Chapter 17
Chapter 17
"What happened, Solen? Martensen? Aren't you afraid of your actions? This could affect your reputation here at school! Tumatakbo ka pa naman bilang isang officer." Galit na sabi ng aming Principal na si Mr. Asis.
We are here now in the Principal's office. Ako, si Leister, si Victor at si Mrs. Cruz.
Napabuntong hininga si Mr. Asis at kaagad niyang tinanggal ang kaniyang salamin. Ang balat nito sa noo ay unti-unti nang kumulubot.
"Mrs. Cruz, can you tell me exactly what happened?" Pagtatanong ng principal.
"I didn't really know the whole story sir, pero, naabutan ko nalang na sinusuntok ni Mr. Martensen itong si Mr. Solen."
Umawang ang aking bibig at kanina pa ako gustong sumabat sa pag-uusap nila.
Nakita kong tahimik lamang si Leister. He doesn't even try to defend himself from them!
"Is it true, Martensen? Na ikaw ang naunang sumuntok kay Victor?"
"He did it, sir. Hindi naman talaga siya ang kinakausap ko, kung hindi si Ms. Lagare, tapos, bigla na lamang siyang lumapit sa akin at sinuntok ako sa pisngi."
That's it! I'm done with this bullshit!
"That's not true, Victor! Everyone saw what had really happened. You want to throw a slap in my face. He just did it because he wants to defend me! Huwag ka ngang magmalinis?!" Galit kong sabi sa kaniya.
Sarkastiko siyang tumingin sa akin at napakibit ng balikat.
"Violations against violations, still needs to be punished, Ms. Lagare. I wasn't meant to do that, baka naman ay nag-a-assume ka lang na sasaktan kita?"
Tumayo si Leister at tinignan ng masama si Victor.
"You should shut your mouth, Solen. Alam kong sa akin ka may galit, kaya wala kang karapatan na saktan si Lagare."
"Both of you, sit!"
I almost jumped when the principal's voice thundered in the room. Nanginig ang buong katawan ko nang dahil sa air-conditioned sa silid.
"Is it true that he tried to hurt you, Ms. Lagare?" Pagtatanong sa akin ni Mr. Asis.
Kaagad akong tumango sa kaniya dahil iyon naman talaga ang totoo. I won't tolerate such an actions like that.
"Yes, sir. He said something about Leister, and I couldn't just stand there and do nothing. Pagkatapos ay sinubukan niya akong saktan."
Napapailing si Mr. Asis sa aking mga sinabi at dismayado itong tumingin kay Victor.
"Hindi ko naman sana gagawin 'yon, sir, pero, binuhusan niya ako ng tubig sa pisngi. Kaya ako basa ngayon!"
"You deserve that because you have a trashy attitude!"
"Oh, talaga ba?! O baka naman ay may gusto ka sa Martensen na ito-"
"Stop it! Both of you will receive a punishment! Hindi ba kayo nahihiya sa mga sarili ninyo? Ano na lamang ang sasabihin ng mga studyanteng mas bata pa sa inyo?!"
"I'm really, truly, sorry, for that, Mr. Asis." Ani Mrs. Cruz.
"Because of that, Solen, you will receive a punishment of community service for a day, same to you, Ms. Lagare."
Umawang ang aking bibig at nanlaki ang aking mga mata.
Ganoon lang ba 'yon?!
"But, sir-"
"No buts, Ms. Lagare! I've already heard enough. Kayong dalawa pa naman ni Leister ay tumatakbo bilang isang SSG officer."
"I'm sorry to inform you, Mr. Martensen but I need to suspend you for three days."
Biglang bumilis ang pagtibok ng aking puso. That's too much!
Nag-aalala akong lumingon sa direksyon ni Leister at nakita ko ang pag-igting ng kaniyang panga. He didn't say anything. Narinig ko lamang ang mahina niyang pagbuntong hininga, ang pagsalikop ng kaniyang mga palad.
"Sir, that's too much. Ibig po bang sabihin ay... hindi siya makaka-attend sa acquaintance party namin?"
"That's not too much, Ms. Lagare. As you can see, namamaga na ang pang-ibabang labi ni Mr. Solen. I can't tolerate this kind of physical abuse."
Galit akong tumitig kay Solen at nang makita ko siyang sarkastikong nakatingin sa akin ay mas lalo akong nagalit sa kaniya. Hindi ko matanggap ito!
"Leister, hahayaan mo lang ba na mangyari ito?" I tried to talk to him as I walk with him.
Pauwi na kami ngayon sa mga bahay namin at wala pa rin siyang kibo. Tahimik pa rin siya at nagmamadaling umalis ng opisina kanina.
"Leister, ano ba?!" Sigaw ko sa kaniya.
His hands hold his shoulder bag even more. His grip even more becomes firm. Nakatalikod siya sa akin ngayon at napabuntong hininga.
"Hindi mo lang ba ipagtatanggol ang sarili?! You can't attend to our upcoming party the next day, and he suspended you for three days! That's not right!"
"Ayos lang 'yon, Celestine. I won't mind. It's just a party." Iyon lamang ang sinabi niya at sinubukan na niyang pumasok sa kaniyang sasakyan pero pinigilan ko siya kaagad.
"Pwes', ako hindi! Makikiusap ako sa kaniya na hindi nalang ituloy ang suspension."
"Celestine, just stop it!"
Napaatras ako ng wala sa oras nang bigla niya akong sinigawan.
My heart ached a little when he did that to me. This is the first time that he tried to shout on me.
My lips twitched and I couldn't look at him. Narinig ko ang kaniyang pagbuntong hininga at kaagad na nag-iba ang kaniyang ekspresyon.
"Pasensya na... hindi ko sinasadya ang sigawan ka," mahinahon niyang sabi sa akin.
"Bye," malamig kong sabi sa kaniya at tatalikuran ko na sana siya nang bigla niya akong pinigilan. He held my elbow and tried to talk to me.
"Cece, please... huwag ganito," he whispered it to me.
When I look at him I saw a lot of mix emotions. Those kinds of emotions that I couldn't bear. Nasasaktan rin ako sa tuwing nakikita ko siyang ganito at ayokong maramdaman ang ganitong pakiramdam!
I shouldn't like him!
Marahas kong binawi ang aking siko mula sa kaniyang pagkakahawak at sinipatan ko siya. He glanced at me with teary-eyed.
"Simula ngayon, huwag mo na akong kausapin at lapitan. Tapos na tayo sa project natin. Kaya, tapos na rin ang pagkakaibigan nating dalawa." Malamig kong sabi sa kaniya at kaagad ko siyang tinalikuran at nagmamadaling umalis.
"What happened to your face, Cece? Para kang binagsakan ng langit at lupa." Natatawang sabi ni Samantha sa akin sa screen.
"I'm just bothered on something..."
"Bothered on what?" Pagtatanong niya sa akin.
Tama ba na sabihin ko sa kaniya? I have a feeling that I shouldn't trust her, but she's my friend.
"I think I like someone else... iyong nakita mo noon, sa may garden namin. That was Leister Dew Martensen." Pag-aamin ko sa kaniya.
Shock was plastered on her face. Napakurap-kurap siya at hindi makapaniwala sa aking mga sinabi.
"Really?! Oh my god! That guy was hot, Cece! But, how about Jaymhark? Aren't you worried about him?"
Kaagad akong umiling sa kaniya.
"Bakit naman ako mag-aalala sa kaniya? I don't like him, Samantha."
"I have plans on visiting you this month. I hope you welcome me there," arte niyang sabi sa akin.
Hindi ko ini-expect na maririnig ko ang mga iyon mula sa kaniya. Parang lumundag ang puso ko nang dahil sa mga narinig ko.
Ikinuwento ko pa ang ilang detalye kay Samantha. I'm glad that she listened to all of it. Despite of having a strict parents, nariyan si Samantha para maging mabuting kaibigan sa akin.
Kinabukasan ay maaga akong nagising para pumunta ng school. Our class will start at eight am, kaya, six-thirty am pa lamang ng umaga ay nandirito na ako sa school.
I hate waking up early this morning! I can't get used to it! Gusto kong umiyak nang makita ko ang mga tuyong dahon na nakalatag sa seminto. Inis kong inabot ang walis at sinubukan ko nang maglinis.
Hindi ako sanay sa mga ganitong gawain. We have maids in the house in Manila, kaya nang tumira ako rito sa Iligan, ay unti-unti akong nabago. Kahit ayaw ko, nilunok ko nalang. Kahit na ayaw kong makasama si Lola Cristy, pinilit ko nalang ang sariling pakisamahan siya.
"Wow... ang bait naman," biglang kumulo ang aking dugo nang marinig ko ang boses ni Victor sa aking likuran.
Paglingon ko ay nakita ko ang nanunukso niyang mga tingin. He's also wearing our pe uniform. Mas matangkad lang talaga siya, kaysa sa akin. Magkasingtangkad sila ni Leister.
"Don't talk to me, you idiot." Inis kong sabi sa kaniya.
Kaagad ko siyang tinalikuran nang mapansin ko ang mga pinsan ni Leister na naglalakad papuntang basketball court. Si Rios, Si Aleb, at si Kerby. Sa kanilang apat, si Kerby ang moreno, habang ang tatlo, ay mestizo.
"Ang sungit mo naman!"
"I don't care, Solen. Huwag mo akong kausapin. Atsaka, doon ka nga sa kabila maglinis, huwag rito." Galit kong sabi sa kaniya.
His lips twitched and shook his head.
"Nang dahil sa'yo, hindi matutuloy si Leister sa pag-pe-perform."
Humarap ako sa kaniya nang nakakunot ang noo.
"What do you mean?" Kinakabahan kong pagtatanong sa kaniya.
"He was one of the representatives in our section. Nang dahil suspended siya, hindi siya makakapag-perform sa stage ngayong nalalapit na party. One more thing, we will disqualified because we only have one representative. In short, this is all your fault, Lagare."
Bigla akong nanlamig sa lahat ng mga nalaman ko ngayon.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top