41


CHAPTER FORTY-ONE


"OH, nandiyan ka na pala, Blossom. And, oh, may mga kasama ka pala?" nakangising sabi sa 'kin no'ng babae.

Naramdaman ko ang paghawak ni Sleep sa kamay ko. Si Ziehl naman ay masama ang titig sa babaeng kausap ni Rade.

"Teka, teka," sabi pa ulit no'ng babae at saka siya humalakhak.

"Mukhang walang nalalaman dito si Blossom. Hmm. Gusto mo bang ipaliwanag ko muna sa 'yo kung ano'ng nangyayari?" asik sa akin ng babae pero nananatili pa ring nakatutok ang baril niya kay Rade.

"I'll introduce myself first. I'm Barbie. Namatay ang kapatid ko dahil sa katangahan ng magaling mong ama. Wala kayong ideya kung gaano ko kamahal ang kapatid kong si Audrey. Kayano'ng nakapangasawa ako ng isang mafia, I made a plan for a perfect revenge. No'ng time na nakasakay kayo sa eroplano ngpamilya mo, planado na ang pagbagsak ng eroplano. I planned everything. Nang mag-crash ang eroplano ay doon ko pina-kidnap ang kuya mong si Rade. Oh. Kian nga pala, 'no? Anyway, dumating na ang nakatakdang oras para makapaghiganti. Ipaparamdam ko kay Kian kung ano'ng pakiramdam nang mawalan ng kapatid. At ngayon, gusto kong masaksihan at mapanood ni Franzen kung paano papatayin ng anak niya ang isa pa niyang anak, at ikaw 'yon, Blossom. Ginagawa ko lang ang ginawa n'yo sa amin. Nawalan ako ng kapatid, kaya dapat mawalan din ng kapatid si Kian. You ruined everything. You took Audrey away from me."

Bumaling siya kay Dade at nginisian niya ito.

"Hayup ka!" sigaw ni Dade pero hindi siya pinansin ni Barbie.

"Kill your sister, Rade. Huwag kang lilihis sa plano. Isang pagkakamali mo lang ay mapapatay ko 'tong mag-asawang 'to."

Walang emosyong nilabas ni Rade ang baril niya at ikinasa iyon.

Naramdaman ko ang paghigpit ng hawak sa akin ni Sleep dahil papalapit sa 'min ang mga lalaki para kunin ako. Kalmado si Sleep at hinayaan niya akong kunin ngMafia.

What the f*ck?

Si Ziehl ay nananatiling tahimik at walang kibo.

Hinawakan ako ng mga lalaki at hinarap kay Rade. Itinutok sa akin ni Rade ang baril niya at kusang tumulo ang mga luha ko.

"Bakit hindi mo sinabi sa akin?" nanghihinang tanong kopero hindi niya ako sinagot.

Akala ko ipuputok niya na ang baril pero laking gulat ko nang makita kong ngumisi siya at bigla niyang itinutok kay Barbie ang baril.

"Bakit ba hindi mo naisip na matalino ako, Barbie? Pinalaki mo akong matalino. Kami ni Sofia, pinalaki mo kaming matalino," nakangising sabi ni Rade kaya kumunot ang noo ni Barbie.

Wait, what? Ano'ng kinalaman ni Sofia rito?

"Ikaw ang tunay na bobo rito, Barbie. Hindi mo namalayang ang sarili mong anak mismo ang lumilihis sa plano at hindi mo aakalaing ang sarili mong anak ang mismong trumaydor sa 'yo," galit na saad ni Rade.

"Ano'ng ibig mong sabihin?" tanong ni Barbie.

"Yes, Sofia is your daughter, but it doesn't mean na kasinsama mo si Sofia. She's different from you. She has a good heart unlike you," nakangising sabi ni Rade kaya lalong nairita si Barbie.

"Hindi mo alam ang sinasabi mo! Kakampi ko ang anak ko!" galit na sigaw ni Barbie at ipuputok niya na sana ang baril niya pero may nagsalita mula sa likuran niya at lalo akong nagulat.

"No, Mom. Kahit kailan, hindi ako kumampi sa 'yo. Kahit kailan, hindi ako sumang-ayon sa mga plano mo," mahinhin na sabi ni Sofia.

"Huwag kang magpanggap na mabait ka Sofia! Sumang-ayon ka sa plano ko, 'di ba? Kaya nga pinadala kita sa Mariveles parakaibiganin si Blossom!"

Tuloy-tuloy lang ang pag-iyak ko dahil sa mga nalalaman ko.

Bakit nandito silang lahat? Bakit konektado sila sa isa't isa nang hindi ko alam?

"Oo, pumayag akong kaibiganin si Blossom, pero lahat nang pinakita ko sa kanya ay totoo. Naging mabuti akong kaibigan. Pinadala mo ako roon para saktan siya. Pero ang totoo, pumayag akong ipadala mo ako roon para bantayan siya at protektahan siya. Magkaiba tayo ng gusto, Mom. Gusto mong patayin si Blossom? Well, gusto kong iligtas ang kaibigan ko sa kahibangan mo. You're too childish, Mom. Hindi na kita kilala. Hindi ko akalain na aabot tayo sa ganito. Bakit ka nagbago? Hindi mo ba alam na ako ang pinakaapektado dahil sa 'yo?"

Gusto kong tumakbo ngayon papalapit kay Sofia at yakapin siya. Ngayon ko lang napagtanto kung ano'ng ibig sabihin niyatuwing sinasabihan niya ako ng "Mag-iingat ka."

"You—how could you do this to me, Sofia?! I trusted youbecause you're my daughter! Hindi mo ba ako mahal, ha?! I'm your mother, Sofia! Wake up! Listen to me!"

"I love you, Mom. That's why I'm doing this. Forget about your revenge and just leave Sasaki Family alone."

"Hindi mo alam kung ano'ng sinasabi mo, Sofia!"

"May oras pa para magbago ka, Mom. May oras pa para itama ang mga mali mo. Please—"

"I thought I was late." Napalingon kaming lahat sa nagsalita na bagong dating lang at nanlaki ang mga mata ko nang makita kong sobrang daming tao sa likuran niya. Pare-parehas silang nakaitim na jacket.

"Psyche . . ." nakangiting sabi ni Tulog.

"I'm here, bro. As I promised," nakangiting sabi no'ng Psyche at saka sumugod sila ng mga kasama niya.

Ano 'yong hawak nila? Para siyang ballpen. Pero bakit lahat sila ay gano'n ang hawak?

Laking gulat ko nang itusok niya ang ballpen sa leeg ni Barbie at napahiga si Barbie sa sahig. Walang makikitang dugo mula sa kanya at bigla na lang namutla si Barbie saka kusang nawalan ng malay.

Napatingin ako sa paligid ko at lahat ng kasama ni Psyche ay gano'n din ang ginagawa sa mga mafia.

"M-Mom . . . No, please. Hindi ka puwedeng mamatay, magsisimula pa ulit tayo ng panibagong buhay. Mom, please don't leave me alone. Ikaw na lang ang meron ako," umiiyak nasabi ni Sofia habang nakaupo sa tabi ni Barbie.

Akmang sasaksakin din ni Psyche si Sofia ng ballpen pero sumigaw si Ziehl. "No, Psyche, don't hurt her!"

"What the hell, Ziehl?" iritang sabi sa kanya ni Psyche.

"She's my friend. Huwag mo siyang idadamay. Wala siyang kinalaman dito."

"Hindi ka pa rin nagbabago, tanga ka pa rin hanggang ngayon," walang ganang sabi ni Psyche.

Inalalayan ako ni Sleep na maglakad at saka siya bumaling kay Rade na nananatiling seryosong nakatingin sa akin.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top