Chapter V

Him

Bumuntong-hininga ako nang mapagtantong talagang nakatulog nga si Aurora sa upuan. Kahit na halatang 'di siya komportable ay nagawa niya pa ring makatulog.

Anong gagawin ko sa babaeng ito?

Pinagmasdan ko ang nakaawang niyang labi at ang pantay niyang paghinga. Kahit na wala sa ayos, magulo ang buhok at hindi maayos ang hitsura, hindi ko mapagkakailang maganda pa rin siya.

Tangina, ba't ba kasi ang ganda-ganda mo?

Napailing ako sa sariling naisip. Nakakainis, ang ganda-ganda kasi! Gusto kong magsungit pero pakiramdam ko magigiba ang pader na ginagawa ko sa pagitan namin. Noong umiyak siya kanina na hindi ko alam kung ano ang dahilan, lahat na ata ng mura ay nasabi ko sa isipin ko. Isinumpa ko sa lahat ng mangkukulan na kilala ko. Kasalanan ito ng gago! Dahil kay Ray, umiyak ang Aurora ko!

Aurora ko? Hindi siya sa 'yo, Felix!

Pake ko ba? Isipan ko 'to, akin siya sa isipan ko!

Bumuntong-hininga ako at kinuha ang cellphone sa bulsa ko. Kaagad kong tinawagan si Ray dahil kahit na isinusumpa ko soya, sa kaniya ako nanghihingi ng advise.

"Oh, pre! Kamusta iyong kaibi—"

"Anong gagawin ko! Nakatulog siya sa upuan." Putol ko sa gago.

"Nakatulog nanaman? Eh 'di buhatin mo!"

"Sa'n ko dadalhin? Baka ma turn-off sa akin kapag dinala ko sa kwarto niya!"

"Chill! Ba't naman matu-turn off, eh ang ganda ng kata—"

"Gago ka, bata pa kami! 'Tsaka ano? Aantayin ko ba siyang magising? Mukhang sasakit iyong likod niya! Dadala ba ako ng extra unan? Kaso isa lang ang unan ko! Iyong unan naman ng lola ko mabaho kasi amoy panis na laway niya! May unan ka ba? Dal—"

"Kalma, pre. Breathe in," Huminga ako ng malalim. "Breathe out." Kinalma ko ang sarili.

"Ano na?" Tanong ko.

"Anong ano na? Antayin mo nalang magising!"

"Eh parang nahihirapan siya!"

"Bakit ba kasi natulog 'yan?"

"Sinabihan ko kasing umuwi na sa kanila! Ayun nagpanggap na inaatok pero talagang nakatulog!" Napailing ako sa ginawa ni Aurora. Alam ko kung kailan siya nagpapanggao na tulog at ngayon, alam kong hindi siya nagpapanggap.

"Ba't mo naman kasi tinaboy?" Asar niya kaya sininghalan ko siya.

"Ayaw ko nga siyang kasama!"

"Ayaw mong kasama pero crush mo?"

Sumulyap ako kay Aurora na hanggang ngayon ay tulog. "Nahihiya ako." Mahinahon kong bulong.

"Ha? Pre? Hindi kita marinig. Pakiulit nga?"

I sighed. "Tangina mo."

"Napakatorpe! Ang gwapo-gwapo po tapos napakatorpe mo? Hindi ka lalake kung gano'n!"

"Pakealam mo ba?!" Iritado kong sigaw.

"Syempre kaibigan mo ako kaya may pake ako sa 'yo! Mukhang gusti ka naman niya kaya gumawa ka na ng moves, pre! Mag first move ka na!"

Tumikhim ako. "Crush ko siya pero hindi ko inasam na maging akin siya."

"Ha? Bakit naman?"

Hindi pwede.

"Basta. Ayaw ko ring makita ang pagmumukha niya."

"Ang gulo mo! Gusto mo siya pero ayaw mong nakikita ang pagmumukha niya? Pre, pa-check-up ka na!"

"May naalala lang ako." Napatingin ako muli sa magandang babaeng mahimbing ang tulog ngayon. Kahit na gusto kong pagmasdan ang mukha niya, hindi ko magawang titigan siya ng matagal dahil may naalala akong hindi kaaya-aya.

"Anong naalala mo? Iyong mga panahong palagi mo siyang tinititigan sa malayo sa tuwing dumadaan siya sa sakahan? O iyong mga panahong tinitingnan mo 'yung picture niya—" Pinutol ko na ang linya dahil wala naman akong mapapala sa gago.

Natulala ako sa babaeng mahimbing ang tulog ngayon. Hindi ko alam kung anong gagawin ko sa kaniya. Mukha siyang nahihirapan pero ang sarap pa rin ng tulog.

Shet, ang ganda. Pucha.

Napahilamos ako sa sariling palad at hindi mapakaling naglakad ng paikot-ikot para makapag-isip. Anong gagawin ko?! Bubuhatin ko ba siya? Paano kung makasalubong ko si Señor? Baka magalit iyon sa akin! Paano kung makita ko iyong nanay ko? Ayaw ko siyang makita!

Napatalon ako nang biglaang gumalaw ang babae. Huminto ako sa paglalakad ay tiningnan siyang unti-unting idinidilat ang mga mata. Kumalabog ang puso ko pero nagpanggap akong walang pakealam.

Sabi ni Ray, gusto ng mga babae iyong walang pakealam sa kanila. Nonchalant kung i-eengles daw iyon. Syempre, kailangan kong magpanggap na nonchalant kahit na mamatay na itong puso ko sa bilis ng tibok nito.

Humikab siya. Napamura ako. Tangina kahit paghikab niya napapatalon ang puso ko!

She groaned. "Sakit ng leeg ko." Mahina at mahinhin niyang reklamo sa sarili nang tumayo sa pagkakahiga.

Tahimik kong pinagalitan ang sarili. Sabi sa 'yo, buhatin mo eh! Kasalanan mo 'to, Felix!

"Sinabi ko naman sa 'yong doon ka sa kwarto mo matulog." Malamig kong sabi.

Napaawang ang labi niya nang mag-angat ng tingin sa akin. Napamura ulit ako sa isipan at nag-iwas ng tingin. Lumalakas nanaman ang tibok ng puso ko, pakiramdam ko mamatay na ako! Bakit ba kasi nakakamatay ang ganda niya?!

"So—"

"Umuwi ka na sa inyo." Putol ko sa kaniya dahil ayaw kong marinig pa ulit iyong paumanhin niya.

"Pero gusto pa kitang kasama." She pouted.

Tangina. Tangina. Tangina.

Tinalikuran ko siya dahil pucha, hindi ko napigilan ang ngiti ko. Kinikilig ako, tangina. Pasimple kong hinawakan ang puso kong ang bilis ng takbo dahil sa sinabi niya. Kailangan ko ng oxygen! Mamatay na ata ako nito sa kilig!

"Sorry! Sige, uuwi na ako!" Natataranta niyang sabi.

Nilinis ko ang lalamunan. Kalma ka lang, heart. Kalma lang. Kaya mo 'to. Kaya mong harapin ang pagsubok na ito!

Malamig ang matang hinarap ko si Aurora. Malaki ang mata niya at halatang nagpapanic dahil sa lamig ng tingin ko sa kaniya.

Tanggihan mo na siya, Felix!

"Maputik ang pupuntahan ko, miss Briana." Hindi ko magawang sabihing ayaw ko siyang sumama dahil sa kaloob-looban ko, gusto ko siyang kasama.

"Ayos lang!" She beamed.

Napamura ako sa isipan. "Mapuputikan iyang kuko mo." Pagdadahilan ko.

"Ayos pa rin! Pwede namang maghugas ng paa!" Masaya niyang sabi.

"Mahirap maalis ang putik sa kuko kapag pumasok."

"Eh 'di magna-nail cutter ako!"

I sighed. Bubuhatin nalang kita.

Kinuha ko na ang pisi ng kalabaw at hinila ito. Sumunod naman si Kai sa akin. Iikutin ko muna ang sakahan para naman ma-enjoy ni Aurora ang tanawin tutal at mamaya pa naman magpapadiliver ng bigas si Manang Chery.

Natutuwa ako sa tuwing naririnig ko ang namamanghao singhap ni Aurora sa likod ko. Kahit na hindi ko nakikita ang hitsura niya ay alam kong na-eenjoy niya ang panonood sa tanawin.

Pero dahil hapon na nga ay tirik na tirik na ang araw. Pinagpapawisan na ako at tumutulo na ang pawis ko. Tumigil muna ako saglit at hinubad pataas sa noo ang damit dahil sa pawis. Isinampay ko ito sa likod ni Kai at ginulo ang pawis na buhok. Pakiramdam ko ang asim ko na kahit na wala naman akong naamoy sa sarili kong katawan.

Pero nagulat ako nang marinig ang mahinang singhap ni Aurora sa likod ko. Nakakunot ang noo ko siyang nilingon kaya nahuli ko siyang nakaawang ang labi habang nakatingin sa pawis kong katawan. Napalunok ako at kinagat ang pang-ibabang labi upang mapigilan ang ngisi.

Hindi pala ako mukhang maasim?

Pinigilan ko ang ngiti ko nang nilinis ko ang lalamunan. Kaagad na napailing ito at namumulang nag-iwas ng tingin. Hindi ko mapigilang pagmasdan ang naiilang niyang mukha. Gusto kong pisilin ang pisngi at asarin kaso hindi naman kami close kaya iniiwas ko lang ang mata at nagpatuloy sa paghila sa pisi ni Kai.

Ilang oras lang naging payapa ang paglalakad namin hanggang sa napagtanto kong oras na pala para ihatid kay Manang Chery ang bigas. Tumigil ako sa paglalakad at nilingon si Aurora na kanina pa pala nakamasid sa likod ko. Ngumuso siya at ngumiti sa akin, napatalon tuloy ang puso ko!

"Maliligo muna ako. Idedeliver ko na ang bigas kila Manang Chery. Kung gusto mong umuwi, umuwi ka na." Masungit kong sabi sabay tali sa pisi ni Kai.

Mabagal lang ang paglakad ko nang iniwan ko siya pero nang makalayo na ako kung nasaan si Aurora ay dali-dali kong tinakbo ang distansya ng kubo namin para makaligo na ako kaagad at makapagbihis. Ayaw kong pinag-aantay ng matagal si Aurora, baka iwan niya ako!

"Uy! Kalma lang apo! Ba't ka ba nagmamadali? Wala namang sinabing oras si Manang Chery." Puna ng lola ko.

"Ayos lang lola, ayaw kong pinag-aantay si Manang Chery." Pagdadahilan ko.

Kahit na mabilis ang pagligo ko ay sinigurado kong malinis ang katawan ko. Pagkatapos maligo ay kinuha ko sa kabinet ang pinakamaayos na dami na mayroon ako. Simpleng black t-shirt lang naman iyon pero iyin ang pinakamaayos kumpara sa mga iba kong damit na kung hindi puno ng butas ay gusot-gusot naman. Kinuha ko rin ang jeans na simple lang.

"Oh, may date ka ba, apo?"

"Wala naman, lola." Tanggi ko sabay tingin sa salamin. Kinuha ko ang suklay at sinuklay ng maayos ang buhok.

Tumawa si Lola. "Oh, parang may date na nga ang apo ko. Ba't ka ba nag-aayos eh kila Manang Chery ka lang naman pupunta?"

"Hindi ako nag-aayos, lola." Kinuha ko ang blue juicy cologne na nasa bintana at nilagyan ang damit ko.

"Binata na talaga ang apo ko." Asar ni Lola.

Sinubukan kong ngumiti sa salamin kaya kita ko ang lalim ng biloy ko sa pisngi. Ito ang paboritong pagmasdan ni Aurora kaya sinasadya kong huwag ngumiti dahil kung ngingiti man ako, mababaling doon ang atensyon niya. Hindi sa akin. Hindi ko alam kung anong topak ang meron ako at pinagseselosan ko ang sarili kong biloy pero mas gusto ko kasing sa mata ko siya nakatingin at hindi sa biloy ko.

Pakiramdam ko kasi itong biloy ko lang ang habol niya sa akin. Kung wala ako nito, sigurado akong hindi niya ako papansinin.

"La, alis na ako." Hinalikan ko sa pisngi si Lola.

"Enjoy mo date mo, apo."

"Hindi nga date lola." Kinindatan ko siya bago nagmamadaling tinakbo ang distansya ng bahay naman kung nasaan ko iniwan si Aurora.

Syempre tumigil ako sa pagtakbo nang makita ko na kung nasaan si Aurora. Kinalma ko muna ang sarili ko bago ako nagsimulang maglakad dahil alam kong makikita niya na ako. Nilingon ako ni Aurora kaya kinalma ko ang puso kong kumakabog-kabog ng napakalakas. Huminga ako ng malalim at pinilit na kinunot ang noo nang ningitian niya ako. Humihimlay na ang buong sistema ko sa ngiti niya pero ayaw kong ipahalata.

Kalma ka lang, heart. Kalmahan mo ang tibok mo, mahihinatay ako sa 'yo kung kikiligin ka diyan!

"Hi!" Tumayo na si Aurora sa pagkakaupo at dahan-dahang lumapit sa akin.

Napalunok ako pero pinanatili ko ang masungit na mukha. Kalma ka lang, puso ko! Kalmahan mo lang!

"Dapat umuwi ka na." Nagsusungit kong sabi.

"Inaantay kita." Nakangiting aniya.

Pucha. Himlay malala.

"Tsk. 'Wag mo akong sisihin kapag nadumihan 'yang kuko mo." Sabi ko kaya napanguso siya pero unti-unting tumango.

Umirap ako at tinalikuran siya para makapaglakad na papunta sa truck ko. Nang tuluyan ko na siyang natalikuran ay pinakawalan ko na ang pigil-hininga kong ngiti. Sobrang laki ng ngiti ko nang mauna akong maglakad. Sinadya ko talagang lakihan ang hakbang ko para hindi niya ako mahabol at mahuli ang ngiti kong hindi ko na mapigilan sa sobrang saya ng puso.

Nang tumigil kami sa truck ko ay binuksan ko ang passenger's seat kung saan siya uupo at umikot na papunta sa driver's seat. Nakita kong natigilan siya roon at napaawang ang labi. Nanlaki ang mata niya at kita ko ang pagkamangha sa maliit niyang mga balintataw. Alam ko na ang mangyayari kaya dali-dali akong lumapit sa kaniya bago pa siya tuluyang mahulog. Hinawakan ko ang baywang niya at sinalo siya. Saglit lang naman ang pagkakawala ng lakas ng katawan niya dahil kaagad niyang idinilat ang mata at nahihiyang tumingin sa akin.

"Sorry, na-excite." Nahihiya niyang sabi na tinanguan ko lang.

Sobrang liit niya sa bisig ko pero tamang-tama sa akin. Dahan-dahan ko siyang inilalayan papasok sa upuan. Tahimik naman siyang umupo sa upuan bago ko sinara ang pintuan ng passenger's seat.

Umikot na ako papunta sa driver's seat at pumasok na. Pasimple kong sinulyapan si Aurora na nakatingin na ulit sa akin. Lumundag ang puso ko kaya mabilis kong iniiwas ang pinto bago pinaandar ang sasakyan.

Mabilis lang naman ang biyahe papunta sa bahay nila Manang Chery. Tumigil ako sa labas ng kalsada dahil papasok pa ang bahay nila. Lubak-lubak din ang daanan at maputik kaya napatingin ako kay Aurora ngunit laking gulat— hindi na pala dapat ako magulat na nadatnan ko siyang natutulog.

Walang binatana ang sasakyan ko kaya nakakapasok ang malamig na panghapong hangin sa loob ng sasakyan. Iniihip nito ang buhok ni Aurora kaya mabilis kong hinuli ito bago pa ito makadistorbo sa kaniya. Iniayos ko ang hibla ng kaniyang buhok sa likod ng tainga niya.

Napakaganda.

Nakaawang ang kulay rosas na mga labi. Mahaba ang pilik-mata at maamo ang mukha. Mukha siyang anghel na naligaw sa mundo ng mga tao. Manipis din ang balat niya kaya matatakot kang hawakan siya dahil pakiramdam mo madudumihan ang porselana at perpekto niyang balat.

Magkaibang-magkaiba kami. Dahil kung siya ay mukhang anghel, ako naman ay mukhang demonyo.

Biro lang. Ang guwapo ko kaya!

Napangiti ako habang pinagmamasdan siya na natutulog ng mahimbing sa kotse ko.

Nawala ang ngiti ko nang maalala ang dahilan kung bakit ayaw kong makita ang pagmumukha niya. Nag-iwas ako ng tingin at ipinikit ang mata para pakalmahin ang memorya. Nang makalma ang sarili ay lumabas na ako sa sasakyan para maalis sa isipan ang bangungot na hanggang ngayon ay hinihila ako sa tuwing pinagmamasdan ko siya.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top