38


CHAPTER THIRTY-EIGHT

Blossom

"STUNT number 1," sabi ni Miss Iyah kaya naman tumungtong na si Sofia kina Sleep at Red.

Kami naman ni Jessan aynakaalalay kay Sofia just in case na mahulog siya. Nang iangat nina Sleep si Sofia, nagsalita ulit si Miss Iyah. "Show up!"

Mabilis nilang iniangat si Sofia at agad ding ibinaba."Good job, Sofia. Ikaw, Blossom, mukhang magaan ka. Pumunta ka roon kina Stair at Blue, sila ang magbubuhat sa 'yo."

"E-Eh? P-Pero baka mahulog ako."

"Eh, bakit sumali ka pa sa cheerdance na 'to kung takot kang mahulog?! Ha?! P*nyeta, lalayas ka rito o magpapabuhat ka?!"

"M-Magpapabuhat po."Pumunta ako kina Hagdan at Asul, 'tapos no'ng sinabi ni MissIyah na stunt number one, iniangat ako nina Hagdan at Asul sa ere.

No'ng unang beses nila akong iniangat, nahirapan ako magbalance sa taas, pero no'ng paulit-ulit ang stunt number one ay medyo nasanay na rin ako.

"Gaan mo, ah," sabi ni Hagdan sa akin kaya tumawa naman si Asul bigla.

"Siyempre, kasama mo akong nagbubuhat kay Blossom,eh. Kung tutuusin nga, kahit ako na lang mag-isa magbuhat kayBlossom, kaya ko na, eh," pagyayabang ni Asul kay Hagdan kaya tiningnan siya nang masama ni Hagdan.

Napatingin ako kay Tulog at natigilan ako nang makita ko siyang nakikipagtawanan kay Sofia.

Bakit parang may iba akong nararamdaman?

Ibinaling ko sa iba ang atensyon ko kaya naman napatingin ako kay Ulan na binubuhat doon sa kabila nina Jaypee at Triangle. Tawang-tawa ako dahil ang arte ni Ulan.

Napatingin naman ako kay Ziehl sa likuran at nakita kong poker face siya habang binubuhat siya sa ere nina Black at Bright. Woah! "Pyramid number 1!" sigaw ni Miss Iyah.

"Ikaw, Blossom, ikaw ang ilalagay sa gitna," biglang sabi saakin ni Miss Iyah kaya nanlaki ang mga mata ko. Letse na. Paborito 'ata ako, ah.

"Ikaw, Sofia, sa gilid ka ni Blossom. Si Sleep ulit ang bubuhat sa 'yo pati si Red."

Nakaramdam ako ng kaunting inis kay Miss Iyah. Hindi ba puwedeng palit kami ni Sofia? Para ako na lang ang buhatin niTulog.

"Okay, gawin natin 'yong toss! One, two, three, four, five, six,seven, eight! One, two, three, four, five, six, seven, eight!" Binilangan kami nang binilangan. Bumuwelo kami nina Stair at Blue at hinagis nila ako sa ere.

Pero napalingon ako kaySofia na bumagsak sa katawan ni Sleep.

"Sh*t!" sigaw ko nang bumagsak ako sa sahig. P*cha!

"Bakit hindi mo ako sinalo?! Hinayaan mo akong mahulog, Asul!" reklamo ko.Napahawak ako sa puwitan kong sobrang sakit. Buti na lang puwet ang unang tumama sa sahig.

Inalalayan ako ni Stair tumayo. Pati si Asul, inalalayan dinako. "Malay ko bang mahuhulog ka. Ang ganda ng hagis namin sa 'yo 'tapos bigla ka na lang babagsak d'yan. Tss," reklamo ni Asul kaya mas na-bad trip ako.

"I quit," malumanay na sabi ko kaya natahimik ang lahat.

Ayaw ko ng ganitong pakiramdam. May mali, eh.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top