37
CHAPTER THIRTY-SEVEN
Blossom
ONE month and three weeks later . . .
"Guys, kinausap pala ako ng dean kanina. She said there's an upcoming audition para sa cheerdance. May sasalihan kasing cheerdance competition ang campus natin sa November," sabi naman ni Sofia. Kahit kailan talaga 'tong Sofia na 'to, kina-career masyado ang pagiging class president.
"Oh, eh, kailan naman ang audition?" tanong ni Ulan. "Bukas. 4 p.m. 'yong audition sa auditorium," nakangiting sagot ni Sofia.
"OMG! Mag-audition tayong lima, ha!" sabi naman ni Ulan at sumang-ayon naman sina Jessan, Sofia at Ziehl.
"Kayo na lang, mga brad. Ayaw ko mag-cheerdance. Baka kung mapaano pa 'ko d'yan. Baka maaksidente o ano. Basta ayaw ko," sabi ko at tinaasan naman ako ng kilay ni Ulan.
"Feeling mo naman! Mag-o-audition pa lang naman tayo! Sasayaw lang tayo, bruhilda ka! Hindi naman tayo agad mag-chicheerdance doon."
"Manahimik ka, Ulan. Basta ayaw ko talaga mag-audition."
"And why?"
"Basta. Ayoko talaga, Ula—"
"Mag-o-audition din si Kuya," singit ni Ziehl.
"OMG. So magbubuhat ng mga girls si Sleep 'tapos may makaka-partner siya sa cheerdance na babae 'tapos—OMG! Bloss, hindi mo ba babantayan si Sleep? Kapag hindi ka sumali, nako, maraming ahas ngayon! Nagkalat!" OA na sabi ni Ulan.
In the end, napapayag din nila ako. My God.
Jessan
UMUPO na kaming lima sa likuran at nilalamig kami dahil sobrang lamig talaga rito sa auditorium.
Palibhasa centralizedang air-con kaya sobrang lamig. Jusmiyo. Para kaming nasa sinehan. Ganoon ang set up ng auditorium namin.
Napatingin ako sa kadarating lang na The Pastel at umupo sila sa harapan namin. Ang guwapo ni Red. Kahit no'ng hindi pasila nakabubuo ng banda, gusto ko na si Red. Kahit no'ng hindi pa siya sikat, gusto ko na siya. Kaso hindi naman ako napapansin, eh. Hindi niya 'ko napapansin sa dami ng babaeng nakapaligid sa kanya.
Natigil ako sa pagde-daydream dahil si Sleep, biglang tumayo sa harap at lumipat dito sa puwesto namin. Tinabihan niya siBlossom!
Oh, my gosh. Kinikilig talaga ako sa dalawang 'to! Two months and three weeks na sila ni Blossom pero ubod pa rin ngkeso! Mapapa-sana all ka na lang talaga, eh.
Katabi ko si Blossom sa right side ko at katabi naman ni Blossom sa right side niya si Sleep kaya rinig na rinig ko ang lampungan nilang dalawa. Kainggit.
"Bakit mag-o-audition ka? Sabi mo kagabi, ayaw mo," taaskilay na sabi ni Sleep.
"Bakit? Bawal magbago nang isip?" taas-kilay ding sagot niBlossom.
Napangiti ako no'ng nakita ko si Red na tumawa dahil kiniliti siya ni Black. Sana pansinin niya naman ako kahit minsan lang. Maya-maya lang ay tinawag na kaming lima para sa audition.
Tumayo na kami at umakyat sa stage. Siyempre no'ng nasa stage na kami, bago kami sumayaw ay sumulyap muna ako kay Red at nanigas ako bigla sa kinatatayuan ko nang makitakong nakatingin din sa 'kin si Red.
OMG. First time niya akong tiningnan!
Nagsimula na 'yong tugtog at nagsimula na kaming magsayaw. Pero hindi ako makasabay sa steps dahil nadi-distractako dahil nakatingin sa 'kin si Red.
Hindi talaga ako makasayawnang maayos.
"Rain, Sofia, Blossom and Ziehl, pasado kayo sa audition. Jessan, hindi ka pasado. Hindi ka yata marunong sumayaw basesa nakita namin," umiiling-iling na sabi ni Sir Win.
Nadismaya agad ako at napayuko na lang ako. Hindi ako natanggap sa audition. P*cha, ang malas.
Siniko naman ako ni Blossom at napatingin ako kay Blossomsa tabi ko. May tinuturo siya sa harapan kaya naman tuminginako sa harap at . . . nakita ko si Red na naglalakad papalapit kinaSir Win.
"Sir, can you give her one last chance? She'll dance with me," nakangiting sabi ni Red at naramdaman ko ang pagkalaglag ngpanty ko sa sahig.Tama ba ang narinig ko? Halos lumuwa ang mga mata ko dahil sa gulat sa sinabing iyon ni Red.
"Fine," kibit-balikat na sabi ni Sir Win at binatukan ako ng mga kaibigan ko.Bumaba na sila ng stage at naiwan ako rito. Napatingin ako sa mga taong nakaupo sa loob ng auditorium at 'yong mga fans ni Red ay masama ang tingin sa 'kin.
Aba.Hindi na naman ako makagalaw sa kinatatayuan ko nang makaakyat si Red sa stage at lumapit sa akin.
"Thinking out loud," bulong niya sa akin at nagtaka naman ako. Pero bago pa ako makapagsalita para magtanong ay biglang nagsimulang tumugtog ang Thinking Out Loud ni Ed Sheeran.
Buti na lang alam ko kung paano sayawin 'to. OMG.
Nagsimulana akong sumayaw at gano'n din si Red. Ginaya namin 'yong babaeat si Ed Sheeran sa mismong music video ng Thinking Out Loud.
Butikabisado rin niya 'yong steps. Habang sumasayaw kaming dalawa, kinikilig ako dahil tinitingnan niya ako sa mga mata.
Dream come true!
Natapos ang sayaw namin at nag-bow kami pareho. Pumalakpak sina Sir Win at nginitian ako.
"Okay, you're in," nakangiting sabi ni Sir Win kaya napatalon ako sa tuwa.
"Thank you, sir!" sigaw ko. Humarap ako kay Red at nginitian ko siya nang todo.
"Thank you, Red!" Nginitian niya ako at para akong nakuryente sa pagngiti niya.
"You're welcome. And besides, kasalanan ko naman kung bakit hindi ka nakasayaw nang maayos kanina," nakangisingsabi niya at saka siya bumaba ng stage. At ako? Naiwan akong nakanganga.
Nahalata niya kaya na may gusto ako sa kanya?!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top