31


CHAPTER THIRTY-ONE


TUMINGIN ako sa wall clock ko at nakita kong 6 p.m. na pala.

Kahapon pa ako nakakulong dito sa kwarto at hindi lumalabas.

Naramdaman ko ang pagkulo ng tiyan ko. Hindi pa pala ako kumakain simula kahapon. Sobrang sama kasi ng loob ko kahapon at magdamag lang akong nagmukmok sa kwarto. Arte mo, Blossom. Nahawa ka na kay Ulan.

Nakita ko si Manang na nagwawalis sa sala at nag-aalala siyang tumingin sa akin. "Kumain ka na ba, 'Nak? Gusto mo ba, ipagluto kita? Anong ulam ba gusto mo?"

"Huwag na po, Manang. Punta na lang po ako sa Ministop, doon na lang po ako kakain. Ikaw po ba, kumain ka na? Bilhan kita sa Ministop, Manang?"

"Nako, huwag na. Magluluto na lang ako kung ano'ng mayroon d'yan sa ref. Sige, mag-ingat ka. Pakabusog ka, Anak."

Kumuha muna ako ng hoodie jacket dahil malamig sa labas. Hindi pa 'ko naliligo simula kahapon dahil nga nagkulong langako sa kwarto ko. Pero kahit gano'n, mabango pa rin naman ako. Ah, basta. Mamaya na lang ako maliligo pag-uwi ko. Basta kakain muna ako dahil gutom na talaga 'ko.

Lumabas na ako ng bahay at naramdaman ko agad anglamig.

Naglakad ako palabas ng village at pumunta sa malapit na Ministop. Pumasok ako roon at um-order ng chillz, kariman,fried siomai at siopao na asado.

Kumain ako doon sa bakanteng lamesa na kaharap 'yong glass window kaya kitang-kita ko ang view sa labas.

May mga sasakyang dumaraan at hindi ako natutuwa sa kanila. Humalakhak ako. Ibaling daw ba ang galit sa mga kotse, eh 'no?

Habang lumalamon ako, napatingin ako sa entrance at nakita ko si Tulog na naglakad papasok. At nagtama ang mga mata namin.

Lumapit siya sa akin at umupo sa tabi ko.

"Takaw mo," kunot-noo niyang sabi habang nakatingin sa pagkain ko.

"Paki mo ba? Eh, kahapon pa ko 'di kumakain, eh."

"Bakit mo naman ginutom nang gano'n ang sarili mo?" salubong ang kilay na sabi niya. Sumimangot lang ako.

Tumayo siya at um-order ng pagkain niya. Konti lang ang inorder niya. Chillz at kariman lang. Umupo na ulit siya sa tabi ko at sabay kaming kumain.

"Paano mo pala nalaman na nandito ako?"

"Siyempre, ako pa."

"Stalker talaga kita, Tulog."

"Asa ka."

"Deny pa."

"Talaga."

"Nako, Tulog. Style mo bulok."

"In love ka naman?"

"U-Utot mo!" nautal na sigaw ko. P*chang Tulog 'yan. Kainis. Biglang bumabanat ng gano'n.

Nagulat naman ako nang bigla siyang tumingin sa 'kin nang seryoso 'tapos unti-unti niyang inilapit sa akin 'yong mukha niya at . . . at! P*cha! Hinalikan niya 'yong gilid ng labi ko!

'Yong gilid lang! Hindi 'yong labi ko mismo. Letse.

Bakit hindi pa sa labimismo? Joke lang!

"May dumi, inalis ko lang," nakangising sabi niya at saka siya umayos ng upo at muling kumain. Ugh.

"Puwede namang 'yong kamay mo ang ipantanggal mo ng dumi, ah!" reklamo ko.

"Gusto ko, labi ko 'yong magtanggal, eh. Bakit ba?"

"Ewan ko sa 'yo, Tulog! Pangit mo!"

Humalakhak siya. "Pangit daw."

"Guwapo lang 'yong jawline mo at 'yong mata mo pero hindi ka guwapo!" sigaw ko. 'Yong panga niya talaga ang pinakagustoko sa kanya. 'Tapos 'yong mata pa niya, green na green. Sarap titigan.

"Okay ka na?" bigla niyang tanong. Gets ko naman agad 'yong tanong niya.

"Medyo, pero na-guilty ako kasi parang ang sama no'ng sinabi ko kina Momsie at Dade kahapon. Nadala kasi ako ng galit ko. Gusto ko tuloy mag-sorry sa kanila."

Hindi siya nagsalita kaya naman iniba ko na ang usapan. "Ano'ng middle name ni Zayn Malik?" banat ko.

"Ano?"

"Eh 'di Dinabu. Zayn Dinabu Malik," hagalpak ako sa sarili kong joke at narinig kong nagtawanan 'yong ibang tao sa paligid.

"Corny, ah," kunot-noong sabi ni Tulog kaya natawa ako lalo.

"Mahal mo naman," nakangiting sabi ko.

"Sino nagsabi?" Aw. Okay, natigilan naman ako doon. Oo nga naman, sino nga ba nagsabing mahal niya 'ko?

Tsk. Assume-erang Blossom.Hindi na lang ako nagsalita at nilagok ko 'yong chillz ko hanggang sa maubos agad. Pati pagkain ko, inubos ko rin agad.

"Tapos ka na kumain? Uwi na tayo, Tulog. Maliligo pa ako. Hindi pa ko naliligo."

"Kadiri ka."

"Arte mo, Tulog, ah!"

Asar 'tong Tulog na 'to. Tch.

Lumabas na kami ng Ministop at naglakad na kami pauwi. Habang naglalakad kami, napansin kong pareho pala kaming nakasuot ng hoodies kaso 'yong akin, kulay red, at 'yong hoodie niya naman, kulay maroon.

"Baka matunaw ako niyan," reklamo niya kaya napaiwas tuloy ako ng tingin.

"Masama bang tingnan ka, ha?" Hindi siya sumagot at tahimik lang kaming naglakad hanggang sa makarating kami sa tapat ng bahay namin.

"Bye, Tulog," paalam ko at akmang papasok na sana ako ng gate pero bigla niya akong hinila kaya napasandal ako sa gate namin.

Napalunok ako nang maraming beses dahil bigla siyang tumitig sa mga mata ko.

"Hindi ako 'yong tipo ng lalaking maghahanda ng surprise para mapasagot ka ng oo," seryoso niyang sabi kaya napalunok ulit ako.

"Puwede bang mauna na 'yong oo mo? 'Tapos kapag tayo na, araw-araw kitang liligawan."

I'm speechless. Hindi ko alam kung ano'ng ire-react ko or isasagot ko.

Basta ang alam ko sa ngayon, gusto ko siyang sagutin ng oo . . .

"Sino ba namang tatanggi kay Sleep Kaiser Topaz, 'di ba?"

He smiled."So, tayo na?"

Ngumiti ako nang malapad. "Yes. Tayo na."

Mas lalo siyang napangiti. He leaned closer to me, and he was about to kiss me pero natigilan kami pareho dahil biglang nag-ring 'yong phone ko sa bulsa ko. P*cha, wrong timing.

Agad kong kinuha ang phone ko at tiningnan kung sino'ng tumatawag.

Anak ka ng tipaklong, Ulan. Wrong timing ka!

Inis kong pinatay 'yong tawag at humarap ulit kay Tulog.

"Good night na, Tulog. See you bukas."

Agad-agad akong tumakbo papasok ng bahay at napasandal sa pinto.Peste kang Ulan ka. Tatawag ka na nga lang, bakit sa moment pa na malapit na kami mag-kiss?!

Kainis! Naudlot!

'Yon na 'yon, eh! Labi 'yon ni Sleep, oh! Labi 'yon ni Sleep! Si Sleep!

P*cha. Nang dahil lang sa 'yo, Ulan, hindi ko na-experience 'yong labi ni Sleep sa labi ko! Ugh!

Naligo na ako at nagbihis. Pagkatapos ko magpatuyo ng buhok, pinatay ko na ang ilaw at humiga na ako sa kama ko.

Napangiti ako nang malapad.

Hindi man nangyari sa amingdalawa 'yong mga nangyayari sa iba na sinu-surprise ng lalaki'yong babae para mapasagot ang nililigawan niya, for me, Sleep is the very best suitor I ever had.

He has his own unique way para mapasagot ako.

Nagulat ako nang biglang bumukas 'yong sliding door sa balcony ko at—what the hell?Nandito si Sleep.

Dumaan siya sa balcony ko para makapasok dito sa kwarto ko. Napasandal tuloy ako sa head board ng kama ko at hinintay ko siyang lumapit.

"Trespassing ka, ah," reklamo ko kunwari at tumawa siya nang mahina.

"May nakalimutan lang akong sabihin."

"Eh? Ano?" Lumapit siya sa akin at natigilan ako nang bigla niyang halikan ang noo ko.

Paulit-ulit na umikot ang bituka ko at naramdaman ko ang mga nagliliparang paruparo sa tiyan ko. P*cha.

"I had a crush on you for a very long time already."

Natahimik ako sa sinabi niya.

Matagal na siyang may crush sa akin? Eh? Kailan lang naman kami nagkakilala, ah? Nababaliw na ba siya?

Hindi tuloy ako maka-react. Kinikilig kasi ako kahit hindi ko alam kung ano'ng buong kuwento.

"I love you. Good night, babe," nakangiting sabi niya. Kahit madilim, kitang-kita ko kung paano siya ngumiti bago siya tuluyang lumabas sa balkonahe ko.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top