Chapter 29

Chapter 29

Mommy was mad and furious when we got home. Itinapon niya ako sa may sofa nang marahas. She is breathing heavily, nakita ko rin ang iilang mga butil ng luha na nagsisilandasan mula sa mga mata ni Mommy.

She is hysterical and very mad at me. Nakapamewang siyang humarap sa akin at magkasalubong ang kaniyang mga kilay. I started crying, too! Ano namang masama kung bibisitahin ko si Leister?! I am just woried to death! He didn't answer my calls or even inform me about his day. Naninibago ako at nag-aalala ako nang sobra-sobra!

Alam kong hindi maganda ang nangyari noong gabing iyon, pero, hindi na ako nabigyan nang pagkakataon na makapagpaliwanag sa kaniya. Simula nun, hindi na niya sinasagot ang mga tawag ko. Dagdagan pa nang mga nangyari ngayon.

"Ang tigas talaga ng ulo mo, Celestine! Bakit hindi ka nakikinig sa'kin?! Bakit?!" Mommy's voice thundered the whole parts of the house.

It feels like it is a sin. A sin that I'll forever want to embrace with courage and bravery. Ganoon ko kamahal si Leister. Even when it's very late, I am still and forever willing to wait for him.

"I just want to visit Leister. May mali po ba doon?" Inosente kong pagtatanong sa kaniya.

She shook her head as a disbelief. Halatang hindi niya nagustuhan ang mga sinabi ko sa kaniya. Napahilamos siya sa kaniyang mukha at marahas na bumuntong hininga.

"Yes! Because I've told you not to go out! At sa mga Martensen ka pa talaga nagpunta?! Anong napala mo doon? Eh, hindi ba ay wala!"

Nasaktan ako sa mga sinabi ni Mommy sa akin ngayon, pero, kahit na gaano ko pa kagustong sagutin siya, magiging mali pa rin ang interpretasyon ko. She is always right in all aspects. Nang kahit si Daddy ay takot na takot sa kaniya.

"Why are you so mad to them?! Maybe, Tita Solene was right!"

I think I hit the core of her when I saw her being on shocked and too stunned to speak. Mas lalong nagalit si Mommy nang dahil sa aking mga sinabi. Lumapit siya sa akin at marahas na hinablot ang aking braso. She's shaking because of anger and gritted her teeth. Bigla akong natakot nang makita ko ang reaksyon ni Mommy. She's never like this before. Ano ba ang ginawa ng mga Martensen sa kaniya at ganito siya kagalit?

"How dare you say that to me! Why?! You know that woman already?! Anong mga sinabi niya sa'yo? Sabihin mo sa'kin!" panghahamon niya sa akin.

Kaagad akong umiling sa kaniya at hindi makatingin sa kaniya nang diretso. Masyado akong nagulat sa mga naging kilos ni Mommy at unti-unting napapaatras.

Nang mapansin niyang natatakot ako ay para siyang natauhan sa kaniyang mga ginawa at marahas na binitawan ang aking mga braso. She distanced herself from me and was heavily breathing.

"I am so wrong about bringing you here again and let you live here! Kung alam ko lang na magiging ganito, hinayaan nalang sana kitang manatili ng Manila!" She started sobbing and I don't really know how to comfort her.

Mas malapit ako kay Daddy, dahil si Daddy ang palagi kong masusumbungan sa lahat nang mga problema ko. Siya lang ang nakakakita sa halaga ko, siya lang ang nakaka-appreciate sa akin. Ngayong pauwi na si Dad galing states, at kung tuluyan man kaming bumalik ng Manila, si Daddy lang ang kakausapin ko. This is the reason why I don't know how to talk to her about this, because I don't want her to get mad at me. Kahit na alam ko naman na magagalit siya kapag hindi ko siya sinunod, hindi ko na lamang iyon inisip. We haven't ever had a heart-to-heart talk. Nag-uusap naman kami, pero, hindi kagaya ng ibang mga magulang na mapagku-kwentuhan nila sa lahat.

"I shouldn't let you befriend with the son of Duke! This is all my fault!"

Kumunot ang aking noo at gusto kong sumagot sa kaniya, ngunit, walang lumalabas sa aking bibig. Pakiramdam ko, dapat ko lang siyang hayaaan na magsalita. Hayaan ko siyang sabihin sa akin ang lahat.

"I don't want you to be like me, Celestine... ayokong mangyari sa'yo ang mga nangyari sa akin. Those broken promises, those genuine and heartfelt words—those are just lies! Lalong-lalo na dahil anak siya ni Duke, magiging katulad rin siya ng kaniyang ama, mangangako sa'yo, pero, kalaunan, hindi tutuparin."

Nanghina si Mommy at napaupo sa sofa. Napahilamos siya sa kaniyang mukha at sabog ang buhok.

"A-anong namamagitan sa inyo ni Tito Duke kung ganoon?"

Tumingin siya sa akin nang puno ng sakit ang kaniyang mga mata. Her lips were pursed, and her eyes were full of mixed emotions. Hatred, pain, chaos...

"Duke Martensen was my ex-fíance..."

My jaw dropped when I heard those words from her. Awang ang aking bibig at napakurap-kurap ako. I couldn't even believe it! This is the reason why she's like this?! Bakit? May gusto pa siya kay Tito Duke?! Pa-paano si Daddy?

Iniwas niya ang kaniyang paningin sa akin.

"Galit na galit ako sa pag-iwan niya sa akin... at sa mga pangakong hindi naman niya natupad. I-I was so wrong about loving him! I loved him so fiercely! Kahit na alam kong magagalit ang ama niya, pinaglaban ko pa rin siya, ayos lang sa akin kung maghirap kami, tutal, sanay naman ako sa hirap dahil lumaki akong hindi naman ganoon kayaman. Nangako siyang... ako ang dadalhin niya sa simbahan, nangako siyang... bubuo ng pamilya kasama ako."

Natigilan ako sa mga sinabi ni Mommy, lalong-lalo na nang makita ko siyang nanginginig ang kaniyang mga kamay, habang pinupunasan niya ang kaniyang mga luha. She bit her lower lip and closed her eyes.

"Pagkatapos ng trahedyang nangyari... h-he changed his mind about marrying me. H-he got Solene pregnant! He chose her! He chose to marry her instead of me! Hi-hindi man lang niya inisip ang mararamdaman ko! He propose to me but he cheated on me! Napakawalanghiya niyang lalaki! Iniwan niya ako sa ere, at nagmmadaling nagpakasal kay Solene. I belittled myself and lower my pride and talk to him even after that. I begged him to stay..." nanginginig ang boses ni Mommy at napapailing.

Tuluyan akong napaluha nang makita ko siyang nasasaktan. Even after all... she was still my mother. At nasasaktan ako sa tuwing nakikita ko siyang ganito. I didn't know she was so hurt about her past! Hindi ko alam na ganito ang nangyari sa kanila ni Tito Duke. Napakabulag ko sa lahat nang bagay!

"I begged him to stay with me... na pu-pwede naman siyang maging ama sa anak ni Solene at... pakasalan ako, pero... hi-hindi siya pumayag. He even confessed to me that he loved her! Nabuntis si Solene dahil hindi sa isang pagkakamali, kung hindi dahil... sa pa-pagmamahal..."

Unti-unti akong lumapit kay Mommy at tuluyan ko siyang niyakap. Hinagod ko ang kaniyang likuran at mas lalo lamang siyang napahagulgol.

Please, My... stop...

"Sinayang niya ang mahigit walong taon! I even had a vision of him and me, having a small family... plinano ko na ang lahat, anak... iniwan niya pa rin ako..."

"Tahan na, My... I'm sorry," bulong ko sa kaniya

"Kaya hi-hindi ako makakapayag na ibigin mo ang binatang iyon. Hi-hinding hindi ko matatanggap ang anak nila!"

Gusto kong sabihin kay Mommy na iba si Leister. Gusto kong ipaliwanag sa kaniya kung gaano kabuting tao si Leister, at kung paano niya ako tratuhin bilang isang babae. I hope she knows that, but in our situation right now I don't think she'll accept my relationship with me with Leister.

"We are going to leave. Iiwan natin ang lugar na ito! Hinding hindi na ako kailanman babalik pa rito!"

Naaawa ako nang dahil sa nakaraan ni Mommy at kung paano siya magmakaawa nang dahil lang sa pagmamahal. Pero, paano naman ako? Paano naman kaming dalawa ni Leister?

Mommy was serious about leaving here. Gustong gusto kong tumutol at gustong gusto kong magalit sa kaniya, kung nasasaktan siya, mas lalong nasasaktan ako! Hindi ako mapakali kaya hindi na ako nakatiis at tinawagan ko ang isa sa mga pinsan ni Leister.

I called Rios...

I asked him where Leister was, and I was even worried when he told me everything. Na-na aksidente si Leister! He's in the hospital right now! Kanina pa ako gustong umalis pero hindi ako maka-tyempo dahil nandito si Mommy! Mamayang gabi na ang flight namin pabalik ng Manila!

I wiped my tears as I watched the rain getting heavier...  gustong-gusto kong magpaalam kay Leister. Pero hindi ko magawa!

Nabalik lang ako sa realidad nang marinig kong may kumatok mula sa labas ng aking pintuan. Hindi ako sumagot at kaagad kong binalik ang aking paningin sa malaking bintana ng aking kwarto.

It's Lola Cristy...

Narinig ko ang kaniyang pagbuntong hininga at dahan-dahan itong lumapit sa akin.

"Pupunta ako ng palengke, Celestine... baka...  gusto mong sumama?"

Kumunot ang aking noo at iiling na sana ako nang makaisip ako ng plano. Napakurap-kurap ako at nilingon si Lola Cristy. Naghihintay pa rin ito ng aking magiging sagot.

"Si-sige po, gusto ko pong sumama." Maikli kong sagot sa kaniya at ngumiti naman si Lola Cristy sa akin.

"Get ready," iyon ang sagot ni Lola sa akin, bago ito tuluyang lumabas ng aking kwarto.

Nanginginig ang aking kamay nang hinablot ko ang aking cellphone at kaagad na nagtipa ng mensahe.

To: Rios

Pupunta kami ngayon ni Lola sa palengke. Can we meet? Aalis na kami ni Mommy mamayang gabi. I couldn't wait any longer. I need to talk to Leister.

Ilang segundo lamang ang lumipas at narinig ko ang vibrate ng aking cellphone. Nagmamadali muna akong nagbihis ng damit at hindi na ako nag-abala pa na mag-ayos.

From: Rios

Okay, we'll pick you up there now. Paano ka magpapaalam? Paano kung malaman ito ng Mommy mo? You don't have to worry about us, Tita Solene won't visit Leister now because we have asked her to watch Leister instead of her.

Napabuntong hininga ako nang mabasa ko ang text message ni Rios sa akin.

To: Rios

Papayagan ako ni Mommy na umalis dahil kasama ko naman si Lola Cristy. Pagkarating namin sa palengke, magmamakaawa ako sa kaniya na pupunta ako ng ospital para bisitahin at magpaalam kay Leister.

Kaagad akong lumabas ng aking kwarto at nakita ko si Lola Cristy sa pintuan at ako lamang ang hinhintay niya.

"Mama, saan kayo pupunta?" Pagtatanong ni Mommy sa kaniya.

"Pupunta ako ng palengke, isasama ko si Cece. " Malamig na sagot ni Lola Cristy sa kaniya.

Nagkibit ng balikat si Mommy at kumunot ang kaniyang noo.

"We have a flight tonight, Mama. Ayokong maiwan kami ng anak ko sa eroplano."

"My, babalik rin naman kami kaagad ni Lola Cristy." Pagtatanggol ko kay Lola.

"Make sure she's not going to the Martensen's." iyon lamang ang huling sinagot ni Mommy at tinalikuran kami.

Tango lamang ang ibinalik ni Lola Cristy at kaagad kaming sumakay ng trycycyle. Hindi ko maipaliwanag ang aking nararamdaman ngayon.  Sana ay... pumayag si Lola sa gusto kong mangyari ngayon.

Kaagad kong napansin ang pulang hillux na naka-park sa gilid ng palengke. I know that car! That was Rios' car!

Tinapik ako ni Lola nang mapansin niyang hindi ako nakikinig sa kaniya. Unti-unting bumibilis ang pagtibok ng aking puso at nilingon siya.

Ngumiti siya ng tipid sa akin at unti-unting tumango.

"Alam kong hinihintay ka na nang mga pinsan ni Leister. Go for it, hija. Leister is waiting for you. Just promise me one thing, umuwi ka kaagad para hindi tayo pagdudahan ng Mommy mo." Mahinahon na sabi ni Lola Cristy sa akin.

Hindi ko na napigilan at nayakap ko na siya nang napakahigpit! Hindi ko mapigilan ang hindi mapaluha nang pinagbigyan niya ako!

"Thank you so much, Lola!" naiiyak kong sabi sa kaniya, habang hinahagod niya ang aking likuran.

"Mag-iingat ka" iyon ang huling beses na sinabi ni Lola Cristy sa akin at nagmamadali akong lumabas ng trycycle at tinungo ang sasakyan ni Rios. Umilaw ito ng dalawang-beses at kaagad akong pumasok.

Nagulat ako nang makita ko ang mga pinsan ni Leister ngayon sa iisang sasakyan!

Kerby, and Aleb was also here!

"Let's go?" seryoso niyang pagtatanong sa akin at tumango ako kaagad sa kaniya.

Nag-aalalang tumingin sa akin si Aleb habang nasa aking tabi. He was about to say something but he didn't let himself.

"Anong nangyari kay Leister? Ba-bakit siya na-aksidente? Malala ba?" Sunod-sunod kong pagtatanong sa kanila, habang si Rios ay napapatingin sa rearview mirror ng sasakyan.

Bumuntong hininga si Kerby at ito na ang sumagot sa akin.

"He got an accident the night when you and him had a dinner together with your family. Mabilis ang pagpapatakbo niya ng sasakyan at umuulan nang malakas, madulas ang kalsada. Mabuti na nga lang at hindi naman gaano kalala ang nangyari sa kaniya." Pagpapaliwanag ni Kerby sa akin.

Napahilamos ako sa aking mukha at napaluha na naman. All this time, I didn't know he got into an accident! Kung alam ko lang sana ito, nagpumilit na ako kay Mommy na mapuntahan ko si Leister.

"Alam na ni Tita Solene ang tungkol sa inyong dalawa ni Leister. Tita Solene was mad and even get the phone of Leister, kaya, huwag ka nang magtaka kung hindi ka nakakatanggap ng mensahe o tawag galing sa pinsan namin." ani Rios.

"Mahal namin ang pinsan namin, kahit na alam kong delikado itong ginagawa namin, ginawa namin dahil para kay Leister. Nagsinungaling kami kay Tita Solene na kami lang ang pupunta roon. Nakiusap rin kasi sa amin si Leister tungkol rito. He wants to see you too, but he can't do anything about it." Sabi sa akin ni Aleb  sa gilid.

Napasandal ako sa upuan ng sasakyan at nagbabakasakaling maging maayos pa ang lahat nang ito.

Kaagad naman kaming nakarating sa ospital at tinungo ang hospital room ni Leister.

"Dito nalang kami sa labas maghihintay, Celestine. Take your time," sabi sa akin ni Rios at tinanguan niya ako bago ako pinagbuksan ng pintuan.

Wala akong ibang naririnig ngayon kung hindi ang malakas na pagkalabog ng aking puso. Lalong-lalo na nang makita ko si Leister na nakahiga sa hospital bed.

Nang lumingon siya ay nakita ko ang pagkagulat sa kaniyang mga mata. Kaagad siyang napabangon kahit alam kong nahihirapan pa siya.

Nagmamadali akong lumapit sa kaniya at napahagulgol ako ng iyak at niyakap siya nang napakahigpit. All this time, I've longed for an embrace—a kind of embrace that is full of passionate things—emotions, genuine love, a warm embrace that feels like home. ... kay Leister ko lang naramdaman ang lahat nang iyon.

Even when I'm going to turn sixty in the future, I can't walk properly, and my hair turns white. I will never forget how my heart has loved him since the age of seventeen.

"Pangga... shhh," he rubbed my back and tried to make me calm.

His voice is soothing and calming... parang musika na magpapatahan sa akin.

Mas lalo ko lamang siyang niyakap nang mas mahigpit pa.

"I'm sorry..." nanginig ang boses ko nang ibulong ko ang mga salitang iyon sa kaniya.

"I'm sorry..." he said back to me.

Hinaplos niya ang aking magkabilang pisngi at nilagay ang mga takas kong buhok sa likod ng aking tenga.

He looked at me in the eyes... with full of love ... and everything...

"I miss you," he whispered it to me.

It feels like a wind trying to embrace me.

"Ngayon ko lang nalaman na-na-aksidente ka. You didn't call!" inis kong sabi sa kaniya.

He chuckled at me and wiped my tears with his thumb.

"Paano ako makakatawag, kinuha na ni Mama ang cellphone ko. Huwag kang mag-alala, bibili ako ng bago, kahit araw-araw pa." mahinahon niyang sabi sa akin.

Inirapan ko siya at inikotan ng aking mga mata. Dahil ang totoo riyan, hindi ko talaga alam kung paano ko sasabihin sa kaniya na aalis na ako ng Iligan at iiwan ko siya rito. Hindi kaya ng puso ko!

"Your parents and my Mom had a very cruel memory. Pati tayo ay nadadamay," pagsusumbong ko sa kaniya.

Unti-unti siyang tumango sa akin na para bang alam na niya ang lahat.

"Yes, I know that. Papa told me everything about your Mom and his past. Walang problema kay Papa, sadyang ayaw lang ni Mama na mangyari ang sa atin. I had an argument with her that's why she took my phone away."

"I understand..." maikli kong sagot sa kaniya.

"Pangga, anong problema?" napansin niya siguro ang pagiging tahimik ko.

"Leister, ma-may kailangan kang malaman..."

"Go on, say it to me..." kaagad niyang sagot sa akin pabalik.

"I'm leaving... we're leaving..."

Unti-unting nanlalabo ang aking paningin nang dahil sa mga nagbabadyang mga luha.

Natigilan siya at napatitig sa akin. He licked his lower lip and slowly nodded at me.

"Hi-hindi ko na mapipigilan si Mommy! Ayokong umalis rito! Gusto ko na rito!" pagsusumbong ko sa kaniya.

Malakas siyang napabuntong hininga at hinalikan ang aking noo.

"Sumama ka... sumama ka sa Mommy mo," sagot niya sa akin sa isang nanghihinang boses.

Kumunot ang aking noo at napaiwas ako sa kaniya nang wala sa oras.

"What do you mean?!"

"Sundin mo ang Mommy mo, Celestine. Sa paraang iyon, may posibilidad pa na magkikita pa tayong muli. Kung sasabihin ko sa'yong manatili ka rito at gagawin mo 'yon, hinding hindi ko mapapatawad ang sarili kung ganoon. Dahil alam kong ilalayo ka niya sa akin. Hindi ko 'yon kaya," sabi niya sa akin sa isang mahinahon na boses.

"Leister, we-were going to US! Malayo ang States!"

Hinaplos niya ang aking buhok at kahit na nahihirapan na siya sa sitwasyon namin ay pinipilit niya pa rin na pagaanin ang loob ko.

"We have connections, Celestine. Kahit saan ka pa magpunta, kahit gaano pa 'yan kalayo, pupuntahan kita. That's a promise."

Bigla kong naalala ang mga sinabi sa akin ni Mommy kagabi. Ang mga pangako ni Tito Duke sa kaniya na hindi natupad.

"At kung iniisip mo na gagaya ako kay Papa, hinding hindi ako tutulad sa kaniya, pangga. I know we're still too young but I promised... I promised to love you even more, even from the distance, and I promised to marry you. Hinding hindi ako magmamahal nang ibang babae, hindi ako magbibigay ng motibo sa iba. Ikaw lang ang babaeng mamahalin ko buong buhay."

I cried even more and held his arms. Nanghihina ako nang dahil sa mga sinasabi niya sa akin ngayon.

"Kaya sumama ka, okay? Gagawa ako ng paraan para magkita tayong muli, kung kinakailangan kong pumunta sa States, gagawin ko. Just promise me one thing..."

Napatigil ako sa paghikbi at kaagad ko siyang sinagot.

"What is it?"

"Call me everyday, or text me when you're free. Tell me everything about your day, tell me what's bothering you."

"Leister, that's so easy!" sabi ko sa kaniya.

Niyakap niya akong muli at hinalikan ang aking noo nang paulit-ulit.

"It's not going to be easy for the both of us, Celestine. We're too young, we're to fierce... I want to meet you again with the best version of ourselves. Ipangako mo sa'kin 'yon." Bulong niya sa akin.

Unti-unti akong tumango sa kaniya at napasubsob ako sa kaniyang dibdib.

"Yes, Leister... I love you..." I whispered it back to him.

"I love you..." he meant to say that...

Only to me...

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top