Chapter 33

Chapter 33

That was the first time that I saw Dashmon. His tall, athletic frame gives him a striking presence; his hair is cut in a relaxed, slightly messy style, shorter on the sides but longer on top, allowing soft, dark strands to fall over his forehead in just the right way. His features stand out even more. 

I think he is probably six feet tall.

Hindi lang iyon ang huling beses na pagkikita naming dalawa ni Dashmon. I have found out that he was also my schoolmate. Matagal na rin daw niya akong napapansin sa tuwing dumadaan ako sa bahay nila. We are actually neighbors. Siya ang unang naging kaibigan ko rito sa States.

My heart was happy a little bit. Knowing that there is one person with whom I can talk about some little things. Lalong-lalo na ngayon na hindi pa rin kami nagkakasundo ni Mommy. Sa bahay pa rin naman ako umuuwi, s’yempre. Pero, hindi pa rin kami nag-uusap ni Mommy. Hindi ko rin ma-contact si Leister sa Pilipinas dahil kinuha ni Mommy ang phone ko, even my laptop! She is that hard to me! Nakakagamit lamang ako ng aking laptop sa tuwing may projects na kailangan gawin para sa school, nandiyan naman siya at binabantayan ako.

I am so worried about these past few days. Gustong-gusto ko nang makausap si Leister at ipaalam sa kaniya ang mga nangyari. Panigurado akong nag-aalala na ‘yun sa akin. Ilang araw na kasi ang lumipas simula noong bawiin ni Mommy ang phone ko at ang laptop. Kaya, wala akong ibang kasama ngayon at kausap kung hindi si Dashmon… na naging kaibigan ko rin kalaunan.

I am really trying my best to find ways on how to contact Leister. Lahat nang mga plano ko ay sumasablay!

Napabuntong hininga ako at wala nang magawa nang lumipas na naman ang halos isang buwan! Kahit kailan hindi siya nawala sa isipan ko, kahit sa puso ko. Araw-araw, sinubukan kong maging matatag para sa aming dalawa.

Alam ko, hindi ako kayang tiniisin ni Leister. Mahal na mahal ako nun.

Lies. Lies. Lies.

Iyon ang inakala ko. Iyon ang inakala nang pusong nagmamahal. A young Celestine would think that that kind of love is genuine and eternal. While I was looking back on those shattered memories, my heart was in rage and furious! Nang dahil sa galit ko ay hiniling ko na sana hindi ko na siya makita pang muli!

Na sapat na sa akin ang mamuhay na wala siya! What he did to me is a reflection of the pain that he had caused! Pinaglaban ko siya sa sarili kong ina tapos malalaman kong…

I closed my eyes again as I tried my best to be calm. Wala si Dashmon ngayon dahil may inasikaso sa kanila. He went back home to China to settle the problems with his family. He is half Chinese-Filipino-American. Sa China siya lumaki pero rito siya nag-aral sa Amerika. Dashmon was there for me throughout these years. Siya ang naging sandalan ko sa lahat. He comforted me when he heard the news about Leister’s breaking up the connection with me. Siya lang ang nariyan sa tabi ko.

I admit, I don’t have feelings for Dashmon when he courted me. Pero, sino ba naman ako para tanggihan ang isang tulad niya? He is kind, genuine, and family oriented man. Kung tutuusin, nasa kaniya na ang lahat. I was in pain; I was in darkness when he embraced me wholeheartedly with my imperfections. Ganoon ako kamahal ni Dashmon.

He proposed to me one fine evening at an expensive restaurant, together with my mother. Aaminin ko rin, nagdalawang-isip rin ako noong ginawa iyon ni Dashmon. I was going to say no, because I am not yet ready for it. But when I looked at Mom, I knew already what the answer would be that she wanted to hear. 

I said yes…

I was supposed to say no… not just because I’m not ready for it, but because I have received a call from someone. Sinubukan ko nang kalimutan si Leister, ginawa ko na ang lahat para hindi ko na siya maisip. Nilublob ko ang sarili sa pag-aaral at sa iba pang mga bagay. Nagulat ako nang tinawagan ako ng isang babaeng hindi ko naman kilala. Out of curiosity, I answered her calls.

“Hello, who’s this?” pagtatanong ko sa kabilang linya.

Na-alarma ako nang marinig ko ang babaeng umiiyak. Bigla akong kinabahan dahil wala naman akong atrasong ginawa sa ibang tao.

“You’re Ce-Celestine, right? Cece? Iyon kasi ang tawag sa’yo ni Leister, eh.”

Napakagat ako sa aking pang-ibabang labi at napatayo nang wala sa oras.

“What do you want? Who’s this?” naguguluhan ko ng pagtatanong.

“Alam mo bang ikaw pa rin ang mahal niya?! All this time! I have tried my best to get his attention! Nagpapansin na ako’t lahat-lahat, wala pa rin iyon sa kaniya! A-akala ko gusto niya rin ako… a-akala ko nawala ka na sa puso’t-isipan niya!”

My heart was in a race when I heard those words from her. Hindi ko namalayan ang mga luhang tumulo mula sa aking mga mata. Akala ko ay hindi na ako maaapektuhan kapag nakarinig ako ng mga bagay na may ugnayan sa kaniya.

I was so wrong about it!

“Whatever your problems with Mr. Martensen, I’m out of it. Matagal nang pinutol ni Leister ang ugnayan naming dalawa.”

Pinanatili kong matatag ang sarili habang nilalabanan ang lahat nang mga sinasabi niya sa akin. Ayoko nang bumalik pa kay Leister! Hi-hindi ko na kaya!

“Oh, really?! Bakit hanggang ngayon ikaw pa din! Bakit hindi ka mawala sa puso ni Leister?! Bakit?!” she said hysterically.

Napahilot ako sa aking sentido at napapailing na lamang nang wala sa oras.

“Tigilan mo na ako, Miss. I am at my peace now. Kung gusto mo talaga siya, sige, you can have him. Huwag mo akong guluhun!”

I was going to take the call down but I froze from the words she’s just said…

“Fine! From now on, don’t you ever coming back from Leister! Dahil gagawin ko ang lahat para lang mapunta siya sa akin! Hinding-hindi ko na hahayaan na papasok ka pang muli sa buhay ni Leister! Sisiguraduhin kong ako ang makakatuluyan niya!”

Pagkatapos niyang sabihin iyon ay kaagad niyang ibinaba ang tawag. Umawang ang aking bibig at matagal na-proseso sa utak ko ang lahat-lahat!

I couldn’t believe someone can do that just because of their love! Hindi ko kilala ang babaeng tumawag, panigurado akong isa iyon sa mga babae ni Leister. Wala na rin naman akong pakialam, eh. Matagal na niyang pinutol ang ugnayan naming dalawa!

Nabalik lamang ako sa realidad nang biglang magsalita si Mommy sa aking harapan.

“Bakit parang hindi ka naman masaya sa ginawang pag-propose ni Dashmon sa’yo?”

Nagulat ako sa naging tanong ni Mommy sa akin. May panghuhusga ang tono niya.

Natigilan ako sa aking pagkain at kaagad akong umiling sa kaniya.

“I am happy about it, My. Hindi ko lang mapigilan ang hindi mapaisip… maybe it was… too early?”

Mommy smirked at me and wiped her lips using the table napkin.

“Ganyan rin ako noon, eh. Noong hindi pa ako sigurado sa mga desisyon ko sa buhay. Noong hindi pa ako siguradong magpakasal sa Daddy mo. Don’t worry, hija. Masasanay ka rin sa pagmamahal ni Dashmon. Dashmon is the right man for you. Don’t you ever think about of breaking it.” ani Mommy.

Hindi pa rin ako makapaniwalang ganito pa rin siya mag-isip tungkol sa akin. Pinagdududahan niya pa rin ako, kahit ang mga kilos ko.

Ganoon siya kagalit sa mga Martensen. Pati ako na walang kasalanan, nadadamay.

When I finished my studies, I immediately moved to a small apartment. Tumutol si Mommy sa gusto kong mangyari pero ipinaglaban ko ang isang ito. Wala rin naman siyang nagawa noong umalis ako sa bahay at tumirang mag-isa rito sa apartment. Daddy was here and supported me even from my finances. He insisted to buy me a bigger one, but I refused. Mag-ta-trabaho rin naman ako sa kompanya nila kaya may perang darating sa akin. Thankfully, I graduated with the highest Latin honours in my batch. Kaya, magiging madali nalang ang lahat kung magsisimula na akong magtrabaho sa kompanya.

Napatigil ako sa aking ginagawa nang biglang tumawag si Mommy.

“Yes, My? Napatawag ka?”

“Celestine!!!”

Na-alarma ako nang marinig ko ang hagulgol na iyak ni Mommy sa kabilang linya!

“My, what happened?!”

“Wa-wala na ang lola mo…”

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top