50


CHAPTER FIFTY


"KUYA! Saang lupalop mo ba nakilala si Wake, ha? Nakakainis! Possessive! Hindi tuloy ako makapaglandi dahil sa kanya!" inis na sabi ko kay Kuya.

Nandito kasi ako ngayon sa restaurant niya at ginugulo siya sa kitchen.

"Mamaya mo na ako kausapin, Blossom. I'm busy. Can't you see?"

"Eh, Kuya, ngayon na kasi!"

"Blossom, kapag nagkamali ako rito sa procedure, hinding hindi ka na talaga makakapasok dito sa restaurant ko. I swear."

"Fine! I'll shut up."Inis akong lumabas sa kitchen at umupo na lang sa may vacant na mesa at hinintay ko matapos si Kuya.

Kung nandito lang sana sina Dade at Momsie, malamang sila ang kukulitin ko, kaso si Kuya lang ang nandito sa Manila. Nasa Bataan kasi sina Momsie at Dade.

Kinuha ko na lang sa shoulder bag ko ang reviewer ko para sa board exam. Nagre-review na agad ako kahit 4th year pa langako. Magiging busy kasi ako sa thesis 'pag fifth year na ako. After graduation naman, magiging busy ako sa apprenticeship ng two years 'tapos kukuha ako ng board exam. Binabalak ko mag-review center pero parang malaking kain pa ulit sa oras 'yon.

"Hi, girlfriend!"

"Ay, tipaklong! Ano ba!" reklamo ko nang umupo si Wake satabi ko.

"Mabuti pa ang 'x', laging hinahanap. Bakit presensya ko,hindi?" banat niya.

"Huwag kang bumanat, may naaalala ako."

"Oh? Talaga? Sino?"

"Si Asul."

"Ah, sino 'yon?"

"W-Wala. Ah, basta! Huwag kang bumanat. Naaalala ko rinang sarili ko 'pag gano'n, eh."

"Bakit naman?"

"Banat queen ako noon."

"Oh? Really? Eh 'di bagay pala talaga tayo."

Napasapo na lang ako sa noo ko at hindi ko na siya pinansin. Nahagip ng peripheral view ko ang kamay niyang nilaro'yong tinidor sa mesa at saka niya 'yon tinusok sa reviewer ko.

T*ngene. Hahampasin ko na 'tong lalaking 'to, eh!

"Ano'ng kapangyarihan ng tinidor? Eh 'di Telefork," tumatawang sabi niya habang nakahawak pa sa tiyan niya.

Kumunot na lang ang noo ko at saka ko hinampas sa kanya ang reviewer ko.

"Binutas mo 'yong reviewer ko! Letse ka! Palitan mo 'to!" asar na sabi ko sa kanya at pinaghahampas ko siya ng reviewer ko habang nakatakip sa kanya 'yong mga braso niya para hindi siya matamaan.

"Chill ka lang, girlfriend! Kahit wala nang reviewer, ako na lang magtuturo sa 'yo," humahalakhak niyang sabi sabay kindatpa.

K*ngina talaga 'tong lalaking 'to. Sasapakin ko na 'to, eh!

"Girlfriend mo mukha mo! Hindi mo 'ko girlfriend! Duh?!"

"Pumayag ka na kaya. Wala nang bawian."

"Binabawi ko na. Break na tayo. Walang forever!"

"Aw, hard mo naman, girlfriend!"

"Bakit ba ang kulit mo?"

"Wala lang, trip kitang kulitin lagi. Masama?"

"Tss. Ano pala'ng course mo?"

"Oh, interesado ang girlfriend kong malaman ang course ko."

"Nagtatanong lang!"

"HRM course ko. Pero bukas na bukas, mag-shi-shift ako sa architecture 'tapos pipili ako ng schedule na kapareho ng iyo para kaklase kita sa lahat ng subjects."

"What the hell? You're kidding right? Ugh."

"No. I'm dead serious. Para wala talagang makakalapit sa 'yo na ibang lalaki."

"Bahala ka sa buhay mo. Kainis ka."

Pagkagaling ko sa restaurant, hinatid ako ni Wake sa dorm.Umalis na si Wake kaya pumasok na ako sa dorm at pagpasok koay nabingi ako sa sigaw ni Ulan. Bakit daw walang laman ang refnamin? Ano raw uulamin namin? Hanep, laki ng problema niya.

***

SUMAKAY ako ng taxi at bumaba sa mall.

Dumiretso ako sa supermarket at kumuha ako ng cart dahil madami-dami akong bibilhin.Kumuha ako ng cereal dahil 'yon ang lagi naming kinakain nina Ulan. Pagkatapos ko sa cereal, kumuha rin ako ng fresh milk.Nilagay ko lahat 'yon sa cart at pumunta naman ako sa area ng vegetables and fruits. Maarte kasi si Ulan at gusto niya palaging may prutas sa ref. Pampa-sexy daw kasi 'yon.

"Ay, shete!" sigaw ko nang biglang may sumundot sa tagiliran ko.

"What the hell? Hanggang dito ba naman, talagang sinundan mo 'ko?" asar na sabi ko kay Wake.

"Oo. Gano'n talaga gawain ng mabuting boyfriend," sabi niya at saka niya ako nginitian nang malapad.

"Tss. Magtigil ka, Wake. Mukha kang unggoy."

"Grabe, sa guwapo kong 'to?"

"Hindi ka guwapo. Mandiri ka."

"Woah, grabe. Nakakasakit ka na ng puso, ah!"

"Eh 'di masaktan ka! Problema mo na 'yon!"

"Aba, pagkatapos mo akong halikan nang dalawang beses, ginaganyan-ganyan mo na lang ako ngayon? Ayos, ah. Hindi ako unan na anytime na maisipan mong halikan, eh hahalikan mo na lang. 'Pag tapos ka na, eh itatapon mo na lang ako na parang basura. Masakeeet," pag-iinarte niya habang nakahawak sadibdib niya na para bang inaatake talaga siya sa puso. Hanep.

"Oo, mukha kang basura! Tutal naman, Trash ang pangalan mo," tumatawang sabi ko.

"Akala ko ba, umuwi ka na? Bakit nandito ka pa, aber?" taas kilay kong tanong sa kanya.

"Eh, nagkataon lang. Kung alam ko nga lang na dito rin ang punta mo, sana sumabay ka na sa akin kanina."

"Palusot ka kahit kailan, eh. Ayaw mo pang aminin na sinusundan mo talaga ako."

"Excuse me, Sasaki, hindi ko ugaling bumuntot sa 'yo."

"Eh, bakit ka pala nandito?"

"May bibilhin nga kasi ako! Lintek na."

"Aba, minumura mo na ako ngayon?"

"What? No! Mura ba 'yong lintek? Hindi kaya!"

Hindi ko na siya pinansin at kumuha ako ng dalawang watermelon. Tinulak niya naman ako bigla habang hawak ko 'yong cart kaya nabitiwan ko tuloy 'yong cart.

"Ako na magtutulak," nakangiting sabi niya sabay kindat pasa akin. Tulad ng sinabi niya, siya na raw magtutulak ng cart. Hinayaan ko na lang siya.

Nag-vibrate naman ang phone ko kaya kinuha ko sa bulsa ko 'yong phone ko at tiningnan ko kung sino ang nag-text. Si Ulan pala. Nagpapabili ng napkin dahil mayroon na raw siya ngayon.

"Buti pa 'yong phone mo, lagi mong hawak. Bakit kamay ko, hindi?" banat na naman ni Wake kaya hinampas ko sa kanya 'yong carrots na hawak ko sa kabilang kamay ko at humalakhak naman siya.

"Pikon ka talaga."

"Shut up, Wake!"

"Fine, fine," tumatawang sabi niya. Enjoy na enjoy siyang asarin ako, eh 'no?

"Anyway, puwedeng favor?"

"Sure, love. Anything. Ano 'yon?"

"Bilhin mo lahat ng prutas dito. Maghahanap lang ako ng napkin."

"Sure. Iyon lang pala, eh," nakangiting sabi niya at napakunot naman ang noo ko.

Seriously, naniwala siya sa sinabi ko? My God.

Tumalikod na ako at akmang lalakad na pero hinila niya naman ako.

"Kaya pala ang sungit mo ngayon, ah. May mens ka pala," natatawang sabi niya kaya hinampas ko siya sa braso niya. Inis ko siyang iniwan doon sa prutasan.

Hinanap ko 'yong Whisper 'tapos kumuha ako ng twenty packs ng Whisper napkin. Hirap na hirap pa akong bitbitin 'yon gamit ang dalawa kong kamay dahil na kay Wake nga pala 'yong cart. Malas.

Naglakad na lang ako at may naalala akong gusto ko nga palang bilhin. Pepero! Favorite ko 'yon!

Dumiretso ako sa may mga cereal kanina at sa tabi no'n ay may malalaking Pepero. Kumuha ako ng limang box ng Peperokaya mas lalo akong nahirapang dalhin lahat ng dala ko. T*ngene. Dapat pala, dinala ko 'yong cart.

Inis akong lumakad at napakamalas talaga. Nabitiwan ko lahat ng hawak ko kaya tumapon 'yong napkin at tumilapon angPepero ko.

Isa-isa kong pinulot 'yong napkin ni Ulan at akmang pupulutin ko na rin sana 'yong Pepero pero may ibang pumulot nito.

Kahit papaano, may mabait palang tao rito.

Pagkatapos kong pulutin ang mga napkin ni Ulan, tumayo naulit ako at tumayo na rin 'yong lalaking nagpupulot ng Pepero ko pero natigilan ako nang magtama ang mga mata namin.

Kusa kong nabitiwan ulit ang mga hawak ko at unti-untikong naramdaman ang paglambot ng tuhod ko.

"Prim . . ."

His voice. His eyes.

Unti-unting nangilid ang mga luha ko pero pinigilan kong tumulo ito.

"Hi, long time no see," nakangiting sabi ko kay Sleep, pilit na tinatago ang panghihina ko.

Inabot niya sa 'kin 'yong mga box ng Pepero at nananatili siyang nakatingin sa akin na para bang hindi siya makapaniwalang nakita niya ako ngayon.

"Thanks," maarteng sabi ko nang makuha ko na ang Pepero.

"'Oy, girlfriend! Akala ko ba, napkin binili mo? Bakit napadpad ka rito sa mga biscuit at cereal?" Biglang sulpot ni Wake sa gitna namin at nanlaki ang mga mata ko nang makita kong punong-puno talaga ng prutas 'yong cart.

"What the hell, Wake? Sineryoso mo talaga 'yong sinabi kong bilhin mo lahat ng prutas do'n?" iritang sabi ko sa kanya.

"Don't tell me na biro mo lang 'yon? Tss. Pinagod mo ako, girlfriend! Magbabayad ka sa akin! 'Yong pawis ko, mahal 'yon!" reklamo niya at natigilan naman siya nang ma-realize niyang may lalaki sa likuran niya.

Nilingon ni Wake si Sleep at bahagyang natigil kadadaldal si Wake. Muli siyang bumaling sa akin.

"Girlfriend naman? Nalayo lang ako saglit, may panibagong lalaki ka na agad?"

Ugh. Sasapakin ko talaga 'tong isang 'to, eh!

"'Lika na, uwi na tayo. Anong oras na," sabi ko na lang kay Wake para hindi ko siya masapak dito. Napakadaldal, eh.

Nilingon ko si Sleep at nilakasan ko talaga ang loob ko para ngitian siya. "We have to go."

Hinila ko na si Wake papunta sa counter. Habang nakapila kami, doon na tumulo ang luha kong kanina ko pa pinipigilan.

F*ck.

I thought I was fine.

Nakalimutan ko na siya, eh. Okay na ako. Naka-move on naako, matagal na. Pero no'ng makita ko ulit siya kanina, bumalik lahat.

Bumalik 'yong galit ko, bumalik 'yong sakit na nararamdaman ko. Bumalik lahat na para bang kahapon lang nangyari 'yon.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top