30
CHAPTER THIRTY
Blossom
UMUWI ako nang maaga sa bahay at pagkauwing-pagkauwi ko, nadatnan ko si Momsie sa library ng bahay namin.
Mini library lang siya at pagmamay-ari 'yon ni Momsie. Doon siya nagsusulat ng stories at nandoon din lahat ng collection ng libroniya pati ng mga binabasa niya. Katabi niya si Dade na nakangiti habang nakatitig kayMomsie. Si Momsie naman ay busy sa pagta-type sa laptop niya.
Mahal nila ang isa't isa.Kahit gaano kahirap ang pinagdaanan nila, iyan silang dalawa, magkatabi at magkasama. Kitang-kita sa mata ni Dade kung gaano niya kamahal si Momsie.
Ang suwerte nila pareho sa isa't isa.
"Oh, baby, nandiyan ka pala," nahihiyang sabi ni Dade nang mahuli ko siyang nakatitig kay Momsie.
"Bakit, Blossom?" mahinahong tanong sa akin ni Momsie.
"Bukas na 'yong swimming competition namin. 10 a.m. ang start."
"Talaga? Sige, manonood kami. Promise," nakangiting sabini Momsie.
Sana manalo ang school namin bukas. Humiga na ako sa kama ko at matutulog na sana nang maaga, para mas malakas ako bukas.Pero binuksan ko muna ang phone ko at nag-post ng status sa FB.
Kinakabahan na ako.
Iyan 'yong post ko at marami na namang nag-like kaagad. May mga nag-comment at nag-good luck din sa akin. Aba, siyempre karangalan ang masabihan ng good luck ng sikat naThe Pastel, 'no. Nag-comment din ang The Garden. Pati si Stair, nag-comment din. Maraming nag-comment at ni-like ko na lang lahat 'yon. Hindi ko naman kailangan mag-thank you sa kanila isa-isa. Understood naman na siguro na thankful ako sa kanila.
Matutulog na sana ako kaso biglang may nag-comment ulit sa post ko.
Si Sleep.
Matulog na. Wag na magpuyat.
Wala namang nakakakilig sa comment niya pero lumundag 'yong puso ko. Marami agad nag-like ng comment ni Tulog. May mga nag-comment na naman na schoolmates namin. Maraming negative reactions ang mga tao pero may mga positive rin na comments. At siyempre, nabasa ko ang comment ng mga kaibigan ko. 'Nak ng.
Rain Samson: Ayun naman pala Bloss! Tatay mo naman pala si Sleep!
Jessan Flores: Ayie! Blossom + Tulog = Blossog! #Blossog shipper talaga ako eh! I ship you both!
Sofia Anderson: Sweet. :)
Ziehl Topaz: Hindi makakatulog lalo 'yan, pustahan.
Binasa ko naman ang comments nina Red at natawa na langako.
Red Trinidad: Ligawan pa lang ba 'yan or kayo na?
Black Jewel: GALAWANG SLEEP. DINAIG SI BLUE. LOL
Triangle Carrino: Missing in action si Blue. Calling the attention of Blue. Blue! Daigin mo 'yung comment ni Sleep! #Blasul Shipper pa rin ako kahit ano'ng mangyari. Haha!
Jusko. #Blossog na, may #Blasul pa. Seriously? Wala ba silang maisip na matinong combination ng name? May nag-chat naman sa akin kaya in-open ko ang messengerko. Lumundag na naman ang puso ko.
Hindi pinansin comment ko.
Eh matutulog na kasi sana ako. Sabi mo kaya matulog na ako!
Pakisabi kay Jessan, hindi ko gusto 'yong Blossog. Like WTF? Pwede bang Prim plus Sleep ang gamitin nila? Ayoko ng Blossom.
Wow ha. Makapanlait ka ng first name 'kala mo ang ganda ng first name mo ah! TULOG!
Pogi pa rin.
Eh 'di wow. Good night na, Tulog. Nood ka bukas ha?
Oo, para sa 'yo. :)
***
"WARM up. Sa lane 6 tayo," sabi ni Rade. Isinuot ko na ang goggles ko at nag-ready na.
Anyway, 9 a.m. na ngayon at maaga kaming dumating dito kanina kasi nag-stretching pa kami at kailangan naming mag-warm up sa pool.
Padami nang padami ang mga tao sa paligid pero may hinahanap ako na hanggang ngayon hindi pa rin dumadating.They promised to watch me. Nasaan na sila?
"Uy, Blossom, ikaw na magda-dive," biglang sabi ni Jaypeekaya parang nagulat pa ako.
"Wala ka sa sarili, p're. May problema ba?" tanong sa akinni Vinz.
"H-Ha? Wala."
Nag-dive na ko at nagsimula nang lumangoy, pero 'yong langoy namin ngayon, mabagal lang. 'Yong parang nagre-relax lang kami sa tubig.
Siyempre, nire-reserve namin 'yong energy namin para mamaya. Pero habang lumalangoy ako, hindi pa rin ako mapakali.
Nasaan na sila?
Natapos kaming mag-warm up at umahon na kami sa tubig. Ang dami nang nanonood na galing sa iba't ibang campus. Nakita ko sina Ulan na nakaupo roon sa 'di kalayuan, kasama ang mga schoolmate namin.
Nandoon din ang The Pastel siyempre, patisi . . . Tulog. Pero kahit nakita ko silang lahat, may hinahanap pa rin ako.
"Sa head quarters muna tayo, mag-uusap tayo saglit," sabi saamin ni Rade kaya naman sumunod kami sa kanya. Pero ito ako, matamlay at parang walang gana.
"We're aiming for the gold medal, isipin n'yo 'yong pinagpaguran n'yong training. And please, do your best," paalala ni Rade at napatingin naman siya sa akin.
"Are you alright, Blossom?" nag-aalalang tanong niya sa akin.
"Okay lang ako," pilit na ngiting sagot ko. Umalis na 'yong mga kasama kong swimmers at pumunta na sila roon sa waiting area.
"Good luck," nakangiting sabi sa akin ni Rade at pumunta na rin siya sa waiting area. Pero ako? Naiwan lang ako rito sa headquarters habang nakatulala.
Darating kaya sila?
Natigil ako sa pag-iisip nang may pumasok sa head quarters at nakita ko si Sleep na naglalakad papalapit sa akin.
"Bakit hindi ka pa lumalabas?" tanong niya sa akin.
"Ah, lalabas na ako. Hinihintay ko lang sina Momsie at Dade. Sabi kasi nila, manonood sila."
"Labas ka na, ako na lang bahala kina Tito at Tita kapagdumating sila. Doon ko na lang sila papaupuin sa puwesto namin para madali mo silang makita."
Sweet ni Tulog, pero wala ako sa mood para kiligin ngayon, eh. Malalim kasi ang iniisip ko. Napayuko na lang ako at napakagat sa labi ko.
Kinakabahan ako.
Paano kapag hindi sila dumating?
Naramdaman ko ang paglapit sa akin ni Sleep at hinawakan niya ako sa balikat.
"If you feel like running away or backing out, tingin ka lang sa akin. I'm watching you," he said then he leaned forward to me and kissed me on my cheeks. "Galingan mo," dagdag pa niya at napangiti na lang ako.
Nakagagaan ng loob ang presensya niya.
"Thank you, Tulog."
***
TINAWAG na ang next batch at tumayo na ako.
Pumuwesto naako sa diving board at narinig ko ang mga cheer ng schoolmates ko, lalo na ng mga kaibigan ko.
Napatingin ako kay Sleep, seryososiyang nakatingin sa akin. Tipid na ngiti lang ang naibigay ko sa kanila kaya parang natigilan sina Ulan sa pag-chi-cheer. Siyempre, mga kaibigan ko sila, eh. Mararamdaman agad nila if there's something wrong with me.
Narinig ko na ang unang pito ng umpire, senyales ng salitang 'ready'. Pumito siya ng pangalawang beses na senyales bilang 'set'. Itinaas ng umpire ang hawak niyang baril saka ipinutok iyon sa ere bilang senyales na 'go'.
Nag-dive na ang mga kalaban ko pero nananatili pa rin akong nakatayo sa diving board. Nag-react ang mga tao sa paligid at sa akin silang lahat nakatingin.
Sa huling pagkakataon, tiningnan ko ulit ang paligid ko pero nabigo na naman ako. Wala sila, hindi talaga sila darating.
T*ngina. Paasa.
Sa sobrang pagkadismaya ko, bumaba ako ng diving board at tumakbo paalis.
Disqualified na ako.
Aanhin ko 'yong gold medal kung hindi naman ako pinanood ng magulang ko? Wala ring silbi, 'di ba? Nakakawalang gana. Nakakawala talaga ng gana.
Pumasok ako sa CR at ni-lock ko 'yong pinto. Doon ako nagsimulang umiyak nang umiyak.
They broke their promise again. Kailangan bang paulit-ulit nilang hindi tuparin 'yong pangako nila? Kailangan bang paulit-ulit na lang na mangyari sa 'kin 'to?
"Prim, open the door please," mahinahong sabi ni Sleep salabas ng pinto. Hindi ako nagsalita at nanatili akong umiiyak nang tahimik sa isang sulok.
"Prim, please. Papasukin mo ako."
No'ng una, ayaw ko pang buksan ang pinto dahil ayaw kong makita niya akong umiiyak. Pero in the end, binuksan ko pa rinang pinto.
Pagkapasok na pagkapasok niya, niyakap ko siya at umiyak ako nang umiyak sa dibdib niya.
Naramdaman ko nalang ang paghagod niya sa likod ko para pakalmahin ako. Pero iyak pa rin ako nang iyak. Mas nangingibabaw 'yong sakit na nararamdaman ko.Hindi nagsasalita si Sleep dahil alam niya na siguro kung bakit ako tumakbo paalis at kung bakit hindi ako nag-compete.
***
"SAMAHAN kita sa loob?" tanong niya sa 'kin pero umiling ako. "Hindi na. Salamat."
Pumasok na ako sa bahay at nakasalubong ko sina Dade at Momsie na paalis pa lang at parang may pupuntahan.
Nanlaki naman ang mata ni Momsie.
"Baby, kumusta 'yong laban mo? Nanalo ka ba? Gold medalist ka ulit? Yie! Ano nangyari?" tanong sa akin ni Dade.
"Oh, ang aga namang natapos ng competition n'yo, Blossom? Pasensya ka na, hindi kami nakarating. Paalis kasi kami ngayonng daddy mo. Sasamahan ako ng daddy mo sa book signing ko sa Ilocos—"
"Puro kayo trabaho," malamig kong sabi sa kanila kaya pareho silang natigilan at napapahiya silang tumingin sa akin.
"Blossom, ano ba'ng sinas—"
"Ilang beses n'yo ba kailangang sirain ang pangako n'yo?! Anak n'yo 'ko pero binabalewala n'yo ako! Kailan ba kayo sumipot kapag pinapapunta ko kayo? Wala akong maalala kahit isang beses na sinipot n'yo ako."
"Blossom, huwag ka namang ganyan anak—"
"Anak? Nagpapatawa ka ba?"
"Baby, huwag mong sagutin ang mommy—"
"Tuwing birthday ko, kahit kailan hindi ko kayo nakasama. No'ng graduation ko, sabi n'yo darating kayo pero ano? Nasaankayo? Subsob sa trabaho. Tuwing may swimming competition ako, hindi rin kayo uma-attend pero pinalampas ko 'yonlahat. Sabi ko, baka talagang busy lang kayo kaya hindi kayo nagkakaroon ng oras para sa akin. Alam n'yo ba kung ano'ngpakiramdam ko no'ng graduation ko? 'Yong lahat ng kaklase ko, inaasikaso sila ng magulang nila, at ako? Sino'ng nag-asikaso sa'kin? Si Manang Asseng. Sino'ng nagsabit sa akin ng medal? Si Manang Asseng. 'Yong ang saya-saya ng mga kaklase ko kasi kahit wala silang medal, nandoon 'yong parents nila. Alam n'yo ba'yong pakiramdam ko tuwing hindi ko kayo nakakasama kapag birthday ko? Masakit. 'Yong mas importante pa ang trabaho n'yokaysa sa akin. Alam n'yo ba kung ano'ng pakiramdam ko tuwing wala kayo rito sa bahay tuwing Pasko at Bagong Taon? Para akong tangang kumakain mag-isa sa mesa. Ang dami ngang pagkain pero kulang pa rin para sa akin, eh. Kasi wala kayo. Kasi hindi ko kayo kasama. Alam n'yo ba 'yong pakiramdam ko tuwing may family day sa school, 'tapos ako lang 'yong walang magulang?Masakit, eh. Sana pinaampon n'yo na lang ako. Baka sakaling mas nabigyan nila ako ng atensyon. Pero mahal ko kasi kayo,eh. Iniintindi ko kayo kasi alam ko 'yong pinagdaraanan n'yo. Nawalan kayo ng anak, eh. Nawala si Kuya. Naiintindihan ko kayo."
"Blossom, plea—"
"Pero parang nakalimutan n'yo na yata na may isa pa kayong anak. Nandito ako, oh. Anak n'yo rin naman ako."
"Don't say that, ple—"
"Minsan talaga,nakakasawa na magpanggap na masaya, eh."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top