Walang Liligaya

Part 1: Arj

Naniniwala ka ba sa sumpa?

Nakakatawang isipin na sa ganitong panahon, may mga bagay pa rin na hindi maipaliwanag o patuloy pa ring pinaniniwalaan ng mga tao.

Katulad na lang ni Arj. Naniniwala kasi siyang sinumpa siya. Actually, ang buong angkan niya. Isinumpa na walang liligaya sa kanila.

Hindi magkakaroon ng asawa;

Hindi makikilala ang true love.

In short, walang happy ending!

Bata pa lang siya noong sinabi ito sa kanya ng mga chismosa nilang kapit-bahay. At first, natawa lang talaga siya. Dahil sino nga bang maniniwala na sinumpa ang buong angkan niyo, at sinabihang walang liligaya sa inyo?

Pero nagbago lahat ng iyon noong unang beses niyang nakitang mag-away ang kaniyang mga magulang. Nahuli kasi ng kanyang ina na may ibang babae ang kanyang tatay. She was a high school student back then. Kaya gets niya na ang mga pangyayari. Walang dapat itago. May kabit ang Papa niya, and unfortunately, mahal talaga ng Papa niya ang kabit nito. Kaya ayun, iniwan sila.

At doon niya napansin na lahat nga sa mga kapatid ng Mama niya ay walang buong pamilya. Halos lahat ay iniwan ng mga asawa o 'di kaya naman ay naging matandang dalaga na lang.

Noong una, she's still indenial. Kasi baka naman nagkataon lang. Kung talagang totoo 'yun, edi sana pati ang lola niya ay iniwan na rin. Kaso hindi e! Mahal na mahal nila ni Lolo ang isa't isa. Patuloy pa rin itong kinukwento ng kanyang lola kahit na matagal ng patay ang lolo niya.

Part of her, wants to know kung saan nanggaling ang gano'ng klase ng chismis. Kaya naman naglakas loob na siyang itanong ito sa kanyang ina. And to her surprised, her mom agreed. Totoo raw siguro talaga ang sumpa. Kasi ang totoo niyan, kabit ang kanyang lola. Third party sa isang relasyon. Siya ang kabit na pinili. At sa sobrang galit ng dating nobya ng kanyang lolo, ito raw ay nag eskandalo sa loob ng simbahan habang sila ay kinakasal. Sinumpa raw sila na hindi sila liligaya, at isinama na rin ang magiging mga anak at apo.

Hindi naman talaga nila iniisip ang sumpa dati. Hindi nga ito nasubukan banggitin ng kanyang lola sa kanyang mga tita noong una. Pero noong mapansin nito na lahat ng kanyang apat na anak ay iniwan at niloko ng mga asawa o nobyo, doon na sinabi ng kanyang lola ang sumpa.

Simula noon, duon na siya nagsimulang maniwala. At dahil doon, naging mailap na siya sa mga taong nanunuyo sa kanya o sinusubukan siyang mapa-ibig. Natatakot siyang magkagusto at maranasan ang sinapit ng kanyang ina at kanyang mga tita.

She wants to guard her heart.

Pero lahat ng pag-iingat at pag-aalinlangan ay nawala noong nahulog siya sa kanyang kaibigan na si Dana. And it's all worth it! They had a perfect relationship. Sobrang maalaga nito sa kanya. Falling in love with her is magical. Hindi niya inakala na kay Dana na ang lahat ng katangian ng isang tao na gusto niya. Kaya grabe rin ang dasal at hiling niya na sana ay magkaroon na ng law for same sex marriage sa bansa. Sabay nila itong hiniling habang sabay ring binubuo ang pangarap ng bawat isa.

At ngayong pasado na ang batas, grabe ang tuwa niya. Abot langit ang ngiti niya nang makita ang kanyang babaeng minamahal na naglalakad papunta sa altar. Suot ang puti nitong gown, habang hawak ang malaki rainbow bouquet. Just like how she imagines it. Their dream wedding!

Ang kaso, hindi siya ang pupuntahan nito sa dulo ng altar. May ibang nag-aabang sa kanyang minamahal.

Part 2: Leanne

In Western Culture, seven implies a sense of near-completeness. There are seven days in a week, seven seas, seven climate zones, and seven ancient and modern wonders of the world.

At ngayong araw, sa ika-7 araw ng buwan ng Hulyo, araw rin ng Linggo, makikilala na ni Leanne ang babaeng nakatadhana para sa kanya. Naniniwala siyang tama ang hula sa kanya, dahil tugma ito sa sinasabi ng kanyang horoscope na, "Today is her lucky day."

Punong-puno ng 7! From the month, date, and even the day of the week. Their placements are all seven! Para bang nakaayon ang Universe at ang tadhana! Kaya naman malakas ang paniniwala niyang magkakatotoo ang hula. Ang sabi kasi nito, ang babaeng para sa kanya ay ang ika-7 na babaeng makikita niya sa simbahan.

And to her surprise, it is the wedding singer, her high school first crush! Si Arj!

It was a love at first sight when they were in high school, because the moment she laid her eyes on Arj, she knows that it was something. Kaso, hindi niya malapitan dahil lagi itong mailap at hindi niya rin sigurado kung babae rin ba ang gusto nito. Hanggang sa nag-transfer na ito sa ibang eskwelahan at hindi na siya nagkaroon ng tyansang magpakilala dito.

Kaya naman abot ang saya niya noong makita niya ulit si Arj. The 7th girl!

"Kanina pa tingin mo sa wedding singer, a? type mo?" untag ni Dimples, her business partner in their catering services.

Napakamot naman siya sa kanyang batok, at napangiti. "Halata ba masyado?"

"Delikado 'yan! Mukhang hindi pa 'yan nakaka-move on sa ex."

"Sino ba 'yung ex?" kunot-noo niyang tanong, hindi pa rin inaalis ang atensyon sa magandang wedding singer.

"'Yung kinasal."

"Si Karen? Pinsan ko?"

Please say "no", Universe.

"Hindi! Si Dana."

Bigla namang gumaan ang pakiramdam niya, parang nabunutan ng tinik sa dibdib.

"Matagal na sina Dana at Karen, a? Siguro naman naka-move on na."

Hindi naman siguro tanga si Arj para pumunta sa kasal ng ex at maging wedding singer kung hindi pa nakaka-move on, sa isip-isip ni Leanne.

"Kung naka-move on na, bakit nakitang umiiyak sa CR kanina after niyang kumanta?" sagot naman ni Dimples. Sobrang chismosa talaga niya, parang lahat alam. Walking CCTV!

"Tears of joy, I guess? Let's give her the benefit of the doubt."

"Bahala ka! D'yan ka na nga!" saad nito at umalis na para ipagpatuloy ang pag aasikaso sa mga pagkain.

"Ma'am, okay na po ba 'tong chopsuey? Request daw po kasi ng table seven na damihan po ang servings ng seafood," tawag sa kanya ng isa sa kanilang mga crew.

Bago pa siya sumagot, napansin niyang sa table 7 ang pwesto ni Arj. Kung sinuswerte ka nga naman talaga, oh! At last, magkakaroon na rin siya ng interaction with her!

"Ako na magse-serve sa kanila," sagot niya at kinuha ang tray sa kanyang kasama.

Habang papalapit siya sa pwesto ni Arj, hindi niya maiwasang hindi kabahan.

Ang lala! Parang bumalik ulit siya sa pagiging high school student at first time gagawa ng move sa taong gusto niya.

"Hello, excuse me. Ito na po 'yung request niyong additional sea food for chopsuey," bati niya sabay ngiti sa mga tao sa table. Ngunit hindi man tumingin sa direksyon niya si Arj dahil abala ito sa cell phone niya. "Enjoy!" pahabol niya pa, nagbabakasakali na lumingon man ito kahit saglit. Ngunit wala. Palpak.

Bumalik na lamang siya sa kanyang trabaho. Marami pa kasing kailangan asikasuhin sa kitchen. Marami rin kasi ang mga guest kaya naman lahat ay abala. Gusto niya rin maging hands-on, she wants the best for her customers. Ngunit, habang siya ay abala sa pag-aasikaso, biglang nagkaroon ng pagkakagulo sa reception area. Mayroon daw inatake ng allergy!

"Leanne! Si Arj!" tawag sa kanya ni Dimples.

Bigla naman siyang nakaramdam ng taranta. "Bakit? Ano nangyari?"

"Inatake ng allergies! Hindi makahinga!"

Part 3: Leanne & Arj

Hindi sigurado si Arj kung bakit hanggang ngayon ay nasasaktan pa rin siyang makita ang dati niyang nobya, si Dana. She knows to herself na naka-move on na siya. Actually, she's the reason why they broke up, because she's still not ready to commit. To take a big step — ang magpakasal. Pero ang sakit pala talaga sa ego kapag nakita mong the woman who used to love and cherish you is now happy with someone else. Ang sakit! Na 'yung dinecline mong offer before, may taong ibang tumanggap n'on at ngayon ay masaya na sila.

She is indeed selfish for feeling this. Dapat masaya siya. Pero ang hirap kasi nababalot siya ng inggit. That should be her! But she knows she's still clueless on what she wants. She's still trying to figure out her life. Kaya kahit wala na siyang nararamdaman para sa kanyang ex, naapektuhan pa rin siya.

Well, to be fair, hindi niya naman ine-expect na masasaktan siya. Kaya nga tinanggap niya ang offer na maging wedding singer dahil okay na sila ng ex niya.

Kaso pakshet! Iba pa rin pala talaga 'yung sampal ng katotohanan, kapag pina-realize sa'yo ng mundo na hindi ka pa rin pala masaya.

Totoong sinumpa talaga siya, because she feels miserable kahit na successful na siya. Hindi naman siya kayang alagaan at yakapin ng sweldo niya. Kaya ngayon, mukha siyang pathetic ex-girlfriend. Ramdam niyang pinagtitinginan at pinag-uusapan na siya ng ibang mga nakakita sa kanya sa CR.

Pagkatapos ng nangyari, wala na siyang ibang ginawa kundi mag-cell phone. Hindi niya rin masyadong kinakausap ang mga kasama niyang college batchmates sa kanilang table dahil maiinggit na naman siya sa mga ito. Lahat kasi ay taken na. Siya na lang talaga ang single.

Tamang scroll, scroll lang siya para kunwari ay may kausap siya sa cell phone. Kunwari busy. Ganito ata talaga ang purpose ng cell phone kapag nasa awkward situation ka na ng social gatherings. Magpanggap na may ka-chat!

Kakain na ulit sana siya nang mapansin niyang may seafood ang sinerve sa kanyang ulam. Kaya naman tumawag pa siya ng waiter para palitan ang pagkain niya.

"Sorry, ma'am, 'di ko po masyadong narinig. Additional seafoods po ba katulad ng request from table seventeen?" Medyo malakas kasi ang tumutugtog na banda.

"No. Tanggalin 'yung seafoods or serve me a new dish. 'Yung gulay na walang kahit na anong seafood. Allergic kasi ako," pag-uulit niya at ngumiti.

Pagkatapos noon ay bumalik na siya ulit sa pagse-cell phone. Nawala naman agad siya sa moment ng bigla siyang tinawag ng katabi niya sa table, at may pinabasa sa kanyang screenshots of group chat conversation from her other batchmates na invited din sa kasal. And to her surprise, siya ang topic!

Den:

Saw her @ the restroom earlier, umiiyak

Pia:

Aw poor her, di pa rin pala nakaka-move on

Claris:

Nkklk! Sayang wala ako dyan HAHAHAH

Liz:

Me too! Busy kasi ako sa anak ko

Claris:

HAHAHA samantalang sya di pa rin pala nakaka-move on LOL!

Den:

SAYANG TALAGA WALA KAYO!!

And the list goes on... Edi, sige! Sila na ang may asawa, may anak! Sila na ang masaya! She's really mad after reading all the screenshots. Huwag lang sana mangungutang sa kanya ang mga batchmate niyang mga iyon kapag nagkagipitan!

"Are you okay?" bobong tanong ng katabi niyang si Lena. Sino ba ang magiging okay pagkatapos basahin ang gano'ng klase ng conversation?!

She just dismissed the question and got the bowl of her requested food. Tuloy lang nang tuloy ang pagsubo niya ng pagkain. Ang sarap talaga kumain kapag stress!

Hindi niya pinapansin ang tawag sa kanya ng mga katabi niya. Hindi niya naman kasi kailangan ng comfort nila. For sure, baka pinagtatawanan din siya ng mga ito.

Huminto na lamang siya nang bigla siyang naubo. Parang biglang may bumara sa lalamunan niya, at unti-unti nang sumikip ang dibdib niya!

She can't breathe!

And the next thing she knew, sinusugod na siya sa ospital.

Hindi maalis ang tingin ni Leanne kay Arj. Walang kupas kasi ang ganda nito. Parang habang tumatagal, mas lalo pa itong gumaganda at hindi nakakasawang tignan ang kanyang mukha.

Siya kasi ang nag presentang sumama sa pagsugod kay Arj sa ospital. Malaking misunderstanding kasi ang nangyari, dahil nagkaroon ng pagkalito ang waiter sa request ng table 7 at 17. Nagkapalit ng tray na inabot.

Inako naman nila ang kanilang kasalanan, ngunit para kay Arj, may kamalian din sa kanyang parte. Isang malaking aksidente lang ito.

"I am really sorry. Huwag kang mag-alala, buhay naman ako at walang demandahang magaganap," pagbibiro ni Arj sa kanya. Mas lalo itong gumanda nang makita niya itong tumawa. "Again, sorry and thank you rin sa pagsama..."

"Leanne," pagtutuloy niya. "I'm Leanne."

Tumungo naman ito. "Ayun, thank you, Leanne. Sorry, 'di mo tuloy na-enjoy 'yung buong party," nahihiya niyang sabi.

"That's okay. Ako rin naman kasi nag-encharge sa catering. I need to make sure that you're okay."

"Oh, ikaw pala 'yung..."

"Chef," dagdag niya pa ulit nang makitang nahihirapan ito sa kung ano ang sasabihin. "Pwede ring your future girlfriend, at kung papalarin, future wife mo na rin," she jokingly said, na kinasamid naman ni Arj.

Hindi inaasahan ni Arj ang dinagdag nito. Parang ngayon na lang ulit may sumubok na landiin siya, tapos ganito pa. Hindi niya alam bigla ang sasabihin. Natulala siya.

"I'm sorry, nabigla ka ata."

Ngumiti siya. "Yeah, I'm sorry. Nabigla ako, ang bilis!" sagot niya at tumawa ulit, an awkward laugh.

"Well... I'm just trying if I have a shot. Sabi kasi sa horoscope ko, today is my lucky day," sabi nito sa kanya. Na tinawanan niya naman. May naniniwala pa pala sa gano'n? "Why? Hindi ka naniniwala? Well... yes, I know it sounds weird but I'm the kind of person who believes in horoscopes at maging sa hula," dagdag pa nito nang mapansin ang kanyang reaksyon.

"At ano naman sabi ng hula sa'yo? May isasalba ka raw na babaeng muntik ng mamatay?" pagbibiro niya.

"Well... hindi, pero sabi niya, ang babaeng nakatadhana raw para sa akin ay makikilala ko ngayon. Ang pampitong babae na makikita ko, because seven is my lucky number," pagkukwento niya. "And it happened to be you."

Nabigla siya sa sinabi nito at naramdaman niyang mas lalong uminit ang pakiramdam niya dahil sa kaba. Ito ba epekto ng tinurok sa kanya ng doctor?!

Natawa siyang muli. "Hindi kita pinagtatawanan, ha? Pero natatawa ako sa sitwasyon natin. Ikaw, naniniwala ka sa hula, samantalang ako naman naniniwala sa sumpa. Ang lala 'di ba?"

Kumunot din ang noo nito sa kanyang sinabi. "Sumpa? Ha? Bakit?"

"Ayun ang sabi e, sinumpa raw kami. Buong angkan namin na walang liligaya sa amin."

"So... do you wanna figure out kung tama ba ang hula sa akin? O kung totoo ba ang sumpa sa'yo?" tanong nito sa kanya habang nakatingin nang diretso sa kanyang mga mata. "Ang daming hindi pa rin mapaliwanag dito sa mundo. If talaga ngang may sumpa, we will just cross the bridge when we get there."

"What do you mean?"

"Let's try not to spoil the fun. Kung totoo man ang hula that we are destined, that's great. Pareho tayong sasaya."

"Pero kung tama ang sumpa?" pagpuputol niya.

"Then, we can be both miserable together. At the end of the day, hindi naman laging masaya. Let's try, and see what will happen next," sagot nito sa kanya. "So... are you willing to give me a chance?"

And after that, she knew that this girl is really something.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top