45
CHAPTER FORTY-FIVE
Blossom
"HOY, Bloss! Bumangon ka na d'yan! Dalawang araw ka nang absent sa klase. Ano ba talaga'ng problema, ha?"
Hindi ko pinansin si Ulan. Wala pa akong balak pumasok. Ayaw kong pumasok. Hindi ko alam kung paano ko haharapin siSleep. Hindi ko alam kung paano ako mamumuhay nang normal kapag pumasok ako.
Baka kasi 'pag nakita ko siya . . . magmakaawa lang ako sa kanya na balikan niya ako.
Sh*t lang.
"Bloss, gising ka na kasi. Dali na. Please?" Hindi pa rin ako umimik.
"Ewan ko sa 'yo kamo, Bloss! Male-late na pati ako, eh! Bahala ka kapag hindi ka bumangon d'yan, hindi na rin ako papasok!"
Hindi pa rin ako kumibo. Nakataklob pa rin ako ng kumot ko.
Dalawang araw na akong ganito. Hindi ako kumakain o kahit lumabas man lang ng kwarto ko, 'di ko magawa.
"Tss. Ako na'ng bahala sa kapatid ko. You may go now," dinig kong sabi ni Rade.
"Eh, kailangan ko hintayin si Bloss! Duh? That's what friendsare for!" maarteng sigaw ni Ulan.
"Bahay namin 'to, ako ang masusunod. Makakaalis ka na," iritang sabi sa kanya ni Rade.
"Excuse me? Bahay ko rin 'to! Because that's what friends are for!"
"You're too loud!"
"Eh, paki mo ba?! Bakit ba nangingialam ka?!"
"Just get out."
"Oo na ho, mister! Lalabas na ho ako!" rinig kong sigaw niUlan.
"Hoy, Bloss, babalikan kita mamaya, ah. Siguraduhin mong nakakain ka na at nakaligo pagbalik ko p—"
"Kahit huwag ka na bumalik. Ako na sabi'ng bahala sakapatid ko."
"Hilig mo sumabat, Rade!" malditang sabi ni Ulan at saka ko narinig ang malalakas na yabag ng mga paa niya palabas ng kwarto ko.
Narinig kong lumabas na rin si Rade ng kwarto ko. Sa totoo lang, nagugutom na talaga ako. Pero wala talagang ganang gumalaw ang katawan ko.
Lumipas ang isang oras at nakahiga pa rin ako. 9 a.m. na at wala pa rin akong ganang bumangon. Maya-maya ay may kumatok sa kwarto ko.
"Blossom, 'Nak. May bisita ka sa baba," sabi ni Manang Asseng kaya nabuhayan naman agad ako.
Sabi na nga ba, hindi niya ako matitiis.
Nagmadali akong lumabas ng kwarto at bumaba sa sala pero nadismaya ako nang makita ko si Asul na nakaupo sa sofa habang naghihintay sa akin.
"Pinapunta ako rito ni Rain," bungad niya sa akin.
Tumayo siya at lumapit sa akin. Iniangat niya ang mukha ko at in-examine niya bawat anggulo. Napakunot ang noo niya at pinitik ang tungki ng ilong ko.
"Aray naman, Asul," reklamo ko.
"Bakit maga mata mo? Umiyak ka? Sino nagpaiyak sa 'yo? Resbakan ko na ba?"
"Nakarma ako sa pambabasted ko sa 'yo, Asul. Nakipagbreak sa akin si Sleep, eh."
"Ano? Bakit? Ano nangyari sa inyo? Kaya pala ilang araw ka nang hindi pumapasok."
"Sabi niya, mag-focus muna raw kami pareho sa pag-aaral. Ang baba kasi ng grades ko."
"Ah, concern lang naman pala sa 'yo si Sleep. Intindihin mo na lang siya, baka naman nabigla lang din siya sa desisyon niya. Try mo kaya pumasok at kausapin mo ulit siya?"
"A-Ayaw ko. Magmumukha naman akong aso na naghahabol sa kanya 'pag gano'n. Alam mo kasi, kapag umayaw na siya, hindi ko na dapat ipilit kasi hindi kami magiging masaya."
"'Kala mo naman may ibang mahal si Sleep at ganyan ka makapagdrama ngayon. Blossom, kalma ka lang. Nakipag-break sa 'yo 'yong tao dahil concern siya sa studies mo. Kahit ako, gano'n din ang gagawin ko kung sakaling boyfriend mo nga ako. Eh, kaso malas, hindi," natatawang sabi niya.
"Basta, gano'n din gagawin ko. Pero hindi naman dapat break agad! Kahit cool offl ang muna sana, 'di ba? Bakit naman break agad?"
Blue
PAGPASOK namin sa klase, napansin kong hindi na sa tabi ni Blossom nakaupo si Sleep.
Tulad ng dati, sa likuran na nakauposi Sleep at kunot-noong nakatingin sa hangin. Pero may kakaiba sa mga mata niya, para bang ang lalim ng iniisip niya.
Napataas ang kilay ko nang may makita akong sugat sa labi at kilay niya.
Sino na namang nakaaway nito?
Pagkaupo ko, napatingin ako kay Blossom at napansin ko ang paglungkot muli ng mga mata niya dahil siguro napansin niya rin na hindi niya na katabi si Sleep sa klase.
Pinagmasdan ko nang mabuti si Blossom.
I admit it, I miss her already. I know we're good, but I can't deny the fact that something has changed. Maliit na pagbabago man o hindi, may nagbago pa rin.
Napatingin ako kay Sleep at ibinalik ko ulit ang tingin ko kay Blossom. Nang muli kong ibalik ang tingin ko kay Sleep, natigilan ako nang mapagtanto ko kung ano'ng tinitingnan ni Blossom.
'Yong kamay ni Sleep, nakabalot ng benda.
Pansin ko rin na maymga sugat din sa braso niya. Muli kong ibinalik kay Blossom ang tingin ko. Nababasa ko sa mga mata niya na gusto niyang lapitan si Sleep at tanungin kung okay lang ba siya o kung napaano 'yong kamay niya.
Napabuntonghininga ako at saka lumapit kay Sleep. "Ano nangyari sa 'yo? Napaano 'yang kamay mo?" tanong ko.
Tiningnan niya lang ako. Akala ko ay hindi niya ako papansinin pero sinagot niya ako. "Nothing serious. May nakaaway lang no'ng isang gabi. Napalakas suntok ko kaya medyo namaga 'yong kamay ko," sagot niya kaya tumango-tango ako.
Pasimple akong lumingon kay Blossom at nakita ko kung paano siyang nakahinga nang maluwag.
Wala na akong nagawa kaya naman umupo na lang ulit ako sa tabi ni Blossom na tunay na puwesto ko 'pag nagkaklase.
Nagsimula na ang Filipino subject namin at tawang-tawa ako sa discussion ni Sir Raymart.
"May mga parte ng katawan natin na dahilan kung bakit tayo nakakalikha ng mga kasalanan. At ang mga kasalanan na ito ay ang nakakapagpadumi sa atin. Dumudumi tayo dahil sa mga kasalanan," sabi ni Sir.
Ako lang ba 'tong green minded o ano?
"Ano ang mga parte ng katawan na nakakapagparumi sa isang tao?" tanong ni Sir Raymart at agad akong nagtaas ngkamay.
"Yes, Blue?"
"Mata po," sagot ko.
"Okay, very good. Paano mo naman nasabing nakakapagparumi sa isang tao ang mata?"
"'Pag namboboso, sir. Or 'pag nanonood ng porn," proud kong sagot at nagtawanan ang mga kaklase ko.
"Jusko naman, Blue. Anong klaseng sagot 'yan?!"
"Sir, puwede rin po 'yong kamay."
"At paano mo naman nasabi na nakakapagparumi sa isang tao ang kamay? Anong kasalanan ang puwedeng gawin ngkamay?"
"'Pag manghihipo, sir." Nagtawanan ulit ang mga kaklase ko. Napalingon ako kay Blossom na hindi tumatawa at seryosong nakatitig lang sa libro niya.
Nawala tuloy 'yong ngiti ko.
Kung hindi broken hearted ngayon si Blossom, eh malamang tatawanan niya agad ang biro ko. Pero 'ayan siya ngayon, tulala at nakatitig lang sa libro.
"Umupo ka na nga, Blue! Nako kang bata ka! Ang dumi ngisip mo!" reklamo sa 'kin ni Sir kaya tumawa na lang ako bago umupo.
"Nakakapagpadumi sa isang tao ay ang kamay, mata, paa, bibig, ilong at tainga. Ang kamay ay maaaring makapagnakaw, makapatay, makakuha ng mga bagay na hindi dapat sa kanila. Ang mata naman ay maaaring makapanghusga ng isang tao base sa nakikita niya. Ang paa naman ay maaaring magamit para tumakas at pumunta kung saan hindi mo dapat puntahan. Ang bibig naman ay maaaring makapanlait ng kapwa, ang ilong ay puwedeng makaamoy ng hindi kaaya-aya kaya lalaitin at huhusgahan n'yo ang iba. Ang tainga naman ay maaaring makarinig ng mga hindi dapat marinig o mangalap ng tsismis. 'Yan ang mga nagiging dahilan kung bakit nagiging madumi ang isang tao. At hindi 'yang pamboboso, panonood ng porn at panghihipo ng kapwa! Jusko kayong mga bata kayo, ang lalawak ng imahinasyon n'yo," mahabang sabi ni Sir kaya nagtawanan kami.
Pagkatapos ng Filipino ay English na namin. Nag-discuss siMiss Hazel at panay ang tawag niya sa pangalan ni Blossom dahilpaborito niya itong tanungin nang tanungin. Kaso ngayon, hindi makasagot si Blossom sa mga tanong ni Miss Hazel dahil iba ang iniisip ni Blossom.
***
NATAPOS ang Math at Music namin kaya naman nauna na akong pumunta sa studio para sa band practice namin.
Hinintay kong makarating ang The Pastel pero wala pa rin si Sleep.
"'Asan na 'yon?" tanong ni Black.
Kanina pa kasi namin hinihintay si Sleep dito sa studio pero wala pa rin hanggang ngayon.
Maya-maya lang ay natigilan kaming lahat nang biglang dumating si Sleep. Gulo-gulo ang buhok niya at parang wala siya sa sarili.
"Brad, kanina ka pa namin hinihintay. Saan ka ba galing?" tanong ko.
Tiningnan niya lang ako. "I quit," walang gana niyang sabi na ikinabigla naming lahat.
"What the hell, Sleep?" hindi makapaniwalang sabi ni Red. Si Red kasi ang pinakamalapit na naging kaibigan ni Sleep dito sa banda.
"I said I f*ckin' quit and I have nothing to do with God damn music," iritableng sabi niya na para bang nairita siya dahil sapag-ulit niya sa sinabi niya.
"Ano ba'ng problema, brad?" tanong ni Black sa kanya.
"Wala," casual na sagot ni Sleep.
"Mag-usap tayo rito ngayon, Sleep. Bakit ka nakipagbreak agad kay Blossom kung 'yon ang dahilan mo? Hindi ba puwedeng cool off na lang muna? Babalikan mo naman siya, 'diba?" diretsang tanong ko kaya agad na nagbago ang expression ng mukha niya.
Kung kanina galit siya, ngayon ay makikita mo ang sakit sa mga mata niya.
"Ano'ng paki mo?" mapaklang tanong niya sa akin.
"P're, kaibigan ko 'yong tao. Sinasaktan mo siya. Sa tingin mo ba, mas makakapag-focus siya sa pag-aaral kung ikaw lang ang tumatakbo sa isip niya dahil nasasaktan siya?"
"Hindi ko na problema 'yon."Uminit ang ulo ko sa naging sagot niya.
"Brad, ano ba'ng problema? Bakit ganyan ka bigla? Puwede mo namang sabihin sa amin ang problema mo. Kaibigan mo kami, 'di ba?" seryosong sabi ni Red kay Sleep kaya natahimik bigla si Sleep at ginulo niya lalo ang buhok niya.
"Pasensya na sa inyo ko naibubuhos ang galit ko," sinserong paumanhin niya. Nilapitan ko siya at tinapik ko siya sa balikat.
"Ano ba'ng dahilan ng galit mo?" tanong ko sa kanya.
"Bago ko sabihin, please lang, huwag n'yong sasabihin kay Prim," pakiusap niya. Sumang-ayon naman kaming lahat. Kaibigan naman naming 'tong si Sleep kaya puwede niya kaming pagkatiwalaan.
"I'm quitting because I can't play the guitar anymore," mapakla niyang sabi kaya nagulat kami.
"Ano'ng nangyari?" seryoso kong tanong.
"Pagkatapos ko makipaghiwalay kay Prim, hiniram ko 'yong motor ni Red dahil gusto kong ibuhos sa pagmamaneho 'yong nararamdaman ko. Kaso dahil sa katangahan ko, sumemplang ako at kamay ko ang naging apektado. Next week ang surgery ko sa kamay. Kaya sabi ng doktor, hindi na 'ko makakatugtog ng gitara kahit kailan."
"T*ngina. Ang tanga mo naman, p're, eh," reklamo ni Black kaya binatukan siya ni Triangle.
"Bakit ka ba kasi nakipaghiwalay kay Blossom? Ang daming puwedeng maging solusyon, bakit naman break agad ang naisip mong paraan? Ang babaw ng dahilan ng break up n'yo."
"Hindi lang naman kasi 'yon ang dahilan ko, eh," malungkot na sabi niya at saka siya umupo sa upuan.
"May iba pang dahilan?" curious na tanong ko.
"Yeah. Hindi naman ako makikipag-break sa kanya agad kung 'yon lang ang dahilan."
"Eh, ano pala?"
"Ayaw pa ni Mama na magka-girlfriend ako. Pababalikin niya raw ako sa London kapag tinuloy ko pa 'yong relasyon namin ni Prim. Ayaw kasi ni Mama na may iba akong inaatupag bukod sa pag-aaral. Mag-focus muna raw ako sa studies. Simula raw kasi nang umuwi ako rito sa Pilipinas, puro si Prim na lang daw ang inaatupag ko."
"Letse naman 'yang magulang mo, Sleep. Makaluma masyado! Pero teka, may mas malaki ka pa palang problema. Paano na 'yong kamay mo? Hindi ka na talaga makakatugtog kahit kailan?" nag-aalalang tanong ni Triangle.
"Hindi na. Nga pala, una na 'ko. May aasikasuhin pa'ko," paalam niya sa amin at saka siya tumayo.
Lumabas na siyang studio pero sinundan ko siya. Hindi kasi ako naniniwala sa mga sinabi niya.
Kilala ko si Sleep kapag nagsasabi siya ng totoo. Kapag nagsasabi siya ng totoo, maikli lang dapat ang sagot niya. Kapag nagsisinungaling siya, mahaba ang explanation niya. Kaya naisip kong nagsisinungaling siya.
Akmang susundan ko siya, pero napatigil ako dahil sabiglaang pagsakit ng ulo ko.
Bad trip naman, lagi na lang ako inaatake ng migraine. Ngayon pa talaga, ha?
Pero dahil kailangan kong sundan si Sleep, isinantabi ko ang iniinda kong sakit ng ulo at palihim ko siyang sinundan.
Walangkatao-tao rito sa campus. Madilim na ang mga hallway at nakita ko si Sleep na bumaba sa hagdan. Pero natigilan ako nang makita ko si Sofia na naghihintay sa hagdan.
Huminto sa harap niya si Sleep at saka ngumiti si Sofia.
"Kanina pa ako naghihintay. Ang tagal mo," mahinhin nasabi ni Sofia sa kanya.
"Sorry. Tara na, hatid na kita," sabi niya at saka niya kinuha ang mga librong hawak ni Sofia.
Sabay silang lumabas ng campus at inis kong sinuntok ang pader sa harap ko.
P*ta. Galing magsinungaling.
Niloloko niya si Blossom? Kailan pa?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top