Chapter 18
Chapter 18
Bumabagabag sa aking isipan ang lahat nang mga sinabi sa akin ni Victor kanina.
No one knows how my heart ached at the thought that it was my fault that Leister couldn't perform this acquiescence party. Para akong maiiyak sa tuwing naiisip ko ang bagay na iyon.
He is suspended because of me. Kahit na sabihin na nating si Victor ang nagsimula ng lahat, pero, kung hindi rin ako naging pisikal kay Victor, hindi sana aabot sa ganitong punto.
Bagsak ang aking balikat habang pinagmamasdan ko ang upuan ni Leister. The chair looks empty without the owner. I licked my lower lip as I imagined the second time I saw him in his white, neat, and clean uniform. The way he opened his grey notebook and the way he flipped every page of the book while listening to our subject teacher. The way he looked in my direction.
Napakurap-kurap ako at kaagad na binalik ang ulirat sa realidad. Bumuntong hininga ako at palihim kong nilingon muli ang upuan ni Leister. He was suspended for a couple of days and couldn't make it to our party. Kung alam ko lang na mag-pe-perform pala siya ngayong nalalapit na party namin ay sana hindi ko nalang siya hinayaan na suntokin si Victor sa mukha.
It is actually, indeed, my fault.
When the bell rang, I immediately went out to our room. Habang naglalakad ako ay biglang may humarang sa akin. Isang matangkad na babae, maikli ang buhok at kulot ang mga ito. She was wearing a bonita glasses. Naging bagay naman ito sa mga mata niya. She's wearing a long sleeve cardigan, with a maong pants. Kumunot ang aking noo at napaisip akong hindi bagay ang naging partner niya sa cardigan niyang sinusuot ngayon.
Imbes na sabihin ko iyon sa kaniya ay hindi ko ginawa. I smiled at her and she smiled to me shyly.
"You're Ms. Lagare, am I right?" her voice was soft.
Mukhang mabait naman ang isang ito.
Kaagad akong tumango sa kaniya. May dala-dala itong mga bond paper, habang nakikipag-usap sa akin.
"Puwede ba kitang imbitahan na pumunta ng office? We badly need your cooperation for the flyers of the team. Since, you were running as a president. Our party list members are actually waiting for you," pagpapaliwanag niya sa akin.
I didn't expect that I actually have a team! Buong akala ko ay walang papanig sa side ko? Akala ko ay wala akong magiging kasama?
"Yes, of course! I am actually waiting for you to reach out to me."
Hindi ko maipaliwanag ang aking nararamdaman, lalong-lalo na nang makita ko siyang nakangiti, habang iginigiya niya ako sa office na tinutukoy niya.
Pagkarating namin doon ay nalaglag ang aking panga nang makita ko ang ibang mga members na tatakbo rin na under sa akin. They are actually wearing a maroon polo shirt that has a name printed on it. Nagsisisi ako kung bakit hindi ko kaagad sila hinanap.
Well, I couldn't blame myself because some of the students here didn't want me or to have companionship with me. So, I ended up being an alone student. I ended up running as an officer, even without support or a clap from other people. I have even accepted the truth that I won't win because no one is on my side. No one will support you.
Sino naman kasi ang susuporta sa isang studyanteng transferre? At tatakbo pa talaga bilang isang ssg officer.
"Hi! Welcome to the team, Ms. Lagare!" Nakangiting pagbati sa akin ng isang matangkad at maputing lalaki.
When I looked into his shirt, there was a print on it that said "Future Vice President.".
Ngumiti ako sa kaniya, at sa kanilang lahat. Abala sila sa paggawa ng mga posters, at mga flyers rin na sa tingin ko ay ilalagay sa bawat bulletin board ng mga classrooms.
"Good afternoon, everyone. Pasensya na kayo kung ngayon lang ako nandito. I actually didn't know that there was a team for this. Akala ko kasi ay kanya-kanya tayo." I awkwardly said it to them.
Nakapamewang ang isang maliit na babae, 'tsaka ako sinagot.
"We are a team here, Ms. Lagare. We also have a campaign and a meeting de Avanci after the acquisition party. I hope you can join that too. Hindi kasi puwedeng hindi kompleto, lalong-lalo na dahil presidente ka namin rito." Pagpapaliwanag nito sa akin.
"Alliyah, magiging presidente palang," sungit na sabi naman ng isang babaeng nakasuot ng itim na coat.
"Umupo ka muna, Ms. Lagare. Pasensyahan mo na itong si Yna, masasanay ka rin sa babaeng ito." Pabirong sabi sa akin ng kasama ni Future vice president kanina.
"Thank you," maikli kong sagot sa kanilang dalawa at dahan-dahan akong lumapit sa kanilang lamesa.
I sensed that Yna doesn't like me. Umusog kasi ito nang mapansin niyang nakaupo na ako rito. Hindi ko na lamang siya pinansin at nakinig na lamang ako sa aming future vice president, habang nagsasalita ito para sa aming mga plao at mga aktibidad na gagawin.
After him, I also show and explain to them the things that I want to happen if I ever win as an SSG officer.
Our future vice president Paulo is busy taking notes. Habang si Alliyah naman, tatakbo bilang isang sikretarya, habang si Yna ay tumatakbo bilang isang treasurer. Iyong babaeng nakipag-usap ko kanina sa hallway ay iyon si Kia.
Pagkatapos naming mag-meeting ay aalis na sana ako nang bigla akong pinigilan ni Paulo. Lumabas na ang mga kasamahan namin sa opisina at ako at si Paulo na lamang ang natitira rito sa loon ng opisina.
Tumuwid ako sa aking pagkakatayo at hinarap ko siya.
"Do you need anything, Mr. Cervantes?" Seryoso kong pagtatanong sa kaniya.
Isinarado niya muna ang kaniyang laptop at ngumiti sa akin.
"I just want you to know that we will have another meeting after this acquaintance party." Pagpaaalala nito sa akin.
I nodded at him. He doesn't need to get worried because they have already added me to the chat group.
"And one more thing, Ms. Lagare," pinahinto niya ako sa paglabas ko ng pintuan.
Kumunot ang aking noo at unti-unti na akong naiinis dahil baka hindi ko na maabutan pa ang aming principal. Kailangan ko siyang kausapin tungkol sa punishment na binigay niya para kay Leister.
"Yes? Do you need anything?"
"Napansin ko kasing malapit kayo ni Mr. Martensen. Gusto ko lang malaman mo na kalaban natin siya sa karerang ito."
"Why? Is there a need that I need to distance myself to him?" Hindi ko na mapigilan ang sariling magtaas ng isang kilay, habang kausap ko siya.
"It's not that necessary, but you're both running as an ssg officer. You don't know Mr. Martensen," pagpapaalala nito sa akin.
Marahas akong bumuntong hininga. I don't really understand why there's so many of them doesn't want Leister! Ang iba naman ay sinisiraan siya, kagaya na lamang ng mga sinabi ni Victor sa akin.
"And you'll do?" Pilosopo kong sabi sa kaniya.
Umawang ang kaniyang bibig at napapailing sa aking mga sinabi.
"We've been friends before, but I ended up breaking our friendship just because he really wanted to be on top. He accused me of cheating during an exam, where he put all the answer keys in my bag. S'yempre, malaki rin ang naging ambag ng mga magulang ni Leister rito sa skwelahang ito, kaya, wala silang nagawa nang sinabi kong hindi ako ang naglagay ng mga answer keys sa bag ko. I am just reminding you about him. Be careful," pagkatapos niyang sabihin ang lahat nang iyon ay kaagad niya akong iniwan sa opisina nang mag-isa.
Marahas akong napabuntong hininga at umiling.
Hinding-hindi ako maniniwala sa inyo. Why would I believe such words like that from them? Paano kung... sinisiraan lamang nila ni si Leister?
Inalis ko na lamang iyon sa aking isipan at dumiretso ako sa principal's office. Mabuti na lamang at hindi pa umuwi si Mr. Asis.
Nagulat siya nang makita akong muli.
"Good afternoon, Mr. Asis," nahihiya kong pagbati sa kaniya.
"Oh, hija? What are you doing here?" Pagtatanong nito sa akin, habang nagliligpit ng gamit.
"I came here to talk to you about something, sir." Mahinahong kong sagot sa kaniya.
Nilingon niya ako at napahinto sa kaniyang ginagawa. Kumunot ang noo nito sa aking mga sinabi.
"What is it, Ms. Lagare?"
"I know Leister did such bad things about Victor. Sinuntok niya ito at hindi naman talaga tama iyon, pero... hindi na po ba magbabago ang isipan ninyo? He was meant to perform tomorrow. Sir, please-" he interrupted me with his words.
"Ms. Lagare, there are things that is meant to be equipped. There are decisions that you cannot change. I am sorry, but I won't change my decision. I won't tolerate him just because he is the son of one of the board members here at school." Malamig nitong sagot sa akin.
"He is an achiever-"
"And a manipulator and a liar, Ms. Lagare. Iyon ba ang gusto mong marinig?"
Nagulat ako sa mga sinabi niya sa akin pabalik.
"A-anong ibig ninyong sabihin?"
Bumuntong hininga ito at kaagad na tinanggal ang kaniyang salamin. Napapailing ito at dismayadong nakatingin sa akin.
"Yes, that is very true. He is an achiever; he is a smart and very clever child. When he was in his junior year, even when he passed all the subjects and became on top of all the sections, It doesn't change the fact that he's a bully, Ms. Lagare."
"Hindi ko po kayo maintindihan, Mr. Asis."
"Alam mo, hija, hindi ko na sana ito sasabihin sa'yo pero, kailangan mong malaman ang lahat. I know, you are one of his friends." Putol nitong sabi sa akin.
"He was a bitter bully, way back in his junior days. Kahit sino ay susuntokin niya, kahit sinong mga studyante ay papatulan niya at nakikipaghamon ng away. Totoong naaawa ako sa bata, dahil lumaki siyang wala ang mga magulang niya at parati itong nasa ibang bansa. Kung uuwi man ang mga ito, iyon ay palagi rin na nag-aaway. He was lonely and sad child, Ms. Lagare. Kaya nang nawala ang Manang Riza nila ay labis lamang ang pagkalungkot na naramdaman ni Leister. Pagkatapos ng lahat, naging sadista na itong studyante at kahit na sa akin ay hindi ito nakikinig."
Parang ang hirap naman nitong paniwalaan. Nasasaktan ako sa tuwing nakakarinig ako ng mga salitang tungkol sa kaniya. Mga salitang kahit kailan ay hindi ko matatanggap.
I was having a hard time believing all the accusations of Mr. Asis about Leister, not until I experienced it myself.
Marahas akong napabuntong hininga at kaagad na kinuha ang ice cream na dinala ko sa cashier. Kumunot ang aking noo nang makita kong strawberry flavor pala itong nakuha ko.
Kumirot ang aking puso nang bigla ko siyang maalala. It's been years since I have left Iligan and never came back.
Hanggang ngayon, alalang-alala ko pa ang paborito niyang ice cream. Naalala ko pa kung paano ako pumunta sa kanilang bahay noong gabing iyon, pagkatapos kong pumunta ng principal's office.
"Ano po ang kailangan nila?" Pagtatanong ng katulong nila Leister.
After I talked to the principal, I immediately went to the convenience store to get some ice cream. Sadly to say, their chocolate ice cream was not available as of the moment. Kaya, strawberry ice cream na lamang ang aking binili para sa kaniya.
Totoong sinabi kong hindi ko na siya kakausapin, pero, naaawa ako sa kaniya. Nakokonsensya ako dahil ako na nga itong pinagtanggol, pero, ako pa itong masungit sa kaniya.
I am just here to say I'm sorry and give him some ice cream.
Napangiti na lamang ako sa aking isipan. Ang sabi kasi nila ay nagpapagaan raw ito ng damdamin ng isang tao. They said that ice cream can heal wounds of people.
"Nariyan ba si Leister?" Magalang kong pagtatanong sa matanda.
"Opo, Ma'am, nasa garden po siya kasama ang kaniyang bisita."
Kumunot ang aking noo. Mukhang hindi yata ngayon ang tamang panahon para kausapin siya.
Tuluyan akong pinagbuksan ng pintuan ng kanilang katulong.
"Kung gusto mo siyang makausap hija , dumiretso ka nalang sa garden." Sabi nito sa akin, bago bumalik sa loob ng mansyon.
Sinunod ko ang kaniyang sinabi at dumiretso sa garden. Nakakailang hakbang pa lamang ako nang marinig ko ang mataas na boses ni Leister.
"Bakit ka pa nagpunta rito? I didn't invite you here, Klyr."
Bigla akong nanlamig nang marinig ko ang pangalang iyon!
"I just want have a clarification about everything, Leister."
Nakinig lamang ako sa gilid habang tinatakpan ko ang aking bibig.
"Bakit mo pa hinahanap ang bagay na 'yan? Eh, hindi ba ay kayo na nung basketball player at tumatakbo katulad ko?"
"Nagawa ko lang naman iyon dahil palagi kayong magkasama ni Ms. Lagare! Nagseselos ako sa tuwing nakikita kitang masaya sa kaniya!"
Bullshit! Dinamay pa talaga niya ako?!
"Alam mo naman kung saan lumulugar si Celestine sa buhay ko, Klyr."
I swallowed hard as I have tried to process everything that he have said to Klyr. Unti-unting bumibigat ang aking dibdib at naninikip ang mga ito!
"No! Ang sabihin mo, gusto mo na siya! Huwag ka nang magsinungaling pa!" Naiiyak na sabi ni Klyr sa kaniya.
Umawang ang aking bibig at humigpit ang pagkakahawak ko sa paper bag na dala-dala ko.
"What do you want me to do then? Distance myself to her? Hindi ka rin naman makikinig sa akin kung sasabihin ko sa'yo ang totoo!"
"I just want to know the truth, Leister! Do you love her?!"
"No!"
Tuluyang napunit ang puso ko nang marinig ko ang malakas niyang boses. Kumulog ang mga langit at unti-unting bumabagsak ang ulan.
That's it!
I lost it! He win!
Nasaktan ako nang sobra at unti-unting nanunubig ang aking mga mata. Lumalabo na rin ito at hindi ako makakita ng maayos, but I choose to run.
I choose to run away so fast.
I choose to run in the middle of the rain and didn't even felt the cold embracing and rushing through my veins.
Nasaktan ako ng sobra! Dahil kahit anong pag-deny ko, mahal ko na siya!
Gusto ko na siya!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top