Chapter 11

Para akong sasabog nang dahil sa galit na nararamdaman ko! Gusto ko siyang sampalin at itulak nang napakalakas! I was so mad, to the point that I didn't mind my own tears!

Unti-unting lumalakas ang aking paghinga at nang dahil sa galit ay wala akong ibang nagawa kung hindi ang umirap sa kanila at naglakad nang mabilis, paalis sa kanilang direksyon.

Nang makalayo-layo na ako ay tumakbo na ako palayo. I started crying and I hate myself for being weak! Hindi ko na inalintana ang mga studyanteng nagtataka at pagkunot ng kanilang mga noo, kung bakit ako umiiyak. Nakarating ako sa field at kaagad akong napaupo nang dahil sa panghihina.

Marahas kong pinunasan ang aking mga luha at inis ko itong itinapon.

Binabawi ko na ang lahat nang mga sinabi ko! He wasn't a good man! He is rude and doesn't care about other people's feelings! Kagaya nga ng sinabi niya kanina, wala siyang pakialam sa akin.

Humihikbi pa ako nang dahil sa galit nang biglang may nagsalita sa aking tabi.

"You okay, miss?" Someone's voice I heard from my back.

Lumingon ako sa kaniya at nakita ko ang isang matangkad na lalaki. Probably a sixt-feet tall like Leister. Kumunot ang aking noo at napagtantong isa ito sa mga pinsan niya!

Umawang ang aking bibig at kaagad na nagtaas ng noo.

"Do I look like okay?" Mataray kong sagot sa kaniya pabalik.

He chuckled a bit and answered me right away.

"Kaya nga ako nagtatanong dahil alam kong hindi ako sigurado sa nakikita ko. It's either you're crying because of happiness, or you're crying because of sadness. I don't know," sabi niya sa akin nang nakapamulsa.

Pinagmasdan ko siya at napansin kong tinangay ng hangin ang kaniyang buhok. His wavy jet-black hair was blown by the wind. He has hooded eyes but Leister has a darker and strict aura with hunter eyes.  Napansin ko rin ang hikaw sa gilid ng kaniyang tenga. Hindi ko siya masyadong napansin noong pumunta ako sa bahay nila Leister, dahil mas abala ako sa paggawa ng aming project.

I couldn't even remember his name, or did he even introduce himself to me? 

Hindi ako sumagot sa kaniya at nagulat na lamang ako nang bigla siyang tumabi sa akin.

He sits beside me, but he knows the boundaries. He handed me his black handkerchief.

"I don't like seeing girls crying, kaya, 'yan lang ang kaya kong ibigay."

Natigilan ako at napakurap-kurap. Kinuha ko ang panyong iniabot niya sa akin at dahan-dahan ko itong pinunas sa aking pisngi.

"I don't have the right to ask but, what happened?" Nilingon niya ako at kumunot ang kaniyang noo.

Napabuntong hininga ako at kumulo ulit ang dugo kong unti-unti nang nananahimik.

"Your cousin, did this to me. Hindi man lang niya ako pinakinggan! He defended that Klyr right away by not knowing the scene!"

"Si Leister?" He asked to confirmed it.

"Oo! Ang sama ng ugali nang pinsan mo!"

Bumalik ang galit ko at napaikot ako sa aking mga mata.

"I'm sorry, he did that to you, he make you cry." Mahinhin niyang sabi sa akin.

Buti pa ang isang ito, mukhang matino at mabait. Hindi kagaya ng Leister na 'yon!

"What's your name again?"

"I'm Rios, Leister's cousin." Naglahad siya ng kamay sa akin at kaagad ko naman itong tinanggap.

"I didn't mean to meet you in this kind of situation, but... I didn't have the chance to introduce myself to you properly when you visited the house of Leister." Ani Rios at ngumiti sa akin.

Kahit papano ay naibsan ang galit na aking nararamdaman nang makausap ko si Rios.

"Celestine, but you can call me Cece." I also introduced myself to him, and he nodded at me.

Ngayon ko lang siya napansin at nakita rito sa campus. Maybe he is not at the same grade level as us. 

"What year are you?" Pagtatanong ko sa kaniyang muli.

I am trying my best to change the topic! Ayoko nang pag-usapan pa ang mga ginawa ni Leister at sinabi niya sa akin kanina, at baka talagang tuluyang tumaas ang blood pressure ko!

""I'm already a first-year college student taking the Bachelor of Engineering. Ako ang pinakamatanda sa aming apat na mag-pi-pinsan." Pagpapaliwanag niya sa akin.

"Dito na kayo lumaki?"

"Yes, we grew up here, except Reian, the only Martensen girl."

I am comfortable talking to Rios. I didn't even mind the time! How I wish Leister would be like him. Pero, sadyang magkaibang-magkaiba ang mga tao. We expect a lot from them, except for the way we think about what they are, but it is not like that. Hindi ganoon, hindi dahil iniisip natin na ganoon ang pakikitungo nila sa atin, o, ganoon sila kumilos, hindi ibig sabihin ay ganoon sila talaga.

Sometimes, we expect things beyond our expectations, and we always fail. And sometimes, expectations become disappointments. Ganoon ang naramdaman ko nang tuluyan kong makilala si Leister.

Ang sama talaga ng ugali! Pakiramdam ko, nag-iiba ang pag-uugali niya kapag nasa harapan niya si Klyr, and that girl is also changing her personality when Leister is there!

Bagay nga talaga silang dalawa!

Masasama ang mga ugali at mapagpanggap!

Hindi ko na ulit pa inalala ang mga nangyari kahapon at maaga akong nagising. Hindi na ako makatulog pang muli, kaya dumiretso na lamang ako sa garden ni Lola Cristy para magdilig ng halaman.

It's already five thirty in the morning when I heard a footsteps. Kumunot ang aking noo at napatigil ako sa pagdidilig ng halaman at napalingon ako sa aking likuran.

My heart started to beat faster when I saw Leister Dew Martensen standing straight in the distance with me. He looks so fresh, clean, and neat with his polo black shirt and loose grey pants. 

He brushes his wet hair while thinking of something to say to me.

Biglang umahon ang galit na naramdaman ko kahapon at buong tapang ko siyang hinarap. Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa.

Ang kapal naman talaga nang pagmumukha nito at nagpakita pa talaga!

"What are you doing here?" Malamig kong pagtatanong sa kaniya.

Tinignan niya lang ako at umawang ang kaniyang bibig. He licked his lower lip and answered me.

"I came here to say I'm sorry for everything that I have said yesterday. I actually didn't meant to-" hindi ko siya pinatuloy sa kaniyang mga sinasabi at kaagad ko siyang pinahinto.

"You don't have to explain, Leister. Nang dahil sa mga sinabi mo sa akin kahapon ay ang nagpapatunay kung anong klaseng tao ka talaga. Hindi ka marunong makinig sa explenasyon ng ibang tao, siya nalang palagi ang nakikita mo." Inis kong sabi sa kaniya.

Napansin ko ang dahan-dahan niyang paglapit sa akin. Dahan-dahan rin akong umatras papalayo sa kaniya.

I don't like the way he looks at me. It feels like he is observing me and studying the features of my face. Even when he's a little bit chinito, his hunter eyes are like daggers; it's killing me slowly.

"Kaya nga ako nandito para humingi nang kapatawaran sa mga nangyari kagabi. Alam kong mali at nasaktan kita, Celestine. I couldn't sleep properly just thinking about what happened."

My forehead's furrowed at the thought of everything that he said. Pero, kahit na humingi man siya nang kapatawaran sa akin, hindi pa rin maalis sa puso't-isipan ko ang galit na hanggang ngayon ay buong-buo pa rin.

"I don't care, Martensen. You don't have to explain your side because I don't give a damn, anyway!" Masungit kong sabi sa kaniya.

His jaw clenched, and I could feel that he was controlling himself from getting mad at me again. His hard expression makes it even more plausible. Sige lang, magalit ka lang nang magalit.

"Celestine, please... I'm sorry." His voice was low and soft yet gentle.

Nainis ako nang marinig ko iyon sa kaniya at marahas kong binitiwan ang lalagyan ng tubig ng halaman sa kaniyang harapan at inikotan ko siya nang aking mga mata.

"Sorry mo mukha mo!" Sabi ko sa kaniya at tumalikod kaagad ako.

Nang dahil sa inis ko ay hindi ko namalayan ang malaking batong sumagi sa gilid ng aking paa.

"Ah!"

I shouted when I almost fell in the land! Bigla akong kinabahan at nagulat na lamang ako nang biglang lumapit sa akin si Leister para mahawakan ako kaagad.

Bumilis ang aking paghinga at hindi makapaniwalang muntik na akong matumba!

"Damn it! Mag-ingat ka nga, Celestine!" Nag-aalala niyang sabi sa akin habang nakahawak pa rin sa aking bewang.

Nagtama ang aming mga mata at ngayon ko lang napansin na nakahawak rin pala ako sa kaniya!

His biceps were strong and firm, even when we were still in our senior high school year, but he is getting taller and physically fit. 

I never knew I could have the chance to look at him this close. Kahit na hindi ko naman hiniling iyon o pinangarap. Kagaya nga nang sinabi ko kanina, ayoko sa kaniya dahil masama ang pag-uugali niya, at wala siyang ibang nakikita kung hindi si Klyr.

It's always been Klyr, I guess.

His breath smells like mint cool...

I feel like his eyes are scorching the depths of every part of my being. Ang kayumanggi niyang mga mata ay nagbibigay ng ibang pagtingin sa akin. It feels like I have known him for a very long time..

He is tall; that's why he crouched a bit just to get level with me. 

"I'm really sorry, Celestine. I won't do it again, I promise." Mahinahon niyang sabi sa akin habang nakahawak pa rin sa akin ang kaliwa niyang kamay para mahawakan at masuportahan ako sa aking bewang.

"Paano ako makakasigurado na hindi mo na ako sasaktan nang mga ganoong salita?" Iritado kong pagtatanong sa kaniya.

Kumunot ang kaniyang noo at napatitig sa akin na para bang nahihirapan siyang basahin ang aking expresyon.

"I will do anything you ask for. I can be your slave if you want to. I just want to make it up."

Make it up with me? Nahihibang na ba siya? He had Klyr!

"Nababaliw ka na ba?! Gusto mo na mas magalit pa sa akin si Klyr lalo?"

Napapikit siya sa kaniyang mga mata at mas lalong kumunot ang mga ito.

"Don't worry about her, 'kay? I am talking about this."

"Why the fuck are you doing this, Leister?"

Ayokong magalit sa kaniya pero, hindi ko lang talaga makalimutan ang mga nangyari kahapon.

"Dahil ayokong nakikitang nagagalit ka sa'kin." He whispered those words slowly to me.

I swallowed hard as I remained standing in front of him, holding my wrist by the use of his right arm. Some of his hair was covering his brown eyes.

"Hija, magbihis ka na at aalis na tayong dalawa."

Nang dahil sa gulat ko ay naitulak ko siya nang malakas. Thank God! He didn't fell!

"Magandang umaga po, Lola Cristy." Bumati pa talaga kay Lola!

Lola Cristy smiled at him and greeted him back.

"Magandang umaga rin, hijo. Pasensya na at kailangan muna naming umalis nang maaga ni Celestine. May pupuntahan lang kami," pagpapaliwanag ni Lola Cristy sa kaniya.

Unti-unti siyang tumango kay Lola nang may mga ngiti sa labi.

"It's okay, Lola Cristy. Dinadalaw ko lamang po itong si Celestine."

Dinadalaw?! O, baka naman ay nang-iinis?!

"Ahh... ganoon ba?"

Kumunot ang aking noo nang makita ko ang ibinibigay na kakaibang ekspresyon ni Lola Cristy sa aming dalawa. Kaagad rin naman itong nakabawi sa naging reaksyon niya at nagpaalam sa aming dalawa ni Leister.

Katulad ko ay nagulat rin siya nang biglang sumulpot si Lola Cristy rito sa garden area namin. Nang dahil sa kahihiyan na naramdaman ay napayuko na lamang ako at inis kong nilingon si Leister na ngayon ay naghahanap pa rin ng aking magiging sagot.

"Fine! Malapit na ang exam natin, hindi ba? If I  get the highest score in every exam, you will do anything that I ask for."

"Paano kung hindi?"

Bilis niyang sagot sa akin. He lifted his head while looking at me.

"I am confident enough that I will be the one on top the next week."

Nanliit ang kaniyang mga mata at napapailing sa aking mga sinabi.

"And if I win?" he asked in a baritone voice.

Marahas akong napabuntong hininga at sinagot siya pabalik.

"You can ask me to do anything you want."

Nakapamewang siya habang nakatitig sa akin. Hindi ko alam kung nagdadalawang-isip ba siya sa gusto kong mangyari, o, papatulan niya talaga ang gusto kong mangyari?

"I hope you won't regret this idea, Celestine." He smirked at me and even winked.

I shook my head at him and raised my right eyebrow.

"Of course I won't, 'cause I will win." Kampante kong sagot sa kaniya.

He chuckled at me and his eyes were also smiling too. "Well, let's see about that."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top