58


CHAPTER FIFTY-EIGHT


"P*CHA," reklamo ko dahil itong si Ulan, tinuluan ng laway ang unan ko. Inis kong sinipa si Ulan kaya nahulog siya sa kama.

'Yan! Buti nga.

Bumangon na ako sa kama pero bigla akong napaupo sa kama nang maramdaman ko ang panghihina ng puso ko.

Napahawak ako sa dibdib ko at pilit kong inabot ang drawer sa tabi ko. Hinanap ko ang gamot ko at ininom ko 'yon agad-agad. Unti-unting nawala ang kirot sa dibdib ko saka ako tumayo at dumiretso sa banyo para maligo.

Pagkatapos kong maligo,nagbihis na ako ng black dress at ni-ready ko na ang make up kit ko sa mesa ko.

Humarap ako sa salamin at tinitigan ko ang sarili ko. Namumutla ang labi ko, pati na rin ang buong mukha ko. Pumayat din ako.

Sinimulan ko nang tapalan ng make up ang mukha ko. Ang tunay na dahilan kung bakit palagi akong naka-make up ay dahil ayaw kong makita ng lahat na namumutla ako dahil sa heart disease ko.

'Pag wala akong make up, natatakot akong malaman nila ang kalagayan ko. Kahit dito sa dorm, palagi akong naka-make up dahil ayaw kong makita nina Ulan ang namumutlang mukha ko.

Tulog pa sina Ulan at Jessan kaya naman lumabas na akong dormitory. Dumiretso ako sa restaurant ni Kuya at natuwa naman ako nang makita ko sina Dade at Momsie na nakaupo sa isang table.

"Good morning, baby kong Blossom!" bati sa akin ni Dade at sinalubong niya ako ng yakap. Niyakap ko rin si Momsie.

"Kain na tayo. Bago ang dish na ginawa ni Kian," proud nasabi ni Momsie at nakita ko namang napangiti si Kuya dahil sa pagpuri sa kanya ni Momsie.

Umupo ako sa tabi ni Kuya at nagsimula na kaming kumain. Masaya akong nandito sila ngayon. Minsan ko na lang kasisila makasama dahil nandito kami ni Kuya sa Manila.

"Malapit na ang birthday mo, Blossom. Ano'ng gusto mong gawin sa birthday mo?"

"Momsie, hindi ko naman debut kaya okay na 'ko sa simpleng handaan lang. Ayoko na ng magarbo."

"Hmm, okay. Wala ka pa ring boyfriend?"

Natigilan naman ako sa pagnguya ng pagkain ko at napatingin kay Momsie. "Kami na po ulit ni Tulog," kinakabahang sagot ko.

Ang alam ko kasi, masama ang loob nina Momsie kay Tulog dahil sa ginawa ni Tulog sa 'kin noon.

"Yes! Sabi na, magkakabalikan kayo, eh! Wuhoo!" biglangpagdidiwang ni Dade kaya nalaglag ang panga ko.

Napaubo naman si Momsie at hinawakan ang kamay ko. "Kung d'yan ka masaya, sige, susuportahan ka namin," nakangiting sabi sa akin ni Momsie pero tipid na ngiti lang ang naisagot ko dahil muli kong naramdaman ang kirot ng dibdib ko.

Agad kong kinuha ang tubig sa harap ko at ininom 'yon.

"A-Are you okay?" nag-aalalang tanong sa akin ni Momsie.

"Kaya ko pa, Momsie," nakangiting sagot ko at nagpatuloy ako sa pagkain.

"Kuya, tanong ko lang. Bakit galit na galit ka kay Tulog?"

Bored akong tiningnan ni Kuya. "Wala lang."

Hindi ko talaga makakausap nang matino si Kuya kahit kailan.

Nag-vibrate ang phone ko at nakita kong si Wake ang nagtext.

Puwede ka sa Friday? Labas tayo. :)

May pupuntahan ako no'n eh. Despedida ng kaibigan ko sa Grand Hotel.

Hays, isa pa 'tong pinoproblema ko. Ayaw kong manakit ng feelings ng tao. Ayaw kong mang-reject dahil ginawa ko na 'yon noon.

Nalungkot ako nang maalala ko si Asul.

***

NAKUWENTO ko na kina Ulan ang nangyari kaya naman itong si Ulan, instant na nawala ang inis kay Sofia lalo na no'ng magtext sa kanya si Sofia na invited kaming lahat para sa despedida niya.

Sabay-sabay dapat kaming pupunta nina Ulan sa hotel kung saan gaganapin ang despedida ni Sofia kaso may hinayupak na lalaking naghihintay sa akin ngayon.

Agad na bumungad sa 'min ang mga schoolmate namin noong high school kami at ang ibang blockmates nina Tulog at Sofia ngayong college sila.

Natanaw ko si Sofia na kasama si Ziehl at nakangiti siyang lumapit sa amin.

"Akala ko hindi kayo pupunta. Buti nakapunta kayo," nakangiting sabi niya pero parang may hinahanap siya sa likuran ko.

"N-Nasaan sina Rain? H-Hindi ba sila pupunta?" nakangiting tanong sa akin ni Sofia at pilit niyang tinatago ang lungkot saboses niya.

Sasagot na sana ako kaso biglang may dalawang babaeng umakbay kay Sofia. "Asa ka namang hindi kami pupunta. Na-miss mo kami, 'no?" pang-aasar ni Ulan kay Sofia at napangiti siya nang malapad.

Naramdaman ko ang paghawak ni Sleep sa kamay ko kaya napatingin ako sa kanya.

"Problema mo?" nakangusong tanong ko.

"Buti nagkaayos na kayo," nakangiting sabi niya habang pinagmamasdan sina Ulan, Sofia, Ziehl at Jessan. I smiled at him at mas hinigpitan ko ang pagkakahawak sa kamay niya.

Sa kalagitnaan ng party, tinawag ng emcee si Tulog para saisang special number daw.

Na-excite naman agad ako dahil 6years kong hindi narinig maggitara si Sleep. Tumayo si Sleep at nginitian niya ako bago siya pumunta sa stage.

Umupo siya sa isang stool at hinawakan niya angmicrophone. Pero nagtaka ako nang biglang may tumugtog na minus one at nagsimulang kantahin ni Tulog ang These Broken Hands of Mine ni Joe Brooks.

"Take a breath, I close my eyes. I am lost but try to find What it is in this life that gives me strength enough. To fight for something more."

Bakit hindi siya naggigitara? Napalingon ako kina Red at nakita kong malungkot silang nakatitig kay Sleep.

"Well, God knows my feet are aching. And I've got mountains ahead to climb. One way at a time, I'll try to lend these broken hands of mineGive my strength, be my light One way at a time, these walls will fall and fill our empty souls. Give me strength, help me guide these broken hands of mine."

Napatingin ako kay Kuya Rade sa gilid ko. Imbitado rin siya dahil inimbita siya ni Sofia. Nakita kong nag-iwas ng tingin siKuya Rade at hindi niya man lang magawang tingnan si Tulog.

"The sky is grey, it clouds your world. Clear the air, child, break the mould I find a place in your heart. To build a shelter from this cold and winding road Well, God knows you're barely standing. But you've got to carry this heavy load."

Bakit ganyan ang reaksyon ng mga mukha nila habang pinanonood nilang kumanta si Sleep?

Bakit parang may hindi ako alam?

"One way at a time, I'll try to lend these broken hands of mine Give my strength, be my light One way at a time, the peace will grow and fill our empty souls Give me strength, help me guide these broken hands of mine. Oh, these broken hands of mine"

Muli kong nilingon si Tulog at nakita ko ang pagtitig niya sa sarili niyang kamay habang kumakanta.

"What if there's more? What if there's more? What if there's more than this? What if there's more out there?"

Napalingon ako kay Ziehl at nakita kong malungkot din siyang nakatitig kay Tulog. Sina Black at Triangle din, lalo na si Red.

"One way at a time, I'll try to lend these broken hands of mine. Give my strength, be my light. One way at a time, the peace will grow and fill our empty souls. Give me strength, help me guide these broken hands of mine. These broken hands of mine."

Napatingin ako kay Kuya nang hawakan niya ang kamay ko.

"I think you need to know," panimula niya at huminga siya nang malalim.

"Six years nang huminto sa paggigitara si Sleep. The day he broke up with you was also the day he got into an accident. Because of that accident, he can't play the guitar anymore."

Nanlambot ako sa narinig ko. Bakit hindi ko alam kung gaano kahirap ang pinagdaanan ni Tulog simula nang maghiwalay kami?

Pakiramdam ko ay napakawala kong kuwentang tao.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top