57
CHAPTER FIFTY-SEVEN
Blossom
"SARAP, Kuya! Naks, chef na chef, ah!" pagpuri ko sa kuya ko habang nilalantakan 'yong pagkain inihain sa amin. Hindi na lang ako umimik at dinama ko 'yong pagkain.
Si Wake naman, parang lutang ang isip at halos hindi pa niya nababawasan pagkain niya.
Napapaano kaya siya?
"Anyway, Blossom. When are you planning to use your car?" tanong sa akin bigla ni Kuya kaya naman napanganga ako.
"Seriously, Kuya? Hindi pa nga ako marunong mag-drive."
"I have no time to teach you. I guess Wake is available all the time so sa kanya ka na lang magpaturong mag-drive."
"Okay. 'Oy, Wake, narinig mo 'yon, ah. Sa 'yo raw ako papaturo mag-drive." Nakatulala pa rin siya doon sa pagkain niya kaya naasar naman ako.
"Hoy!" sigaw ko kaya bigla siyang napatingin sa akin.
"H-Ha?" wala sa sariling sabi niya kaya piningot ko ang ilong niya.
"Sabi ni Kuya, sa 'yo raw ako papaturo mag-drive."
HABANG pataas ang escalator na sinasakyan ko, napatingin ako sa kabilang escalator na pababa naman.
Natigilan ako nangmakita ko si Sofia na napalingon din bigla sa akin. Bigla naman siyang nataranta at hindi ko ma-explain 'yong expression ng mukha niya.
"Blossom! Wait! Wait for me up there! Wait!" natataranta at nagmamadaling sigaw niya.
Nang makarating ako sa taas aynakita ko namang pagkababa ng escalator ni Sofia, sumakay mulisiya ng escalator paakyat dito. Hinihingal siyang lumapit sa akin at nginitian niya ako.
"Can we talk?" tanong niya kaya napataas ang kilay ko.Maldita mode on.
"I'm busy right now," mataray na sabi ko pero nanlaki ang mga mata ko nang bigla niyang isabit ang kamay niya sa braso ko.
"What the hell? Bitiwan mo ako. Hindi na tayo close, 'oy," reklamo ko.Nagulat ako nang ngitian niya ako.
Napabuntonghininga ako. Kahit kailan talaga, ang ganda ng ngiti niya.
"May mga sasabihin lang ako sa 'yong importante to clear things up with you," sabi niya at hinila niya 'ko paupo roon sa may bench sa gilid.
"First of all, gusto kong sabihin na sorry. Sorry if I ruined your relationship with Sleep. It's just that I was really desperate to get him that time because I was really jealous. May gusto na kasi ako kay Sleep simula pa bata kami. Well, kababata ko kasi siya. Sa London kami nagkakilala."
"Wala akong panahong makipag-storytelling sa 'yo, Sofia," asar na sabi ko pero nginitian niya ako.
"Sleep never loved me. Ikaw lang ang mahal niya. He chose to be with me kasi sabi ko sa kanya, I'm going to kill myself kapagpinagpatuloy n'yo pa ang relasyon n'yo. He values me as a friendat ayaw niyang gumawa ako ng kahit na anong ikakapahamak ko. If you think na ikaw lang ang nag-suffer sa buong 6 years na hindi kayo nagkita, you've got it wrong. Sleep suffered too, and he's still suffering right now. Lalo na no'ng reunion, no'ng malaman niyang may boyfriend ka na."
Bumuntonghininga siya. "Sleep really loves you, Blossom. Believe me, he's really in love with you hanggang ngayon at hindi nagbago 'yon."
Hindi ako nakapagsalita at para bang hindi ko ma-digest lahat ng sinabi ni Sofia.
"I'm not asking for your forgiveness. I'm not begging you to forgive me. I'm here to tell you everything and it's up to you kung ano'ng magiging desisyon mo. Just a piece of advice, Blossom, stop hurting him anymore."
Tumulo ang luha ko nang marinig ko 'yon. All this time, nasasaktan ko pala siya? All this time, hindi lang pala ako ang nasasaktan kundi pati siya rin.
Tumayo si Sofia at nginitian niya ulit ako. "Bago ako umalis, gusto ko lang sanang imbitahan ka. Despedida ko sa Friday."
"S-Saan ka pupunta?"
"I'm going back to London. May malaking business kasi roon ang mommy ko na iniwan sa akin and I need to run that business."
Hindi agad ako nakasagot kaya naman nagpaalam na siya sa akin.
"See you sa despedida. Sana makapunta rin sila Rain," nakangiting sabi niya at saka siya tumalikod. Pero napakagat ako sa daliri ko saka ako tumakbo papalapit kay Sofia. Niyakap ko siya at saka ako umiyak sa balikat niya.
"Thank you, Sofia. Ang weird lang kasi kahit kailan, hindi ko naman nagawang magalit sa 'yo."
Humagulgol ako sa balikat niya at parang batang umiiyak. Naramdaman kong tinapik-tapik ni Sofia ang likuran ko.
"Hindi bagay sa 'yo magdrama, Blossom," natatawang sabiniya.
"I missed you," mahinang sabi niya at 'yon ang mismong nakapagpagaan sa loob ko.
***
SUMAKAY ako ng taxi at pumunta sa condo ni Sleep. Madaling madali pa ako nang sumakay akong elevator hanggang sa makarating sa mismong condo unit niya.
Kaso nabigo ako dahil hindi niya binubuksan ang pinto. Sumakay na lang ulit ako sa elevator at pumunta sa ground floor.
Lumabas na ako ng building at napagtanto kong gabi na pala. Sobrang lamig at talagang simoy Pasko na.
Tumingin akosa paligid at napaliligiran pala ng Christmas lights ang buong kalsada.Napangiti na lang ako nang mapait.
"Sana pala, pinakinggan ko muna 'yong explanation mo noon," parang tanga kong sabi sa sarili ko at muling pumatak ang luha ko.
Umupo na lang ako sa gilid ng kalsada at parang tanga akong nakatulala.Hindi ko alam na nasasaktan din pala siya. Bakit hindi ko naisip 'yon? Bakit ba hindi ako nagtiwala sa kanya? Bakit ba hindi ko naisip na may malalim siyang dahilan kung bakit niya ginawa 'yon?
Naramdaman ko ang pagsikip ng dibdib ko at mas lalo akong napaiyak nang mahina. Bakit ngayon ko lang nalaman lahat?
"Why are you here? Gabi na."
Agad akong napatingala sa nagsalita at nakita ko si Sleep na nakasuot ng hoodie habang nakatingin sa akin. Mabilis akong tumayo at niyakap siya nang mahigpit kaya natigilan siya.
6 years . . . 6 years ko siyang hindi nayakap nang ganito. 6 years.
"Sofia told me everything. Bakit hindi mo sinabi sa akin?" nanghihinang sabi ko habang umiiyak sa dibdib niya. Naramdaman ko ang pagyakap niya sa akin.
"Ayaw mo naman akong pakinggan noon no'ng gusto kong sabihin lahat sa 'yo."
Humiwalay siya ng yakap sa akin at saka niya hinawakan ang magkabilang pisngi ko.
"Bakit dito ka sa labas naghihintay? Alam mo na ngang malamig, eh."
Hindi ako sumagot at nanatili akong nakatitig sa green niyang mata.
"Na-miss kita, Tulog," nakangiting sabi ko kasabay ng pagpatak ng luha ko. Nakita ko ang pagngiti niya at ang biglaang pagtulo ng luha niya.
"I missed you more than you missed me." Marahan niya akong hinalikan sa noo ko.
"Mahal kita, Tulog, sobra."
Sunod-sunod na pumatak ang luha niya at marahan niyang nilagay ang mga kamay niya sa magkabilang pisngi ko.
Napapikit na lang ako nang maglapat ang labi naming dalawa.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top