Chapter 7
Dumating ang sabado at nagpapasalamat ako dahil makakapagpahinga na rin ako sa wakas.
Daddy said that they would visit me here next weekend. Hindi raw muna sila makakapunta ngayong linggo dahil abala pa rin sila sa negosyo. My mom has a hectic schedule, as does my dad.
Nagtatampo nga ako sa kanila dahil parang pinababayaan na nila ako rito sa Iligan. They totally forgot about me. I honestly don't like to be here.
I hate the place, I hate the people, and I hate the ambiance.
I don't even have friends in school. I don't even consider Leister a friend, dahil hindi naman siya namamansin sa akin. After what happened, they became even closer to each other. Si Leister ay tumatabi na palagi kay Klyr, tuwing may class. Tinutukso na rin silang dalawa ng ibang mga ka-klase namin.
I know there is something between them, but I don't want to indulge in their relationship anymore. Wala rin naman akong pakialam.
I was having my first morning coffee here in the garden of my Lola Cristy, at kausap ko ngayon si Samantha.
"So, do you like your new school there, Cece?" Panunukso niyang pagtatanong sa akin.
I rolled my eyes at her; she knows already that I don't like to be here. Tinutukso pa niya ako lalo.
"Why are you asking, Sam? You already know the answer. Alam na alam mo na," inis kong sabi sa kaniya.
Dito ako sa garden tumambay dahil presko ang hangin rito. This is my only place here, despite all the circumstances that I have had in the past few days. Palagi nalang kasi akong nag-a-adjust. Sinasanay ko na rin ang aking katawan na gumising ng maaga, dahil maagang gumigising si Lola Cristy.
She's already awake at five in the morning! Eh, alas nuebe akong gumigising sa bahay namin, kaya naninibago pa rin ako at sinasanay ko pa rin ang aking sarili na gumising ng maaga.
"If you weren't that bad bitch, edi sana, wala ka diyan ngayon." Panunumbat sa akin ni Samantha.
Sumimsim muna ako sa gatas na ginawa ko, bago ko siya sinagot.
"You know my mother, kahit na gumawa ako ng tama, kulang pa rin iyon para sa kaniya. Hindi ko nga alam kung hanggang kailan ako rito. I hate to be here, I don't want to be here."
She's laughing sarcastically at me. I missed my old life in Manila. Iyong tipong tatakas ako para dadalo sa isang party ng kaibigan.
Dito, wala akong ibang mapupuntahan. Bahay, skwela, iyon lang ang parati kong ginagawa.
"Anyways, Jaymhark asked me about your location. Miss ka na raw niya," ani Samantha.
Napatigil ako sa aking pag-inom ng gatas at napatingin sa malapad na screen na nasa aking harapan.
"Sinabi mo?"
"Of course not! Ang sabi ko lang sa kaniya ay mas mabuting kausapin mo nalang si Cece tungkol riyan. Cece, he likes you a lot!" She said like she was so sure about it.
I opened my cellphone, and I saw some messages from Jaymhark. I actually want to be vocal with him. Ayokong umasa siya akin, ayokong magkagusto siya sa akin. Dahil kahit anong gawin niya ay hinding-hindi ko siya kayang magustuhan.
Marami naman akong naging flings, but I ended breaking up with them. Ayoko kasi talaga na nasasakal ako. Mabilis akong magsawa at mabilis rin akong makalimot.
"You know the answer to that, Sam."
"Bigyan mo nalang kasi ng chance! What if... he's really the guy who would take the risk just for you? Ayaw mo pa rin?"
Bumuntong hininga ako at napakunot ng noo.
"I just... can't see him to be part of my life, Samantha. Atsaka, hindi ko pa hinahanap ang bagay na 'yan ngayon. Pino-problema ko pa ngayon ay kung paano ako makauwi ng Manila! I miss partying with you guys." I pouted.
Magsasalita na sana siya nang bigla siyang napatingin sa aking likuran nang mas matagal. Magtatanong na sana ako nang biglang sumulpot sa aking likuran ang isang Leister Dew Martensen. He's wearing his usual outfit: a white t-shirt with a brand name on it and black sweatpants. May dala-dala rin itong lalagyan ng tubig, at mukhang magdidilig siya ng mga halaman ni Lola Cristy.
Hindi niya ako pinansin at nagpatuloy lamang siya sa kaniyang ginagawa. He was still ignoring me like I wasn't even here; my presence didn't bother him.
"Who's that fine looking guy, Celestine?" Pagtatanong sa akin ni Samantha sa kabilang linya.
Thankfully, I am wearing my earpods, kaya ako lamang ang nakakarinig sa boses ni Samantha.
Napalingon ako kay Leister na ngayon ay tahimik na nag-aayos ng mga halaman ni Lola Cristy.
Araw-araw ba niya itong ginagawa?
"That was Leister," I whispered it to her, kahit na alam kong hindi niya masyadong marinig.
"What? I can't hear you, ang hina naman ng boses mo!"
My jaw clenched and I whispered to her again and still didn't get it!
"It's Leister! My classmate!" Iritado kong sabi sa kaniya.
Nanlaki ang aking mga mata at biglang bumilis ang pagtibok ng aking puso nang malakas ko iyong nasabi sa kabilang linya.
Napahilamos na lamang ako sa aking mukha, lalong-lalo na nang makita ko ang pagsulyap ni Leister sa aking direksyon.
"Oh! Ang gwapo niya, infairness!" Malanding sabi ni Samantha, habang nakatuon pa rin ang atensyon kay Leister.
"Sam, can I talk to you later? I need to do something." Pagpapaalam ko sa kaniya.
Ako naman ngayon ang sinimangotan niya at inikotan ng kaniyang mga mata.
"Ayaw mo lang talaga na ipakilala sa akin 'yang Leister mo!' inis niyang sabi sa akin at binabaan kaagad ako ng tawag.
I was mad at her sudden reactions, but I still forgive her because she is my friend.
"I'm sorry about that," panghihingi ko ng paumanhin sa isang Leister Dew Martensen na patuloy pa rin na nagdidilig ng mga halaman ni Lola Cristy.
"It's fine, you don't have to worry about it." Malamig niyang sagot sa akin pabalik.
Nilingon ko siya at napatayo ng wala sa oras. Pinagmamasdan ko ang bawat pagkilos niya. The veins in his hands were very evident. Hindi man lang siya natinag na nakatingin rin ako sa kaniya!
He was so fucking tall! I couldn't even look at him without lifting my head. Ganoon siya katangkad!
I was so curious about his life. Ganoon ba talaga sila kahirap para mag-trabaho pa siya rito sa bahay ni Lola Cristy? Is he the breadwinner of his family?
"Why are you doing this, Leister?" Hindi ko na napigilan ang hindi magtanong sa kaniya.
Napatigil siya sa kaniyang ginagawa at napalingon sa akin. His attractive eyes fixated on me. Kahit na wala siyang reaksyon ay gwapo pa rin siyang tignan.
"Ginagawa ko ito bilang libangan ko. Ginagawa ko na ito dati pa," sagot niya sa akin.
Napakibit-balikat na lamang ako at tuluyan nang tumayo. I was wondering... what would be the life that he could give to that girl?
To that Klyr?
Magkasalubong ang kaniyang noo, habang nagdidilig ng mga halaman.
"How about your other works? Alam kong hindi ka binibigyan ni Lola Cristy ng pera, kaya, ako na ang magbibigay sa'yo. I can give you money for doing that."
I licked my lower lip when I heard him sighed and look at me. Napahinto siya sa kaniyang ginagawa at napatingin sa akin. Umigting ang kaniyang panga, at mukhang galit.
Bakit, may mali ba sa mga sinabi ko? Ako na nga itong nagmamagandang loob.
"Huwag na, Celestine. Hindi mo na kailangang gawin 'yan. I can handle everything. Just stay away from it." Matigas niyang sabi sa akin.
Ma-pride talaga ang lalaking ito. Tinutulungan na nga, matigas pa!
"Bakit ba ayaw mo? Sa paraang ito ay mas lalo mong matutulungan ang mga magulang mo. Hindi ka ba nag-iisip, Leister?"
"Bakit ko naman sila tutulungan? Hindi ko na sila dapat tulungan pa. They can handle it on their own." Madness was plastered on his face.
Umawang ang aking bibig at hindi ako makapaniwala sa kaniyang mga sinasabi sa akin ngayon.
Anong klaseng anak ito?
"Ayaw mo ba na umangat sa buhay, Leister? Hindi ka ba naaawa sa mga magulang mo? Si Klyr lang ba talaga ang nasa isipan mo?"
Parang napigtas ko yata ang pasensya na nang makita ko siyang malakas na binagsak ang hawak na lalagyan ng tubig.
Nanlaki ang aking mga mata at nagulat ako. His jaw clenched and he's very mad at me. Matalim niya akong tinitigan.
"Huwag mong idamay si Klyr dito, you don't know me, and you don't know her either." He said coldly.
Hindi ako nagpadala sa kaniya. Hindi ko ipinakita sa kaniya na natatakot ako. I was just concern about him! I am concerned about his family.
"Anong buhay ang maibibigay mo sa kaniya? When you're just settling in this kind of life?"
Umawang ang kaniyang bibig at hindi makapaniwala sa aking mga sinabi.
"You know what? This is the only part of Iligan where I can find peace and rest. I couldn't believe you would just ruin it by pestering me with your nonsense questions. Don't judge me just because you see me this way." Galit niyang sabi sa akin.
Magsasalita pa sana ako nang kaagad niyang dinugtongan ang kaniyang mga sinabi sa akin.
"Now I know why your parents send you here. Kahit na sila ay hindi kaya ang pag-uugali mo. Klyr is better than you; you are nowhere near her. She's not a spoiled brat; she's not annoying. She's kind and pure towards everyone. And I can surely provide everything for her in the near future. Stop judging me just because of your preference. Hindi iyon magandang gawain."
After saying those words, he left me here.
I swallowed hard. Nanghina ako sa mga sinabi niya at hindi ko mapigilan ang hindi mapaluha. It was fucking hurt!
Ang sakit, sobra!
Patuloy na nagsilandasan ang aking mga luha at kaagad ko naman itong pinupunasan at baka makita pa ako ni Lola Cristy rito na umiiyak. For sure she'll blame me.
Ano naman ngayon kung mas mabait siya?! Ikinaganda ba niya iyon?!
I want to scream in frustration and shame!
Marahas kong pinunasan ang aking mga luha. I couldn't believe words hit me this hard!
Para akong tinamaan ng ligaw na bala. I was backfired!
I hate you so much, Leister!
Sa sumunod na mga araw, kahit na ayokong pumasok ay pinilit ko pa rin ang sariling pumasok sa klase.
Ayokong makita si Leister!
Pinagtitinginan ako ng aking mga ka-klase, nang makapasok ako sa loob ng aming classroom. As usual, I sat at the back of my classmates. Ako lang ang nakaupo sa row ko.
No one dared to sit with me. Ganoon ang set up araw-araw.
Biglang bumilis ang pagtibok ng aking puso nang makita ko si Leister na pumasok sa loob ng aming classroom. He is looking for an available chair. Huminto ang paningin niya sa akin at nagtagal ang mga ito.
Ako ang unang nagbaba ng tingin at nakita ko sa gilid ng aking mga mata ang pag-upo niya sa kabilang row. Tumabi siya sa mga ka-klase naming lalaki.
Pumasok si Mrs. Gina Ruiz sa aming History class at nagpagawa kaagad ng activity at magiging project na gagawin for the whole week!
"Please, find your seat according to your surname. Alphabetical type ot setting! Move!" Nang sabihin iyon ni Mrs. Ruiz ay kumunot ang aking noo nang mataranta ang aking mga ka-klaseng maghanap ng mauupuan, kasalungat ng kanilang apelyido.
Lumapit ako sa gitna at nakita kong papalapit sa aking direksyon si Leister.
Hindi na ako nakapalag pa nang maramdaman kong tumabi siya sa akin sa pag-upo.
Kung minamalas ka nga naman!
He was still avoiding me and I was doing the same thing, too!
"Your new arrangement will be your permanent for this whole semester! Ibig sabihin, kung sino man ang katabi ninyo ay iyon na ang magiging ka-partner ninyo sa lahat ng groupings. Am I understand?"
I couldn't believe it!
Ang ibang mga ka-klase namin ay nagrereklamo. Nakita ko rin ang pagsulyap ni Klyr sa aming direksyon, at tinitigan si Leistee paminsan-minsan.
"Ma'am, wala na po bang ibang option?" Pagtatanong ni Klyr kay Mrs. Ruiz.
"I'm sorry to inform you, Klyr, but that was the final arrangement of the setting of my class. That's why, you need to know and be friends with your classmate!" Sabi pa ni Mrs. Ruiz.
I don't think friendship will work between us and Leister.
Lumipas ang ilang minuto at hindi pa rin kami nag-uusap ni Leister. Mas mabuti na iyong tahimik rin siya sa gilid at gagayahin ko rin ang kaniyang ginagawang pag-ignora sa akin.
"Okay, for your first activity for this week! You need to create a video presentation about yourselves! Meaning, you and your partner will make a video to each other, introducing yourself, your hobbies, and all. Take note, your partner will be the one to take videos of you, okay? Am I clear, class?"
This will be the end of me for sure!
Marahas akong bumuntong hininga, at hindi ko mapigilan ang hindi magalit ka Mrs. Ruiz! Kahit na alam kong wala siyang kasalanan ay naiinis pa rin ako!
"Puwede na natin simulan ang activiy bukas. Since there will be meetings for the teachers, we can use the time to make a video." Sabi niya sa akin, habang nakatuon pa rin ang atensyon sa ginagawa niyang pagsusulat sa notebook.
"That's good." Maikli kong sabi sa kaniya.
Sumulyap ako sa gilid at nakita ko kung gaano siya kagaling mag-drawing. He can be an architect, too!
"Anong oras kita susunduin bukas?" Pormal niyang pagtatanong sa akin.
"10 am will do," mataray ko pa rin na sabi sa kaniya.
Naninibago ako sa kaniya ngayon dahil hindi siya masungit sa akin, kahit na napagsalitaan ko siya nang mga masasakit na salita.
I even insulted him and his family's background.
Nagpapasalamat ako nang matapos ang klase namin nang maaga.
I headed towards our locker and open mine.
Umawang ang aking bibig nang may biglang sumalpok sa aking mukha ang isang buon paint!
My jaw dropped and I couldn't opened my eyes!
I heard some of them were laughing at me!
Bullshit! This is bullshit!
Kung sino man ang naglagay ng pintura sa locker ko ay humanda talaga siya sa akin!
Sinubukan kong buksan ang talukap ng aking mga mata pero hindi ko talaga kaya!
I was crying in silence! No one helped me!
"Tama na!"
I heard a voice from my back. Nagulat ako nang maramdaman kong pinunasan niya ang aking mukha, para makakita ako ng maayos.
Malabo pa rin ang aking paningin, pero nakita ko ang mga studyanteng nakapalibot sa akin. Pinagtatawanan nila ako!
They even take videos on me!
"Ito ba ang gusto ninyong gawin? Ang magpahiya ng kapwa studyante? Kailan ba kayo magbabago?"
"Bakit mo ba ipinagtatanggol ang babaeng iyan, Leister? Eh, masama ang ugali niya!"
Nahihiya ako at naaawa ako para sa sarili ko. I pity myself for forcing it to be here!
"Kahit na masama ang ugali niya, wala pa rin kayong karapatan na manakit ng ibang tao. You don't have the rights to even make fun of them!" Galit niyang sabi sa ibang mga babaeng ka-klase ko.
"Let's go," he whispered at me and he helped me to walk properly.
Why is he here?
Bakit niya ako tinutulungan?
Akala ko ba ay galit siya sa akin?
Should I say sorry, too?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top