44
CHAPTER FORTY-FOUR
Rade
OH, crap. Really? What the hell?
Inis kong isinara ang laptopko. Kanina pa ako nag-aaral ng Photoshop CS6 pero hindi ko talaga makuha. May pagka-slow kasi ako pagdating sa ganito. Tss.
Napatingin ako sa phone ko nang bigla itong mag-ring kaya kinuha ko agad.
Tumatawag si Sleep.
"Yo, what's up?" bati ko.
"Rade, I'm here at the hospital. 'Yong malapit sa village."
"What the f*ck? Ano'ng nangyari sa 'yo?"
"Just come here right now. Mamaya na ako magkukuwento."
Pinatay niya na ang tawag kaya napailing na lang ako. Lumabas ako ng kwarto at nakasalubong ko si Blossom na nakatulala at mugto ang mga mata habang naglalakad.
What'swrong with her?
Mamaya ko na lang siya tatanungin. Kailangan ko munang puntahan ngayon si Sleep dahil mukhang may hindi magandang nangyari sa kanya.
Nakarating agad ako sa ospital at nakita ko si Sleep na nakaupo sa isang sulok habang nakatingin sa sahig. Gulo-gulo ang buhok niya at mas lalo kong ikinagulat ang left hand niyang nakabenda.
"What happened?" tanong ko sa kanya at walang gana niya 'kong tiningnan.
"Hiniram ko motor kanina ni Red. Sa sobrang bilis ng pagmamaneho ko, sumemplang ako. Nakausap ko 'yong doktor kanina, ooperahan 'yong kamay ko next week. May aayusin daw sa kamay ko at mga daliri ko."
"Buti kamay lang ang na-damage sa 'yo? Buti hindi nabangasan 'yang mukha mo o kung ano sa katawan mo. Buti buhay ka pa," sarcastic kong sabi sa kanya.
Ano na naman kasing katangahan ang ginawa niya? Kaya ayoko siyang nagmo-motor,eh. Kaskasero magmaneho.
Hindi siya kumibo at seryoso niyang tiningnan ang nakabendang kamay niya.
Natigilan kami sa pag-uusap nang tawagin kami ng doktor na sinasabi ni Sleep. Nag-usap sila sa loob ng office at nagtanong ng kung ano-ano ang doktor.
Tinanong din ng doktor kung ano raw ang mga hilig gawin ni Sleep.
"I'm a guitarist," sabi ni Sleep kaya napabuntonghininga ang doktor at napailing. "I'm sorry pero didiretsuhin na kita, hijo. Kahit gustuhin mo mang maggitara, hindi mo na magagawa ulit maggitara dahil makakasama ito sa kamay mo."
Natigilan kami pareho ni Sleep at napakunot ang noo niya. "What are you trying to say?" walang ganang sabi niya sa doktor.
"You need to stop playing guitar for good."
Nakita kong unti-unting nanghina si Sleep at saka niya ginulo ang buhok niya. Wala siyang ganang tumayo at lumabas ng office.
"I'm sorry, doc. Nabigla lang siya sa sinabi mo," pagkausap kosa doktor at tumango-tango naman ang doktor.
Lumabas na ako at sinundan si Sleep. Nakita ko siyang nakasandal sa pader habang umiiyak naparang bata.
I hate this part. I hate seeing my best friend cry.
Minsan lang siya umiyak pero kapag umiiyak siya, palaging malalim ang dahilan. Nilapitan ko siya at tinapik-tapik sa balikat.
"Rade, do me a favor."
Tumango agad ako.
"Sure. Kahit ano."
"Don't tell her about this."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top