34
CHAPTER THIRTY-FOUR
"BLOSSOM, pakikuha naman 'yong class record ko sa cubicle ko sa faculty, puwede?" tanong sa akin ni Sir Win.
"Sure, Sir!"Lumabas agad ako ng room at naglakad papunta sa faculty. Pumasok ako sa loob pero siyempre nagpaalam ako sa teacher na nakita akong nandoon. Kinuha ko 'yong class record.
Lumabasna agad ako ng faculty at habang naglalakad ako sa hallway, nakasalubong ko si Sofia.
"Naks! Busy nang bongga si President," natatawang pangaasar ko sa kanya at nginitian niya naman ako. Kahit kailan talaga, ang hinhin ng isang 'to.
"Saan ka galing, Blossom?" nakangiting tanong niya. Jusko, kung lalaki lang ako, malamang na-in love na ako sa ngiti ni Sofia. Eh, kasi naman, 'no! Sa aming magkakaibigan, si Sofia ang pinakamaganda.
"Inutusan ako ni Sir Win."
"Ah, sige, sige," nakangiting sabi niya.
"Una na 'ko, Sofia."
Akmang lalakad na ulit ako pero nagulat naman ako nangbigla niya akong hawakan sa wrist ko.
"Oh, bakit? Miss mo na agad ako? Jusko, Sofia!" pagbibiro ko. Natigilan naman ako sa pagtawa dahil nakita kong naging seryoso bigla ang mukha niya.
"Mag-ingat ka," huling sabi niya at binitiwan niya na ako saka siya naglakad paakyat ng hagdan.
***
BUMANGON ako at masiglang ginawa ang mga ritwal ko sa umaga.
Grabe! Ang ganda ng umaga ko. Kaso miss ko na si Tulog. Hindi pa kasi siya nagte-text sa akin simula kagabi no'ng umalis sila. Psh.
Kumusta kaya siya ngayon?
Lumabas na ako ng bahay habang winawagayway ang paldang uniform ko. Feel na feel ko ang uniform ko ngayon, ah. Hindi na ako sanay maglakad papasok ng school mag-isa. Nasanay na ako na si Tulog lagi ang kasabay ko.
Habang naglalakad ako palabas ng village, natigilan ako nang biglang may humintong van sa harap ko.
Bumukas ang pinto ng van at lumabas doon ang tatlong lalaking nakasuot ng bonnet na itim at—Sh*t! Kumaripas ako ng takbo at lumiko sa kabilang village. Pero huli na ang lahat. Naabutan nila ako at hinawakan ako ng isang lalaki.
Nakaramdam ako ng takot at kaba. Bakit ang weird ng mga nangyayari sa akin no'ng mga nakaraang araw at nakaraang linggo? Pati ang mga linyang binibitiwan sa 'kin ng mga tao sa paligid ko ay kakaiba.
Pinagpapawisan ako ngayon at talagang kinakabahan na ako.
"B-Bitiwan n'yo ako!" pagpupumiglas ko pero ang lakas niya masyado.Naamoy ko ang pabango niya at parang pamilyar sa 'kin ang amoy na 'yon.
Dumating 'yong dalawa pa niyang kasama at hinatak nila ako papasok ng van. Wala na akong magawa kung hindi ang hilingin na sana may taong sumagip sa akin ngayon.
Sana 'wag akong mapahamak . . .
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top