52


CHAPTER FIFTY-TWO


LUMABAS ako ng kwarto namin ni Ulan dahil nagugutom na talaga ako.

Hindi kasi ako nag-almusal dahil minadali ako ni Ulan kanina. Excited daw kasi siya makita si Black. Ilang years na, puro Black pa rin bukambibig ni Ulan.

Naaawa na nga akokay Kuya ko. Jusko.

Halos maligaw ako rito sa bahay ni Triangle. Sobranglawak. Napakaraming pasikot-sikot. Maya-maya lang ay sa wakas nakita ko na 'yong kitchen. Kaso natigilan ako nang makita ko sina Sleep at Sofia.

"Subuan kita?" tanong ni Sofia kay Sleep.

"Huwag na. Kaya ko naman."

"Please?"

"Okay, sige po," sagot ni Sleep at ngumanga siya saka siya sinubuan ni Sofia no'ng cake na kinakain nila.

Para bang nabiyak ang puso ko sa dalawa. Kitang-kita ko kung paanong hindi natiis ni Sleep si Sofia kaya kahit ayaw niya ay nagpasubo pa rin siya.

Mahal niya talaga si Sofia. Ayaw matanggap ng sistema ko 'yong nakikita ko ngayon.

Napasandal na lang ako sa gilid at nanatili akong nakasilip sa kanilang dalawa.

"Three months na lang, ga-graduate na tayo, Sleep! Ang saya ko. Excited na 'ko."

"Ano'ng gusto mong regalo?" tanong ni Sleep sa kanya at nag-isip naman si Sofia.

"Kahit huwag mo na akong regaluhan. Masyado ka nang maraming nabigay sa akin," nakangiting sabi ni Sofia sabay yakap sa baywang ni Sleep.

"Thank you for everything, Sleep. I love you."

Pagkarinig ko no'n ay agad akong umalis at nagtungo sa may sala. Doon ako umupo at tahimik na umiyak.

Ayaw kong marinig ang I love you too ni Sleep kay Sofia. Pakiramdam ko, hindi ko talaga kakayanin kapag narinig ko 'yon.

"Blossy!" Natigilan naman ako sa pag-iisip nang biglang sumulpot si Black sa harapan ko.

"Tawagin mo na sina Rain, magsu-swimming na raw sa beach," malapad na ngiting sabi ni Black pero nawala 'yong ngiti niya bigla.

"Okay ka lang ba, Blossy?" nag-aalalang tanong niya sa akin.

"Oo naman. Bakit naman hindi? Sige, tawagin ko lang sila sa kwarto."

Bumalik ako sa kwarto at tinawag sina Ulan.

Nagsuot na kaming pang-swimming namin at pumunta na sa beach. Nandoon lahat ng batchmates namin noong high school at nagkakasayahan sila habang nagbabasaan ng tubig.

Sana hindi na lang ako sumama sa reunion na 'to.Eh 'di sana, hindi ako nasasaktan nang ganito . . .

Pinagmasdan ko na lang na maglaro ng buhangin sina Ulan. Habang ako, nakaupo lang sa isang tabi.

Sumapit ang gabi at nag-aya si Triangle na maglaro. Gumawa sila ng bonfire at pumalibot kami rito. Katabi ko si Ulan sa right side ko, sa left side ko naman si Jessan. Katapat ko si Sofia at katabi niya si Sleep.

Sa oras na 'to,parang gusto ko na lang tumayo at pumunta sa kwarto. Ang hirap kasing magpigil ng luha.

Ang hirap magpanggap na okay lang sa akin ang lahat.

Ang hirap-hirap. Sobra.

"Truth or dare? Game!" panimula ni Black. Siya 'yong nagpaikot ng bote sa gitna at unang tumuro ito kay Black mismo.

"Ay, p*cha. Malas naman yata. Ikot ko, turo ko. Hanep."

"Truth or dare?" tumatawang tanong ni Red kay Black.

"T-Truth na lang! Baka pag-trip-an n'yo ako 'pag nag-dare ako!"

Nagtawanan sina Jaypee at Cedric. "Okay, ako 'yong magtatanong," excited na sabi ni Triangle.

"Ayusin mo 'yong tanong, ah!"

Tumahimik ang lahat at hinintay ang tanong ni Triangle kay Black. "Bakit tumigil ka na sa panliligaw kay Ziehl?" seryosong tanong ni Triangle kaya nawala ang ngiti ni Black at biglang sumeryoso ang mukha niya.

Akala namin puro kalokohan lang ang isasagot niya pero . . .

"Marunong din kasi ako mapagod. Nakakapagod maghabol sa taong ayaw naman sa 'yo," seryosong sagot niya kaya mas lalong natahimik ang paligid.

Napatingin ako kay Ziehl at medyo nagulat ako nang makita kong nangingilid ang luha ni Ziehl sa mga mata niya na para bang anytime ay tutulo ang mga ito.

"Okay, next!" pagbasag ni Black sa katahimikan at pinaikot niya ulit ang bote hanggang sa matigilan ako nang matapat ito bigla sa akin.

F*ck.

"Iyon, oh! Blossy! Truth or dare?" nakangising sabi ni Black sa akin.

"Truth na lang din," walang choice na sabi ko.

"Okay! Naka-move on ka na ba kay Pareng Sleep?"

Naramdaman ko ang biglang paghawak ni Ulan sa kamayko. Hinihintay nilang lahat ang sagot ko kaya ngumiti ako.

"Oo naman. Tagal na," pagsisinungaling ko.

Ang hirap. Ang hirap mag-move on lalo na kung binabalandra siya ng tadhana sa harapan ko.

"Okay, next!" sigaw ni Black at pinaikot niya ulit ang bote.

"Pass," biglang sabi ni Sleep dahil natapat sa kanya ang bote.

"Bawal pass, brad! Game! Truth or dare?" tanong ni Triangle.

"Dare," simpleng sagot ni Sleep.

"Ako bahala sa dare," singit ni Red at saka siya ngumisi.

"Halikan mo si Blossom sa labi. Two seconds. Tutal naman, naka-move on na kayo pareho," nakangising sabi ni Red kaya agad na nanlaki ang mga mata ko.

"May girlfriend 'yong tao. Baliw ka ba?" seryosong sabi ko kaya mas lalong ngumisi si Red.

"Sofia, okay lang naman na halikan ni Sleep si Blossom ngayon, 'di ba? Dare lang naman," paalam ni Red kay Sofia at halata kong natigilan si Sofia. "O-Oo, o-okay lang," naiilang na sagot ni Sofia at saka siya ngumiti nang pilit.

Akala ko tatanggi si Sleep pero tumayo siya at naglakad papalapit sa akin. Mas lalo akong natigilan nang lumuhod siya saharapan ko habang naka-Indian sit ako rito.

Napalunok ako nang titigan niya ako sa mata.

Sh*t.

'Yong green niyang mata.

Huwag niya na sana akong halikan ngayon. Kasi baka hindi ko mapigilan ang sarili ko at halikan ko siya pabalik.

Inilapit niyaang mukha niya sa akin pero umiwas ako at tumingin sa gilid at natigilan ako nang makita ko si Wake na nakatayo sa harapan ko.

"Walang puwedeng humalik sa girlfriend ko kundi ako lang," seryosong sabi niya habang may dala-dala pa siyang bouquet ng red roses at saka naglakad papalapit sa amin.

"Red, ibang dare na lang ipagawa mo. 'Yong wala sanang kinalaman sa girlfriend ko," seryosong sabi ni Wake kay Red.

Magkaklase nga pala sila kaya kilala ni Wake si Red.

"Sure, brad, pasensya na," nakangiting sagot ni Red at saka nagkibit-balikat.

"Puwede ka nang umalis sa harap ng girlfriend ko," seryosong saad ni Wake kay Sleep kaya nagtiim-bagang si Sleep saka siya tumayo at bumalik sa tabi ni Sofia.

"Buti dumating ka?" tanong ko kay Wake at instant naman siyang ngumiti agad saka lumapit sa akin.

"Matitiis ko ba'ng hindi ka puntahan? Saka maaga natapos OJT ko, eh. Kaya dumiretso agad ako rito. Tinext ko si Red kanina kung saan 'yong reunion n'yo. Sabi niya, dito raw."

Napangiti na lang ako. Right timing lagi si Wake sa pag-eksena. Buti na lang, dumating siya. Umupo siya sa tabi ko at saka niya ipinatong sa legs ko 'yong bouquet ng roses na dala niya.

"Para sa 'yo 'yan. Kung sesermonan mo na naman ako, sige, itapon mo na lang," kunot-noong sabi niya kaya natawa ako nang mahina.

"Thank you," mahinang sabi ko sa kanya kaya napangiti siya.

Muli kaming naglaro ng truth or dare at nang matapat kaySofia 'yong bote, pinili niya ang dare. Walang nagsasalita para sa dare niya, kaya tumikhim ako at napatingin silang lahat sa akin.

"Kiss him," nakangiting sabi ko habang tinuturo si Sleep. Oo na, masokista na ako. Sinasaktan ko 'yong sarili ko. Gusto ko lang masaktan nang sobra-sobra para sakaling mawala na 'tong nararamdaman ko.

"Nakakahiya. We're not really kissing in public—"

"Arte. Halikan mo na lang. Kunwari ayaw mo pa, eh," singit ni Ulan kay Sofia.

"O-Okay," napapahiyang sagot ni Sofia.

Sa pisngi lang sana balak halikan ni Sofia si Sleep pero biglang humarap sa side niya si Sleep kaya nahalikan ni Sofia si Sleep sa labi.

Nanlaki ang mga mata ni Sofia at saka niya mahinang pinalo si Sleep sa braso.

"Silly," natatawang sabi ni Sofia kay Sleep. Umiwas ako ng tingin.

"Pigilan mo ako, Bloss, uubusin ko buhok niyan. Haliparot overload, eh," iritang bulong sa akin ni Ulan.

Nang matapos na ang laro ay nagpasukan na sa rest house ang lahat ng mga kaklase namin at naiwan kami ni Wake nanakaupo sa buhangin.

"Nahiya ka pa. Sige na, itapon mo na 'yang bulaklak. Alam ko namang hindi mo na-appreciate—"

"I already said thank you, Wake. Ano ba'ng problema mo?" inis na sabi ko. Nauubos na kasi ang pasensya ko. Hindi ko alam, pero para kasing sasabog na ako, ang bigat-bigat ng loob ko.

"Sorry. Nagselos lang ako. Ex mo 'yon, 'di ba?"

"Puwede bang huwag ka nang dumagdag, Wake? Can you please shut up for a while? I'm really in pain right now, can't you see?"

Hindi ko na napigilan ang pagtulo ng luha ko at inis akong tumingin sa langit.

"Pagod na akong masaktan. Sobrang pagod na pagod na . . ." mahinang sabi ko.

"Stop crying," seryosong sabi niya kaya napatingin ako sakanya.

"I can help you move on, Blossom. Puwede akong magpagamit sa 'yo. Willing akong magpagamit sa 'yo. Just ask me for help."

Mas lalo akong umiyak nang marinig ko ang sinabi niya.

"Why are you doing this?"

"I love you. 'Yon lang naman ang palagi kong dahilan sa lahat ng bagay na ginagawa ko para sa 'yo."

Natigilan ako sa sinabi niya. Ano'ng sinasabi niya?

"Kailan lang tayo nagkakilala, Wake."

Ngumiti siya at tinitigan ako sa mga mata.

"Matagal mo na akong kilala, Blossom."


Sleep

HINATID ko si Sofia sa kwarto nila ni Ziehl at lumabas ako ng resthouse.

Gusto kong magpahangin. Naiinis ako sa mga nangyayari. Hindi ko na alam kung ano ba ang dapat kong gawin.

Napahinto ako sa paglalakad nang makita ko si Prim, hinahalikan ng boyfriend niya. I closed my eyes and turned my back. Sa ibang direksyon ako naglakad.

While walking, I just feel like crying. Huminto ako sa paglalakad at umupo ako sa isang malaking bato habang tinitingnan ang maliwanag na buwan.

I just found myself singing Justin Bieber's That Should Be Me kahit walang gitara.

"Does he love you the way I can? Did you forget all the plans that you made with me? 'Cause, baby, I didn't . . ."

My tears started to run down from my eyes. I silently cried.

I miss her. I really miss her. But I just can't do anything becauseI f*cking broke her heart a long time ago. And now she's happy with another guy.

I don't have the right to walk in her life again.

"That should be me, holdin' your hand. That should be me,makin' you laugh. That should be me, this is so sad. That should beme . . . that should be me . . . that should be me, feelin' your kiss.That should be me, buyin' you gifts. This is so wrong, I can't go on, 'til you believe that . . . that should be me . . . That should be me. . ."

Ako dapat 'yon, eh. Ako dapat 'yong kasama niya ngayon. Ako dapat 'yong hinahalikan niya ngayon. Ako dapat, eh.

Akolang dapat.

But I left her.

"You said you needed a little time for my mistakes. It's funnyhow you use that time to have me replaced. Did you think that Iwouldn't see you out at the movies. What you doin' to me. You'retakin' him where we used to go. Now if you're tryin' to break myheart, it's working 'cause you know that . . ."

I love her. God knows how much I love her.

"I need to know, should I fight for love or disarm? It's gettingharder to shield. This pain in my heart. That should be me, holdin'your hand. That should be me, makin' you laugh. That shouldbe me, this is so sad. That should be me, that should be me. Thatshould be me, feelin' your kiss. That should be me, buyin' you gifts. This is so wrong, I can't go on, 'til you believe that . . . That shouldbe. . ."

I wanted to punch that guy's face for touching Prim. I wanted to f*cking destroy his face for kissing her. But I can't and I can never do that. Wala akong karapatan. I'm the one to blame.

"Never should've let you go . . . I never should've let you go. That should be me. Never should've let you go . . . that should beme."

I've been crying everyday. God knows how many tears I've already wasted.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top