32


CHAPTER THIRTY-TWO


THREE weeks na kami ni Tulog pero hanggang ngayon, kinikilig pa rin ako.

Bakit ganoon?

Siyempre no'ng naging kami, mga kaibigan ko agad ang unang nakaalam at ang magaling na Ulan, ipinagkalat sa classroom kaya kumalat na sa buong campus namin.

Anywayhighway, July 27 ngayon, Monday. Okay na kami nina Momsie at Dade last week dahil nag-sorry ako sa kanila at nag-sorry rin sila sa akin. Pero masaklap pa rin at nakalulungkot dahil alam kong wala pa ring magbabago. I mean, they will just keep on breaking their promises.

"Babe."

Natigilan tuloy ako sa pag-iisip dahil may lalaking umupo sa tabi ko. "Dito na ako uupo sa tabi mo kapag may klase," nakangising sabi niya.

"Bakit d'yan ka uupo? Upuan kaya ni Asul 'yan," reklamo ko.

Kumunot naman ang noo niya at saka niya pinitik ang ilong ko. What the?" Ayaw kong may iba kang katabing lalaki. Kahit kaibigan ko pa," seryosong sabi niya at saka siya nagsimulang magbasa nglibro niya.

Jusko, may long quiz nga pala kami ngayon sa Science! Bakit ko ba nakalimutan 'yon? Tch.

Binuklat ko na lang din ang libro ko at nag-review mula Chapter 1 hanggang Chapter 3. Dumating si Asul at nagtataka siyang tumingin kay Tulog.

"Bro, alis na. D'yan ako nakaupo," inis na sabi ni Asul kayTulog.

"Doon ka sa music studio magklase," poker face na sabi niTulog kay Asul kaya agad namang binatukan ni Asul si Tulog.

"Nananakit ka na, ah," reklamo ni Tulog.

"P*cha, pasalamat ka, malakas ka sa akin, eh. Tsk. 'Oy, Blossom, lipat ako doon sa likod. Hindi mo na ako seatmate," natatawang sabi ni Asul sa 'kin kaya natawa rin ako.

Close na close na masyado si Tulog sa The Pastel dahil na rin siguro lagi silang magkakasama.

***

HABANG naglalakad kami pababa ng hagdan, nakasalubong namin si Rade at nagtataka naman kami nang mapahinto si Sofia sa paglalakad.

Si Rade naman, walang gana siyang tumingin kay Sofia. At si Ulan? Nakataas ang kilay ni Ulan habang nakatingin kina Sofia at Rade. Wow, Ulan, selos lang ang peg? Jowa ka, 'teh?

Ano'ng meron?

"H-Hi, Rade," bati ni Sofia kay Rade pero bored siyang tiningnan ni Rade at saka niya kami nilagpasan.

"Hoy, Sofia. Ano'ng mayroon sa inyo ni Rade at parang may something?" taas-kilay na tanong ni Ulan.

"Wala. Ugali niya lang talagang sungitan ako lagi. Kainis. Sungit-sungit," nakasimangot na sabi ni Sofia.

Dumiretso na kami sa cafeteria at nagbubulungan ang mga student about sa 'min ni Tulog.

"Kasalanan mo 'to, Ulan, eh!"

"Bakit ako na naman, aber?"

"Pinagkalat mo, eh!"

"Aba dapat lang na ipagkalat 'yong gano'ng balita, 'no! Sakawait, don't tell me kinakahiya mo si Sleep?"

"Hindi, ah! Asa! Ayaw ko lang talaga ng atensyon ng iba."

"Weh, kailan ka pa naging humble, Blossom? Huwag kami," natatawang sabi ni Jessan. Umupo na kami sa bakanteng lamesa at si Tulog ang pina-order namin ng pagkain namin kaya naiwan kami ng mga kaibigan ko sa mesa.

"So, ano na'ng balita sa inyo, Bloss? Nag-kiss na ba kayo? Ano'ng kiss na nagawa n'yo? French kiss? Like that? Ano dali, spill! Gusto ko i-demo mo," pang-aasar ni Ulan.

"P*cha. Ulan, dumi ng utak mo! Hindi namin ginagawa 'yan,'no!"

"What? Hindi madumi ang utak ko, Bloss. Normal lang nagawin n'yo ang ganyang bagay lalo na kapag in a relationship kayo."

"Pero hindi lahat nang pumapasok sa relasyon, eh kailangang gawin ang ganyang bagay," singit ni Ziehl.

"She's right," pagsang-ayon ni Sofia kay Ziehl.

"Aba! Mga kontrabida talaga 'to!" reklamo ni Ulan kaya nagtawanan kami.

"Kung mahal talaga nila ang isa't isa, kahit walang kiss ay kuntento na sila," kibit-balikat na sabi ni Ziehl.

"Hoy, Ziehl, humuhugot ka, ah! Nag-kiss na ba kayo ni Black?!" tumatawang sabi ko kaya tiningnan niya ako nang masama.

"Asa," masungit na sabi niya at dumating na si Tulog.

Tumabi sa 'kin si Tulog at umubo-ubo naman si Ulan. Lintek na. Konti na lang, tatanggalan ko na ng lalamunan 'tong Ulan na'to.

"'Oy!" sigaw ni Black sa amin kasama sina Asul. Tiningnan sila ni Tulog.

"Bakit?"

"May sasalihan ulit tayong battle of the bands next week,"nakangiting sabi ni Triangle.

"Saan naman 'yan?"

"Sa Pampanga. Two days and three nights tayo doon. Sa Monday ng hapon, dapat nandoon na tayo sa venue sa Pampanga," sabi naman ni Asul.

Napatingin naman siya sa akin bigla."Sama ka, Blossom?" pag-aaya sa akin ni Asul.

Sasagot sana ako kaso biglang nagsalita si Tulog. "Hindi siya sasama."

"At bakit naman?! Ayaw mo akong kasama?!" reklamo ko kayTulog.

"Ayaw kitang isama para ma-miss mo ako," sabi niya habangnakangiti nang nakakaloko. Ang mukha naman nina Asul? 'Ayun,diring-diri sila.

"Hindi bagay kay Sleep, mga bro!" natatawang sabi ni Asul.

"Sama na ko, Tulog, sige na. Gusto ko kayo mapanood."

"No."

"Tulog kamo. Sama na ako, please!"

"Huwag makulit, babe."

"What the? Babe daw?" nandidiring sabi ni Asul kaya binato siya ni Tulog ng kutsara.

***

WALA kaming training kaya maaga akong uuwi ngayon.

Twicea week na lang ang training at kung kailan lang namin gusto lumangoy ay puwede. Sa pagkakaalam ko, last day na ngayon ni Rade sa campus namin dahil babalik na raw siyang Manila. Kailangan niya na raw kasi um-attend ng classes niya dahil start na ng pasukan nila. Late ang pasukan ng university nila kaya first week of August ang pasukan nila which is next week na.

Nabanggit niya sa aming mga swimmer 'yon last week kaya medyo nalungkot kami no'ng malaman naming wala na kaming trainor sa swimming.

Kasama pala sa cleaners si Tulog ngayon. Monday cleaner siya, eh. Ako, Wednesday cleaner pa. Kaya ito ako, hinihintay siyang matapos maglinis.

"Tulog, punta lang akong CR, ah?"

"Sige. Balik ka agad."Lumabas na ako ng classroom at naglakad papunta sa CR pero nakasalubong ko si Rade. Mukhang paalis na siya. Huminto ako sa harap niya at napatingin siya sa akin.

"Bye, Rade! Hope to see you soon! Salamat pala sa lahatlahat, ah?"Isang tipid na ngiti ang ibinigay niya sa akin.

"You won't see me again, Blossom. You might regret it if we meet again," makahulugang sabi niya kaya nagtaka naman ako.

Nilapit niya sa tainga ko ang bibig niya at may ibinulong siya sa akin.

"Don't trust your friends too much. Lalo na't hindi mo alam kung sino ang tunay na kalaban mo at kung ano ang pakay nila sa 'yo."

Sinong kaibigan ang tinutukoy niya?



Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top