55
CHAPTER FIFTY-FIVE
Sofia
"HELLO, Sleep? Napatawag ka?"
"Dress up. Sunduin kita."
"Okay, sige. I love you."
"See you."He ended the call and a sad smile suddenly formed on my lips. Six years of being in a relationship with him is the happiest moment of my life, kahit na never niya akong sinabihan ng I love you, or kahit I love you too man lang. Pero kahit gano'n, I'm happy that he never left me despite of all the sadness I gave him.
Nagbihis na ako at tulad ng sabi niya, sinundo niya nga ako.
Pinagbuksan niya ako ng pinto ng Mercedes Benz niya saka ako humalik sa pisngi niya.
"Every week mo akong inaaya mag-date. Huwag kang magsasawa, ah?" sabi ko habang tinitingnan siya. Tipid na ngitiang binigay niya sa akin at nagpatuloy siya sa pagda-drive.
Nagpunta kami sa mall at nanood ng sine, kung saan-saan niya ako dinala at sinamahan pa niya akong mag-shopping.
Kumain kami sa isang Chinese restaurant and after that, pumunta kami sa isang park kung saan niya ako unang dinala no'ng 1st anniversary namin.
Nagtaka naman ako kung bakit niya ako dinala rito. Umupo siya sa damuhan at tinapik niya ang space sa tabi niya kaya umupo ako roon at tumabi sa kanya.
"You know how important you are to me, right?" bigla niyang sabi at napangiti naman ako.
"Oo naman. Simula bata pa lang, ikaw na 'yong naging tunay na kaibigan ko," nakangiting sabi ko habang nakatitig sa kanya.
"I'm sorry if I can't love you back, Sofia. Alam mo naman kung sino ang mahal ko."
Napaiwas ako ng tingin. Hindi ako nagsalita.
Saan ba papuntaang usapan na 'to?
"You're like a sister to me. At hanggang doon lang talaga ang tingin ko sa 'yo."
Hindi ko alam kung bakit kahit alam ko naman talaga na ganoon lang ang tingin niya sa akin ay nasasaktan pa rin ako.
"Pinaramdam mo sa akin na mahal mo ako, Sofia. And I'm grateful for that. But you know I can't love you back."
I felt blades stabbing my chest.
"I don't deserve your love, Sofia. Someone out there deserves you. Not me. And it will never be me."
Napatingin ako sa kanya at nakita kong hindi siya sa akin nakatingin kundi sa buwan. "You deserve someone else. Trust me, if you find that person, you will be perfectly happy."
Nalulungkot ako sa mga sinasabi niya ngayon. Ang sakit kasing isipin na hindi talaga siya na-develop sa akin sa loob ng anim na taon.
"Pinagbigyan kita sa gusto mo. Nanatili ako sa tabi mo at hindi kita iniwan. Ako naman ang pagbigyan mo ngayon sa gusto ko. Gusto ko nang sumaya, Sofia. I want to be with her again."
Nakita ko ang pagpatak ng luha niya kaya nanghina ako. I saw him cry every day. Kahit hindi niya sabihin sa akin, alam kong araw-araw siyang nasasaktan.
Kinuha ko ang kamay niya at hinawakan ko 'yon.
"Ang damot-damot ko pala, 'no? Napakamakasarili ko," malungkot na sabi ko.
"I'm sorry, Sleep. Sorry sa lahat-lahat."
Tumulo ang luha ko at agad ko rin namang pinunasan 'yon.
"Nawalan ako ng mga kaibigan dahil sa kagustuhan kong mahalin mo rin ako. Alam mo bang nami-miss ko na sila, lalo na si Blossom? I miss her laugh, her jokes, her bright smile. Sobra akong nalungkot nang makita ko siya no'ng reunion natin, kasi na-realize ko na sobrang laki ng pinagbago niya dahil sa ginawa ko."
Napakabuti niyang kaibigan pero nagawa ko pa ring piliin ang nararamdaman ko kaysa sa pagkakaibigan namin ni Blossom.
"Salamat sa pagpapasaya sa akin. Hinding-hindi ko makakalimutan 'yon. Siguro dapat na rin kitang palayain. Ayaw ko na rin kasi ng ganito, 'yong pinipilit mo na lang na maging masaya sa harapan ko kahit ang totoo, gusto mo nang kumawala sa akin. Sana hindi pa huli ang lahat. Sana maayos n'yo pa. Tell Blossom, I'm really sorry for everything," sinserong sabi ko.
"Alam kong hindi sapat ang salitang patawad para sa nagawa ko sa inyong dalawa. Pero sana dumating 'yong araw na mapatawad ninyo akong pareho. Sana mapatawad n'yo ako sa lahat ng nagawa ko."
Binitiwan ko na ang kamay niya at saka ako tumayo.
"Be happy, Sleep."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top