Chapter 28

This is unedited version of Chapter 28. I really want to edit this one, pero, nagloloko ang cellphone ko.

***

Chapter 28

My heart was still aching; it feels like it's slowly breaking into smaller pieces. At hinding hindi ko na ito mabubuo pang muli. Sobrang sakit. Hindi ko inakala na mangyayari ang lahat nang ito.

Leister didn't even want to listen to my explanation. He didn't even bother to hear my side. Umalis nalang bigla at hindi na muling nagparamdam sa akin. Nagkasakit ako kinaumagahan nang dahil sa ulan kagabi. Matagal akong nanatili roon, nagbabakasaling bumalik siya.

After how many minutes, he didn't go back to me. I was alone on the road. Crying, sobbing, and hurting. Hindi ko ininda ang malamig na tubig na nagmumula sa kalangitan. Hindi ko dinama ang kulog at nanatiling naghihintay sa kaniya roon.

I licked my lower lip as I kept on looking at my phone. Tumulo na naman ang aking mga luha nang mapansin kong hindi man lang siya tumawag sa akin, simula kagabi. Hindi ko alam kung... totoo ba talaga na mahal niya ako? O, pinaglalaruan lang niya. Hindi man lang niya ako inisip! Hindi man lang niya inisip ang mararamdaman ko ngayon sa pag-iiwas niya sa akin! How could he be so reckless to me?!

Pagkatapos nang mga nangyari, hindi ko na kinausap pa si Mommy ulit. Kahit na pagsabihan niya ako na walang modo at bastos. I was hurt, real bad. Hindi siya kailanman makikinig sa akin, hindi siya kailanman nagbigay ng atensyon sa akin. Maybe there were some, but all of those were given because of my failure. Not just because I did something right and good. Hindi ko na alam kung sino ang puwede kong masandalan sa mga oras na ito.

My friend Samantha was still here. Halos sugurin na ako ni Mommy sa aking kwarto dahil hindi na ako lumalabas. Mommy accompanied Samantha and Jaymhark outside. She toured them here in Iligan without my presence. Hinding hindi na niya ako mapipilit pa. Pinagbawalan na niya akong makipagkita kay Leister, at gusto p talagang kunin ang aking cellphone, mabuti na lamang at pinigilan siya ni Lola Cristy. Sobra, sobra na ang lahat nang ito! Si Daddy naman, nasa ibang bansa, minsan lang kung tumawag sa akin. He's so busy to the point that he forgot his daughter here.

Naiintindihan naman ako ni Samantha na kailangan ko munang mapag-isa. She witnessed my mother's sentiments towards Leister. She witnessed how my mother hated Leister. Iyon ang gusto kong malaman mula kay Mommy. Iyon ang gusto kong malaman kung bakit... labis ang pagkagalit niya sa mga Martensen.

May history ba sila?

Mababaliw ata ako kakaisip kung ipagpapatuloy ko ang pagmumukmok ko rito sa aking kwarto. Gustong gusto kong puntahan si Leister sa bahay nila at kamustahin. Gustong gusto ko siyang yakapin at humingi nang kapatawaran.

Nabuhay ang kalooban ko nang makabuo ako ng plano sa aking isipan.

Kaagad akong kumilos at nagbihis nang pambahay na damit. I was wearing a gray sweatpants and a black hoodie. Lalabas ako ngayon. Wala ngayon sa bahay sina Samantha at Jaymhark, lalong lalo na si Mommy. Mukhang may pinuntahan sila sa Mall at matatagalan pa.

I just have to deal with Lola Cristy now. Siguro naman ay maiintindihan ako ni Lola sa gagawin ko ngayon. Nag-aalala lang talaga ako kay Leister at gustong gusto ko na siyang makita at makausap. I don't want to regret all of this in the end. Ipaglalaban ko 'to hanggang kaya ko.

Dahan-dahan akong bumaba sa hagdanan at inilibot ang aking paningin. Maaliwalas ang sofa at lalog lalo na ang dining area. Mukhang nasa garden si Lola Cristy, hapun na kasi at tuwing pagsapit ng hapon ay nagdidilig iyon nang mga halaman. My heart is beating so fast! I feel like I am a criminal, doing something bad!

Pigil hininga ako nang makarating na ako sa gate ng bahay ni Lola Cristy. Kaagad ko itong binuksan at nagdadasal sa aking isipan na sana hindi niya ako mapansin na lumabas ng gate. Hindi rin naman ako inabala ni Lola noong nagmumukmok ako sa aking kwarto. Hinayaan niya lamang akong mapag-isa.

Ngayon ko lang rin napagtanto na magkaibang-magkaiba sila ni Mommy. Lola Cristy understood me, even just a little bit. I can see it in her eyes; the care, the worries, all of it. Pinipigilan lang niya ang kaniyang sarili na maging malapit sa akin, dahil natatakot siya na baka matulad rin ako kay Mommy. Lumayo ang loob at piniling manatili na lamang sa Manila, kaysa rito sa Iligan City. She is not just expressive when it comes to me. It feels like there's always a barrier between me and Lola Cristy. Lalong-lalo na sa kanilang dalawa ni Mommy. Mommy became hard and cold when it comes here. Kung bumalik siya rito nang dahil sa akin, bakit niya ako inaaway palagi? Bakit niya ako pinagbabawalan sa mga bagay na naranasan niya rin noon kay Daddy? Bakit siya ganito sa akin?

I run as fast as I could and went to the national highway. Hinihingal pa ako ng pumara ako ng taxi para magpahatid sa bahay nila Leister. Ilang minuto lamang ang lumipas at kaagad naman akong nakarating doon.

Umahon ang kabang naramdaman ko, umiling nalang ako at isinantabi ang lahat nang iyon. I need to talk to Leister. Iyon ang pinanghahawakan ko ngayon.

I press the button of their door bell and an old woman opened the gate. Nakasuot ito nang uniporme at nagulat nang makita ako.

She's one of the maids here in the Martensen's house. Nagsisilbing mayordoma na nila.

"Hija, a-anong ginagawa mo rito?" Nag-aalalang pagtatanong nito sa akin.

Napatingin muna ako sa kaniyang likuran at nagbabakasakaling lumabas si Leister, kung malalaman niyang nandirito ako sa labas ng bahay nila.

Hindi ako matiis nun eh. Alam ko.

Mahal niya ako.

"Nandyan po ba sa loob si Leister, Manang? I just want to talk to him. Importante lang po," nagmamadali kong sagot sa kaniya.

Bagsak ang balikat ni Manang at umawang ang kaniyang bibig. Malungkot itong nakatingin sa akin.

"Pa-pasensya ka na hija, wa-wala rito si Leister sa bahay."

Kumunot ang aking noo sa mga sinabi niya.

No, that's impossible. Pa-paanong wala siya rito? Saan siya nagpunta kung ganoon?

"Manang, saan siya nagpunta? Please po, gustong gusto ko po talagang makausap si Leister. Manang, please..." I almost begged her and cupped her hands.

Napagitla siya sa aking ginawa at napatitig nang may awa sa kaniyang mga mata. Sasagot na sana siya nang biglang may nagsalita mula sa kaniyang likuran.

"Manang Rose, who's that?"

Napakurap-kurap ako nang makita ko ang isang babaeng sopistikada, maputi ang balat, matangkad at singkit ang mga mata. She's probably like my mother's age. Ang pinagkaiba lang ay mukhang may lahing chinese ang babaeng ito.

"Kaibigan po ni Leister, Ma'am Solene."

My jaw dropped when I heard the name of Leister's mother. Nag-aalala pa rin si Manang nang lumingon sa aking muli.

I heard the footsteps of Mrs. Martensen, she's coming towards me. She crossed her arms while giving me a look. Tumaas ang isang kilay nito at strikta akong tinignan. She gave me a head to foot. Ang malamig niyang presensya ay unti-unting nagpapatunaw sa akin. Ibang-iba siya kay Tito Duke. Tito Duke Martensen was nice to me. Hindi ganito.

"Bumalik ka nalang sa susunod na araw, hija." Nagmamadaling sabi sa akin ni Manang Rose at sasagot na sana ako nang biglang magsalita si Mrs. Martensen.

"No, stay here for awhile. I want to talk to you," she said in a cold voice.

Wala na akong magawa nang tinalikuran na niya ako kaagad. She walks gracefully and ignored me after that. Ang kabang nararamdaman ko ngayon ay mas lalong tumataas. Hindi ko maipaliwanag kung bakit.

"Iyon ang ina ni Leister, hija. Asawa 'yun ni Duke. Ngayon lang umuwi," bulong sa akin ni Manang Rose.

Iginiya niya ako sa loob at nang makapasok na ay napansin ko ang paglalagay niya ng wine sa kaniyang baso. All for her. Walang tao sa sofa, kaming dalawa lang dahil iniwan na kami ni Manang Rose.

"Are you Celestine Lagarre, am I right?" pagtatanong niya sa akin.

Ipinagsalikop ko ang aking mga kamay mula sa aking likuran at unti-unting tumango sa kaniya.

"Yes, Ma'am."

"So, ikaw pala ang palaging kinu-kwento ng anak ko sa mga pinsan niya. Ang swerte mo naman kung ganoon," makabuluhan niyang sabi sa akin.

Napayuko ako at hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sa kaniya pabalik. This is my first time on seeing her and talk to her like this. Pakiramdam ko, nasa hot seat ako.

Nasaan ba kasi si Leister?!

She sipped unto her wine and sarcastically smiled at me.

"Anong ginawa mo sa anak ko at ikaw ang nagustuhan niya?"

Biglang bumilis ang pagtibok ng aking puso nang marinig ko ang mga salitang iyon. Dahan-dahan akong nag-angat ng tingin at kumunot ang aking noo.

"Ano po ang ibig ninyong sabihin?" naguguluhan kong pagtatanong sa kaniya.

Inikotan niya ako ng aking mga mata at napapailing. Mukhang dismayado sa kaniyang mga narinig.

"Don't act like an innocent, hija. I know girls like you. Lalong-lalo na dahil anak ka naman pala ng isang..." hindi niya itinuloy ang kaniyang mga sinabi at tinawanan ako.

My blood boil and I couldn't help but to talk to her back. No one has ever insulted me my whole life. Kahit na kay Mommy! Kahit mahigpit siya sa akin, at pinagbabawalan ako, ayokong may ibang taong mang-iinsulto sa kaniya!

"Kung galit po kayo sa akin, huwag n'yo na po idamay ang pamilya ko." Matapang kong sabi sa kaniya.

Nanlaki ang kaniyang mga mata at hindi niya inasahan na sasagot ako.

"Bakit ko naman hindi idadamay si Christine? She's your Mom! Kanino ka ba nagmana, hindi ba ay... sa kaniya?"

"You knew my Mom?" hindi ko makapaniwalang sabi sa kaniya.

Unti-unting nanliliit ang aking mga mata. Tumayo siya at tuluyang nilagok ang wine na natitira sa kaniyang baso.

"Of course I know your Mom! Everyone here knows your Mom! Your mother is a walking disaster to our lives, she's a troublemaker, and a ruiner!"

Nagulat ako nang biglang tumaas ang kaniyang boses at nararamdaman ko ang kaniyang galit na nanalaytay sa kaniyang ugat.

"Kaya, hinding hindi ako papayag na ikaw ang pipiliin ng anak ko! Kahit kailan ay hinding hindi kita matatanggap!"

Her voice thundered and her words were like a bullet, trying to shoot and hurt me deeply.

"Wala po kayong karapatan para bastosin si Mommy!"

"Oh, really?! Wala rin kayong karapatan para pumasok sa buhay namin! I won't allow you to be part of this family! Walang Lagare ang puwedeng pumasok rito!" nanggagalaiti niyang sabi sa akin.

I started sobbing and my vision were blurry. Siguro ay dahil sa mga luhang nagsilandasan sa aking mga mata. Ang sakit na nararamdaman ko ngayon ay walang katumbas!

"Why are you so mad to my mother? Wa-wala naman po siyang ginawang masama sa inyo," napahagulgol ako sa pag-iyak at hinahayaan lamang niya akong ganito ang sitwasyon.

"Talaga? Hindi ba niya sa'yo nabanggit?" panghahamon niya sa akin.

Curiosity was eating me up! Naguguluhan na ako nang sobra!

"Just say it to me, please!" pagmamakaawa ko sa kaniya.

She smirked at me and shook her head. Ramdam na ramdam ko ang galit niya, kahit sarkastiko itong tumingin sa akin. Marahas niyang iniligay ang kaniyang wine glass sa isang maliit na table.

"She was the ex-girlfriend of my ex- husband. Siya rin ang dahilan kung bakit gustong makipaghiwalay sa akin si Duke! Hanggang ngayon, hindi pa rin nagbabago ang ina mo! Mang-aagaw pa rin!"

Umawang ang aking bibig at napalunok ako. I was too stunned to speak. Her words stopped me from moving. I-iyon ba ang dahilan kung bakit ayaw ni Mommy kay Leister? Dahil... anak siya ni Tito Duke at dating nobyo niya ito noon?! Kaya galit na galit siya sa mga Martensen nang dahil may nakaraan silang dalawa?!

"Oh, bakit natahimik ka? Ngayon mo lang nalaman? Yes, you heard it very right. She ruined my family, she ruined my perfect life! Inagaw niya si Duke sa akin, pati ba naman ang anak ko ay aagawin ng isang anak ng babaeng kinamumuhian ko?! I won't let you, Celestine. Tandaan mo 'yan!"

Hindi ako makapagsalita at parang umurong ang dila ko sa aking mga narinig. This is too much!

"Solene!"

Napatalon ako nang marinig ko ang kulog at malamig na boses ni Tito Duke. Galing siya sa itaas at kunot ang noo nito nang bumaba. Galit itong tumingin kay Mrs. Martensen at napapailing.

"Pati ba naman bata ay pagagalitan mo? What were you thinking?!" galit na sabi ni Tito Duke nang nakapamewang sa aming harapan.

Wrong move, Celestine. Sana ay hindi ka nalang tumuloy sa mga plano mo kaninang umalis at bisitahin si Leister rito.

"Oo! At ano naman ngayon kung pagagalitan ko siya?! She came here just to see our son! Hinding hindi ako makakapayag na ito ang magiging girlfriend ng anak ko! Hinding hindi ko kailanman matatanggap ang anak ni Christine!"

His jaw clenched when he heard the name of my mother. Kaagad itong nag-iwas ng tingin sa kaniyang asawa at mukhang naapektuhan sa mga sinabi ni Mrs. Martensen.

"That was a long time ago, Solene! Hindi ka pa rin nagbabago!"

"Oo! At wala akong pakialam kung masaktan rin itong anak niya! She have caused a lot of troubles way back then!"

"Tumahimik ka! Kung sasaktan mo ang batang ito, ako ang makakalaban mo!"

Nagtatalo na silang dalawa sa aking harapan. I don't want Tito Duke to fight for me against her. Kahit na anong mangyari, she was still his ex x-wife. Marami rin silang pinagsamahan sa buhay, at nakabuo pa ng isang pamilya.

"Wow! Look at you now, Duke! You are not just a great pretender! Bakit? Mahal mo pa rin ba hanggang ngayon? Iyon ba ang dahilan kung bakit mo ako iniwan noon?!"

Nakita ko ang unti-unting pagtulo ng mga luha ni Mrs. Martensen sa kaniyang mga mata. Napahilot sa sentido si Tito Duke at mas lalong napapailing.

"Sagutin mo 'ko! Mahal mo pa?!"

She shake Leister's arms but he didn't move to his position.

"Answer me!"

"Celestine!"

Para akong nabalik sa realidad nang marinig ko ang galit na galit na boses ni Mommy mula sa aking likuran. She was walking towards me with mad and furious! Ngayon ko lang siya nakitang ganito ka-galit!

"What the hell are you doing here?! Hindi ba ay sinabi ko na sa'yo na hindi ka na pupunta pa rito?! Ang tigas, tigas ng ulo mo!"

Namanhid na siguro ang buo kong katawan nang hindi ko na maramdaman ang pagkakahawak ni Mommy sa aking braso. She gritted her teeth and widened her eyes.

Nagulat sila Tito Duke at Mrs. Martensen nang makita nila si Mommy na biglang pumasok.

"I'm really sorry, my daughter has caused a lot of troubles. It won't happen again." Malamig niyang sabi kay Tito Duke at sa kaniyang asawa.

Inikotan ng mga mata ni Mrs. Martensen ang aking ina at habang si Tito Duke ay gulat na gulat habang nakatuon lamang ang buong atensyon niya kay Mommy.

"Just like you, Christine. Saan pa ba magmamana ang anak?"

Marahas na bumuntong hininga si Mommy at kaagad niya akong hinawakan at pinapunta sa kaniyang likuran. She covers me up with her body.

"I know you are still mad at me, Solene. But please, don't hate my child just because of hatred towards me. Huwag na huwag mong idamay ang anak ko rito. This has nothing to do between you and me, and your husband. Nananahimik na kami. I'll assure you, she won't bother your son anymore." Malamig na sabi ni Mommy kay Mrs. Martensen.

Hindi makasagot si Tito Duke sa tabi ni Mrs. Martensen at pinili nalang ang manahimik, pero, nakatuon pa rin ang buong atensyon kay Mommy.

"This will be the last time that we'll see each other. I'll bring her to US and live there for good."

Biglang bumilis ang pagtibok ng aking puso at biglang na-alarma sa huling sinabi ni Mommy! Tito Duke wants to say something but he remained silent.

No! Hindi niya ako mapapaalis rito sa Iligan! This is my home now! Kailangan ko pa na makita si Leister! Kailangan ko pa siyang makausap!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top