56
CHAPTER FIFTY-SIX
Blossom
"BLOSS! Gising na! May bisita ka!"
Napabangon ako nang wala sa oras dahil sa malakas na sigaw ni Ulan. Letse na. Ang aga-aga.
"Manahimik ka, Ulan! Hayaan mong sulitin ko 'yong Christmas vacation ko!"
"Bloss naman, eh! Kaya nga kita ginigising para masulit mo 'yong Christmas vacation mo! May bisita ka nga kasi sa labas. Enebe!"
"Sino ba?" asar na sabi ko sabay taas ng kilay.
"Si Sleep!"Napakunot ang noo ko.
"Sabihin mo, mataas ang lagnat ko.Umalis na kamo siya."
Ano namang ginagawa no'n dito? Tss.
"Bloss, hindi ako magaling magsinungaling kaya sige na, labasin mo na si Sleep doon. Kanina pa siya naghihintay!"
"Puwede ba? Pagkatapos ng ginawa niya sa akin, may gana pa talaga siyang pumunta rito?" iritang sabi ko.
Walang choice si Ulan kundi ang sundin ako kaya naman lumabas na siya ng kwarto at muling bumalik dito sa loob.
"Sinungitan ako ni Sleep! P*cha. Okay daw," reklamo ni Ulan.
"Nandiyan pa?"
"Wala na, umalis na. Sungit no'n! Hindi pa rin nagbabago!"
Wala akong pakialam. Tss.
***
DUMIRETSO ako sa National Book Store at nagtingin ng mga librong puwedeng basahin.
Siguro sa pagbabasa ko na langilalaan ang oras ko ngayong bakasyon. Habang naghahanap ako ng libro, napagtanto kong nasa kabilang row 'yong mga librong hinahanap ko kaya lumiko ako.
Napasapo naman ako sa noo ko dahil bumangga ako sa dibdib ng isang lalaki.
"P*cha," reklamo ko habang hinihimas ang noo ko. Tumingin ako nang masama doon sa lalaking nakabangga ko at tumaas ang kilay ko nang makita ko si Tulog.
"Coincidence o talagang sinusundan mo lang ako?" mataray na sabi ko sa kanya at ngumisi naman siya.
"Paano kung sinusundan kita?" nakangising sabi niya kaya mas tumaas ang kilay ko.
"Then stop following me." Nilagpasan ko siya at naghanap na ako muli ng libro.
Natanaw ko 'yong If I Stay na book na sinulat ni Gayle Forman kaso nasa pinakataas na shelf kaya napakunot ang noo ko.
Asar kong tiningnan si Tulog nang kunin niya ang librong tinitingnan ko.
"Ito ba?" tanong niya sa akin.
"Yes, give it to me."
"Sumama ka muna sa akin, ibibigay ko sa 'yo 'to."
Tumaas ang kilay ko. "No way in hell na sasama ako sa 'yo. Sige, sa 'yo na 'yang libro. Nagbago isip ko, ayaw ko na pala niyan."
Bina-bad trip niya talaga ako. Inis akong lumabas ng National Book Store at pumunta na lang sa department store.
Napahinto ako sa paglalakad nang mapadaan ako sa saktong place kung saan ko unang nakita si Wake. Dito 'yon, sa men's wear.
Hindi ko alam kung bakit pero biglang kumislap ang mga mata ko nang makita ko 'yong sapatos na pinag-agawan namin ni Wake. Mayroon na kasing bagong stock 'yong sapatos at nakadisplay siya ngayon. Kaparehong-kapareho lang no'ng niregalo ko kay Kuya Rade.
"Hey."
"Ay, p*cha. Hanggang dito, nakasunod ka pa rin? Lumayaslayas ka sa harap ko, hindi ka na nakakatuwa."
"Tss. Sungit mo yata?" kunot-noong sabi ni Tulog kaya mas napataas ang kilay ko.
"Ah, para may pakinabang ka, sukatin mo 'tong sapatos na'to," sabi ko sa kanya at iniabot ko sa kanya 'yong sapatos na parakay Wake. Mukha kasing magkasinlaki lang sila ng paa ni Wake.
"Bakit ko susukatin 'yan?" kunot-noong tanong niya.
"Mukha kasing ka-size mo ng paa si Wake. So, sukatin mo para malaman ko."
"Sa kanya mo na lang ipasukat, huwag sa akin."
"Okay," simpleng sagot ko. Hindi ko na ugaling mangulit ng tao. Kapag ayaw, eh 'di huwag. Wala akong pakialam.
Nag-ring ang phone ko at nakita kong si Kuya ang tumatawag kaya sinagot ko ito agad.
"Why?" tanong ko.
"Why are you with him?"
"What?"
"Why are you with Sleep?"
Agad na napakunot ang noo ko at tumingin sa paligid ko. Nakita ko si Kuya na nakatayo sa hindi kalayuan. Lumapit siya sa akin at malamig niyang tiningnan si Tulog.
"Stay away from my sister," walang ganang sabi ni Kuya kay Tulog at kumunot ang noo ni Tulog.
"Why would I do that?" kibit-balikat na sabi ni Tulog kaya napakunot din ang noo ko.
Bakit ganyan sila mag-usap? I thought they were best friends?
"Hurting her once was enough. Stick with your choice, Sleep. Leaving her like that was bullsh*t."
Rade
BINITIWAN ko ang kamay ng kapatid ko at pumasok kami sa restaurant ko rito sa mall. May branch kasi ang resto ko rito.
Binati ako ng mga waiter at lahat ng staff.
"Sit down, Blossom," utos ko sa kanya dahil napansin kong malalim ang iniisip niya.
"Kuya, hindi ako aso! Like what the hell?"
"Tss."
Umupo ako sa tapat niya. May lakad dapat kami ngayon ni Wake dahil may pag-uusapan kami kaso hindi natuloy dahil nakita ko nga si Blossom kanina na kasama si Sleep.
Kinuha ko ang phone ko at tinawagan si Wake.
"Saan ka?" tanong ko.
"Woah, dude, na-miss mo 'ko?" humahalakhak na sabi niya sa kabilang linya.
"F*ck you. Nasaan ka nga?"
"Kalma lang, dude. Nandito na ako sa tapat ng department store. Sabi mo, dito ka naghihintay? Nasaan ka?"
"Kasama ko kapatid ko. Nandito kami sa resto."
"Kasama mo si Blossom? Oh, sige. Punta ko r'yan."
Binaba ko na ang tawag at um-order ako.
Maya-maya lang ay dumating na si Wake.
"Hi, girlfriend!" bati niya sa kapatid ko. Humalakhak naman ang kapatid ko.
"Hindi mo ako girlfriend, 'oy. Miss mo lang ako, eh," pangaasar ni Blossom kay Wake.
"Oo naman."
"Ay, teka lang, Kuya. May o-order-in pa pala 'ko."
Tumayo si Blossom at pumunta roon sa counter.
"Kailan mo balak sabihin sa kanya kung sino ka talaga?" seryosong tanong ko kay Wake kaya agad na nawala ang ngitiniya.
"Hindi ko pa alam."
"I owe you my sister's life that's why I'm letting you near her."
"Mukha at pangalan ko lang naman ang nagbago, pero ako pa rin naman 'to. I never gave up on her and I will never give up on her."
"Pero hanggang kailan mo lolokohin ang lahat?"
"Hindi ko alam."
Hindi ako umimik kaya nagsalita ulit siya.
"But thanks for keeping my secret, Rade. Hindi naging madali ang lahat para sa akin. Parents ko lang at ikaw ang nakakaalam ng totoo, kaya salamat dahil hinahayaan mo ako kahit kaibigan mo pa ang karibal ko."
"I'm doing this because I know you really love my sister to the point na nagawa mo pang ibuwis ang buhay mo para sa kanya."
Hindi siya umimik at ngumiti lang siya. Napahawak ako sa sentido ko. "I have to tell you something, Wake. But promise me to keep this as a secret."
Tiningnan ko ang kapatid kong nakikipag-usap doon sa babae sa counter at saka ako bumaling ulit kay Wake.
"She's suffering everyday."
"Ano'ng ibig mong sabihin?" naguguluhang tanong niya kaya huminga ako nang malalim bago nagsalita.
"Blossom has congenital heart disease."
Natigilan siya bigla at seryosong napatingin sa akin.
"Kailan pa?"
"Pagkauwi niya after ng farewell party no'ng school recognition nila when she was on Grade 10, tinakbo namin siyasa ospital dahil inatake siya ng hyperacidity niya. That was the time when the doctor discovered a large hole in her heart. Noon pa raw pala may sakit si Blossom, sabi sa amin ng doktor. Her heart disease occurred before birth kaya huli na talaga para maiwasan 'yong complications"
Hindi siya umimik. Bakas sa mukha niya ang pagkagulat. "The reason why she became a party girl is not because of Sleep. It is because she's tired of taking medications," dagdag ko pa.
"The doctor told us that anytime, puwede siyang bawian ng buhay. That's why she spent her life like that. Ako lang at ang parents namin ang nakakaalam ng tungkol sa sakit niya. Blossom wanted to keep it as a secret from everyone dahil ayaw niyang mag-alala sa kanya ang mga kaibigan niya at ang iba pa."
"Bakit mo sinasabi sa 'kin lahat ng 'to?" hindi makapaniwalang tanong niya sa akin.
"Dahil malapit na siyang mawala. Araw-araw, mas nanghihina na siya. Nasubukan na lahat ng treatments para sa kanya bukod sa heart transplant. Huling treatment na raw ang heart transplant, pero hindi kami makahanap ng donor kaya mas nawalan ng pag-asa si Blossom."
Natigilan siya at napatitig siya sa mesa. Hindi niya malaman ang gagawin niya at napahawak na lamang siya sa sentido.
"Bakit ngayon mo lang sinabi sa akin?" sambit niya at umiwas siya ng tingin sa akin.
"Alam ko kung gaano kahalaga sa 'yo ang kapatid ko."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top