Chapter 37

This is unedited version of this chapter. I will edit this one very soon!

---

Chapter 37

“Celestine, can I talk to you for a minute?” Mommy asked.

Kumunot ang kaniyang noo habang nakatingin sa akin. Umawang ang aking bibig at kaagad akong tumigil sa aking ginagawa at hinarap si Mommy. There were still people outside the house of Lola Cristy, and some of them were playing cards. 

Sumunod ako kay Mommy na pumasok sa kwarto ni Lola Cristy at narinig ko ang marahas niyang pagbuntong hininga.

“I couldn’t bear this anymore!” nanggagalaiti niyang sabi sa akin.

Nagkibit-balikat ako at ako naman ngayon ang kumunot ang noo. Anong ibig niyang sabihin?

“My, what do you mean?” nagugulohan kong pagtatanong sa kaniya.

“Hindi ko na kayang nakikitang may naglalaro ng cards rito! Ang iba pa ay pumapasok rito sa loob ng bahay nang walang pasabi! Pumayag lang ako sa ideya ng ama mo dahil may punto siyang may mga nagmamahal kay Mama rito na mga kapitbahay niya. But seeing those people outside? Ang iingay pa!” inis na sabi ni Mommy sa akin.

Hindi ko pa nasasabi kay Mommy ang mga nalaman namin mula kay Atty. Michelle. She will freak out for sure once she’ll know about this. Panigurado akong kakausapin niya si Atty. Michelle at may gagawin na naman siyang hindi ko ikakagusto.

“My, this is the typical wake. Hindi naman natin sila puwedeng paalisin. Atsaka, mamaya ay darating ang mga kaibigan ni Lola Cristy galing ibang bansa. Ito lang ang address na alam nilang puntahan.” Pagpapaliwanag ko kay Mommy.

She shook her head and burst in frustration.

“Kung puwede ko lang ilipat si Mama ay ginawa ko na!”

Tinapik ko ang balikat ni Mommy at mas lalong pinagaan ang kaniyang loob. This is not the right time to burst her anger. Lamay ito ni Lola Cristy, at kahit na ganoon ang ibang tao, pumunta pa rin sila rito para makiramay.

“My, just be patience. Ilang araw nalang at ililibing na natin si Lola Cristy. This will be the last moments that we have with her.”

Nakita ko ang unti-unting pagkurap-kurap ng mga pilik-mata ni Mommy at na-alarma ako nang bigla siyang humagulgol ng iyak.

Nataranta ako at sinubukan ko siyang patahanin. I don’t really know how to comfort someone, especially Mom. I grew up half of her presence because she’s always working overseas. Kaya, sa ganitong pagkakataon, hindi ko alam kung paano ko siya damayan. Hindi ko alam kung paano ko siya… patahanin.

“Hi-hindi man lang ako nakahingi nang kapatawaran sa kaniya, bago niya ako iniwan! Hi-hindi ko man lang nasabi sa kaniya kung gaano ko siya kamahal!” Mommy’s voice broke.

Hinagod ko ang kaniyang likuran at hindi ko na rin mapigilan ang hindi mapaluha. Lola Cristy was the most precious person in my life. Though I hated her at first, but eventually it changed.… lalong-lalo na nang maramdaman ko ang pagmamahal niya para sa akin. After all of these, I was still her only granddaughter. Kaya, mahirap rin sa akin ang sitwasyong ito. Ilang taon rin namin siyang iniwang mag-isa rito sa Iligan City.

“She doesn’t know how much I hated my life and decisions back then! She doesn’t know the regrets that I have with me! Dala-dala ko pa rin ang lahat nang iyon ngayon! Naging malupit ako sa kaniya… I-I almost forget her as my mother because of my love for Duke. Naging matigas ang ulo ko! Sinuway ko siya at sinubukan kong… iwanan siya rito sa bahay noon.”

Nang marinig ko ang mga salitang iyon ay parang pinunit ang aking puso nang ilang beses. Lalong-lalo na nang makita ko ang pamumula ng mga mata at pisngi ni Mommy. I always see her as a strong woman, who barely cries and shows her emotions. Ibang-iba iyon sa Christine na nakikita ko ngayon. This is the first time I see her being vulnerable.

“Sa huli… i-iniwan pa rin ako ng lalaking mahal ko. Sa huli… pinagsisisihan ko pa rin ang lahat nang mga nangyari at ang aking mga maling desisyong nagawa.”

“My, everything happens for a reason. Kung buhay lang si Lola Cristy, alam kong patatawarin ka niya sa lahat nang mga nagawa mong kasalanan noon. I know her, Mommy.”

She cried even more in my arms and I just let her cry and cry until she couldn’t make a tear anymore.

Nakatulog si Mommy sa sobrang iyak at hinayaan ko nalang muna siyang matulog rito sa kwarto ni Lola Cristy. Pinatay ko muna ang ilaw para mahimbing siyang makatulog, bago ko napagdesisyunan ang lumabas ng kwarto.

Biglang bumilis ang pagtibok ng aking puso nang makita ko si Tito Duke! Napalingon ako sa aking paligid at mukhang hindi naman niya kasama ang kaniyang anak. He is alone visiting Lola Cristy.

Umalis na rin ang ibang bisita at iilan sa kanila ay nagpaalam muna sa akin, bago pumanhik. Buti na lang at may mga taong tumulong sa bahay.

Unti-unti akong lumapit sa kaniyang direksyon at napansin naman niya ako kaagad.

“Good evening, hija.” He said in a baritone low voice.

Ilang taon ko rin siyang hindi nakitang muli. The last time that I saw him that was in his farm, together with Leister. His physical features didn’t changed at all. Ganoon pa rin ito, matipuno ang katawan at makisig. Except those wrinkles in his forehead.

“Good evening din po, salamat at napadalaw kayo rito.” Tipid kong sabi sa kaniya.

Nakapamulsa siya at ibinalik ang paningin kay Lola Cristy. Habang pinagmamasdan ko siya, nakita ko ang lungkot sa kaniyang mga mata. It makes me wonder about him and his relationship with Mom. I want to know his side too. Dahil alam kong may galit si Mommy sa kaniya. At gusto ko pa rin malaman kung bakit ganoon kalaki ang galit ni Mommy sa kaniya. Their past relationship must have been chained in darkness and chaos.

“Mama Cristy is one of the most important person in my life, hija. Kaya, masakit rin para sa akin ang malamang… wala na siya.” Mahinahon niyang sabi sa akin.

Mama? He called her that way?

“Mama?” naguguluhan kong pagtatanong sa kaniya.

Lumingon siya sa akin at nakita ko ang munting ngiting sumilay sa kaniyang mga labi.

“I know you already knew about the relationship that I had with your mother. Eight years has not been easy for us, we had faced a lot of challenges. Christine Myrrah was my girlfriend for eight years… sa walong taong iyon, unti-unti rin akong napapalapit sa Mama niya. I treated her as my mother too.” Ani Tito Duke.

I licked my lower lip and sighed. Marami akong gustong itanong sa kaniya, mga tanong na hanggang ngayon ay presko pa rin para kay Mama.

“Puwede po ba magtanong? Ba-bakit n’yo po iniwan si Mommy? Ba-bakit po kayo nagmahal nang iba?”

I know it sounded rude but that was my best choice to ask him about it. Ayoko rin naman na magpaligoy-ligoy pa.

He was too stunned to speak and didn’t expect my questions.

Tumikhim siya at napakurap-kurap. I am determined to know his side and his answers.

“May mga bagay na hindi na natin maaayos, hija. What we had with your mother was precious for me. I have my reasons and it will be kept in myself forever. I hope you understand that.” He said it like it’s final and so sure.

Hindi ako muling nakasagot sa mga sinabi niya sa akin at muli siyang nagsalita.

“I heard the information from my son about your Lola’s last will. Maiintindihan ko hija kung ayaw mong gawin ang bagay na iyon. Alam kong nasaktan ka niya at ako na ang humihingi nang pasensya sa lahat nang mga ginawa ng anak ko.”

Napakibit-balikat na lamang ako at umiwas ng tingin sa kaniya.

“It’s okay, Tito Duke. Pinag-iisipan ko pa rin naman iyon hanggang ngayon.”

“You don’t have to do it anak.”

Pait akong tumingin ss kaniya at unti-unting umiling.

“Pero iyon ang nakasulat sa last will ni Lola Cristy. This house will be demolished if we don’t do her last will. Mahalaga sa akin ang bahay na ito, Tito Duke.”

“Whatever your heart tells you what to do, hija. Do what your heart desires the most,” Tito Duke said.

Para akong natauhan sa lahat nang mga huling sinabi ni Tito Duke sa akin, bago siya nagpaalam na umuwi na. It haunts me even more after we buried the body of Lola Cristy. Hindi ako makatulog gabi-gabi nang dahil lamang doon.

Mas lalo akong nabagabag nang makita ko ang mga maleta namin ni Mommy sa sofa. Nanlaki ang aking mga mata at biglang bumilis ang pagtibok ng aking puso.

Aalis na kami?

Nakita kong abala si Mommy sa pag-aayos ng aming mga gamit.

“Mom, sa-saan tayo pupunta?” nalilito kong pagtatanong sa kaniya.

Humarap siya sa akin at malungkot na bumuntong hininga.

“We are going back to States, Cece. Mas lalo akong masasaktan kapag mananatili tayo rito. Mga alaala lamang ng lola mo ang makikita ko, hindi ko ‘yon kaya.” Mommy’s voice broke while saying those words to me.

Hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag sa kaniya ang tungkol sa last will ni Lola Cristy. These past few days she is in deep grieving and mourning, I couldn’t even say it to her. Hindi niya rin naman inalam ang mga sinabi ni Atty. Michelle, siguro dahil ay abala siya sa burol ni Lola Cristy.

“My, I’m not going with you.” Pinal kong sabi sa kaniya.

Umawang ang kaniyang bibig at kumunot ang kaniyang noo. Mukhang hindi niya nagustuhan ang mga narinig niya mula sa akin.

“What do you mean you’re not going with me? You are coming with me. Kailangan na nating bumalik ng States! Besides, Dashmon is waiting for you there. Ano pa ba ang rason mo kung bakit gusto mo pang manatili rito?” sabi ni Mommy habang patuloy siyang nagliligpit ng gamit.

Bumuntong hininga ako at kinuha ang last will ni Lola Cristy. I handed it to her.

“That’s the last will of Lola Cristy. Sa totoo lang, ayoko rin naman mawala ang bahay na ito, My. This house is very important to me.”

“What do you mean? You are going to do this?! Are you out of your mind, Celestine?! Mas gugustuhin ko pang masira ang bahay na ito kaysa tumira ka kasama ang lalaking iyon!” galit na galit na sabi ni Mommy sa akin.

Bumilis ang aking paghinga nang dahil sa mga narinig. I am just concern about the house! Hindi ko akalain na kaya niyang sabihin ang mga bagay na iyon! Na para bang hindi importante sa kaniya si Lola Cristy.

“My, mahalaga sa akin ang bahay na ito! This is my second home! Atsaka, madali lang naman ang isang buwan. Magiging civil ako kay Leister.”

Napahilamos si Mommy sa kaniyang mukha at umiling.

“My answer is no! You are coming with me either you like it or not!”

“My, hindi na ako bata para kayo ang gumawa ng desisyon sa akin ngayon! I am already old enough to make decisions for myself!” I tried to defend myself to her.

Hindi na kasi tama itong ginagawa niya. She is holding me in neck.

“Kaya nagmamayabang ka na ngayon, huh? Sige! Gawin mo ang gusto mo! Pero ito lang ang tatandaan mo, huwag na huwag mo akong tatawagan! You are a disrespectful woman! I did everything I could just to protect you from that boy! Tapos ngayon? Gagawin mo pala ang mga bagay na alam mong ikakagalit ko!”

Tumulo ang aking mga luha pero hindi ako nagpaapekto sa kaniya. Buo na rin naman ang desisyon ko. Ayokong mawala sa aking bahay na ito. Ito nalang ang natitirang alaala ni Lola Cristy.

“My, wala akong ibang ginawa kung hindi ang sumunod sa lahat nang mga kagustuha mo. Kahit na ayaw ko, ginagawa ko pa rin dahil gusto kong maging proud ka sa akin. Pero, hanggang sa lumalaki ako… napagtanto kong…hindi pa rin ako magiging sapat sa’yo. I will never be enough for you, Mom. Iyon ang totoo.” Pagkatapos kong sabihin iyon ay kaagad akong umalis sa kaniyang harapan.

I

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top