Chapter 23
Chapter 23
I was looking at myself in the mirror. I was wearing our uniform, and I had already curled my short hair. I put on some light make-up too! Napapailing na lamang ako sa aking naiisip at sumilay ang multong ngiti mula sa aking mga labi.
Imbes na kabahan ako dahil ngayong araw gaganapin ang meeting de avanci. There will be a final campaign between the candidates on each party list after the school campaign. Ang aking team ay tapos na sila sa paggawa ng mga banners at iba pang mga gawain. Hindi ko rin naman sila pinapabayaan, bumibisita ako sa office para tulungan sila sa mga gawain. It is unfair if I don’t lend a hand, especially since I am running for the position of SSG president. Hindi ako magiging mabuting role model kung ako mismo ay iaasa ko lang sa aking team ang lahat nang mga gawain.
It was almost ten p.m. when we decided to go home. Hindi ko inakalang matagal na palang naghihintay si Leister sa labas ng aming office. Alas otso pa noong sinabi niya sa akin na maghihintay siya, at hindi ko naman inaasahan na matatagalan kami nang ganitong oras! Probably, he’s waiting for almost an hour now!
“Goodbye, Ms. Lagare!” Pagpapaalam sa akin ng ibang mga kasamahan ko sa partylist at kumaway muna ako sa kanila. Nagtataka pa sila at nakakunot ang kanilang mga noo nang makita nilang naghihintay si Leister sa labas ng opisina.
He was standing and leaning his back against the corner. May earpods na nakalagay sa magkabilang tenga nito at kahit gabi na ay presko pa rin itong tignan sa uniform niya. I always adore him for being near and clean type of guy! Kahit nga ang kuko nito ay napakalinis at malambot ang kamay, kahit na minsan ay nagdidil siya ng halaman sa bahay ni Lola Cristy.
Simula noong nanligaw siya ay hindi na siya bumibisita sa bahay ni Lola. Kampante ako dahil kahit hindi ko sinasabi sa kaniya ang tungkol kay Mommy, parang naiintindihan niya ako.
Napalingon ako sa aking gilid nang makita ko ang malamig na pagtingin sa akin ni Paulo Cervantes, our future vice president. Hawak-hawak nito ang kaniyang laptop sa kabilang braso at tinapunan ako ng tingin. Still, I managed to give him a short smile, even when he just looked at me and left without even saying a word.
Marahas akong napabuntong hininga at napapailing. Kaagad akong lumapit sa direksyon ni Leister at napaayos naman siya sa kaniyang pagkakatayo.
I pouted at him, and I immediately went to him for a hug. He smiled at me and gave me a warm, tight hug. Sobrang pagod ako ngayong araw, at isang yakap lamang galing kay Leister ay… nawawala kaagad ang pagod ko.
He whispered at me while still hugging me so tight.
“I’m so tired today,” pagsusumbong ko sa kaniya.
He chuckled at me.
“You’ll be okay, pangga. I know it’s very tiring because of this, but I know you’ll succeed.” Bulong pa nito sa akin.
“Paano kung… hindi ako manalo?” Pagdadalawang-isip kong sabi sa kaniya.
Inilagay niya sa likod ng aking tenga ang mga takas kong buhok. Mapupungay ang mga mata nitong nakatitig sa akin.
I couldn’t believe that this kind of guy, fell in love with me. Ilang beses kong tinanggihan ang nararamdaman ko para sa kaniya, at ilang beses ko rin kinamuhian ang sarili nang dahil lang dito.
“Don’t think that way, Celestine. I believe in you, I believe in you in all ways. Don’t doubt yourself just because you think you’re not enough or fit in this society. You don’t know how much I am proud of you, pangga.”
I laughed without humour. Imposible naman kasi na manalo ako sa labang ito. I don’t have friends here in school, they saw me as a threat. Ang tingin nila sa akin ay isang maldita at spoiled brat na babae. No one wants to be my side.
“I don’t have friends here, Leister. Tingin nila sa akin ay isang spoiled brat at malditang studyante. No one will vote for me. Ang kapal rin naman kasi ng pagmumukha ko,” sabi ko sa kaniya.
My own words were started eating me. It crawls in my veins at unti-unti akong nasasaktan. Iyon naman talaga ang totoo, siguro ay mas mananalo pa ang mga kasamahan ko sa team, kaysa ako na tumatakbo bilang isang presidente.
“I’ll vote for you, pangga. Please, stop doubting yourself. Don’t treat this as a competition. Make this as your inspiration to learn and experience. Iyon ang palagi kong ginagawa. Hindi palaging ikaw ang mananalo, at ayos lang iyon.”
Nagtama ang aming mga mata at mas lalong unti-unting lumapit ang kaniyang pagmumukha sa akin. He cupped my cheeks, and his expression became hard. His forehead furrowed even more while he looked at me intently.
“I just don’t want to disappoint myself, that’s it. Lalong-lalo na dahil ini-expect ni Mommy na mananalo ako bilang isang SSG president. She is coming back here, Leister. She will monitor me every day.” Nag-aalala kong sabi sa kaniya.
“You are only pressured because of your mother’s expectations. Just let it flow, pangga. Manalo ka man o matalo, ginawa mo pa rin ang lahat nang makakaya mo. We can’t force the students to vote for us, even me, but, we can show it to them that we deserve this position. You deserve this position.”
I took Leister’s words as my weapon. Bumuntong hininga ako at ngumiti sa harap ng salamin. Manalo ka man o matalo, tama si Leister, Celestine. You should still be proud of yourself.
Hindi na ako nagpasundo kay Leister ngayon at baka kung ano pa ang masabi ni Lola Cristy sa aming dalawa. Leister wants to inform my grandmother about him courting me, but I refuse. Palagi siyang nagtatanong sa akin kung bakit hindi ako pumapayag. Hindi ko pa kayang sabihin sa kaniya ngayon dahil alam kong magagalit si Mommy sa akin.
Pagkarating ko sa school ay kaagad kong napansin ang team ni Rio. Kumunot ang aking noo nang mapansin ko rin sa tabi ni Rio si Klyr. She is wearing their maroon shirt. Lumingon silang dalawa sa akin at inikotan lamang ako ng mga mata ni Klyr.
I smirked at her and shook my head. She is literally evil in disguise. Parang ginamit lamang niya si Leister para sa sarili niyang interes! Pinaglaruan lang niya ang nararamdaman ni Leister sa kaniya noon.
I won’t let your boyfriend win, Klyr. I’ll make sure of that!
Dumiretso ako sa aking team at nakita kong nakasuot na rin sila ng aming magiging uniform. Our uniform for this partylist is navy blue, while the other partylist with Leister's was black. Kumpleto na kami nang tawagin kami ng studyanteng na-assign para mag-lead sa amin.
The other patriots were shouting. Parang walang pinag-aralan itong team ni Rio at ni Klyr! And I think they are mocking me! Pati mga kasamahan ko ay nadadamay nang dahil sa kanila! Nagpupuyos na ako nang dahil sa galit nang makita ko si Leister at ang kaniyang team.
My jaw dropped when I saw him wearing a black polo shirt and white trousers. His Rolex watch is shining from within! Mas lalo nadedepina ang kutis ng kaniyang balat. His skin is white, fair, and soft. Maayos rin ang buhok nito. I bite my lower lip as I watched him talking to his team. Sa kanilang lahat ay siya lamang ang matangkad at matipuno ang katawan.
The girl's jaw dropped while listening to him talk. He is serious while giving instructions to his team. Napalingon ako sa paligid at nakita ko kung paano kiligin ang ibang mga studyante habang nakatitig sa kaniya sa malayo. Ang iba ay nagbubulongan at napapatili pa!
“Shet! Ang gwapo talaga ng mga Martensen! Pero, itong si Leister ang pinaka pogi!” Sabi ng aming treasurer, sabay hampas ng braso ni Yna.
“Oo nga! Ang malas lang ni Klyr ay dahil mas pinili niya iyong nasa kabilang team, si Rio! Eh, mukhang itlog na nabagok ‘yon eh!”
I couldn’t help myself but to laugh in silence! Nakikinig lamang ako sa kanilang mga pinag-uusapan. I couldn’t agree more about it!
“Ang swerte ng babaeng magugustuhan ni Leister! Kung ako? Baka jinowa ko na ‘yan!”
“He’s my ideal guy here in school! Sobrang gwapo at matalino pa!” sagot naman ng isang babaeng nasa likuran namin.
Lumingon akong muli sa kaniya at nakita kong nakatitig na pala ito sa akin. Kumindat pa ito sa akin at ngumiti!
Inikotan ko na lamang siya ng aking mga mata at nagsimula na kami sa aming school campaign. Maayos naman naming naipakilala ang aming team sa lahat ng mga senior high school students. Pagkatapos ng aming school campaign ay binigyan muna kami ng ten minute break.
Pinagpapawisan akong umupo sa upuan ng canteen, habang ang team naman ni Rio ay nasa kabilang lamesa sila.
Naglalandian!
Nakakahiya!
Nagpapaypay ako nang biglang lumapit sa aming direksyon si Leister. May dala itong paper bag na galing sa 7/eleven!
Napatayo ako at nagulat ako nang bigla niya akong yakapin at halikan sa kabilang pisngi! Napasinghap ang aking mga kasamahan at unti-unti silang humiyaw! Nakita ko ang paglaglag ng panga ni Klyr at ang pag-iiba ng kaniyang ekspresyon.
“I bought you some cold drinks. Sobrang init ngayon kaya nag-aalala ako sa’yo.” Sabi ni Leister sa akin, not minding the people around us.
“Eh, pa-paano ka?”
Damn it! Hindi ko na tuloy alam kung ano ang sasabihin ko!
“Leister, girlfriend mo na ba itong si Ms. Lagare?! Omg!” Kinikilig na sabi noong treasurer namin.
“Magiging girlfriend pa lang, so please, pray for me. I am aiming to have her yes,” nakangiting sagot ni Leister sa kanila.
Tinampal ko siya ng mahina sa kaniyang kaliwang braso at hindi ko mapigilan ang hindi mapatawa nang dahil lang doon.
“Ms. Lagare! Huwag nang pakipot!” nagbibirong sabi ng secretary namin at napapailing na lamang ako sa kanila.
“I’ll be fine. Take this drink and stay hydrated, ‘kay? I need to go back to our room to study for the final campaign. Good luck, pangga. You can do this!” Pampalubag loob nitong sabi sa akin, bago siya nagpaalam na umalis at bumalik sa kanilang team sa kabilang classroom.
Pagkatapos ng aming ten minute break ay kaagad kaming pinapunta sa meeting hall para doon ganapin ang final campaign. Umawang ang aking bibig nang makita ko ang mga studyanteng halos mapuno na ang mga upuan sa harapan, gilid at gitna. Iba’t-ibang banners at mga kulay ng bandiritas ang aking nakikita. Mostly of them were from the team of Leister. Mayroon din naman sa aming team, pero, hindi ganoon karami. Habang ang team naman nila Rio ay iilan lamang ang nakikita at napapansin ko.
We give our handshakes to the teachers and to our current SSG president. Umupo na kami sa harap at ang nasa right side ko ay ang team ni Leister. He is focused. Iyon ang nakikita ko sa kaniya ngayon. Hindi siya lumingon sa direksyon ko at nanatili lamang sa harapan ang buong atensyon nito.
“Good day, students! We are now going to witness our three party lists for today! Let’s welcome the first partylist! The EmpowerEd: Empowering Every Student! ”
Naghiwayan ang mga studyante nang matawag ang pangalan ng aming grupo. Ngumiti ako sa kanilang lahat, bago sumunod na binanggit ang pangalan ng grupo nila Leister.
“The next one is Together We Rise: United for Progress!”
The crowds were even more chaotic when Leister stood up and smiled at them. Ibang iba ang epekto ni Leister sa skwelahang ito, lalong-lalo na sa mga studyante. He can be a big role model to everyone and could be a good influence on them. Kahit ang presensya nito ay malaking factor para sa lahat.
He can lead, for real…
Hindi na ako nakinig nang tinawag ang grupo nila Rio, dahil hindi rin naman ako interesado sa kanila. I am now focusing on my own.
“Can I request the executive candidates to be here in front to hear their speech.”
Kaagad akong tumayo at lumapit kaming tatlo sa harapan at umupo. Nilingon ako ni Leister at nakita kong punong puno nang pag-asa ang kaniyang mga mata.
Inirapan ko lamang si Rio at sarkastiko lamang itong ngumiti sa akin.
“The crowds are actually expecting you to introduce yourself first. Ms. Lagare, you can go first.”
I stood up with confidence and smiled at the crowd. In front of a sea of people.
“Good day, students! I am Celestine Myrrh Lagare, a grade eleven stem student. I graduated from my old school as a top student. I have been a researcher and a class president since I was in seventh grade.”
Nagpalakpakan ang mga studyante at naghiyawan sila. Hindi ko alam kung nagbibiro lang ba sila o talagang sinusuportahan nila ako.
“Thank you so much for that, Ms. Lagare!”
Nang si Leister na ang sumunod na magpapakilala ay mas lalong naghiyawan ang mga studyante. Ang iba pa nito ay kinikilig habang itinataas ang banner na may mukha niya.
“Good day, students! I am Leister Dew Martensen, currently an eleventh-grade stem student. Run for the position of SSG president.” Iyon lamang ang sinabi niya at nagpalakpakan naman ang mga studyante at naghiyawan.
I cannot concentrate because I am pressured! Kalaban ko ang magiging boyfriend ko! Sino ang matatahimik sa ganitong sitwasyon?!
Hindi naman ako interesado kay Rio, kaya, hindi na ako nakinig sa kaniya. Basta, isa lang ang narinig ko galing sa kaniya. His fullname is Lucresio Perez.
Even the name is ugly!
“Welcome to the school party list final campaign! Each partylist will present their platform and answer questions. We’ll start with the opening statements. First, we have the “EmpowerEd party list.”
Kaagad akong tumayo at nagsalita sa harapan.
“Good day, everyone! We are the EmpowerEd partylist, dedicated to fostering academic excellence, leadership development and student empowerment. Our primary goals are to enhance the quality of education, provide leadership training programs, and ensure every student has a voice in school policies.”
“Thank you! Next we have the “Together We Rise” partylist!”
Pagkatapos kong sabihin iyon ay kaagad akong bumalik sa aking upuan. Nang makaalis na si Leister sa tabi ko ay biglang nagsalita si Rio sa aking tabi.
“Did you really think that you two can both win?” Pagtatanong nito sa akin.
Inis ko siyang nilingon at pinagtaasan ng kilay.
“Bobo ka ba? O sadyang hindi lang talaga gumagana ang utak mo? We can’t win both because only one can succeed in this game. Paalala lang,” pilosopo kong sabi sa kaniya at umawang ang kaniyang bibig nang dahil sa inis.
“Kapag ako ang nanalo bilang isang ssg president, pahihirapan kita. Tandaan mo ‘yan.” Pagbabanta niya sa akin.
I smirked at him and never look away my sight.
“And if I win nor Leister win… I’ll make you a slave in this school for the rest of your life.”
Every words that I have said to him sharp and deep. Napalunok siya at kaagad na iniwas ang kaniyang paningin sa akin.
Hindi ko na namalayan na natapos na pala si Leister at matagal na nakabawi si Rio at tinawag pa itong muli para makuha ang kaniyang atensyon.
“What did he say to you?” Bulong na pagtatanong ni Leister sa akin.
Hindi ko na sana sasabihin sa kaniya ngunit, naabutan na niya kaming nag-uusap na dalawa.
“He warned me. Pahihirapan niya ako rito kung siya ang mananalo bilang isang presidente.” Pagsusumbong ko sa kaniya.
His jaw clenched and gave a cold and sharp stare towards Rio.
“Then, I’ll make sure he won’t win. Siya ang pahihirapan ko kung ako ang mananalo. I’ll make sure of that.” Malamig na sabi ni Leister sa akin at palihim itong humawak sa aking kanang kamay.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top