Chapter 36
Chapter 36
“Ano po ang pag-uusap natin?” pagtatanong ko kay Atty. Michelle.
Hindi ko kayang magtagal rito nang katabi ko ang isang ito. Kating-kati na akong umalis sa harapan ni Atty. Michelle, pero, hindi ko lang magawa nang dahil sa gusto niya kaming makausap na dalawa.
She is holding a white folder that contains important details about Lola Cristy’s last will.
Wala akong ideya kung ano ang iniwan ni Lola Cristy at bakit kasali pa itong si Leister, eh, ako lang naman ang apo niya rito.
“I am here to inform you about the last will of Mrs. Cristy Lustre.”
Pinagmasdan ko lamang siya habang dahan-dahan niyang binuksan ang folder na dala-dala niya. Kahit hindi ako mapakali dahil katabi ko si Leister, nakita ko rin ang paminsan-minsan nitong pagsulyap sa akin. Parang sinusubukan niyang magsalita ngunit masyado akong galit para sagutin siya. Wala rin naman akong balak na kausapin siya.
Not ever again…
“Binilin ito ni Mrs. Lustre sa akin, noong nanghihina na siya. Nakapangalan ang bahay na ito sa inyong dalawa. This house will be yours under the conditional bequests. Ang ibig sabihin, makukuha n’yo lamang ang bahay na ito kapag dito kayo tumira nang mahigit isang buwan.”
Umawang ang aking bibig nang dahil sa aking mga narinig. Mas lalong kumunot ang aking noo at kaagad akong napatayo.
I couldn’t agree with that! Hinding-hindi ako papayag! Kung hindi dahil kay Lola Cristy ay hindi na sana ako babalik pa rito sa Pilipinas! Ang tumira pa kaya sa iisang bubong kasama ang lalaking ito?! It would be a crazy idea!
“No! Hindi ako papayag sa ganyan, Atty! Wala na ba tayong ibang paraan?” problemado kong sabi sa kaniya.
Atty. Michelle shook her head as a response. Buong-buo na ito sa mga sinasabi niyang impormasyon sa amin.
“What will be the consequences if we don’t do that, Atty.? Mawawala ba sa amin ang bahay?” sumingit si Leister sa aming usapan at katulad ko rin, naghihintay rin siya nang magiging sagot ni Atty. Michelle.
“Hindi lang mawawala sa inyo ang bahay, this house will be demolished if you fail to meet the requirements.”
Damn it!
Napahilamos ako sa aking mukha at ito na ata ang pinakaayaw na gusto kong gawin sa tanang buhay ko! This is bullshit! Mas magugustuhan pa siguro ng batang Celestine ang ideyang ito kaysa sa akin ngayon.
“Atty. Michelle, I’m sorry, but I cannot do this. Hindi ko po kaya.” Pag-aamin ko sa kaniya, not minding the person beside me.
Bumuntong hininga si Atty. Michelle at kaagad na umiling sa aking mga sinabi.
“Hija, this house is your grandmother’s home. Dito rin lumaki ang ina mo. This is the greatest place that holds your grandmother’s heart and memories. Hahayaan mo lang ba ito na mawala? Hindi rin ba ito naging importante sa’yo, hija?”
My heart ached when she said those words to me. Pakiramdam ko, tinamaan ako sa puso at parang umismid ang dila ko at hindi ako makapagsalita pabalik. She is right. This place holds memories. This place is also special for me. Kaya ko namang tumira rito, eh. But the idea of him having here with me? Those are the ideas I cannot accept.
“Mas mabuti pa na pag-usapan ninyo munang dalawa kung ano ang magiging desisyon ninyo. Tawagan n’yo nalang ako kapag buo na ang desisyon ninyong dalawa.” ani Atty. Michelle, bago umalis sa aming harapan.
Kaming dalawa na lamang ni Leister ang natitira. Itinuko niya ang kaniyang magkabilang siko sa kaniyang tuhod. Mukhang nag-iisip.
Marahas akong tumayo at mukhang nabigla siya sa aking ginawa at napalingon sa akin. Our eyes met and I saw how his expression changed. Napatingin rin ako sa mga daliri niya.
Hindi na ako magtataka kung malalaman ko nalang na kasal na ito kay Klyr. He loves that girl and I don’t care about it.
Nang makita kong wala pa itong suot na singsing ay kumunot ang aking noo. Bakit hindi pa ito nagpapakasal kay Klyr? Tutal, iyon naman ang gusto niya at iyon ang mahal niya. Bakit niya pa pinapatagal, hindi ba?
Tinapunan ko lamang siya ng tingin, bago ako umalis sa kaniyang harapan at dumiretso sa labas ng bahay ni Lola Cristy. Magpapalamig lang ako sa labas. Nang makalabas na ako ng gate nang biglang may humawak sa aking siko.
“What the hell?!” galit ako sa taong humawak sa akin.
Makakatikim na sana ito ng galit ko nang makita ko si Leister. My eyebrows raised when I saw him holding my elbow. Marahas ko itong binawi sa kaniya at kumulo na naman ang dugo ko nang dahil sa kaniya.
“What are you doing here?! Sinusundan mo ba ako?!” inis kong pagtatanong sa kaniya.
I saw pain in his eyes, but I refused to believe it because it was coming from him. If this is one of his tricks, then I don’t want it anymore! Nasaktan niya ako nang sobra at pinilit ko ang sariling tumayo at lumaban kahit alam kong nasasaktan pa rin ako. Pinilit kong bumangon kahit ayaw ko pa, dahil mahal ko siya at baka magbago pa ang isipan niya tungkol sa aming dalawa, pero hindi!
“Kailangan nating mag-usap tungkol sa bahay ni Lola Cristy. Kailangan natin gumawa ng desisyon.” Mahinahon niyang sabi sa akin.
I couldn’t help but sarcastically laugh at him.
“Nag-usap na tayo kanina, kasama pa nga natin si Atty. Michelle, hindi ba? Hindi pa ba sapat yon para sa’yo, Mr. Martensen?” sarkastiko kong sabi sa kaniya.
Magkasalubong ang magkabilang kilay niya at hindi inaasahang magiging ganoon ang pakikipag-usap ko.
Well, it’s exclusively for him!
“Ayokong mawala ang bahay ni Lola Cristy. This house is precious to her.” He is trying to convince me about earlier.
Buo na ang desisyon ko at hinding-hindi ako titira sa bahay na ito kung siya ang magiging kasama ko.
Sarkastiko ko siyang tinignan pabalik. Hindi ko alam kung bakit nakikialam pa rin siya tungkol sa mga bagay na ito. This house is important to me too! Pero, nang malaman kong kasali siya sa pamamanahan ni Lola Cristy, parang nawalan na ako nang pag-asang tumira nang mag-isa sa bahay na ito. I don’t want him to get involve with this, pero, mukhang hindi naman iyon ang mangyayari. Then, I’ll get myself out of this. He can have the house, instead.
“If you want the house, you can get it. Wala rin naman akong magagawa dahil iyon ang gusto ni Lola Cristy. Babalik rin naman ako ng US at wala na akong babalikan pa rito. Kausapin mo nalang si Atty. Michelle tungkol sa bahay ni Lola. I’m not interested to have it anymore.” Malamig kong sabi sa kaniya at tatalikuran ko na sana siya nang bigla niyang hinablot ang kaliwang braso ko.
“Ano ba?!” inis kong sigaw sa kaniya.
His jaw is clenched, and his eyebrows are on a straight line now. His eyes flicker with an emotion he tries to suppress, the storm behind them darkening as he looks at me. Pinipigilan lang niya ang sariling magwala sa harapan ko.
Diyan naman talaga siya magaling, ang magalit sa akin.
“Wala nalang ba sa’yo ang lahat, huh? You will just abandoned the hard works of Lola Cristy?! Puwede naman nating gawin ang gusto ni Lola, you can have the house after we finish the said requirements. Tumira tayo sa bahay niya.”
Nababaliw na ba ang lalaking ito?!
“Tigilan mo ako, Leister. May fiance ako at wala akong balak na tumira sa bahay ni Lola na kasama ka.”
There, I said to him finally. Marami pa akong gustong sabihin sa kaniya. My mind just crumbled all the ideas, and I can’t say it to him!
Marahas siyang bumuntong hininga at nakapamewang sa akin.
“Ganoon ba talaga kalaki ang galit mo sa akin? Kahit ang last will ni Lola ay hindi mo kayang gawin? Nang dahil sa akin?” sunod-sunod na pagtatanong niya sa akin.
He really wants to know the truth? Then, I will tell him everything!
I pushed him hard and his eyes widened when I do that to him. Tumulo ang mga luhang kanina pa nagbabadyang mahulog mula sa mga mata ko. Pinagsusuntok ko siya at minumura. Kaming dalawa lang naman rito sa labas kaya ayos lang.
“Fuck you!” I shouted at him while crying hard.
His jaw clenches slightly, a small muscle twitching as he struggles to hold back words that might reveal more than he wants. His lips parted as if to speak again but closed again, leaving a silence filled with the unsaid.
“Damn you! You don’t know what I’m going through after you left me! Gago ka! ”I cried in vain, but instead of pushing me away from him, he held my hands and hugged me.
Unti-unti akong nanghihina at tuluyang nawalan nang lakas nang niyakap niya ako nang napakahigpit. I could hear his heartbeat because of it.
“I know, I know, Celestine. I know I hurt you so bad.” He hardly said those words to me.
Para akong nabalik lang sa realidad at kaagad akong umalis sa pagkakayakap mula sa kaniya. I slapped him hard on his right cheek and he couldn’t move. Hinayaan lang niya akong sampalin siya.
“Alam mo naman pala na sinaktan mo ‘ko! Pero bakit patuloy mo pa rin akong sinasaktan?! What did I do to you just to hurt me in the end, huh?! When all I could do was love you despite my mother’s disapproval! Ipinaglaban kita kahit alam kong tatalikuran ako ng sarili kong ina!”
Nakita ko rin ang pamumula ng kaniyang mga mata. His voice comes out uneven, caught somewhere between a whisper and a sighed.
“I just did what’s best for us, Celestine. Mga bata pa tayo noon at kapag ipinagpatuloy natin iyon, ayokong mas lalo kang kamuhian nang sarili mong ina.” He says, the edge of his voice cracking just slightly, betraying the control he’s trying so hard to maintain.
Marahas kong inalis ang aking mga luha at malamig ko siyang tinignan pabalik.
“Sapat na ba ‘yon para maghanap ka nang iba? Sapat na ba iyon para maging rason mo na saktan ako nang paulit-ulit? Bumalik ako rito sa Iligan noon dahil gusto kong klarohin ang lahat! Gusto kong ayusin ang relasyon nating dalawa dahil ayokong mawala ka! Ta-tapos… makikita kong… magkasama kayong dalawa ni Klyr! You know how many insecurities I have with that girl! I thought you’re different from your father. I was wrong about it.”
Sinubukan niyang lumapit sa akin ngunit kaagad ko siyang pinigilan.
“I hope you understand, Celestine. I have my reasons. Panigurado akong hinding-hindi mo magugustuhan ang mga sasabihin ko kapag sinabi ko sa’yo ang katotohanan.”
“Bullshit!” I cursed him real bad.
Kaagad akong umiling sa kaniya at tinignan nang masama.
",Save your explanations because I don’t want to hear them anymore. You should have said those words to me years ago, pero hindi mo naman ginawa. I don’t care about it anymore. Masaya na ako sa piling ni Dashmon, at magpapakasal ako sa kaniya sa mas lalong madaling panahon. He filled me with love, which you can’t give. Things are even different now, Leister. Hindi na rin ako ‘yung dating Celestine na nagpakatanga nang dahil sa’yo.”
His expression softened, as if he’s already accepted the loss he’s speaking of. His gaze fell to the floor, the words pressing on his chest like weights he could no longer carry.
“Do me a favor… huwag mo na akong guluhin at huwag mo na akong kausapin kahit kailan. Dahil matagal ko nang tinanggap ang pagkawala mo sa buhay ko.” I said those words to him harshly.
Nagmamadali akong umalis roon at tinakbo ang aking sasakyan. When I got into my car, I cried again.
Kahit kailan, sinungaling ka talaga, Celestine.
Nagkukunwari ka pa na hindi ka naaapektuhan sa presensya ni Leister, pero ang totoo, nagpapanggap ka lang talaga. Napatingin ako sa engagement ring na binigay sa akin ni Dashmon.
The diamonds in it shine like bright crystals. Hindi ko kayang saktan si Dashmon. He was there with me all the time when I needed him. Mas lalo akong napahagulgol sa iyak dahil nalilito na ako kung ano ba talaga ang dapat kong gawin.
After all of these, I still don’t want to lose the house of Lola Cristy.
Nabalik lamang ako sa realidad nang biglang may tumawag sa akin. It was Dashmon. Kaagad ko itong sinagot at ang iritado niyang boses ang sumalubong sa akin.
“Why aren’t you answering my calls? Kanina pa ako tawag nang tawag sa’yo.” Inis niyang sabi sa akin sa kabilang linya.
“Pa-pasensya ka na, Dashmon. Ma-marami kasi ang bisita sa bahay ni Lola kaya-“ hindi niya ako pinatuloy sa pagpapaliwanag ko at sumingit.
“Don’t use that as an excuse, Celestine! Kailan ka ba babalik rito sa US? Kung kailan ako nandito, ‘tsaka ka naman wala.”
Napahilot ako sa aking sentido at sinubukan kong magpaliwanag sa kaniya nang maayos.
“Dashmon, I have already told you about my Lola Cristy. Hindi naman puwede na sila Mommy at Daddy lang ang uuwi rito. I love my grandmother.”
“Nag-aaksaya ka lang ng panahon, eh. We should process our wedding requirements now. Hindi na rin naman mababalik ang buhay ng Lola mo.”
Umawang ang aking bibig at hindi ako makapaniwala sa mga lumabas sa kaniyang bibig. Hindi ko lubos akalain na kayang-kaya niyang sabihin ang mga salitang iyon!
My blood boiled in silence and I couldn’t help myself but to get mad over the phone.
“I just couldn’t believe you, Dashmon. You know how much I love my grandmother! Tapos sasabihin mo ang mga salitang iyan?! If you can’t respect my decisions, don’t call me!”
Nang dahil sa inis ko ay kaagad ko siyang binabaan ng tawag. Alam kong nadala lamang siya sa galit niya sa akin ngunit magsalita siya tungkol sa buhay ng Lola ko ay hindi na ako makakapayag.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top