Chapter 4

We all have that phase of making sudden decisions. Maybe some of us did it because of pressure and some was just trap in the middle of lying or saying the truth. Well, I just hope that I will not be trap on that one.

Maaga akong gumising kinaumagahan na para bang walang nangyari kagabi. Ganito ako tuwing napapanaginipan ko iyon. Because of that dream, I always ended up crying. But it won't stop there. There is also a memory that I don't seem to remember but in my dreams, they are alive. Once I'm dreaming about it, it triggers me to the point that I can feel them like a real living person too.

Tuwing iyon ang napapanaginipan ko, which is I can't clearly remember when I'm widely awake just like now, bumibigat ang pakiramdam ko ay talagang aatakihin ako ng anxiety ko.

Wala naman ako magawa kung hindi ang inumin nalang ang gamot ko na parang wala ring epekto minsan.

Biyernes ngayon at wala kaming klase dahil may biglaang pagpupulong sa eskwelahan. Tapos naman na ako sa lahat ng exam ko kaya wala na akong iniisip.

Naisipan kong lumabas ng bahay at mag-jogging tutal kailangan din naman ng sarili ko ng exercise. It helps me to lessen my worries too about my life right now. Well, kind of.

Pasikat pa lamang ang araw nang lumabas ako. I personally love sunrise. It somehow reminds me that there is still a morning waiting for me so I need to get up and continue again.

Even though most of time I just want to give up but sunrises always reminds me that I can try again and continue moving forward.

"Good morning po, Ate Sheneal!" Bati ko sa may-ari ng bahay na nasa ika-apat bago ang bahay ko.

"Good morning too, Aingeal! Sa'n punta mo?" Napatigil naman ako at humalumbaba sa mababa nilang gate. Nagdidilig siya ng mga halaman nila kaya pinagmasdan ko nalang ang ginagawa niya.

"Jogging lang po Ate at balak kong pumunta sa baybayin," malapit lang ang dagat dito sa subdivision namin kaya naman tuwing naiisipan kong mag-jogging ay doon ako dumeretso.

"Ganoon ba? Mag-ingat ka ha? Nga pala, nag-umagahan ka na ba?" Umiling naman ako bilang sagot tyaka ngumiti sa kanya.

"Salamat po pero sa bahay nalang po mamaya Ate. Baka maalog pa, sayang naman," natawa naman siya sa sinabi ko.

"Ikaw talagang bata ka. Nga pala, dumating na si Miles," ngiting ngiti ito sa akin at alam ko na ang dahilan.

"Iyong anak mo po Ate na lagi mong nirereto sa akin?" Tuluyan na siyang humalakhak sa sinabi ko. Ang ngiti ko ay naging ngiwi.

"I only want you for my son, Aingeal. Can you make it here tonight for dinner?"

Pitong patong kuwago naman oo. May sama ba ng loob sa akin ang buhay at ganito ang nangyayari sa akin?

Ano'ng isasagot ko? Tatlong taon na niyang inirereto sa akin ang anak niya at ang lagi kong sinasabi ay kailangan kong unahin ang pag-aaral ko. Ganoon nalang kaya ulit ang irarason ko?

"Ate, kasi..." Kinamot ko pa ang ulo ko na animo'y may kuto ako.

"Kailangan kong unahin ang pag--" hindi ko na naituloy ang sasabihin kong rason dahil siya na ang tumuloy no'n.

"Ang pag-aaral mo dahil mag-isa ka nalang sa buhay. Aingeal..." Hinawak nito ang kamay ko na nasa bakod nila.

"Don't you like it? We can finally became your family when you and Miles get ma--" siya naman ngayon ang pinutol ko. It's kind of rude but I don't really like the topic we have. But because of that, I said those words it never came across to my mind from the very start.

"I have a boyfriend na po kasi Ate," mabilis na sabi ko na siyang nakapagpagulat sa kanya. Palihim kong minumura ang sarili ko. Hindi ako mahilig magmura pero ngayon araw na ito siguro ay oo.

"What?" I awkwardly smiled at her.

"Opo, mga three months na po." Anak ng tipaklong Aingeal, kailan ka pa nagkaroon ng boyfriend? Tapos ano? Tatlong buwan na kayo? Gosh self, what are you doing?

"I-I didn't know..." Gulat na sabi nito. Syempre Ate hind mo alam dahil wala naman talaga ako no'n. Sorry na po pero ang sungit sungit ng anak niyo sa akin mula pa noon. And I only treat him as a friend.

"Pasensya na Ate. Nakakalimutan ko na rin po kasing magkwento sa'yo,"

I awkwardly laugh to hide my nervousness.

"But you just said that you prioritize your studies?" Ayan Aingeal, magsinungaling ka pa.

"Yes po Ate but since he support me those times I'm busy, that makes me feel alright." Sige lang Aingeal, ngumiti ka lang. Panindigan mo ang kasinungalingan mo.

"Is that so? Then can you two make it here tonight? Pang welcome na rin kay Miles," ngumiti na ito ulit sa akin. Nagdalawang-isip naman ako.

Oh my goody foodies, what should I do?

Sakto naman na namataan ko ang bagong kapitbahay ko na nagja-jogging din. Nakalagpas na siya sa amin at alam kong sa dagat ang patungo niya dahil ang dagat lang naman ang nasa bahaging iyon ng daan.

"Sure Ate. Pero tatanungin ko po muna siya kung free siya mamayang gabi," ngumiti nalang ako sa kanya bago ako nagpaalam. Baka kasi mamaya ay madagdagan pa ang kasinungalingan ko.

Nakarating ako doon habang hinihingal dahil talagang binilisan ko ang tumakbo palayo sa bahay nila Ate Sheanel.

Agad akong umupo sa buhanginan at hindi pinansin kung madudumihan man ang suot ko. Pwede naman akong magpalit mamaya sa bahay.

"Now, what should I do?" Problemadong tanong ko sa sarili ko habang tanaw ang paunti-unti nang tumaas na araw.

"Good morning to you, Miss Aingeal,"

"Anak ng tokneneng!" Gulat na nasabi ko dahil habang nasa malalim akong pag-iisip ay may bumati sa akin sa tabi ko.

"Ay, ikaw pala. Magandang umaga rin!" Bati ko sa kanya nang makabawi na ako. Naupo naman siya isang metro mula sa akin.

"At tyaka Aingeal nalang. Ang pormal masyado kapag may miss," natatawang sabi ko pero nang maalala ko ang kasinungalingan ko ay bigla akong napatigil. I cleared my throat before I asked him a question I didn't get the chance to ask yesterday night.

"May I know your name?"

"Hayden," tanging sagot nito pero hindi masungit ang pagkakabigkas niya.

"Salamat nga pala ulit sa ibinigay mong pagkain kagabi," pagpapasalamat ko ulit sa kanya na siyang ikinatawa niya.

"No worries. Balak rin naman talaga kitang bigyan ng ulam dahil bago pa lamang ako doon pero naunahan akong sabihan ni Nanay Fely,"

"Binili mo na itong bahay?" Tumango ito sa akin bago ko ibinalik muli ang tingin sa dagat.

"It's not just the house but also the land where the house is. It's better for me since gusto ko na rin naman nang mag-solo," ako naman ang tumango tango ngayon sa sinabi niya.

"You don't want to be with your family?" Biglaan kong tanong.

"Hindi naman sa ganoon pero hindi naman habang buhay ay sa kanila ako mananatili,"

Sabagay, may point naman siya. Hindi ko naman na kasi mararanasan ang mga iyon dahil matagal na akong mag-isa sa bahay. It suddenly makes me sad but I tried to hide it from him. Nakakahiya naman kung malaman pa niya.

"Why are you sad so sudden, if it's fine to ask?"  Oh, sabi ko nga napansin na niya.

"Everyone in the subdivision knows I'm all alone for how many years already. But one thing I'm always telling them is not to pity me because life is like that. No one of us can change what happen. No one of us can stop what will happen," ngumiti ako, iyong totoo.

"I'm sorry if I asked,"

"No, it's alright." Ako nga dapat ang mag-sorry sa'yo eh.

"Uh..." Hindi ko maituloy ang sasabihin ko dahil talagang nahihiya ako. Pero ano pang magagawa ng hiya ko ngayon?

"I want to say sorry," agad siyang napalingon sa akin dahil sa sinabi ko.

"What do you mean?" Naguguluhan na tanong nito. I unconsciously scratches my neck. Paano ko ba sasabihin? Self naman kasi, kung ano-anong bagay ang ginagawa mo sa buhay.

Instead of answering him, "can you accompany me tonight to Ate Sheanel's house?"

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top