Chapter IV
Her
Mag-isa akong naglakad pabalik sa mansyon dahil ginalit ko yata si Felix. Gabi na at tanaw na tanaw ko ang ilaw ng buwan mula sa ibabaw. As I walk to the dark, muddy ground, I suddenly heard something.
I stopped and my heart beat escalated real quick. Baka may serial killer na sinusundan ako! The sudden rush of adrenaline made my feet wobbly, feeling the muscles of my feet numb. Kaagad akong lumingon sa likod ko nang biglaan dahilan para mapatalon siya sa gulat.
"Oh!" I released a sigh of relief when I met Jay's eyes. The little boy was innocently following me behind, how sweet of him.
He looked at me coldly. "Delikado." Bitin niyang sabi.
Buti pa siya! 'Yung kuya-kuyahan niya hindi man lang ako hinatid!
I smiled at him. "Thanks, baby boy!"
That night, I smiled myself to sleep. Masaya ako dahil at least I'm slowly starting to form a friendship with Felip!
Kaya kinabukasan— tanghaling tapat nang magising ako ay kaagad kong pinuntahan si Felip sa sakahan. I was so excited that I almost had a sleep attack, thankfully I didn't. I just yawned and continued walking until I reached his usual spot. Nagulat nalang ako nang makitang may kung anong nakasabit na sa likod ng kalabaw. It looks like a kariton? It has two wheels from behind and a hand-made wooden chair. Hindi ko alam kung para saan iyon.
"Hi!" I greeted him.
He didn't flinch when he heard my voice. He merely glanced my way and then went back to patting his pet— Kai. Bakit kaya niya hinihimas ang ulo nito? The carabao was peacefully eating its food habang siya ay nakatayo lang sa harap ng kalabaw na parang may inaantay.
"Ano 'yang nasa likod ni Kai?" I slowly approached him, my white sandals sinking on the muddy ground.
"Anong ginawa mo rito, miss Briana?" Malamig ang tono niyang tanong, hindi man lang ako binabalingan.
I thought we were friends! Dahil lang sa katol, nagalit na siya? Sige na nga! I'll try to be familiar sa smell ng katol! I think I can do it naman.
"Uhm... sorry..." I lowered my head and shook my head.
Familiarize the smell of katol, Rori!
He sighed loud. "Bakit ka nagso-sorry?"
"Kasi... kasi hindi ko nagustuhan 'yung katol mo." Mahina at nahihiya kong saad.
Another sigh. "Kailangan mong tigilan iyang nakakasanayan mo, miss Briana."
Nag-angat ako ng tingin sa kaniya, nalilito. "Na?"
Finally! He was looking at me! Though, his eyes were cold, still, at least I had his eyes!
"Huwag kang humihingi ng tawad sa hindi mo kasalanan."
"Huh?" I don't get it!
"Ayaw mo ng amoy ng katol, hindi mo 'yon kasalanan. Sadyang ganyan ka lang talaga. Kaya huwag kang humingi ng tawad dahil lang do'n." Mahinahon niyang sabi kaya napanguso ako.
"Okay... so bati na tayo?" Ngiti ko sa kaniya na hindi niya sinagot. Kaagad niyang iniiwas ang mata at tinalikuran ako!
He cleared his throat. "Umalis ka na, miss Briana."
"But I came here for you! What are you doing with Kai?"
"Gumawa lang ako ng gulong na kariton para makasakay si... Jay. Gusto niyang sumakay sa kalabaw." Nag-iwas siya ng tingin at bumaling ulit sa kalabaw.
"Wow! Pwede pala makasakay? Can I ride?" I excitedly asked.
Hindi siya nagsalita, instead, his brows shoot up. Napanguso ako nang mapagtantong ayaw niya ata—
"Sige na nga para 'di mo ako guluhin." Masungit niyang sabi kaya napapalakpak ako. The sudden rush of excitement triggered my muscles that I knew my body would temporarily collapse. It was like someon switched my system off due to extreme emotion. Akala ko babagsak ako sa putikan pero may bisig ang sumalo sa akin.
"Putangina!"
Ilang segundo lang naman iyon dahil kaagad na nag switch on ang sistema sa katawan ko. Napabaling ako sa katabi kong si Felix na nakahawak na ngayon sa baywang ko. I smiled shyly at him.
"It's normal." I said nonchalantly and he glared at me. I pouted. "So—"
"Sakay na." Inalalayan niya ako sa carabao kart na ginawa niya. Oh! Now I realize something. Ito pala iyong minamaniubra niya kagabi!
"Thanks." I said and then sat on the wooden chair. Masakit sa pwet pero I can handle it naman.
Hindi pa gumalaw si Felix kaya taka ko siyang nilingon. Nakapamaywang siya habang pinagmamasdan ako. Kunot ang noo at halatang may iniisip.
"Bakit?" Taka kong tanong.
"Mag-antay ka." Aniya at tinalikuran ako. Taka kong pinagmasdan ang likuran niyang naglalakad palayo sa akin.
Bakit kaya?
Kasabay ng pagkawala ng likod niya nang mawala siya a paningin ko ay ang pagkita ko kay Jay na may lollipop pa rin sa bibig. He approached me with his auto-grim expression. I smiled at him.
"Hi, baby bo—"
"Jay. Jay ang itawag mo sa akin." Masungit niyang sabi kaya naoasimangot ako.
"Hi, Jay! Gusto mo rin palang makasakay sa kalabaw?" Nakangiti kong sabi.
Kumunot ang noo niya. "Hindi ko gustong sumakay sa kalabaw." Seryoso niyang sabi kaya napaawang ang labi ko.
Bakit sinabi ni Felix? Did he just lie? Why?
"Ayh! So hindi ka sasakay?"
Nagtaas siya ng kilay. "Ginawa ni Felip?" Tanong niya na parang 'di niya kuya si Felix!
"Oo, sabi niya ginawa niya raw para sa 'yo 'to." Nalilito kong sabi.
Napailing siya. "Ginamit nanaman ako." Then he shrugged and hopped on the seat beside me. Napausog ako dahil tumabi ang bata sa akin.
"Ten years old ka 'di ba? Fifteen ako." Kwento ko dahil wala akong ibang makwento sa bata.
"Alam ko." Aniya at kinuha ang telepono para maglaro ng kung anong online game.
"Nag-aaral ka ba? Ako kasi himeschooled." Pagpapatuloy ko kahit halata namang 'di interisado sa akin ang bata.
"Alam ko."
I sighed. Ang dami niyang alam sa akin ah! Ang galing-galing ng batang ito!
Magtatanong pa sana ako nang makita ko ang anino ni Felix. He was approaching us with a scowl but then he frown when he saw Jay beside me. Bumaba ang tingin ko sa bitbit niyang malambot na unan. I pouted to stifle my smile.
"Kunin mo. Ayaw kong masisi kung malaman ni Señor na nahulog sa putikan ang anak niya dahil nakatulog." Masungit na sabi ni Felix nang inialok sa akin ang unan.
Eh hindi naman ako mahuhulog kasi may nakaharang. Kung makakatulog man ako ay babagsak lang ang ulo ko sa ere pero dahil may unan na inilagay ni Felix sa likuran ko ay pakiramdam ko mas komportable ako nito.
"Thank you!" I beamed at him.
"Tsk." Inirapan niya ako at tinalikuran.
Akala ko sasakay siya sa kalabaw at gagawin itong parang kabayo pero nagulat ako nang maglakad siya at hinila ang kalabaw. Kai the carabao walked at a steady pace but I was in fascination as the cart moved. It might be slow but I just love every second of it! I like the steady and slow pace!
"Ang galing-galing!" I said giddily.
Nanatiling nakatalikod sa amin si Felix habang tinutulak niya ang kalabaw. I watched his back and admired him even more. I'm so close to being his friend, I can feel it!
"Hoy, Felip! Ngiti-ngiti mo diyan? Magde-deliver ka pa ng bigas kila Manang Chery!" Biglaang may lalakeng lumapit sa amin kaya natigil siya sa paglalakad. "Oh ano? Ba't ang sama—" Pansamantalang sumulyap sa amin ang lalake pagkatapos ay ibinalik kay Felix ang atensyon ngunit kaagad na ibinalik sa akin ulit ang tingin sabay tingin kay Felix. Nagpapalit-palit ang tingin niya bago natauhan at mukhang may napagtanto.
"Tsk. Mamaya pa 'yong bigas." Iritadong sabi ni Felix sa kaibigan.
Ngingisi-ngisi naman ang kaibigan na napatingin sa akin. "Ikaw pala iyong cru— pucha naman, pre?!" He glared at Felix but then he smirked. "Hi, Aurora! Aurora ka 'di ba?" Tanong ng lalake na tinanguan ko.
"Hi! You can call me Rori!" Friendly kong sabi.
Tumango ang lalake, hanggang ngayon ay may mapang-asar na ngiti sa labi. "Rori! Close ka na pala ngayon sa kaibigan ko? I'm Ray! Kapatid ko 'yang pasaway na bata sa tabi mo." Pagpapakilala niya.
"Ay, hindi pa! Pero soon! Gusto kong makihati sa 'yo!" I said happily.
Kumunog ang noo ng lalake. "Makihati?"
Tumango ako. "Gusto ko share tayo ng kaibigan." Ngiti ko sabay senyas kay Felix.
Umawang ang bibig ng lalake. He looked at me as if what I said fascinated him. I thought his silence would extend... however, he suddenly laughed! He laughed so loud that he held his tummy. There was something about his laugh, as if he was teasing someone. Parang nang-aasar kaya iritado siyang binatukan ni Felix. I gasped. Tumigil si Felix at nakakunot ang noong nilingon ang gulat kong mata. Nag-iwas siya ng tingin at nilinis ang lalamunan.
"Hanep, pre. Kaibigan! Gusto ka niyang maging kaibig—"
"Jay! Palayasin mo na nga 'yang kuya mo!" Iritado niyang utos sa bata.
"Ayaw ko nga." Nanatiling nakaupo si Jay sa tabi ko.
"Kaibigan ka pala— pucha!" Napangiwi siya at napatalon sabay hagod sa paa niya. Tinapakan ata siya ni Felix sa paa. Nalilito ko silang pinagmasdan.
"Ayaw kong maging kaibigan 'yan!" Iritado niyang sabi sa lalake kaya nanlaki ang mata ko.
Ayaw niya akong maging kaibigan? Is it because of my condition? Kasi masyado akong hassle kapag kasama?
Napalunok ako at ibinaba ang tingin sa kamay ko. Iniisip ko kung gano'n din ba ang nararamdaman sa akin ni Lay?
"Putangina mo. Umalis ka na nga! Kasalanan mo 'to, putangina mo ka!" Pabulong iyon pero rinig na rinig ko ang mura ni Felix.
"Okay! Okay!" Natatawa pa rin ang lalake. "Jay, halika na! Isa, kukunin ko 'yang cellphone mo kapag 'di ka sumama!" Banta niya sa nakakabatang kapatid.
Jay groaned. "Fine!"
Nawala ang malakas na tawa ni Ray at ang reklamo ni Jay, senyas na nakalayo na ang dalawa. Great. Naiwan ako sa taong ayaw akong maging kaibigan! Dapat na ba akong umalis? I think I should, it looked like he hated to be my friend.
"Ano? Iiyak ka?" Mahinahon niyang tanong kaya pakiramdam ko may bumara sa lalamunan ko.
Umiling ako. "Hindi..." Gumaralgal ang boses ko.
"Ano?"
"H-Hindi ako naiiyak—" Pumiyok ng kaunti ang boses ko kaya napapikit ako at kinalma ang sarili.
"Tsk. Ba't ka umiiyak? May umaaway ba sa 'yo? Wala naman." Nanatiling malamig ang boses niya pero naramdaman ko ang presensya niya sa tabi ko. Tumabi na pala siya sa akin kung saan nakaupo si Jay kanina.
"W-Wala nga." Nanatili ang mata ko sa kamay ko.
"Oh, ba't tumutulo 'yang luha mo?" Seryoso niyang tanong kasabay ng pagtulo ng luha ko sa kamay kong tinititigan ko.
"H-Hindi ko 'yan luha." Tanggi ko kahit halata naman.
"Ano iyan kung gano'n? Sip-on mo?"
Umiling ako bilang sagot dahil hindi ko na makontrol ang panginginig ng labi ko. I bit my lower lip and tried to control my tears but they kept on falling the more he talk!
"Tsk. Umiiyak ka nga." Puna niya nang patuloy sa pagpatak ang luha ko.
I can't help that I'm really sensitive. Well that's because I'm insecure about my condition. It felt like a barrier. A heavy anchor on my back. I feel like I wouldn't be able to sail through my life with this weight put upon me, with this condition that I hate.
"S-Sorry..." Bulong ko.
He sighed. "Bakit?"
"K-Kasi p-pinipilit k-kong maging k-kaibigan mo..." Kahit na nahihirapan akong magsalita dahil sa gustong kumawala na hikbi ay nagawa kong sabihin iyon.
"Ba't kasi kaibigan." Bulong-bulong niya pero narinig ko siya.
"H-Ha?" Nag-angat ako ng tingin sa kaniya pero kaagad niyang iniiwas ang tingin.
"Tsk. Punasan mo 'yang luha mo. Ang panget tingnan." He glared at nothingness.
"So—"
"Humingi ka ng tawad kapag alam mong may ginawa kang mali. May ginawa ka bang mali?" Nilingon niya na ako kaya nagtama na ang tingin namin.
Kahit na malabo ay kita ko ang seryoso sa mata niya habang tinititigan niya ako sa mata. His eyes, they were brown. They were looking at me as if its objective was to drown me in his abyss. And I am, indeed I was drowning. Despite the anchor on my back, I knew without a doubt that I'd drown even if the weight was lifted. And I'm not complaining because I knew I love the way it makes me feel the depth of ocean.
"Sagot."
I flinch. "Wala." Umiling ako, unti-unting nawala ang panlalabo sa mata.
Tumango siya. "Punasan mo na 'yang luha mo at bumalik ka na sa inyo." Tumayo siya at bumaba sa kung nasaan ako. I looked at him with awe.
"Can I—"
"Hindi."
I pouted. "Why are you so... sungit?"
He glared at me. "Balik sa inyo."
An idea formed into my head and I yawn. "Inaantok ako."
Napailing siya. "Kaya bumalik ka na sa inyo."
"Iidlip muna ako." Thank God he gave me a pillow earlier. Kinuha ko iyon at inilagay sa espasyo sa tabi ko.
"Miss Briana." He warned.
"Patulugin mo muna ako. Inaantok na talaga ako." I lied and settled myself on the seat. Kahit na maliit ay nakahiga naman ang kalahati sa katawan ko. I can settle with that.
"Matulog ka sa in—" He sighed when I closed my eyes.
I thought I was lying when I told him I was sleepy but I guess not. My lids felt heavy the more I pretend to sleep and a tug was pulling me into the darkness of unknown. Before I surrender myself to sleep, I heard his whisper.
"Hindi ka pa rin nagbabago. Matigas pa rin ang ulo mo."
And then I completely let the darkness rule over my mind.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top