42


CHAPTER FORTY-TWO


"DOON ka sa harap," bored na sabi ni Tulog kay Ziehl at nagpoker face naman si Ziehl.

"Tabi kami ni Blossom sa likod," angal ni Ziehl.

"Girlfriend ko siya, so ako dapat katabi niya," masungit nasabi ni Tulog kay Ziehl.

"Best friend ko siya, so ako dapat katabi niya," bored na sabi ni Ziehl kay Tulog.

"Hanep, pinag-aagawan ako! 'Nak ng," singit ko naman at nagkamot ng ulo si Tulog.

"Sa akin ka tatabi, babe," diretsang sabi ni Sleep at saka niya ako pinapasok sa Montero.

Magkatabi kami ni Tulog dito sa backseat. Si Ziehl ay nasa harapan, katabi ng mama nila. Nakabusangot ang mukha ni Ziehl at nagsaksak siya ng earphones sa tainga niya. Halatang na-bad trip siya kay Tulog.

"Babe," tawag ko sa kanya at tumingin naman siya sa 'kin agad.

Ay, sh*t lang, kinilig agad ako.

"Bakit?"

"Alam na ba ni Papa mo na girlfriend mo 'ko?"

"Oo, yata."

"Eh? Paano?"

"Kapag nag-i-Skype kami, nababanggit ko sa kanya 'yong tungkol sa atin."

Ewan ko ba, kinilig ako sa sinabi niya. Ibig sabihin kinukuwento niya ako sa papa niya. Hindi na ako nagsalita dahil nakaramdam agad ako ng antok nang mag-umpisa ang biyahe.

"Puyat ka na naman?" kunot-noong tanong sa akin ni Tulog. Nahalata niya yatang naghihikab ako.

"Hindi, ah," pagsisinungaling ko.Daldal ako nang daldal pero maya't maya rin ang hikab ko.

"Gusto mo pakinggan favorite song ko?" alok niya sa akin atinstant akong kinilig. Jusmiyo naman.

Ang babaw ko kiligin! Nilagay niya sa tainga ko 'yong isang earphone niya 'tapos nasa tainga niya 'yong kabilang earphone.

Nang mag-play ang kanta ay natawa na lang ako. Paano ba naman kasi, ang favorite song niya pala ay ang Mr. Right ni Kim Chiu.

"Huwag mo akong tawanan. Favorite song ko 'yan dahil ikaw unang pumapasok sa isip ko kapag naririnig ko 'yang kanta na'yan. Bagay sa 'yo."

***

"PAPA," bati ni Tulog kay Tito Alvin at saka kami nagmano kayTito Alvin.

"Naks, sinama mo pala ang girlfriend mo sa pagsundo sa 'kin,Sleep," nakangiting sabi ni Tito Alvin.

"Baka kasi maggala siya kapag wala ako kaya sinama ko na lang," cool na sabi ni Tulog at hinampas ko siya nang mahina sa braso niya.

Habang kasama ko sila, hindi pa rin mawala sa isipan ko ang mga nangyari. Hindi pa rin matanggap ng sistema ko na 'yong tatlo sa mga taong pinakamahahalaga sa 'kin ay pinaglaruan ako. Gano'n ang pakiramdam ko.

Si Sofia na matagal ko nang kaibigan, may kinalaman pala siya sa pagkawala ng kapatid ko. Si Sleep na biglang pumasok sa buhay ko, may kinalaman din pala sa lahat ng nangyayari sa 'kin at sa kapatid ko. At higit sa lahat, 'yong mismong kapatid ko. All this time, he is alive.

Hindi man lang siya nag-abalang kumustahin kami o balitaan kami. Ang daming paraan, pero hindi niya ginawan ng paraan.

I asked him one time kung siya ba ang kapatid ko no'ng nakita ni Ulan ang picture ko at ng kapatid ko sa wallet niya. Chance niya na 'yon para sabihin sa 'kin ang totoo, pero hindi niya ginawa.

***

PUMASOK si Kuya Rade sa kwarto ko at saka siya sumampa sa kamako at bored niyang binuksan ang TV saka siya nanood.

May samaman ako ng loob sa kapatid ko, mas pinili ko na lang intindihin ang naging sitwasyon niya. Maaaring nahirapan ako at ang magulang ko sa sitwasyon noon, pero alam kong mas nahirapan ang kapatidko. Kaya ngayon, talagang bumabawi kami sa isa't isa at inaayos namin ang relasyon ng pamilya namin.

Ganoon talaga, eh. Kapagmahal mo, mahal mo. Walang pero-pero. Lalo na kapag pamilyamo.

"May TV ka naman sa kwarto mo, ah. Tsk," reklamo ko. Ingay ingay kasi no'ng TV. 'Di ko nga gaanong ginagamit 'yong TV dahil hindi naman ako mahilig manood. Minsan lang ako manood ng TV 'pag talagang bored na ako.

"Tss. May itatanong ako kaya ako nandito."

"Oh, ano pala?"

"Bakit ang sama ng ugali ni Rain? Nakasalubong ko siya kanina no'ng nag-jogging ako no'ng umaga. I greeted her but she didn't even bother to greet me back. Like what the f*ck? She didn't even recognize me. I'm the one who comforted her when she got her heart broken. Nakalimutan niya na agad."

Napanganga na lang ako at napahagalpak sa tawa. "Huwag mong sabihing may gusto ka kay Ulan?!"

Tiningnan niya ako nang masama at binato niya ako ng unan.

"I don't like her."

"Weh? Eh, bakit affected na affected ka no'ng hindi ka niya pinansin?"

"Huwag mong bigyan ng meaning 'yong reaction ko, Blossom."

"Woooo, nako. Maniwala ka sa akin, kuya, gusto mo siya. Ganyan din ako kay Tulog dati, eh. In denial. Pero ano? Kami na ngayon," tumatawang sabi ko.

"What the f*ck? Huwag mo akong itulad kay Sleep. I have no plan of having a girlfriend."

"Linya 'yan ni Sleep, eh!"

"Naniwala ka naman sa kanya? Tss. Believe me, noon pasiya may balak mag-girlfriend. Kaso hanggang picture lang no'ng time na 'yon kaya hindi agad siya nagka-girlfriend."

"Seryoso?"

"Yes. Hindi mo ba alam?"

"Na ano?"

"He's already in love with you bago mo pa siya nakilala."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top