Chapter 5
Inirapan ko nalang ito at dumiretso sa second floor.
Pagkarating ko roon ay kaagad kong hinanap ang Class A, Section A. I will immediately ask the registrar if they will put me into Class B. I am definitely smart and intelligent! Kaya, hindi talaga ako papayag kung ilalagay nila ako sa mas lower.
I haven't yet entered our classroom. Pinagmasdan ko muna ang aking mga magiging ka-klase. Tumaas ang aking kanang kilay nang makita ko ang ibang mga studyanteng babae ay naglalagay ng make up sa kanilang mga mukha. Ang iba naman ay nakikipag-chismisan!
So cheap!
Paniguradong walang pinag-aralan ang mga ito! Paniguradong wala itong mga natandaang mga lessons from previous topics!
I shook my head to avoid the irritation that I had felt. Taas-noo akong pumasok sa loob ng classroom at natigilan naman sila nang makita akong pumasok.
Their jaws dropped when they saw their new classmate.
Hindi ko sila pinansin at dumiretso ako sa may dulo. Usually, I sit in the front, but in my case, I don't have the strength to sit in front since I am a new student here.
Mas maganda kung sa dulo ako uupo, less hassle, less chismis, and less talking. Narinig ko ang dahan-dahan nilang pagbulong-bulongan, habang nakatuon pa rin ang buong atensyon sa akin.
Kaagad kong inilagay ang aking Hermes bag sa ibabaw ng aking chair at umupo. I didn't look at them or smile at them. Sino ba sila para pansinin ko? Even if I didn't gain friends here, it is still okay, because I can still excel in all our subjects.
Marahas akong napabuntong hininga at napalingon sa mga electric fans na nakasabit sa ibabaw.
Ang init!
I didn't remove my sunglasses. Hinayaan ko silang pagchismisan nila ako. Even the boy from the back kept talking about me.
Ganito ba talaga sila kapag may bago?
Napalingon ako sa aking harapan nang makita ko ang apat na babaeng nagchichismisan, habang sumusulyap sa aking direksyon paminsan-minsan.
The one who still kept talking was the one in ponytail hair, while the other one was a short-haired girl. Ang dalawang babae na katabi naman nito ay mataba at maitim. Swerte iyong isa kasi maputi.
The issues with me eventually faded when someone entered our classroom.
Nanlaki ang aking mga mata nang makita ko si Leister!
What the hell is he doing here?! Ba-bakit siya nandito sa classroom namin? Don't tell me, he is also a Grade eleven student from Class A, Section A?!
No! This couldn't be!
Nakapamulsa siya nang pumasok sa loob ng classroom. Napatuwid pa ako sa aking pagkakaupo nang mapansin kong naghahanap ang kaniyang mga mata sa isang bakanteng upuan.
I swallowed hard and immediately put my bag from the side of the chair. Ayoko siya na tumabi sa akin.
Nagsitilian ang mga babaeng nagchichismis kanina.
"Hi, Leister!"
"Hi, Leister! Dito ka nalang umupo sa tabi namin."
"Oo nga, dito nalang!" maligayang sabi ng isang babaeng maikli ang buhok.
She even tapped the chair to catch the attention of Leister. Ngumiti ito sa kanila at umiling.
Nadismaya silang apat pero nagpapapansin pa rin kay Leister.
"I'll sit at the back," he said quickly before looking in my direction.
Mahigpit ang pagkakayakap niya sa kaniyang backpack at ngumiti sa mga babaeng ka-klase namin. Dahan-dahan siyang naglakad papunta sa aking direksyon.
Biglang bumilis ang pagtibok ng aking puso. I couldn't explain why! Why has my heart suddenly felt this kind of beating?!
Nang magtama ang mga mata naming dalawa ay biglang napawi ang mga ngiti niya. Pati na rin ang mga ngiti sa kaniyang mga mata ay nawala. Kumunot ang aking noo at umawang ang aking bibig nang mapansin kong nilagpasan niya lang ako.
What the hell?!
Now, he is acting like he didn't know me and saw me?!
Napalingon ako sa aking likuran at nakita kong nakipagkamayan siya at nakipagtawanan sa mga lalaking nakaupo roon sa aking likod.
"Dude, there's new chic here!" sabi noong isang matangkad na lalaking payat.
"Mukhang mayaman." Bulong pa noong isa.
He didn't even react to it; it seems like it was just a normal expression from his friends. Hindi na bago sa kaniya, in short.
"At mukhang laking city!" Another one pleaded.
Tuluyan itong umupo katabi nila at napapailing sa mga sinasabi ng aming mga ka-klaseng lalaki.
"You're still into Klyr, aren't you." Natatawang sabi ng naunang nagsalita kanina.
Mas lalong kumunot ang aking noo. Hindi ko alam kung bakit mas lalong nakikinig ako sa mga pinag-uusapan nila.
"Huwag n'yo na nga idamay rito si Klyr," pagtatanggol ni Leister rito.
I rolled my eyes secretly to distract myself from writing my new schedule. Natigil lamang ako nang dumating ang aming subject teacher para sa araw na iyon.
"Good morning, Class!"
Kaming lahat ay tumayo at binati siya pabalik, "Good morning, Ma'am Villanueva!"
She dressed gracefully, like a daughter of the Lord. Her dress matched the heels that she was wearing—even her sling bag!
"How are you today, Class?"
Isa sa mga ka-klase namin ang sumagot.
"Before we begin our class today, I am requesting your new classmate to introduce herself here in front!"
Nagsitinginan silang lahat sa akin, ang iba ay parang hinuhusgahan ako ng palihim. Umawang ang aking bibig at napilitan akong tumayo para magpakilala sa gitna.
All their attention was fixated on me. Hindi naman ako nahihiya, eh. I just don't like them! The way they behave, the way they act!
It's so cheap!
Ibang-iba sa mga kaibigan at ka-klase ko sa Manila.
"Good morning, everyone. I am Celestine Myrrh Lagare; I am from Manila, and unfortunately, my mother wants me to study here in Iligan for a reason. That's all." I tried my best to be calm and natural.
Natigilan lamang ako nang biglang magtanong ang isang babaeng nakaupo sa aking harapan. The one with the short hair.
"Bakit? Eh, hindi ba kung nakatira ka sa Maynila ay mayaman ka, bakit? Naghihirap na ba kayo?"
Nagsitawanan ang ibang mga ka-klase namin na kaagad namang inawat ni Mrs. Villanueva.
I am so pissed! Alam ko ang pinagkaiba nang insulto at normal na pagtatanong!
Sinusubukan talaga ako ng babaeng ito!
I sarcastically smiled at her and raised my right eyebrow. Who are you to insult me?
"No, in fact, my parents are the owners of Lagare Steel Company in Manila, and my parents are both business tycoons who are currently abroad for business transactions."
Natahimik ang paligid at nahiya ang babaeng nagtanong sa akin. They couldn't believe everything that I said. Even Leister gave me a cold stare from afar.
Dadagdagan ko pa sana ang mga impormasyong binitawan ko nang biglang bumukas ang pintuan at pumasok ang isang matangkad, at maputing babae.
She's wearing the same uniform!
She is holding a book in her left arm. She is tall, and her skin is porcelain-type. She has golden brown long wavy hair, and even her eyes are light brown. She has chinky eyes, but she has a Barbie nose that is perfectly plastered on her face. Maliit rin ang mukha nito, pero, maganda.
Her jawline is perfectly shaped and in the right places. Ang mga labing natural na mapula, at sa tuwing binabasa niya ito ay mas lalong nadedepina ang kulay nito.
"I'm sorry, Ma'am, I'm late." Paghihingi niya ng paumanhin sa aming subject teacher.
"It's okay, Klyr. You can sit now to your chair."
Tahimik itong naglakad papunta sa kaniyang upuan. The four girls even greeted her with a smile on their faces. Halatang gustong-gusto talaga nila ang Klyr na iyon na maging kaibigan.
"Thank you for the small information, Miss Lagare. You can now go back to your sit."
Hindi ko pinansin si Mrs. Villanueva at kaagad akong bumalik sa aking upuan sa may dulo. Ang babaeng Klyr ay nakikipag-usap na ngayon sa mga babaeng ka-klase ko.
I couldn't help myself but look at the direction of Leister. I saw him looking in the direction of Klyr, kung saan nakaupo ito.
Nagkibit-balikat ito habang pinagmamasdan si Klyr sa malayo. Ang mapupungay nitong mga mata ang pumukaw sa atensyon ko. I couldn't help myself but look in the direction of Leister. I saw him looking in the direction of Klyr.
Maybe he likes Klyr?
Kung hindi dumating ang Klyr na iyan, 'edi sana at nasagot ko na pabalik ang pabida-bida naming kaklase!
Ang lahat nang atensyon nila ay kaagad na napunta sa babaeng iyon.
The hell you care about the attention, Cece?!
Nakinig na lamang ako sa teacher at nagsusulat sa aking notebook, kung ano ang mga sinasabi niya during explanation ay isinusulat ko ito.
Finally, the bell rang!
Nagligpit kaagad ako ng mga gamit para makalabas na rito sa mainit na classroom! Kung hindi lang talaga ako takot kay Mommy ay baka matagal na akong nag-rebelde sa kaniya! Malayong-malayo ang school na ito sa school na pinapasukan ko sa Manila!
I saw Leister in my vision; he was still standing there in his chair. Nilingon ko ito at nakita ko na parang may hinihintay siya.
Inirapan ko na lamang siya at nang lalabas na sana ako ay biglang sumingit ang mga babaeng ka-klase ko. Iyong mga kaibigan ni Klyr.
Klyr smiled at me genuinely, but I didn't smile back at her. Napawi ang mga ngiti sa kaniyang mga labi at napakurap-kurap sa aking reaksyon.
She didn't expect that I am rude.
None of my classmates talk to me or even say hi; they ignore me, and I am more comfortable with that.
Nilingon ko si Leister nang makita kong dire-diretso ang paglabas niya ng classroom. Habang ang mga mata nito'y nakatuon lamang kay Klyr.
I think he is following that girl.
Marahas akong bumuntong hininga at napaisip akong pare-parehas lamang silang cheap!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top