plano, pupunta si James sa likod ng 1st house para tignan kung ano
ang nandoon, nagsimula na kami, pumunta na si James, at tama nga siya, di nga
gumagalaw ang mga lalaki,
nagbantay kaming baka mapansin kami ng mastermind, tinignan namin ang square room at
ang mga lalaki, wala namang nangyaring kakaiba, nagpatuloy sa paglalakad si James at
nakarating na sa 1st house,
tinignan niya ang likod nito, nakatanaw lang kami sakanya mula dito sa 3rd house, nang pumunta
siya sa likod, di namin siya nakita, naghintay lang kami,
"guys, ok lang kaya si James?" tanong ni Shena,
"ok lang siya, alam niya ang ginagawa niya" sagot naman ni Riza,
nag alas 4 na ng madaling araw at di parin bumabalik si James mula sa likod ng bahay,
nag-alala na kaming lahat at planong puntahan siya pero sumisikat na unti-unti ang araw,
natakot kaming baka gigising na ang mastermind,
hanggang nag-desisyon kaming puntahan nalang siya, saglit lang naman sabi nga ni Mark
baka kasi may nangyari na kay James, baka may nakita siya at pumunta mag-isa, delikado para sa
kanya,
pupunta na sana kami pero lumabas na si James, bumalik na si James sa bahay, wala namang
nangyari sa kanya, buti namang walang nangyari sa kanya,
nang pagdating niya dito, tinanong agad namin siya kung ano ang nakita niya, sabi niya na ang part
sa wall sa likod ng 1st house ay di matigas, pinukpok niya lang daw at may ingay na kaya nakakasabi
siyang di matigas, kaya daw itong sirain,
-D A Y 5-
-S A T U R D A Y-
-7:00 A M-
"masisira naman natin yun pero ang problema ay... paano? wala tayong gamit dito" sabi ni Myka,
"kaya nga, pinlano talaga ng mastermind ito, kahit katiting na stainless o knife man lang wala
dito" sabi ni James,
"ano na? anong gagawin natin?" sabi ko,
tumahimik si James ng saglit tapos ay sinabi niyang may plano siya, ang plano niya ay sirain iyon gamit
ang metal, wala naman kaming metal pero ang mga lalaking kontrolado ng mastermind meron, may
metal na kaunti sa tiyan ng una, meron namang metal sa likod ang ikalawa,
plano ni James na kukunin namin yun at gamitin para sirain ang wall, kukunin namin iyon sa oras na
tulog na ang mastermind at di pa gumagalaw ang mga lalaki, sinabi ni James na gagawin namin iyon
ngayon gabi,
ikalimang araw na namin to dito sa loob, sana makalabas na kami dito at wala nang masaktan o mamatay,
baka nag-aalala na ang mga magulang namin,
tinignan ko si James at sa mga oras na titignan ko siya, di talaga nawawala ang taka niyang mukha, seryosong
gustong maka-alis si James dito, kami nga rin naman pero hinahanapan niya talaga ng paraan para
maka-alis kami dito, para atang siya lang ang tumutulong saaming lahat, ang ginawa lang namin ay matakot
at manginig,
tinitignan ni James ang mga murder cases na pinatay ng serial murderer sa newspaper nung una naming
nakita sa field na mga newspaper, sa pagkakaalam ko, marami ang newspaper na yun pero iba iba pero
tatlo ang hindi katulad, tatlong balitang marami lang copy na newspaper ang nakita namin,
tatlo?... speaking of, tatlo ang biktima ng serial murderer hanggang ngayon, ang isa ay nung April, nung isa
naman nung May, ang last ay nung July,
"tatlo... tatlong biktima, dalawang kontroladong lalaki na biktima ng serial murderer...so..." hinang sabi ni James,
di ko naman sinasadyang marinig ang sinasabi niya...
"may... isa pang dadating na kontroladong patay" sabi ni James,
hah? may isang dadating? oo nga, kung tatlo ang biktima at dalawa pa ang sumulpot, may isa pa talagang
dadating... di talaga kami nauubusan ng problema,
"ngayon gabi tayo kukuha ng metal sa mga lalaking iyon? baka mapano tayo, delikado naman niyan" sabi ni Shena,
"pero Shena, kung wala tayong gagawin at mag-hihintay nalang, wala namang mangyayari at pwedeng patayin
tayo ng mastermind dito" sabi naman ni Riza,
"mag-ingat lang tayo at kung baka mapansin tayo ng mastermind, dapat handa tayong tumakbo" sabi naman ni Mark,
"pero di parin mawawala ang takot, di naman ganon yun kadali diba? may plano na nga tayo pero di tayo
siguradong walang mangyayari saatin" sabi ni Myka,
"guys, ang pagkain natin malapit ng kumunti, tipid nalang tayo hah, para atang yung bigay ng pagkain ng
mastermind yun na yung last" sabi ko,
"sige, unti-untiin nalang natin ang kain natin, di naman siguro tayo mamamatay sa gutom noh, diet yan DIET"
sabi ni Riza,
gumagaan na ang loob namin at tumaas na ang pag-asa namin, buti naman, kasi tutulungan namin kung
sino ang nasa panganib, nahuli kami sa pagtulong nina Christian, Steven at Mary pero ngayon, di na namin
hahayaang may mamatay pa,
pinuntahan at kinausap ko si James,
"James, tahimik ka ata" sabi ko,
"may bumababag lang sakin..."
"ano yun?"
"ang pagkapatay ng tatay mo... ewan ko ba... isipan ko lang siguro yun" sabi ni James,
"ano bang problema sa pagkapatay ng tatay ko?" tanong ko ulit,
"basta... ewan ko, kalimutan mo na yun Allen"
oh...di ko na pinansin ang sinabi ni James,
-2:50 A M-
nakita na naming di na gumagalaw ang mga lalaki, pinuntahan na namin ito, ang baho ng katawan, bangkay
na kasi ito, sa amoy, di na namin ito pinansin, kinuha agad namin ang mga metal sa lalaki, tinanong ko si James na
mas safe kung putulan nalang ng wire para di na makontrol ng mastermind pero sinabi ni James na mas delikado yun
kasi mapapansin ng mastermind ang lahat ng gagawin natin,
nagpatuloy kaming kinukuha ang metal sa mga kontroladong lalaki, tiniis namin ang katawan nito na mabaho na, bulok pa,
makikita ang loob ng tiyan ng mga ito at loob ng utak, pagkalaunan ay nagtagumpay kaming kunin ang mga ito, bumalik
kami sa bahay nang tahimik
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top