54


CHAPTER FIFTY-FOUR

Sleep

GUSTO kong suntukin ang sarili ko nang makita ko siyang umiiyak kagabi nang dahil na naman sa akin.

Napaiyak kona naman siya. Nasaktan ko na naman siya. I was a f*cking jerk.

"Wala ka pa bang balak makipaghiwalay kay Sofia? You've been a great boyfriend to her and you've been a very good friend to her," seryosong sabi sa akin ng kapatid ko.

Nandito si Ziehl ngayon sa condo ko at ang dahilan niya ay bored daw siya kaya siya nandito.

"It's time for you to be happy, Kuya. No'ng mawala sa 'yo si Blossom, nawala na rin si Rade sa 'yo. Hindi mo ba nare-realize kung gaano kahalaga ang mga nawala sa 'yo?"

"You know why I'm doing this, Ziehl."

"But I think you've done enough already. Sobra-sobra pa nga ang nagawa mo para kay Sofia."

"She's our friend, Ziehl. Alam mong tayong dalawa na lang ang masasandalan niya."

"Pero paano ka? Hindi naman puwedeng buong buhay mo ay ibibigay mo kay Sofia dahil lang sa ayaw mo siyang mag-isa."

"Alam mo kung gaano kahalaga sa 'kin si Sofia bilang kaibigan."

"Pero alam mong hindi lang kaibigan ang tingin sa 'yo ni Sofia kaya kayo umabot sa ganyan. Kuya, kung hindi mo talaga siya mahal, iwan mo na siya. Huwag mo siyang paasahin na matututuhan mo rin siyang mahalin."

"You know why it's hard for me to leave her," seryosong sabi ko habang tinitingnan ang litrato namin nina Sofia at Ziehl noong mga bata pa kami.

Sofia is our childhood friend. Sa London palaging nagbabakasyon si Sofia at doon namin siya nakilala ni Ziehl.

She's like a sister to me. Mabuti siyang tao kahit na masama ang pamilyang pinagmulan niya. Her angelic attitude is natural. She's not as fake as people think.

Naunang dumating sina Sofia at Ziehl sa buhay ni Prim para protektahan si Prim. Halos 3 years kong hindi nakita sina Ziehl at Sofia.

Nang pumasok ako sa school kung nasaan si Prim, planado na ang lahat. Magkakilala kami ni Sofia pero hindi kami nag-uusap dahil marami ang nakabantay sa paligid kaya nag-iingat kami.

Nang mamatay ang mommy ni Sofia, I felt responsible for everything. Nawalan siya ng nanay. Tanging ako na lang ang nalapitan ni Sofia.

That night, I realized na hindi ko siya dapat pabayaan dahil mahalaga siyang kaibigan para sa akin. Pero hindi ko inaasahan na matagal na pala siyang may gusto sa akin.

Inamin niya sa akin na nasaktan siya no'ng niligawan ko si Prim at mas nasaktan siya no'ng maging girlfriend ko ito.

Sabi ko sa kanya na friendship lang ang kaya kong ibigay sa kanya dahil mahal ko si Prim. Pero hindi pumayag si Sofia. She threatened me that she will commit suicide kapag tinuloy ko paang relasyon namin ni Prim. She said that it's better for her to die than watch me love someone else. And I don't want Sofia to kill herself kaya ako pumayag na maging boyfriend niya.

I broke up with Prim and I chose to save my friend from misery. I saved Sofia from misery and I chose to be the one who's miserable. I did my best to give Sofia a happy relationship.

But I have never loved her.

"Six years of being with Sofia is already enough, Kuya. It's time for you to fix your miserable life. Panahon na para bawiin mo kung ano 'yong nawala sa 'yo."

"Pero paano kapag may masamang nangyari kay Sofia? Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyari sa kanya."

"Kuya, magaling na si Sofia, 'di ba? She's not suicidal anymore. Kausapin mo siya, mag-usap kayo. Pakawalan n'yo na ang isa't isa kung alam n'yong hindi naman talaga kayo masaya."

"Huwag kang gumaya sa akin, Kuya," malungkot na sabi niya pa kaya mas lalo akong napatitig sa kanya.

"No'ng nasa harapan ko 'yong taong ayaw na ayaw ko, palagi ko siyang tinataboy. Pero no'ng naglaho siya nang parang bula, doon ko lang napagtanto kung gaano kahalaga 'yong sinayang ko," dagdag pa niya at muling tumulo ang luha niya.

Pinunasan niya ang luha niya at saka niya ako tinapik sa balikat.

"Kuya, may chance ka pa para makipag-ayos kay Blossom. Huwag mong hayaang makuha siya ng iba. Kasi maniwala ka sa akin, masakit sa mata kapag may kasama na siyang iba."



Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top